Tina's p.o.v.
Nakatayo lang ako dito sa may parking area ng school habang may earphone na napasak sa aking magkabilang tenga para hintayin ang aking sundo at hawak ko ang aking cellphone sa kamay kasabay ng pagkulikot ko nito para pumili ng kantang papakinggan.
"Tina! hoy girl!" rinig ko mula sa paligid na tinatawag ang aking pangalan. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses sa may kanan ko sa gilid at nakita ko si Aubrey na kumakaway sa akin habang naglalakad siya papunta sa aking kinatatayuan. Tinanggal ko naman ang bagay na nakalagay sa aking tenga.
"anong ginagawa mo dito, di ba dapat nasa praktis ka ninyo sa cheerleading kasi balita ko kinuha ka raw ni Keith as his representative?" bungad ko naman na tanong sakanya ng makarating na siya sa kinatatayuan ko at tumabi sa aking gilid.
"Oo nga eh, para nga akong mababalian ng buto sa hirap ng mga steps tapos may nalalaman pa sila na pahagis-hagis saka tumbling, mabuti na nga lang at natapos agad ang ensayo namin kasi kung hindi ay baka nabalian na ako dahil sa pinagagawa nila sa akin" reklamong kwento niya sa akin na parang bata ang pananalita niya. Then now she know the real reason kung bakit ayaw kong sumali sa cheerleading kasi bukod sa mahirap na rotation then it also sacrifice the build of bone which make measure the strength it had.
"now you know, di naman kasi madali ang cheering lalo na kung di naman flexible and di kaya ng katawan mo ang mag-bend kaya kung ako sayo as your friend who concern with your good ay mag-back out ka na lang habang pwede pa para makahanap na sila ng papalit sayo at wag na silang umasa pa" payo ko sakanya, gusto kong malaman niya na nag-aalala lang ako sakanya kasi paano kung di niya pala kaya ang uri ng larangan ng sayaw na ito.
"sa una lang naman siguro mahirap pero sa tingin ko ay kaya ko naman kapag tumagal na, what they can then I could especially if I know that I would" kampanteng sagot naman niya pero napakibit balikat siya sa kanyang pagsalita.
"ikaw bahala basta kung ano man desisyon mo ay nandito lang ako para mag-support sayo as your friend" sagot ko naman sakanya then she give me a smile as her reply.
Natahimik kami ng ilang sandali pa na magkasama tapos dumating na rin ang isang pamilyar na kotseng sasakyan na aking sundo. Huminto ito sa harapan naming dalawa kasabay ng pagbaba ng bintana sa may driver seat, bumulaga sa amin ang gwapong itsura ng pinsan ko.
"Kuya Neil, bakit ikaw ang susundo sa akin?" nagtatakang tanong ko sa aking pinsan, nakita ko na parang nagulat siya ng makita si Aubrey at ganun din naman si Aubrey sakanya ng lingonin ito.
"ikaw ulit?!" magkasabay nilang dalawa na sambit at ako naman ang nagulat sa reaksiyon nilang dalawa kasabay ng nakakabingi nilang sigaw lalo na kay Aubrey na malapit sa tenga ko ang bunganga niya.
"bakit, magkakilala na kayo ng pinsan ko?" nagtatakang tanong ko kay Aubrey na nakanganga pa ng humarap siya sa akin, napakunot noo ako ng makita ko ang kanyang itsura habang napatango-tango naman siya bilang sagot sa akin.
"yup, and finally nagkita ulit tayo!" sagot ng pinsan ko kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ng kanyang sasakyan saka siya lumabas at tumayo sa harapan ni Aubrey. Napayuko naman ang kaibigan ko habang inilagay pa ang kanyang kamay sa mukha niya na itinatago sa pinsan ko.
He is my cousin Neil Luzbac, actually kararating niya lang mula sa Switzerland and I can't believe na magkakilala na pala sila ng new friend kong ito na si Aubrey na siya rin siguro ang sinasabi ng pinsan ko na nakasabay niya sa eroplano at ang mamala-Miss Universe na modelo sa airport ang rumampa but in the end ay natapilok kaya naman pinagtawanan ng mga tao sa paligid, yan ang pagkakaalam ko ayon sa kwento ng pinsan ko saakin.
"total naman magkakilala na pala kayo eh bakit di ka nalang kaya sumabay sa amin ng pinsan ko para makapagkwentuhan pa tayong tatlo, ano sa tingin mo?" pagyaya kong tanong kay Aubrey saka ko tinanggal ang kanyang kamay na nakaharang sa kanyang mukha, humarap naman na siya saamin na halatang itinatago ang magkasamang hiya at kaba sa itsura ng pagmumukha niya.
"wag na eh nakakahiya naman saka hindi rin naman ninyo alam ang address ng tahanan namin tapos baka maabala ko pa kayo" palusot niya na rason sa amin pero sabagay nga naman she have a point na baka nga naman talaga ay maligaw lang kami sa paghatid sakanya sa lokasiyon ng bahay niya.
"of course not, just trust me and I will sure you na makakauwi ka sainyo ng buo at ligtas na tama sa oras saka sa panahon" medyo may sa mayabang na boses sa tono ng sagot sa pananalita ng pinsan ko na may nalalaman pa na pataas ng kaliwang kilay niya na parang kumikindat.
"no need, magta-taxi na lamang ako, baka may lakad ka pa, salamat na lang" pilit na pagtatanggi ni Aubrey sa paanyaya namin ni kuya Neil, huminga muna ako ng malalim bago sumagot sakanya.
"alam mo wag ka ng magmatigas pa diyan, sumabay ka na lang saamin ng makauwi na tayo kasi I'm sure na hindi ka naman titigilan ng pinsan ko hanggang di ka sumasama sa amin" pamimilit ko sakanya saka ko siya hinawakan ng mahigpit sa braso habang binuksan naman ni kuya Neil ang pintuan sa likuran ng kanyang sasakyan saka ko sapilitang itinulak si Aubrey para makapasok sa loob nito hanggang sa wala na siyang nagawa pa kundi ang sumama na lang saamin.
Pumasok na rin kami ni kuya Neil sa loob pero sa may tabi ako ni Aubrey sa may likuran habang sa unahan naman siya sa may driver seat umupo kasi siya ang magmamaneho nitong kotse na pag-aari naman niya.
"huwag kayong mag-alala kasi ligtas naman akong driver kung magmamaneho, pakisuot nalang ng inyong seatbelt for the assurance of your security and safety" paalala ng pinsan ko saka na niya sinimulan ang pagpapaandar ng makina habang isinuot na rin namin sa aming mga katawan ang seatbelt na meron ang sasakyan niya.
"ang hambog mo rin pala, teka alam mo ba ang daan papunta sa bahay namin?" paniniguradong tanong ni Aubrey na may takot sa tono ng boses niya, she don't have believe with my cousin.
"of course I know, iba yata ito si Neil Luzbac, saka dati na rin akong nakapunta sainyo kasu nga lang di mo ako nakikita kasi lagi kang busy sa mga katulong ninyo sa pakikipagkwentuhan sa kanila" kwentong sagot ni pinsan na ipinagtaka ko at maging si Aubrey dahil sa sinabi niya.
"ha? paanong nakarating ka na sa bahay nila dati pa?" pag-uusisa kong tanong sakanya habang napapaisip naman ang kaibigan ko, ngumisi naman si kuya Neil bago siya sumagot.
"correct me if I'm wrong, hindi ba ikaw ang kapatid ng nag-iisang the Great Greg ng School?" patanong ni pinsan, halata ang pagkabigla ng reaksiyon ni Aubrey sa itsura niya habang nakapukos lang ang atensiyon ng mata nitong pinsan ko sa daan at sa pagmamaneho niya.
"paano mo nalaman ang tungkol saakin at sa kuya Greg ko?" tanong ni Aubrey, parang nawawala na ako sa pinag-uusapan nilang dalawa, I don't have any idea about their agenda.
"I told you di ba na nakarating na ako dati sa bahay ninyo, saka sino ba ang di makakakilala sa kuya Greg mo sa school eh sa galing niya ba naman maglaro ng basketball tapos naipagsasabay niya pa ang course niya na law with excellent grade, ang hirap kaya ng ganun, he's really professional" pagsasagot ng pinsan ko, pinaikot-ikot ko nalang ang aking paningin sa dalawa kasabay ng pananahimik ko sa pagkakaupo, nakakahanga naman pala ang husay ng kapatid nitong kaibigan ko.
"bakit, sino ka ba talaga sa buhay ng kapatid ko? ano ka ba ng kuya Greg ko?" sunudan na tanong ni Aubrey, napangiti naman si pinsan.
"di mo talaga ako nakikilala, I'm his boy friend before, I mean lalaking kaibigan dati kasu nga lang nagkahiwalay kami after graduation namin kasi bigla ko siyang iniwan ng walang paalam, baka nga siguro nagtatampo o galit sa akin ngayon ang kuya Greg mo" pagpapaliwanag ng pinsan ko.
"ahhh! talaga ba, wala naman kasi siyang naikukwento sa akin na kaibigan niya except sa isang tao na sobrang kulit daw at papansin sakanya na kulang na nga lang raw ay gulpihin niya ng bugbog" kwento naman ni Aubrey na parang napaisip pa siya habang nagsasalita maging sa tono ng boses niya parang confuse siya.
"ang loko na Greg talaga na yun, pero sabagay I can't blame him eh sa pagkapilosopo at maingay ko ba naman sa klase na halos lahat ng guro sa amin seksiyon ay nagagalit sa akin, alam niyo I'm so thankful na pumayag siya na maging kaibigan ko, I'm so lucky to have him in my life" salaysay naman ni pinsan in full detail, napatango naman kaming dalawa ni Aubrey dahil sa sinabi niya.
"bakit ka naman magiging thankful sakanya for having him in your life as your friend?" tanong ni Aubrey in curious tone, sabagay nga naman - bakit nga ba?
"sinabi ko na di ba na he's really professional so it means na wala siyang inatupag kundi ang mag-aral then doing his part as being famous varsity player ng school, ang daming babae nga na nagkakagusto kaya sakanya sa university pero lahat yun snob at siya na mismo ang nagbabasted kapag gusto siya na ligawan ng mga ito" pagsasagot na paliwanag na kwento ng pinsan ko, mapapa-wow ka na lang talaga sa sinabi niya na sana lahat may maraming nagkakagusto, sana meron din saakin.
"so paano kayo naging close?" interesado na tanong ni Aubrey at ganun din ako na nakikinig sa kanilang dalawa na pinag-uusapan.
"it's simple, because I need him and he need me, we use each other until the all within the both of us will become real as we don't expect to be happen" nakaka-interesado niya na panimula ng kwento kasu napahinto siya sa pagsasalita at naglabas pa siya ng hangin mula sa bibig niya.
"so ano ang nangyari sainyo?" tanong ni Aubrey sakanya at kapwa kaming magkaibigan na parang temang na tanga sa paghihintay sa karugtong ng isasalaysay nitong pinsan ko.
"parang intersado kayo na malaman ang tungkol sa amin na dalawa, pero sige para mabawasan ang boring ninyo ay magiging driver at dj niyo ako, ganito kasi yun - may isang babae kasi noon sa university namin ang nagkakagusto sakanya ang laging nakasunod sakanyang pupuntahan; sa library, nakikiupo ito sa tabi niya sa iisang mesa para sumabay sakanya sa pag-aaral, sa canteen naman sinusundan siya nito at nakikipag-share ng lunch o ng pagkain saka sinasabayan siya at umuupo pa talaga ito mismo sa tabi niya na di na nakuntento at gusto pang subuan ang kuya Greg mo, sa basketball praktis at kahit sa tournament ay laging nakasunod din sakanya para i-cheer siya na kulang na lang ay maging cheerleader ng team, kung kaya naman--" pinutol na naman niya ang kwento kasabay ng paghinto niya nitong sasakyan.
"ayh wow pinsan, alam mo pabitin ka - so paasa! itinigil mo na nga ang kwento mo tapos pati ba naman ang sasakyan inihinto mo pa, grabi ka!" naiinis kong saad sakanya eh sa totoo naman na nabitin ako sa kwento niya, muli siyang nagmaneho kasabay ng muling pagpapatuloy niya sa kanyang kwento.
"pinatawag ako noon ng principal sa office kasabay ng balitang isa ako sa may mababang marka na maaaring hindi makasama sa makakapag-graduate pero humingi ako ng isa pang chance para maipasa ang mga bagsak kong grado, sinabi niya na bibigyan nila ako ng special exam sa lahat ng failed subjects ko at kailangan ko daw iyon maipasa, isang linggo na puro self review bilang paghahanda, nang araw din na iyon ay agad akong pumunta sa library para magsimula na mag-aral, nakita ako ni Greg na sobrang nahihirapan at dahil sa matalino at matulungin siya ay nilapitan niya ako at inalok na maging tuitor ko siya at pumayag naman ako kapalit ng magpapanggap kami na mag-jowa para lang layuan siya ng babae na todo kung habulin siya at ako naman na takot bumagsak at mapagalitan saka magulpi ng daddy ko eh pumayag na rin, lahat ginawa namin kahit sa social media nag-upload kami ng sweet photos and in-relationship status pero lahat pagpapanggap lamang and then the end" napakahaba na kwento ni kuya Neil saka inihinto na niya ulit ang sasakyan, medyo nabitin ako sa katapusan ng kwento niya tungkol sa kanilang dalawa pero wala eh kasi yun na siguro talaga ang ending nila.
"yun na ba lahat yun? nakakabitin naman" reklamo ni Aubrey na napakamot pa sa ulo niya.
"yes po señorita, saka nandito na rin po tayo sa tapat ng labas ng bahay ninyo, and look your safe" sagot naman ng pinsan ko sakanya na may nalalaman pa na hand gesture.
"ah ganun ba, pasok muna kayo sa loob para magkapagmeryenda naman kahit saglit lang" paanyaya na alok naman ni Aubrey na sagot sa amin habang tinatanggal niya ang seatbelt na nakasuot sa kanyang katawan.
"thanks but maybe next time nalang siguro, medyo busog pa naman kami" sagot naman ni kuya Neil saka binuksan na ni Aubrey ang pintuan sa tapat niya.
"okey, kayong bahala and by the way salamat din pala sa isang safety trip ng paghatid ninyo sa akin" pagpapasalamat niya saka na siya lumabas sa sasakyan at isinara ang pintuan.
"welcome! sa susunod ulit" sagot naman ni pinsan saka pinaandar na niya ang sasakyan, iniwan na namin si Aubrey na mag-isang nakatayo sa labas ng bahay nila habang kumakaway na nagpapaalam sa amin.