webnovel

My Beautiful Husband

WARNING- matured content... R-18... SPG? BXB Story He has a dazzling beauty like a girl. Then a handsome fall inlove with him. Read it. If you want to know the whole story. If how they meet. If how thier destiny played with them.

Yu_ChenXi · Otras
Sin suficientes valoraciones
33 Chs

#32: Clyde

32

"Clyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyde." Narinig kong sigaw ni Zoey. Pero hindi ko na kaya pang imulat ang mga mata ko at maigalaw ang kamay ko.

What was just happened? Yes! Maalala ko na. We are in a battle againts to Zoey's kidnapers. At

"Please. Don't leave. Don't die. Don't die." Ramdam ko pa ang paghihinagpis sa tuno ng boses niyang pakiusap sa akin.

Gusto ko man imulat ang mga mata ko. Gusto ko man sabihin sa kanya na huwag siyang umiyak. Haplusin ang mukha niya at iparamdam sa kanya na hindi ako mawawala sa kanya. Pero hindi ko na kaya. Hinang hina na ang katawan ko. Hindi ko na kayang igalaw ang katawan ko.

Nasasaktan man ako na marinig ang hagulgul niya ng iyak ay wala man lang ako magawa para patahanin siya. Ito na ba katapusan ng lahat. Ang tuluyan akong mawala sa mundong ito.

Paano na si Zoey, ang taong mahal ko. Kaya ko bang iwan siya sa ganitong kalagayan. At hindi pa ako nakakasiguro kung makakaligtas ba siya sa kamay ni Haisuki.

"Aaaaaaahhhhhhhhhh."isa pang  malakas na sigaw ang pinakawalan niya. Bago ko naramdaman ang mahigpit na yakap sa akin. Ramdam ko ang paghalik siya sa buong mukha ko. At sa labi ko.

Ang init na nagmumula sa labi niya ay unti unti ng nawawala. Nakaramdam na ako ng panlalamig. Namamanhid na ang buong katawan ko. Hindi ko na maramdaman ang init ng katawan ni Zoey na nakayakap sa akin. Anong nangyayari. Bakit wala na akong maramdaman. Hindi pwede. Hindi.  Hindi pa ako handang iwan siya. Hindi ito maaaring mangyari.

*********

"Zoey!" Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang nakatayo sa isang pintuan na nababalutan ng liwanag. Nakakasilaw ang liwanag non.

Tumingin ito sa akin saka ngumiti.

"Where are you going?"tanong ko pa ng hindi ito nagsalita. Pero iniahad niya ang mga palad sa akin. Nagsusumamo ang mga matang nakatingin lang sa akin.

Napansin ko din ang suot niyang nagliliwanag iyon sa kaputian gaya ng suot ko.

Nasaan ba kami. Bakit nababalutan kami ng walang hanggang kaputian ng paligid. Nakakasilaw sa mata.

Teka! Nasa langit na ba ako. Namatay na ba ako ng tuluyan. Pero bakit narito si Zoey. Anong ginagawa niya rito kung nasa langit na ako. Don't tell me, Zoey is already dead kaya siya ngayon narito. Inilalahad ang kamay sa akin at sabay kaming papasok sa pintuang kinaroroonan niya ngayon.

Pero hindi pwede. Hindi siya maaring mamatay. Hindi kami pwedeng mamatayng ganun na lang.

"Come! Lets go together. My love."malamig na boses na tawag niya sa akin.

Pero ang salita niyang iyon ang siyang nakapagpabasag sa nakakabinging katahimikan. Wala akong ibang marinig maliban sa tibok ng puso ko. Oo! Tumitibok ang puso ko.

Hindi pa ako patay. Tumitibok ang puso ko.

"Love, my heart is beating."nakangitibg sabi ko sa kanya. Pero nawala naman ang ngiti niya sa mga labi at napalitan iyon ng lungkot. At binawi na ang kamay na nakalahad sa akin kanina pa.

"Why Love?"tanong ko. "Aren't you happy that my heart is beating? I'm alive. Hindi na kita iiwan."

"I'm happy that your heart is beating now. Go! And leave this world where we are now. And continue living with our friend. And family."

"Yes Love. We are going to leave this place together. Lets go."aya ko sa kanya at ako naman ang naglahad ng kamay sa kanya.

"I can't my Love. I can't leave this place. All I need to enter this door. And you, enter that door behind you."

"No! You can't enter that door Love." Tanggi ko. Ano ba ang sinasabi nito na hindi niya pwedeng iwan ang lugar na ito. What happen? "Lets get out of here together Love. Please, hold my hand. Don't enter that door."

Muling gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa mga labi niyang nakatingin sa akin. Hindi na ito sumagot pa bagkus tumalikod na ito at nagsimulang maglakad patungo sa pintuang nababalutan ng liwanag.

"No! Zoey. No!" Sigaw ko. Gusto ko siyang takbuhin at pigilan pero bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Parang ipinako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko sa bigat ng mga iyon.

Anong nangyayari. Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko para pigilan siya.

"Zoey! Please no.!" Muli kong sigaw pero hindi na ito lumingon sa akin. Hindi ko na alam kung kailan tumulo ang luha ko na masagana ng naglandas sa mga pisngi ko.

Ang bigat sa pakiramdam ko na makitang unti unting naglalaho siya sa paningin ko. Ang sikip ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

"Noooooooòoooooooooo!" Isa pang malakas nasigaw ang pinakawalan ko ng tuluyan ng mawala siya sa paningin ko. Nanlulumo akong napaupo at napahagulgul ng iyak.

*********

"Tito, gising na si Clyde."narinig kong sigaw ni Kelly. Alam kong kanya ang boses na iyon kaya hindi ko na siya kailangan lingunin pa.

Pinilit kong imulat ng maayos ang mga mata ko dahil nasisilaw ako sa liwanag sa paligid. Parang ang bigat bigat ng talukap ng mga mata ko na para bang ang tagal kong nakapikit. Hindi ko din halos maigalaw ang ulo ko para ibaling sa iba ang paningin ko dahil parang nangangalay ang leeg ko.

"I will call the doctor tito." Si Monica iyon.

Doctor? Kung ganun nasa hospital ako. Buhay ako at humihinga.

Pilit kong iginalaw ang mga kamay ko dahil naramdaman ko na may likidong naglalandas sa gilid ng mga mata ko.

Luha! It was a tears came out on my eyes.

Yeah! I was crying ng mapanaginipan ko si Zoey. And It was just a dream. A bad dream. Dreaming Zoey habang binabagtas ang pintuan na walang hangganan.

"Are you ok son?"tanong ni Papa ng lumapit ito sa akin saka ikinulong ng mga palad niya ang isa kong kamay.

"Yes.!" Halos walang boses na lumabas sa bibig ko ng sabihin ko iyon. Bakit pakiramdam ko ang tagal kong hindi nagsalita. "Yes!" Ulit ko but this time may alam kong narinig na niya ang sinabi ko.

Hindi na ito muling nagtanong dahil dumating na ang doctor na tinawag ni Monica. He examine me all the way at sinabi niyang maayos na ako at wala na dapat silang alalahanin.

"Anong araw ngayon?"tanong ko ng makaalis na ang doctor at nagpilit akong umupo dahil pakiramdam ko ang bigat na ng likod ko.

"Its friday, 11 of june." Sagot ni daddy.

"What?" Gulat na tanong ko. "June? Dad are you kidding me?" Tanong ko pa dito.

"How can I Clyde." Balik tanong niya sa akin. "Mag iisang buwan na ng maitakbo ka nina Sunny dito. Dahil sa dami ng dugo na nawala sayo at operasyon para matanggal ang bala malapit sa puso mo kaya matagal kang walang malay."paliwanag nito saka umupo na sa tabi ko. Iginala ko ang paningin ko sa paligid.

Nakapalibot ngayon sa akin sina Bobby, Sunny, Jacob, Clark, Kelly at Monica. Narito din si Azami na nakatayo sa tabi ni Jacob. Nandito din sina Tita Kylly at tito Timothy. And also Zoey's parent. Sina tito Zyrel at tito Bryant.

"Pinag alala mo kami ng husto master."si Clark. Kala ko iiwan mo na kami ng araw na iyon." Sabi pa nito.

"Masamang damo mahirap mamatay."si Jacob. Siniko ito ni Azami na nasa tabi niya. "Ano ba Azami, nananakit ka na ah." Sita nito dito. Saka binigwasan din ito ng siko pero nasangga lang ni Azami iyon.

Hindi parin sila nagbabago. Nagbabangayan parin sila hanggang ngayon. Ewan ko lang kung ganyan parin sila pagdating sa bagay na iyon. Napag alaman ko kasi kay Zoey minsan na nag lalaban parin ang mga ito kung sino ang botton sa kanilang dalawa. Kung sino daw ang matatalo ay iyon ang sa ilalim. Kaya alam kong si Jacob ang botton sa dalawa dahil kung gaano kagaling si Zoey ay mas magaling naman si Azami. Kaya sigurado akong si Jacob ang laging talo sa mga ito.

"Watch your word Jacob."pinanlakihan pa siya ng mata nito.

"By the way where is Zoey."tanong ko ng hindi ko siya makita. Kanina ko pa siya hinahanap pero bakit wala parin siya.

Biglang silang natahimik sa tanong ko. Nawala na ang ngiti nila sa mga labi.

Kunot nuo ko silang tinignan isa isa.

"What was the long face mean guys."tanong ko. "May pinuntahan ba siya? Siya na lang yata ang wala dito ah."

"He is here Clyde."si tito Zyrel ang sumagot saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. Nakangiti man ito pero hindi umabot sa mga mata nito.

"Where?"tanong ko at muling iginala ang paningin sa paligid pero wala akong makitang Zoey.

Tinignan ko sina Bobby ng gumalaw sila at umalis sa kitatayuan. Ganun din ang iba.

"He is there."sabay turo ni tito Zyrel sa isang bulto ng katawan na nakahiga sa hospital bed. It was Zoey.

"W-what happened?" Tanong ko at agad akong kumilos para bumaba sa kama ko at halos mahulog na ako sa kama ko ng pigilan ako ng papa.

"Dahan dahan, Clyde. Baka sumabit ang suwero mo. "Umalalay ito sa akin sa pagtayo dahil parang wala pang lakas ang mga paa ko dahil sa matagal na hindi naigalaw.

Pero pinilit kong maglakad kahit mabibigat at mabagal ang naging hakbang ko. Ang mahalaga malapitan ko si Zoey.

Hindi ko alam ang una kong gagawin ng makita ang mahimbing at walang malay na si Zoey. Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ito sa pisngin bago ako tumingin kina tito Zyrel.

"A-anong nangyari? Bakit nandito siya. I was the one who hit. Why is he here lying in the bed."sunod sunod na tanong ko sa kanila. "What the hell was happened?"sigaw ko ng hindi agad sila sumagot.

"Calm down Clyde. We can tell you everything we know. Just calm your self down."pang aalo sa akin ng daddy at hinugod ang likod ko.

"Now! Tell me, what happened?" Tanong ko ulit sa mahinang tuno habang mahigpit na hinahawakan ko ang palad niya and place it into my lips.

"Ng dumating kami ni Bobby kung nasaan kayo nina Zoey at ng Haikusi na iyon ay naabutan ka na naming walang malay." Si Sunny. "Nahuli na ang mga kasamahan ni Haisuki kaya nag iisa na lang siya. Niyaya na namin siyang umalis duon pero nagmatigas siyang mag paiwan. May tama siya sa braso at higit sa lahat may daplis na tama siya sa ulo."

"Then iniwan niyo lang siya mag isa duon."galit na sigaw ko dito.

"Hindi namin balak iwan siya master."si Bobby. "Pinilit namin siya pero may kakaiba sa kanya ng oras na iyon. Nanlilisik ang mga mata niyang tinignan kami ng tingin at pinagbantaan niya kami na kung hindi kami aalis kasama ka. Ay pare-pareho tayong mamatay duon. Akala namin hindi siya seryuso sa sinabi niyang iyon pero iba ng iba siya sa Zoey na kilala natin. Walang pinakikinggan. Kaya kahit ayaw namin, iniwan namin siya at kasama ka naming umalis."

"Damn! Fuck! Fuck!." Mahina pero may tigas na tuno sa bawat pag mumura ko. Muli kong tinignan si Zoey. May makabal na benda sa ulo nito.

"Then, we arrived at the right time."si tito Zyrel. "We see him holding the katana at handa na siyang ihiwalay ang ulo ni Haikusi sa katawan niya. Paulit ulit niyang sinasabi na gusto pa niya ng mas higit pa sa tinamo ni Haikusi. He is not the Zoey we've known. He was like possessed by a demon."paliwanag pa ni tito Zyrel. "Halos hindi pa mahila ng tito Bryant mo sa kanya ang katanang hawak dahil sa kakaibang lakas na bumalot sa kanya. Luckily he didn't done so such a thing."

Lumapit sa akin sin Sunny saka may ipinakita ito sa cellphone niya. Hindi ko nakilala ang bangkay sa larawan dahil sa basag na basag na ang mukha nito at naliligo sa sariling dugo. Halata din na lamog na lamog na ang katawan dahil nangingitim na ang buong katawan nito. May tama rin ng baril sa magkabilang hita, sa magkabilang balikad, sa dibdib at sa nuo nito.

"Who is this?"tanong ko sa kanila ng hindi ko iyon mamukhaan. "And who did this to him?"

"Zoey did that." Si tito Bryant ang sumagot. "And that was Haikusi."

"What?"nanlalaki ang mga matang tinignan ko sila saka ko binalingan si Zoey na payapang nakapikit. Umiling ako. "Hindi niya magagawa iyan."sabi ko sa mga ito.

"But he did it, Clyde." Si tito Zyrel. "He did it for you. Maybe when you got shot, ay binalot na siyang galit at ang pagnanasang maipaghiganti ka niya.

"How about Warren?"tanong ko sa mga ito. "Ang huling maalala ko ay una siyang nawalan ng malay kaysa sa akin."

"Maayos na ang kalagayan niya. Mas nauna siyang nakabawi ng lakas kaysa sayo. Nagpaalam na din siya sa amin na babalik na daw siya sa US kung saan na base ang iba niyang mga negosyo."

Hindi na ako nagsalita pang muli. Tinignan ko ang himbing at wala paring malay na si Zoey. Hinaplos ko siya sa pisngi at dinampian iyon ng halik.

"Anong sabi ng doctor niya?"tanong kong muli sa mga ito.

Sinabi ni tito Zyrel ang lahat. Dahil daw sa tama niya sa ulo kaya unconsious ngayon ang kalagayan ni Zoey. Hindi na din daw nagreresponse ang katawan nito sa mga gamot na itinuturok sa kanya. At kung wala na daw ang oxygen na nakalagay sa mismong bibig nito ay hindi na ito humihinga.

"Hindi totoo iyan."nanlulumo akong tumingin sa mga ito.

"Yes! Hindi din kami naniniwala Clyde. At alam kong lumalaban si Zoey para sa atin."si tito Zyrel at nagsimula ng tumulo ang mga luha nito. Umalalay naman agad si Tito Bryant sa kanya.

Lumipas pa ang mga sandali. Nagpaalamna ang ilan sa mga bumisita sa amin. Pinagbigay alam nadin ng doctor ko na pwede na din daw akong lumabas. Pero mas pinili kong manatili sa hospital kasama si Zoey. Ako ang magbabantay sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang gumising. Gusto kong ako ang una niyang makikita pag mulat niya ng mga mata.

Mabilis din na lumipas pa ang mga araw. Ganun padin ang sitwasyon nito. The doctor say, he is still unconsious. Walang palatandaan na magigising pa siya sa pagkakacoma.

"Umuwi ka na muna Clyde, kami na muna ang bahala kay Zoey. Magpahinga ka muna."

"No! I want to be with here all the time tito. Ayos lang ako."sagot ko kay tito Zyrel.

"Hindi makakatulong sa atin kung pati ikaw ay magkakasakit ulit. Halos kagagaling mo ang din dito kaya huwag matigas ang ulo mo."si tito Bryant na seryusong nakatingin sa akin.

Ayaw ko man sana umalis ay sumunod ako sa sinabi nito. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako babalik. Uuwi lang ako saglit para magpahinga at babalik din ako kaagad.

Ng makapagpahinga ako at makatulog ng limang oras sa bahay ay nagbihis na ako para makabalik kaagad sa hospital. Nagdala na din ako ng lutong ulam para kina tito Zyrel at tito Bryant.

Nasa pasilyo na ako papunta sa silid ni Zoey ng mapansin kong nagkakagulo sila duon mismo sa silid nito. Narinig ko pa ang pagsigaw ng malakas ni tito Zyrel.

Kinilabutan ako. Halos liparin ko ang kinaruruonan nila ng mga sandaling iyon. Ang daming mga pulis at mga doctor.

Anong ginagawa ng mga pulis dito. Bakit nagkakagulo ang mga doctor. Nagwawala si tito Zyrel at galit na galit na sumisigaw si tito Bryant.

What happen. What exactly happened to Zoey?

Halos makipagsiksikan ako para lang makapasok sa loob. Nakita ko si tito Zyrel na humahagolgol ng iyak habang yakap ito ni tita Kylly. Habang ang tito Bryant ay galit na kinakausap ang mga guwardiya ng hospital at mga pulis na din na nanduon.

"Anong klaseng guwardiya kayo at hindi niyo napansin na may inilabas na palang pasyente sa hospital na ito. Mga wala kayong kwenta."sigaw nito halos marinig na sa buong hospital sa lakas niyon. "Papabagsakin ko ang hospital na ito oras na may masamang nangyari sa kanya. Isinusumpa ko iyan. Mga walang kwenta."

Hindi ko maintinihan ang mga nangyayari. Bakit? Sino? Ano? Mga katanungan sa isip ko. Lumapit ako kay tito Zyrel.

"Tito. What happen?"lakas loob na tanong ko.

Tumingin ito sa akin. At muli itong umiyak ng makita ako saka yumakap sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay kung idinantay ang mga palad ko sa likod ni Tito Zyrel.

"Tito."muli kong tawag sa kanya. Hindi ito nagsalita. Dahil iyak ito ng iyak. Halos mabasa na ang polo ko dahil sa mga luha niyo. Pero hinayaan ko na lang siya.

Hanggang sa magawi ang paningin ko sa higaan ni Zoey. Lukot ang kubrikama nito. Nasa sahig ang kumot nito. Nakalambitin din ang suwero nito at naalis ang oxygen.

At higit sa lahat. Zoey is not there. Wala si Zoey sa higaan niya. Nasaan siya?

"Tito where is Zoey?"agad akong kumawala kay tito Zyrel s pagkakayakap niya sa akin at humawak ako sa magkabilang balikat niya.

"They kidnap Zoey again."halos walang boses lumabas sa bibig nito na sabi sa akin.

Halos hindi mag sink sa utak ko ang sinabi ni tito sa akin.  Nakatitig lang ako sa kanya habang humihigpit ang pagkakahawak ko sa mga balikat niya.

Hanggang sa tuluyan na akong sumigaw ng ubod ng lakas.

"Noooooooooooooooo!"

*******

@YuChenXi