"Huy, anong tinitingin tingin mo dyan?"
Tanong ni Edmund sa asawa na naabutan nyang nasa pinto ng kusina at nagtataka sya kung bakit hindi ito pumapasok.
"Wala, pinagmamasdan ko lang yang dalawa at naalala ko tayo sa kanila!"
Sagot ni Nicole sa asawa.
"Yan din ang naalala ko ng unang beses ko silang makita!"
Sabi ni Edmund.
"The question is, alam ba nilang ganito na sila kakampante sa isa't isa?"
Nagaalalang tanong ni Nicole.
"Honey ko may dapat ba tayong ipagalala? Hmmm... hindi pa naman nanliligaw si AJ sa anak natin!"
Pangungulit ni Edmund sabay akap sa asawa ng buong lambing.
"Tumigil ka nga dyan Edmund at alam ko kung saan na naman papunta yang pa ganyan ganyan mo! Saka ... hindi ka ba nagaalala sa background ni AJ?"
"Nope! Kung sya ang nawawalang anak ni Ames, good! Kung hindi naman, much better! Hehe!"
Simpleng sagot ni Edmund sabay halik sa leeg ng asawa.
"Mom, Dad, what's for dinner?"
Tanong ng kadarating lang na si Earl.
Napatigil tuloy si Edmund sa ginagawa nya.
"Bakit ngayon ka lang? Magusap nga tayo!"
Sabi ng Daddy nya sa kanya.
"Mommy si Daddy oh!"
"Bahala kayong magusap ng Daddy mo, gutom na ako!"
Nagtungo na ito sa dining room at iniwan ang mag ama.
'Haaay, mabuti at dumating si bunso at baka saan na naman mapunta ang pangungulit ni Edmund!'
'Masakit pa kaya ang balakang ko!'
'Lintek na asawa kong 'to, dumadalas ang pangangalabit, hindi ko alam saan nanggagaling ang energy!'
"Wow! Mukhang masarap ang niluto nyo!"
Natuwa si Nicole sa dami ng nakahain sa mesa.
"Let's eat na po, gutom na po ako! Asan po si Daddy?"
Tanong ni Eunice.
"Andun! Pinagagalitan si Earl, kauuwi lang kasi!"
Tiningnan ni Eunice ang time.
8:30 pm
Seven thirty ang curfew ni Earl, pwera na lang kung nagpaalam ito na may lakad. Pero school day ngayon kaya maaga ang curfew nya.
'Lagot sya kay Daddy, malamang mapalo ni Daddy si Earl! Hehe!'
"Sinong nagluto ng lahat ng ito?"
Tanong ni Nicole.
Alam nyang marunong magluto si Eunice pero mga simple pa lang ang alam nito. Kaya imposibleng sya ang nagluto ng nasa harapan.
"Si Milky po Mommy!"
"Really? Wow!"
"Sinong nagturo sa 'yong magluto, iho?"
"Ang Lolo Samuel ko po! Naging Chef po sya sa isang barko kaya madami po syang alam na luto!"
"Eh ano naman ang ginawa mo?"
Tanong ni Edmund sa anak.
Halatang mainit ang ulo nito pagpasok pa lang ng kumedor kasama si Earl.
Kinabahan tuloy si Eunice.
"Ako po yung nagsaing saka yun pong salad, saka desert!"
"Buti pa maupo na tayo and let's eat!"
Sabi ni Nicole.
Napansin nya rin ang init ng ulo ng asawa at sigurado nyang dahil sa nabitin nitong lambing.
Kaya bumulong ito agad sa kanya.
"Umayos ka kung ayaw mong matulog mamya sa labas ng kuwarto!"
"Uhm, Earl okey ka lang?"
Tanong ni AJ ng makitang hindi ito makaupo ng maayos, halatang walang kamalay malay sa nangyayari.
"Okey lang ako Bro AJ, huwag mo akong pansinin! Masakit lang ang pwet ko, napalo kasi ako ni Daddy dahil na late ako ng dating!"
Nakangiting sagot nya.
Nagulat man si AJ hindi nya pinahalata at hindi na muli itong nagtanong baka ma offend nya si Earl.
Pero hindi naman nya nakikitang masama ang loob ni Earl sa pagkakapalo sa kanya, nakikipagkulitan pa ito sa ate nya.
Hindi nya akalain na kahit na
ganito kayaman ang family na ito ma fe feel nya pa rin ang ginagawa ng mga simpleng family.
At naramdaman nya ang pangungulila sa pamilya nya.
'Ano kaya ang buhay ko kung buhay pa sila? Ganito rin kaya tulad nila?'
"AJ, bakit hindi ka kumakain dyan? Huwag mong intindihin yang magkapatid na yan at ganyan lang talaga magkulitan yan pag nagkikita!"
Sabi ni Nicole ng mapansin nitong tahimik ang binata.
"Salamat po Mam!"
"Tita!"
"Po?"
"Mula ngayon just call me Tita Nicole, Okey!"
"Pero po ... "
Nahihiya si AJ.
"Huwag ka ng mahiya! Kung ayaw mo akong tawagin Tita Nicole tawagin mo akong Tita Mommy gaya ng tawag ni Mel sa akin!"
"Sige na AJ, pumayag ka na dahil hindi titigil ang asawa ko sa pangungulit sa'yo! Basta ako huwag mo akong tawaging Tito, okey!"
"Okey po Sir, Tita!"
Magalang na sagot nito
"Mabuti at andito ka sa house Bro AJ, nakatikim tuloy ako ng masarap na putahe! Hehe! Basta ako BRO tayong dalawa ha!"
"Ganun? Parang sinabi mong hindi masarap magluto ang Mommy mo!"
Singhal ni Edmund sa anak.
Marunong at masarap din naman magluto si Nicole. Sa kanya ata ipinamana ni Issay ang mga secret recipé nya.
Mas matagal kasing nakasama ni Issay si Nicole dahil tumira ito sa kanya kesa kay Nadine. Kaya kahit na batid nyang mas paborito ni Issay ang ate nya kesa sa kanya, masaya rin ito dahil sa mas nakasama nya ng mas matagal ito.
"Hindi po sa ganun, masarap din syempre ang luto ni Mommy pero iba po ang putahe ni Bro AJ may twist pang international ang dating!"
Si AJ, kahit na pinupuri ang mga luto nya ay hindi naman mapakali.
'Kailangan ko ng sabihin ito sa kanila! It's now or never!'
"Uhm ... Sir Edmund, Mam este Tita Nicole ... may gusto po sana akong sabihin sa inyo!"
"Ano yun iho, sige sabihin mo, huwag ka ng mahiya!"
Sa sarap ng kinakain nya kahit ano ata hilingin nito baka maibigay ni Nicole.
Tinipon ni AJ ang buong lakas nya at matapang na tumayo.
"Uhm, Sir Edmund, Mam Nicole, pwede ko po bang ligawan ang anak nyo?"