webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 251

Magdamag inisip ni Kelly yung sinabi ni Johnsen na si Patricio ang isa pa niyang business partner sa pagpapatayo ng milk tea shop. Hindi siya nakatulog hanggang sa umaga na pala at sobrang puyat na sya.

"Good morning." Ang lambot na lambot na sambit ni Kelly at naglalakihang eyebags ang kasama niyang bumati sa mga kuya niya.

"Ay panda! Ano ba Kelly bakit ganyan ang itsura mo?" Ang sambit ni Keith pag tingin niya sa kapatid.

Naupo nalang na parang walang pakialam si Kelly sa kaniyang itsura "Anong nangyayare diyan?" Ang pa bulong na sambit ni Keith kay Kevin.

"Aba malay ko."

Nakatulala lang at hindi nakain si Kelly at napansin ito ng kuya Kian nya na tapos ng mag basa ng newspaper "Kelly, kapag umalis ka wag mo kakalimutan na mag mask at face shield delikado ang panahon ngayon. Naiintindihan mo?"

Pero walang nakuhang sagot si Kelly kaya napa sigaw si Kian "KELLY!!!"

Siniko na ni Kevin si Kelly pero dedma parin ito at hindi pinapansin ang sinasabi ni Kian "KELLY ANN MARIE!!!!"

Dun lang naging alerto si Kelly dahil oras na marinig niya ang buo niyang pangalan alam na niyang galit na galit na ang kuya Kian niya "ku— kuya???"

"Ano na naman ba ang nangyayare sayo?"

"Sa— sakin? Wa— wala naman po kuya."

"Wala? Pero ang eyebags mo naglalakihan para ka ng panda sa itsura mo." Ang opinyon naman ni Kim.

"Umayos ka naman Kelly alam mo bang sabi sa balita punuan ang mga hospital paano nalang kung may mangyari kung ano sayo kakapuyat mo? Paano na? Jusko naman Kelly makinig ka naman! Kevin kausapin mo nga yan!" Ang galit na sambit ni Kian at nag walked out.

"Ku— Kuya..."

"Hayaan mo na badtrip kasi yun dahil kailangan na naming mga teachers na mag punta sa school tapos ang dami pang pinapagawa ng principal alam niyo naman pandemic, online at modules. Hay nako! Iniisip ko palang na iistress na rin ako." Ang sabi ni Kim.

"Pero ayos na rin at least may trabaho pa rin tayo sa panahon ngayon na may pandemic kailangan talaga may income. Kung hindi magugutom tayo." Ang opinyon naman ni Keith.

"Iniisip ko na nga ring mag sulat ng novel gaya ni Kelly eh." Ang sabi ni Kim.

"Pero kuya sabi ko naman sayo di basta nag bibigay ng contract kung ako sayo sumali ka muna sa contest at syempre mag sulat ka muna at tapusin mo para consistent ang update mo." Ang sagot ni Kelly.

"Oo alam ko naman pero sa ngayon baka di ko na muna magawang mag sulat pero tatry ko pag may free time."

"Nga pala, lock in na naman ako sa DLRH kaya di ako makakauwi dito ulit alam niyo na mahirap kapag kayo eh nahawaan ko well, hindi ko naman sinasabing may covid ako ang akin lang eh nurse kasi ako kaya mahirap na kapag darating ako dine eh di naman natin nakikita yung kalaban eh galing ako sa hospital kaya mabuti na ang safe kayo."

"Pwede bang wag ka ng mag duty kuya? Samahan mo nalang ako babayaran ko nalang ang araw mo."

Kevin patted Kelly's head "aba narinig niyo ba yon? Babayaran daw ako ng bunso nating kapatid mukhang sya na ang sasagot sa gastusin natin."

"Kuya naman!!!"

"Kung pwede nga lang babysis kaso dapat ko itong gampanan dahil ito ang sinumpaan kong tungkulin bilang nurse. Alam niyo namang pati nurse ay nagkakaubusan na yung iba nag kakasakit na kaya kulang ang nurse ngayong panahong ito kaya hindi ako pwedeng umatras dahil kailangan ako ng nakararami."

"Tol, bakit di ka nalang tumakbong presidente? Sa mga sinabi mong yan iboboto kita." Ang sabi ni Keith.

"Heh!"

"Paano yan? Sino ang kasama ko kapag sinimulan na yung franchise ng shop ko? Busy kayong lahat." Ang nagtatampong sambit ni Kelly nagkatinginan naman ang mga kuya niya at para bang naaawa sa kapatid nila.

"Hayaan mo kapag walang pasok sasama kami sayo." Ang sabi agad ni Kim.

"Oo nga wag kang mag alala kapag may time kami sasamahan ka namin nila kuya." Ang sambit rin naman ni Keith.

"Oh, yun naman pala eh sa ngayon mag pasama ka muna kay Vince di ba work from home lang naman sya ngayon? Hayaan mo kapag nakauwi na ako uli dito sasamahan na kita." Ang opinyon ni Kevin.

"Oo nga noh! Pwede si Vince sige mga kuys tataas muna ako para matawagan ko na si kawsin."

At dali-dali na ngang tumaas si Kelly at kinuha ang kanyang telepono at tinawagan agad si Vince "Oo nga babayaran ko nalang ang araw mo wala ka namang work ngayon di ba? Half lang naman ng mall ngayon ang bukas diba?"

Vince: Oo na basta yung talent fee ko ha?

Kelly: Oo nga ang kulit eh sige na daanan mo ako dito mamayang 10am dahil may meeting tayo with the client.

Vince: Tignan mo ito may meeting ka pala tapos ngayon mo lang sinabi?

Kelly: Sige na ang dami pang satsat diyan bye na mag ayos ka na ha? Bye.

Nag madali si Kelly kumilos para hindi malate sa meeting nya with Johnsen pero wala rin doon ang inaantay niyang business partner nito na si Patricio kaya sobrang na disappointed si Kelly.

"Pis, ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang kibo diyan." Ang sabi ni Vince habang nag dadrive ng kotse ng kuya niya na hiniram niya.

"Hmm? Ano yon?"

"Bakit ba parang lutang ka diyan? Simula nung nag simula yung meeting at natapos parang wala ka na sa mood. Ano ba ang nangyayari?"

At bigla nalang sumigaw si Kelly at nagulat doon si Vince kay dali-dali niyang itinabi ang kotse "Ano ba?! Nababaliw ka na ba? Alam mo ngang nasa gitna tayo ng kalsada at ako eh nag dadrive bigla-bigla ka nalang diyan sumisigaw."

"Nakakainis kasi."

"Ano? Alam mo tinotoyo ka na naman eh."

"Kasi yung business partner ni Johnsen hindi nag punta!"

"Eh ano naman ngayon ha? Hindi ba sabi na nga nung kausap mong Johnson eh may..." napahinto si Vince sa pagsasalita niya dahil itinama ni Kelly ang sinabi niya "Johnsen yon."

"Ahh... Oo yun na nga kung sino man sya. Ano ba naman kasing problema mo eh sya naman ang pinaka main na nakausap mo business partners lang naman sila kaya yun ng Johnson na yun ang mamomoblema dun at hindi na ikaw."

"Johnsen nga at hindi Johnson ginawa mo namang polbo eh."

Vince smirked.

"Ang akin lang kasi bothered ako kaya nauuma ako ngayon dun sa kapartner na yon ni Johnson ay Johnsen."

"Bakit nga kasi? Ano bang meron dun sa ka business partner na yon ni John... haysss... ang hirap naman sabihin ng pangalan niya Sensen na nga lang pati ako naaburido na!"

"Paano naman kasi yung name nung ka business partner ni Mr. Sensen ay Patricio. Kaya yun di talaga ako mapakali."

"Ha? Patricio lang naman pala akala ko naman kung..." nanlaki bigla ang mga mata ni Vince at sinabing "Sino? Si... si..."

"Oh di ba? Kahit ikaw mabobother kasi nga gawa nung name tapos pa suspicious pa."

"Teka lang may number ka na nun? Kinuha mo ba? O natext o tawagan mo na ba?"

"May number niya ako pero hindi ko pa na subukang itext o tawagan pero nag text sya sakin kagabi."

"Ano ang sabi?"

"Hi."

"Ano? Hi lang?"

"Oo hindi ko ni replyan mukhang tanga eh eh. Alam namang ako yung kukuhanan nila ng franchise tapos yun lang ang sasabihin "Hi" ? Ano namang gusto niyang isagot ko sakaniya hello? Ano kami teenager?"

"Ilang taon ka na nga uli?"

"21 bakit?"

"Anong tingin mo sa sarili mo? Senior citizen?"

"Ewan! Ang akin lang kahit ba business partner sila ni Mr. Sensen sana naman ituring nya rin akong ka partner matic na rin naman yun di ba? We're business partners here."

"Well, may point ka naman don something is off nga."

"Di ba!"

"Hmmm... na bg check mo na ba?"

"Background check? Hindi pa eh kasi yung kay Mr. Sensen lang ang natapos ni kuya kasi naman name lang nung Patricio at yung number lang ang info.na ibinigay sakin ni Mr. Sensen sabi kasi nya ayaw raw nun na nakikipag usap kahit daw kaibigan."

"Oh? Ang weirdo naman nun pwede ka pa bang umatras diyan sa deal niyo?"

"Hindi na eh ginagawa na ng attorney nila yung papeles ang bilis nga eh ibang klase din talaga kapag mayaman."

"Hmmm... lemme help you to find out whose that weirdo. Sa ngayon mag consult ka na rin muna sa attorney nyo para kung sakaling may labagin sila sa contract maaari kang huminde sa kanila."

"Yes Sir."

"Yes Sir ka diyan bayad ito noh! Kaya kuhanin mo na rin akong consultant mo."

"Tsss... Asa ka! Sila kuya na yon noh! Halika na nga nagugutom na ako."

"Oo nga libre mo ko ha? Wag mo ibawas sa ibabayad mo sakin. Marami akong babayaran ngayon eh."

"Sus... ano na naman kayang kinuha nito sa online shop."

"Secret."

"Bahala ka diyan! Wag kang mag mamakaawa sakin balang araw kapag baon ka na sa utang."

***

Sa loob lang ng dalawang linggo naitayo na nila ang una niyang franchise ng milk tea shop malapit sa dati nilang paaralan ang DLRU at hindi pa rin nito nakikita yung Patricio na sinasabi sakaniya ni Mr. Sensen "Pis, nabalitaan mo ba?" Ang pabulong na sabi ni Vince kay Kelly habang nakaupo sila sa loob ng una nitong franchise ang Coffee and Teanpay "Ano na naman ba? Social distancing baka may sumita satin."

"Wala! Tsaka shop mo naman ito ah at infairness unang araw palang pinipilahan na."

"Anong shop ko? Nag franchise na nga sila Mr. Sensen di ba? Kaya di lang sakin itong Coffee and Teanapay."

"Basta! Makinig ka na nga muna sakin hindi ka kasi nag bubukas ng social media mo kaya di ka updated."

May lumapit na isang crew at ibinigay ang inorder nilang milk tea "Have a good day enjoy your tea."

"Salamat." Ang sagot ni Kelly dun sa crew na babae.

"Hindi ka ba kilala dito?" Ang sabi ni Vince.

"Nasa contact yon ayokong itinuturing akong boss kaya ang mga staff ay hindi ako kilala si Mr. Sensen lang."

"Ha? Bakit naman?"

"Wag ka na ngang maraming tanong ipaglatuloy mo nalang yung sinasabi mo."

"Ahh... Oo nga like what I've said di ka kasi nag bubukas ng social media account mo kaya di mo alam yung news dumating na ng bansa ang mga Santos."

Saktong nainum na ng milk tea si Kelly at sa gulat niya napabuga niya ito kay Vince.

"Kelly!!!"

"So— Sorry hindi ko sinasadya."

Pandalas naman si Kelly na pinunasan ang mukha ni Vince na nanginginig pa ang kamay.

"Ako na nga!"

"Sorry talaga promise di ko sinasadya."

"Sus! Narinig mo lang yung Santos eh nanginginig ka na riyan. Bakit wala na ba kayong communication ni Patrick?"

Habang nag uusap yung dalawa ni Kelly at Vince may pinagkakaguluhan naman sa labas dahil napaka angas ng sasakyan nito sports car na red at talagang mapapatili ang mga kababaihan sa driver nito na naka coat na dark blue na may white long sleeve sa loob na bukas ang ilang butones at kita ang kanyang chest at sobrang hot niyang tignan bukod sa sobrang neat and clean kahit naka mask pa sya at hindi na ito pumila gaya ng iba para pumasok sa Coffee and Teanapay dahil sinalubong agad siya ni Mr. Sensen at sinabing "Welcome back Sir Andrei."

Napatingin si Vince sa labas dahil nakita niyang may commotion kaya napatanong sya "Anong meron? Hindi ba si Mr. Sensen yon? Pero sino yung kausap niya? Mukhang vip ah."

"Hmmm?"

Napatingin si Kelly sa tinitignan ni Vince at saktong pag tingin niya yung lalaking hot na kausap ni Mr. Sensen ay tinanggal ang suot na mask at laking gulat niya na ito pala ay si "Patrick?"