31
"Claaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyde." Isang mahaba at malakas na sigaw ang pinakawalan ko ng makita kong tuluyan ng lumungayngay ang ulo nito sa mga braso ko.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah." Muli kong sigaw. Halos lumabas na lahat ng ugat sa leeg ko at mamaos ang boses ko sa lakas na sigaw na pinakawalan ko.
Kahit si Warren. Wala na din malay. Bakit pati ito ay nadamay. Gusto ko man siyang daluhan pero ayaw kong bitawan si Clyde.
Hindi ko na alintana ang ayos ko. Nakahalupasay ako sa sahig habang kalong ko ang duguang katawan niya sa kandungan ko. Hindi ko alam kung saan ko siya ngayon hahawakan. Sa mukha ba niya na payapa ng nakapikit o sa mga tama ng mga baril sa katawan niya. May tama ito sa tiyan, braso at higit sa lahat ay tama malapit sa puso.
Naghalo halo na ang malapot na pawis, luha at sipon sa mukha ko pero hindi ko na alintana iyon. Nanginginig na ang katawan ko at hindi makapag isip ng mabuti dahil sa nangyari dito.
"Bakit mo sinalo ang bala na dapat sa akin tumama." Napahagulgul ako ng iyak habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung naririnig pa niya ako o hindi na.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Iyon na lang ang alam kong gawin ngayon. Ang yakapin siya at ikulong sa katawan ko.
"Clyde. Don't leave. Please, don't die. Don't die. Don't die." Paulit ulit na sabi ko habang masaganang tumutulo ang mga luha ko.
Hinalik halikan ko pa siya sa nuo. Sa pisngi, sa buong mukha niya. At sa mga labi.
Isang malakas na tawa ang nakapagpabalik ng nawindang na isip ko. Tumingin ako kay Haisuki. Ang lalaking baliw na tumangay sa akin. Siya ang dahilan kaya nabaril si Clyde. Siya ang dahilan kaya nadamay din si Warren. Siya ang dahilan kung kaya nagkakagulo na sa labas.
"Kill him! Kill him! Kill him!." Ang mga salitang tumatakbo ngayon sa isip ko.
Kumilos ang katawan ko ng kusa. Nabuhay ang galit sa katawan ko at matalim na tinignan ito.
Maingat na ipinahiga ko sa sahig ang wala ng kagalaw galaw na si Clyde bago ako tumayo. Tama namang bumukas ang pinto at iniluwa duon sina Bobby at Sunny.
"Where is Clyde, Zoey."tanong ni Sunny sa akin.
Hindi ako nagsalita. Itinuro ko siya gamit ng pagtingin ko sa wala ng malay na si Clyde na nakahiga sa sahig.
Agad nila itong dinaluhan.
"Humihinga pa siya."si Bobby ng damhin ang pulso nito.
"They are all capture Zoey. Lets take Clyde to the hospital."
"You can't leave here without my permission." Sansala ni Haisuki.
"Take him, Bobby. Sunny. And also take Warren with you." mahinang utos ko sa dalawa. "Leave this bastard to me."
"But Zoey, you also injured."si Bobby ng makita na may tama ako sa kaliwang braso. Pero daplis lang iyon kaya hindi ko masyadong iniinda ang sakit. "Your head is bleeding."
Hinawakan ko ang ulo at may malaput na likido nga duon. Pero bakit hindi ko maramdaman ang sakit duon. Hindi ko din alam kung saan at kailan ko iyon natamo.
"I said take them. And take them to the hospital."pambabaliwala ko sa sinabi niya at may pagbabantang tinignan ito. "You will take them, or you two will both died here ."galit na banta ko.
Ayaw man sana sumunod sa sinabi ko ang mga ito pero gumalaw sila at pinagtulungang buhatin sina Clyde at Warren palabas ng silid na kinaruruonan namin. Binigyan pa ako ng pag aalalang tingin ng dalawa bago sila tuluyang lumabas.
"Anata no koibito wa mōsugu shinimasu Zoey-kun." (Your lover will be dead soon.)nakangisi pa ito at sinabayan ng kibit balikat habang hawak parin ang baril sa mga kamay. "Anata ga watashitoisshoni kite mo kamawanai to omotte irunara, anata no koibito wa shinde inakattadeshou." (Kung sumama ka sa akin ng kusa, hindi sana siya mamamatay.) "And also the other one Zoey-kun. He love you and willing to give up his love just to save you. But sad to say, they will be died soon."
"He is not dead yet. They are not going to die." Halos walang boses na lumabas sa bunganga ko ng sabihin ko iyon. Mabagal ang ginawa kong paghakbang palapit dito. Ngayon kami na lang dalawa ang narito. Magagawa ko lahat ng gusto ko. At sabi ni Sunny, nahuli na ang ibang kasamahan nito. Pero hindi ko hahayaang mahuli ito ng ganun kadali ng hindi nahihirapan. Pagbabayaran niya ang ginawa niya kay Clyde. At ganun din kay Warren. At ganun din sa ginawa niya sa akin. Hindi man ito magtagumpay sa binalak gawin sa akin kani kanina lang ay maniningil parin ako.
Pakiramdam ko ang gaan gaan ng mga paa ko habang naglalakad ako. Wala akong maramdamang iba kundi galit at pagnanaang maipaghiganti ko si Clyde. Wala akong marinig na yabag mula sa paghakbang ko. Ang tanging naririnig ko ay ang salitang "kill him." Na kanina pa nagsusumigaw sa buong katauhan ko.
Nabalutan na ng kadiliman ang isip ko. Napuno na ng galit ang isip at puso ko. Ang tanging gusto ko na lang gawin ngayon ay ang patayin ito.
Pinaghalo mang takot at galit ngayon ang nasa puso ko. Takot na tuluyang mawala sa akin si Clyde at galit sa taong bumaril sa kanya. Pero mas nananaig ang galit ko kaysa takot dito.
"Nani o suru tsumoridesu ka." Seryusong tanong niya sa akin habang patuloy ako sa paglapit sa kanya.
"Shoot me."mahinang utos ko dito habang matalim akong nakatingin sa kanya. "Shoot me."pang uulit ko.
"Dekimasen Zoey-kun." Tanggi nito. Pero naalarma din ito ng patuloy ako sa paglapit sa kanya. Bahagyan itong umatras ng ilang hakbang.
"Shoot me."ulit ko. Sa pagkakataong ito tumigil ako ng may isang dipa na lang ang layo ko sa kanya. "If you can't shoot me, I will kill you." Seryusong banta ko sa kanya.
"Anata wa watashi o korosu koto ga dekinai Zoey- kun." (You can't kill me.) May kumoyansang sabi nito habang nakatutok parin ang baril nito sa akin.
Muli ko siyang tinignan ng matalim na tingin.
"You will pay for what you've done. Because you made a big mistake when you liked me." Galit na sabi ko dito.
Bago pa man siya makakilos ay mabilis ang pagsipa ko sa kamay niyang may hawak na baril kaya tumilapon iyon sa malayo.
"Kuso." Mura nito at winagayway ang kamay na tinamaan ko at munasahe iyon. "Kimi o kizutsukeru tsumori wanai Zoey-kun. Shikashi sore ga anata o eru yuiitsu no hōhōdearunara yarimasu."(wala akong balak saktan ka zoey. Pero kung iyan lang ang paraan para mapa saakin ka ay gagawin ko.)
Kumilos ito pasugod sa akin at binigwasan niya ako ng sipa sa kaliwa pero agad ko iyong naiwasan at mabilis na tumalon palayo sa kanya. Sunod sunod ang ginawa niyang atake pero nagawa kong iwasan lahat ang mga iyon at wala ni isa man ang dumapo sa mga ito.
Nakakapagtaka din ang nagagawa ko. Ang gaan ng pakiramdam ko na para bang nagsasayaw lang ako sa saliw ng mga pag atake nito at mabilis na naiiwasan ko. Hindi ko na tuloy makilala ang sarili ko, alam kong magaling , malakas, at mabilis ako. Pero hindi iyong ganito. Parang may kung ano sa loob ko na sumanib sa akin at para bang tinatangay lang ako sa bawat galaw na nais ng katawan ko.
"I told you to shoot me but you refuse."sabi ko sa kanya habang patuloy parin ito sa pagbibitaw ng mga suntok at sipa. Iwas lang ang ginawa ko.
Dahil sa kakaiwas ko ay hindi ko na napansin na napasadsad na ako sa pader na wala na akong aatrasan pa kaya natamaan ako sa tagiliran ng isang malakas na sipa nito.
Napaigik ako at bahagyang napayuko. Napadura pa ako dahil duon. Tumindig ako ng tayo at binaliwala ang sakit na dulot ng sipa niya.
"You cant just dodge and avoid my attack Zoey-kun."may tigas na tinig nito sa pagitan ng paghingal.
"Is that so. Now be ready, Haisuki."
Sumugod ako. Mabilis na nagbitiw ako ng malakas na suntok sa mukha niya at naharangan niya iyon. Pero dahil sa lakas ng impact ng suntok ay napaatras ito. Hindi ko na siya hinintay na makabawi. Agad ulit akong sumugod at sunod sunod ang ginawa kong suntok at sipa. Hindi lahat ay nasangga niya. Tinamaan ko ito sa mukha at sa buong katawan. At sa huling banat ko ay binigyan ko ito ng isang malakas na round kick na tumama mismo sa sintido niya kaya tumilapon siya pabagsak sa sahig.
Napaubo pa ito at naglabas ng dugo sa bunganga. Hindi na ito masyadong makakilos dahil sa natamo.
Tumayo ito at muling pumuwesto. Nagpalitan kaming suntok. Natatamaan man ako ay parang hindi ko na ramdam. Namamanhid na ang buong katawan ko. Ewan ko lang dito kung ganun din siya. Dahil di hamak na mas marami ang suntok at sipa ko dito na dumadapo. Hanggang sa ibuhos mo ang huling lakas sa sipa ko at tuluyanng nalugmok sa sahig.
Ngayon ang sarap ng pakiramdam kong nahihirapan ito. Ang makita kung paano unti unti itong mang hina dahil sa mga tamang natamo mula sa akin. Pinilit nito ang sarili na tumayo. Nilapitan ko na ito at kinuwelyuhan patayo. Sinuntok ko itong muli sa mukha. Hindi ko ramdam ang sakit sa kamao ko na tumatama ngayon sa matigas na mukha nito at puno na din ang dugo mula rito. Hindi ko na din ramdam ang bigat nito dahil sa pagkaalalay kong maipatayo lang ito sa pagkakwelyo ko sa kanya.
Isa pang suntok sa mukha. At isa pa. At isa pa. Duguan na ang mukha nito ng bitawan ko siya. Tuluyan na siyang nalugmok sa sahig at halos hindi na makagalaw.
Nakita ko ang isang paa ng isang sirang upuan. Kinuha ko iyon. Tumingala pa sa akin si Haikusi ng mahulaan yata ang balak kong gawin.
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at agad kong ipinalo sa kanya iyon ng ubod lakas sa katawan. Palo pa. Sige isa pa sa katawan niya. Hindi ako tumigil hanggat hindi ko naramdaman ang pagod sa ginagawa ko. Hindi ako makuntento kung sa katawan lang niya ko siya papaluin. I want more. Hindi na ako nag-isip pa. Hinatawan ko siya ng malakas na palo sa ulo. Isa, dalawa, tatlo, apat o higit pa ang ginawa ko. Hanggang sa tuluyan ng palamog at maligo sa sariling dugo nito ang buong mukha niya.
"S-top."halos wala ng boses ang lumabas sa bunganga nito.
Humihinga parin siya. Damn! Kill him. Kill him. Paulit ulit na sumisigaw ang katagang iyon sa utak ko.
Muli ko siyang hinatawan ng palo. Sa katawan muli. Pinagsawa ko ang sarili ko. Sa katawan. Sa mukha. Sa katawan. Sa mukha. Paulit ulit. Pero hindi parin sapat.
Humihingal akong inihagis ang hawak ko. Gusto kung sumigaw ng malakas. Hindi ko parin mailabas ang lahat ng galit sa dibdib ko. Hindi parin sapat ang pagpaparihap ko dito. Gusto ko ng higit pa duon ang maranasan niya. Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit ng paunti unti. Hanggang sa tuluyan na siyang malagutan ng hininga.
Namataan ko ang baril na tumilapon kanina. Kinuha ko iyon. I look at the magazine kung mayroon pa iyon bala. May anim pang natitira.
"You will die Haisuki." Itinutok ko sa kanya ang baril. Pinaputok ko iyon sa isa niyang hita. At isa pa sa kabila. Tig isa sa magkabilang balikat. Umalingawnaw ang tunog ng baril sa loob ng silid.
May dalawa pa. Sa huling dalawang bala ay itinuon ko ang dulo ng baril sa tapat malapit sa puso niya gaya ng tama ni Clyde. Walang pag aalinlangan ang ginawa kong pagkalabit sa gatilyo ng baril. Lumugwak ang dugo mula ruon. Tuluyan ng lumungayngay ang katawan nito. Wala ng kakilos kilos. Pero wala akong pakialam may isa pang balang natitira. Sa huling bala, itinuon ko iyon sa gitna ng nuo niya. At walang alinlangang pinaputok ang baril duon.
"Aaaaaaaaaaaah!" Sigaw ko ng maihagis ko ang baril. Hawak ko ang ulo ko habang nakasabunot ako sa sariling buhok. Gusto kong iuntog ngayon ang ulo ko.
Bakit hindi parin sapat. Nag uumigting parin sa loob ko ang galit. Hindi parin nawawala iyon. Gusto ko pa ng mas higit pa sa ginawa ko. Nanginginig na ang katawan ko na para bang may hinahanap at may gusto pang gawin sa katawan ni Haikusi.
Fuck! Fuck! Fuck! Parang sasabog na ang dibdib ko sa kinikimkim na nagtatago sa puso ko. Paano ko ba mailalabas lahat ng galit ko mula rito.
Muli kung iginala ang paningin ko sa paligid. Nagkalat na ang mga kagamitan duon. Mga basag na salamin at bintana. Mga sira sirang upuan dahil sa pagkakahiwa hiwa nila dahil sa ginamit na katana ng mga kasama ni Haisuki.
Katana! Biglang natuon ang paningin ko sa isang katana na nakaturok sa sahig. Parang hinihila nito ang katawan ko palapit sa katana. Kumilos ang mga kamay ko na para bang may sariling isip. Hinugot ko iyon mula sa sahig.
Pinagmasdan ko iyon ng mabuti. Nakikita ko sa sa mismong katawan ng katana ang sarili ko dahil sa kislap nito.
Muli akong lumapit sa wala ng buhay na si Haikusi. Walang emosyon na tinignan ko ito. Habang kumilos ang mga kamay ko na itaas ang katana at itapat mismo sa leeg nito.
Ito ang gusto ko. Ang tuluyang pagpirapirasuhin ang katawan ni Haikusi. Ang paghiwalay hiwalayin ang bawat parte ng katawan nito.
"Be gone forever. And do not be born again. Because I will reapeatedly kill you." Sabi ko at sinimulang bigyan ng tuon ang katanang hawak ko.
Handa ko ng isakatuparan ang binabalak ko. Dalawang dangkal. Isang dangkal na lang ang layo ng talim ng katana sa leeg niya.
This is it. Do it Zoey! Kill him. Kill him now. Sigaw ng demonyo sa isip ko.
Pero bago ko pa iyon magawa ay isang sigaw mula sa pintuan ang narinig ko.
"Stop Zoey." Lumingon ako. My dad standing at the door with papa in his back.
Tinakbo niya ako palapit at niyakap ng mahigpit.
Pilit naman na kinukuha mula sa akin ang katana ng papa ng ayaw ko iyong bitawan. Nakipaghilaan pa ito sa akin.
"Enough Zoey! Enough!" Pang aalo sa akin ng daddy ng maramdaman niyang naninigas parin ang katawan ko at ayaw ibigay kay papa ang katanang hawak ko habang yakap parin ako at hinihugud ang likod ko.
"Give that to your papa Zoey, please. Enough.!"pagsusumama nito. Masuyong hinaplos nito ang pisngi ko habang nakatingala ako sa kanya.
Hanggang sa lumuwang na ang pagkakahawak ko sa katana at nabitawan iyon mismo sa paanan ko.
Pinasadahan niya ng tingin ang nakahandusay na katawan ni Haikusi sa sahig bago tumingin muli sa akin.
"Zoey! Sweetie." Napahagulgul ito ng iyak at muli akong niyakap. Pero para saan ang iyak niyang iyon. "Sorry sweetie. We are so late."
"I killed him!" Mahinang sabi ko dito. "But I want more dad. I want him to suffer more."
"Sshh! Wake up son. Wake up. He is died already. So please, wake up." paulit ulit na sabi ng daddy sa akin. At masuyong tinatapik ang pisngi ko. Hindi ko na maramdaman ang ginagawa nito. Parang namanhid na ang buong katawan ko.
Wake up! Why would I wake up. Kung gising na gising naman ako.
"Enough son.!" Si papa. Lumapit ito sa amin ng daddy. "He already suffer a lot."sabi pa nito matapos bistahan ng mabuti ang bangkay ni Haikusi na halos hindi na makilala dahil sa basag na mukha nito at naliligo na ang mukha sa sariling dugo.
Tinignan ko sila pareho. Saka ko lang naramdaman ang panghihina ng makitang puno ng pag aalala ang mga mukha nila. Narealize ko na tapos na ang lahat. Wala na si Haikusi. Na kahit na ano pang gawin ko dito ay hindi na maibabalik ang nangyari.
Gumuhit sa mga labi ko ang isang mapaklang ngiti habang tinitignan ko sila. Muli akong niyakap ng daddy at ngayon nakiyakap nadin si papa sa amin. Ramdam ko ang init ng katawan nila sa katawan ko. Hindi na nila alintana na mabahiran ng dugo ang mga damit nila sa higpit ng yakap nila sa akin. Naramdaman ko na sabay nilang hinuhugod ang likod ko. At ang sarap sa pakiramdam. Nakaramdam ako ng kapayapaan dahil duon. Napahugot pa ako ng malalim na hininga at muling kumawala sa kanila.
"Dad! Papa." Halos pabulong na tawag ko na hindi na yata nila narinig ang boses ko. At bago pa ako muling makapagsalita ay unti unti ng binalot ng kadiliman ang buong kamalayan ko.
*******
@YuChenXi