webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 252

"Sir Andrei. Hindi mo pwedeng tanggalin ang mask mo delikado." Ang worried na sabi ni Mr. Sensen na ang tawag kay Patrick ay Andrei.

"Ang init kasi, bakit di mo naman sinabing summer pala ngayon dito sa Pinas?"

"So— Sorry Sir."

Samantala pinipigilan naman ni Kelly si Vince na lumapit kila Mr. Sensen "Tumigil ka nga! Kakamustahin lang naman natin sya masama ba? We used to friends to him kaya bakit ka mahihiya?"

"Basta! Ayoko! Kapag di ka tumigil diyan hindi kita suswelduhan."

"Kakamustahin lang naman natin sya."

Sa hindi inaasahan dahil sa pag pigil ni Kelly kay Vince na wag lumapit kay Patrick natabig niya ang iniinum niyang milk tea at tumapon ito sa damit niya "So— Sorry Pis."

Dali-dali namang pinunasan ni Vince ang damit ni Kelly na natapunan ng milk tea dahil alam niyang galit na galit na ito "Sabi nang tigilan mo yan!"

Napalakas ang pagsigaw ni Kelly kaya nakaagaw sila ng atensyon ng nakararami at isa na nga rito sila Patrick at Mr. Sensen "What happened? Carla get Ms. Kelly a towel." Ang sabi ni Mr. Sensen sa isa niyang babaeng staff.

"Ye— Yes Sir."

Pero dali-dali namang lumapit si Patrick at hinubad ang suot niyang coat at ipinatong kay Kelly na noon ay medyo halata na ang suot na bra dahil medyo manipis ang suot nito. "Are you okay? Bakit naman kasi ganyan ang suot mo? Johnsen the towel!"

"Ye— Yes Sir."

Nakatulala lang si Kelly at Vince at nakatingin kay Patrick "wag kang mag alala miss no one will see your undies."

"Wha— What??"

"Bakit kasi kayong mga babae ang hilig sa mga ganyang suoting damit paano nalang kung may ganitong aksident ang mangyari? Paano kung walang gentleman na gaya ko? Edi na bastos ka na?"

Napatingin si Kelly sa suot niya at sinampal si Patrick "Manyak!!!"

Nagulat si Patrick sa ginawang pag sampal sa kaniya ni Kelly na nag tatakbo na papalabas suot-suot ang kaniyang coat "Miss!!!"

"Let her be ako ng bahala sa kaniya pero hindi mo ba sya nakikilala?" Ang seryosong sabi ni Vince.

"Hmm?"

"Ibang klase ka." Sinapak niya si Patrick out of nowhere at pumagitna namang agad si Mr. Sensen para umawat "Sir huminahon po kayo kung ayaw niyong tumawag ako ng pulis."

"Pagtapos mong iwanan ang pinsan ko ng walang paalam babalik ka na parang hindi mo sya kilala? Huh! Wag ka ng mag papakita sa kaniya! Tandaan mo yan!"

Nag pumiglas si Vince sa pagkakahawak sa kanya ng isang lalaking staff at umalis na rin "Sir, ayos lang kayo?"

"Yeah... sino ba sila? Bakit parang anlaki ng nagawa kong kasalan samantalang kababalik ko palang from US."

"Si— Sir hindi niyo ba talaga maalala si Ms. Kelly?"

Bigla namang sumakit ang ulo ni Patrick at nahimatay "Si— Sir??? Sir wake up!!! Tumawag kayo ng ambulansya!!!!"

Samantala habang nanakbo naman si Kelly huminto sya sa isang waiting shed na wala namang tao dahil sya nalang ang naiwan sa mga liliban sa kabilang kalsada at hindi niya alam na sinundan sya ni Vince "Nasan na kaya ang lukaret na yon?"

Pagtingin ni Vince sa bandang unahan niya nakita niya na rin sa wakas ang pinsan niyang bigla nalang tumakbo at iniwan sya "Miss, anong inuupo upo mo diyan? You wanna hitch?"

Hindi naman na sumagot si Kelly at sumakay na sa kotse ni Vince "Ano? Ayos ka lang ba? Kahit kailan talaga napaka bilis mong tumakbo."

"Gusto ko ng umuwi."

"Nang ganyan ang kahitsurahan? Gusto mong lumuhod sa munggo? At masabon ng mga kuya mo ng literal? Lagkit na lagkit ako sa itsura mo."

Napatingin naman ng masama si Kelly sa kaniya "Sa tingin mo sino ang may kasalanan kung bakit ako nagka ganito? SUMAGOT KA!!!"

"O— Okay hindi na nga muna kita iuuwi sige na bibilhan kita ng bagong damit. Bakit kasi hindi hoodie ang suot mo himala ata at nag dress ka?"

"DRIVE!!!!"

"Ye— Yes Ma'am."

Habang nasa biyahe nakarinig sila ng wang wang ng abulansya pero hindi nila ito pinansin at nag diretso lang pero malungkot si Kelly at nakatulala lang sa bintana ng kotse.

Vince sighed "Wag ka na ngang malungkot diyan na iganti naman kita. Sinapak ko na sya para sayo at sinabi ko na rin na wag na syang mag papakita pang muli sayo. Ayos ba? Ang angas ko di ba?"

"DRIVE!!!"

"O— Oo na sinabi ko lang naman para alam mo ayoko kasing nakikita kang malungkot alam mo namang kapag may nang api at umawat sayo sangang dikit mo ko. Para na kaya kitang bunsong kapatid noon pa man kaya nga kahit topakin ka at ang kuripot mong boss hindi kita mahindian kasi nga kuya mo ko at ayokong nagkaka ganyan ang babysis namin."

"Boohoo...." bigla nalang umiyak si Kelly ng walang dahilan.

"Huy!! Bakit? Ano ang masakit?"

"Yung puso ko kuya."

"Ha?"

"Bakit kasi bumalik pa sya? Tapos kala mo naman hindi niya ako nakikilala tinawag niya akong Miss! Baliw ba sya o ewan?"

"Sabay nga narinig ko rin yun na tinawag ka niyang Miss pero baka kasi nakamask tayo at di niya tayo nakilala."

***

Nasa DLRH si Patrick at naka confine dahil nawalan sya ng malay kanina "Nasan ako?"

"Sir! Buti at gising na kayo." Ang sambit naman ni Mr. Sensen.

"Ano ang nangyare?"

"Nahimatay po kayo dahil sa pagod sa biyahe sumakit na naman po kasi ang inyong ulo. Hindi niyo po ba naalala?"

Napabagon agad si Patrick "What? Why am I here? Did you call my sister about this?"

"Ah... eh..."

"BAGANG!"

Galit na galit na binuksan ni May ang pintuan ng kwarto ni Patrick at sinabing "PATRICIO!!!"

Nag tago naman agad si Patrick sa likod ni Mr. Sensen "Ah... Ahm... Madam kagigising lang po ni Sir baka mapano po sya kapag sinapak niyo sya." Siniko naman siya ni Patrick at bumulong "Wag mo ng suhulan pa!"

Naupo lang naman sa sofa si May at walang ginawang kung ano sa kapatid "A— Ate?"

"Saan ka nanggaling?"

Nagkatinginan sila Patrick at Mr. Sensen "Ah... Ahm... sa simbahan." Ang sabi ni Patrick. Kasabay rin naman nito ang sinabi ni Mr. Sesen "Sa drugstore."

"Saan ka talaga nanggaling Patrick!!!"

Nagkatinginan sila Patrick at Mr. Sensen at sa pangalawang pagkakataon di na naman sila parehas ng sinabi nagkabaliktad pa "Saan ka talaga nanggaling???" Ang pa sigaw ng sambit ni May.

Napalunok sa kaba si Mr. Sensen "Ah... Ahm... galing po sya sa simbahan tapos pumunta sa drugstore para bumili ng energy drink. Di ba Sir?"

"Ha? O— Oo ganun na nga ate pauwi na dapat ako satin kaso nauhaw ako ang layo kasi ng binayahe ko."

Piningot ni May ang taenga ni Patrick "A— Ate..."

"Ahm... Madam nasasaktan po si Sir."

"Layo! Kung ayaw mong madamay sa galit ko kay Patrick, move!"

At lumayo nga si Mr. Sensen sa mag kapatid "Sorry Sir gusto ko pang mabuhay."

"Johnsen!!!"

"Upo!"

Naupo naman si Sensen dahil akala niya ay siya ang tinutukoy ni May "Hindi ikaw!"

"So— Sorry po."

"Patrick!"

Naupo naman agad si Patrick "Bakit ba Patrick ka ng Patrick ate? Ako nga si Andrei."

May made a facepalm "Patrick Andrei Santos ang totoo mong pangalan kaya wag mo namang kalimutan."

"I know, I know but I just want my second name than my first name kaya call me Andrei okay?"

May bonked him "Para san naman yon?"

"Baka sakaling bumalik ang ala ala mo kapag ginawa ko yun."

"Pwes hinde! Gusto ko ng umuwi at mag pahinga alam mo bang may sumampal at sumapak sakin kanina lang? Ganito ba talaga dito mga harsh ng tao? Sana pala di nalang ako bumalik ng Pinas."

Lumapit si May kay Johnsen at bumulong "Speak up!"

Mabilis na nag salita si Johnsen at nalaman ni May ang totoong nangyari kay Patrick "Ano? Nagkita na sila ni Kelly?"

"Ye— Yes Madam hindi ko po inaasahang pupunta doon agad si Sir dahil hindi naman niya ako sinabihan pero alam niyo po ang hindi ko maintindihan may amnesia sya pero naramadaman ko yung pagka concern niya kay Ms. Kelly na para bang normal nalang sakaniya."

"Ano na naman ang pinagbubulungan nyo?"

"Wala ka na don! Matulog ka diyan!"

"Pero ate bored na ko discharge mo na ko."

"Shut up! You dimwit."

Sa isip-isip ni May "Paano ko kaya sasabihin kay Kelly na nagkaroon ng amnesia si Patrick kaya hindi sya nito makilala. Pero, hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya na kasal na sya sa kumag na ito na hindi na sya maalala. Lord! Kunin niyo nalang ako!!!"