webnovel

Pinasigla ang Mundo ng Siyensiya

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos, ang susunod na hakbang ay ang simulan ang plano ni Xinghe ng seryoso!

Matapos lumitaw ni He Lan Yuan, ang ekonomiya ng mundo ay tinamaan. Gayunpaman, ang pagkakatama ay hindi naman ganoon kalala. Ang mga tao ang isa sa mga matatag na nilalang, at dahil ang karamihan sa teknolohiya ng mundo ay nagagamit pa, nagawang makabawi ng mundo ng mabilis.

Para maging patas, ang paglitaw nito ay hindi lamang nagdala ng masamang epekto dahil nagdulot din ito ng mabilis na pag-unlad sa larangan ng siyensiya!

Ngayon, mas maraming tao ang nagpakita ng interes sa siyensiya. Dati, marami ang inisip na ang siyensiya ay nakakabagot at hindi nararapat na mamuhunan dito. Gayunpaman, ngayon ay napagtanto nila na ang siyensiya ang nagtutulak sa pag-unlad ng sangkatauhan. Kung wala ang siyensiya, ang banta ng pagkawasak ay palaging posible. Dahil nga naman, isang krisis na nagbanta sa buong mundo ang nagpakita, ano pa ba ang talagang imposible?

Marahil ang mga extra-terrestrial ay talagang namumuhay sa kalawakan, at kapag dumating sila, paano ipagtatanggol ng mga tao ang kanilang mga sarili sa siyensiyang pabaliktad?

Ang pagpipilian lamang ng mga tao ay ang pagkawasak o pagiging alipin, tulad ng kung ano ang nangyari kay He Lan Yuan. Ang krisis na ito ay nagbukas sa maraming mata ng mga tao na makaramdam ng takot at kawalan ng pag-asa. Isa itong karanasan na walang sinuman ang nais na maranasang muli.

Ang lahat ng namumuhay sa mundo ay nais lamang na masiguro na ang kanilang tahanan ay buhay ay isang buhay na mapayapa at masaya. Kaya naman, sinuportahan nila ang pag-unlad ng siyensiya; maraming tao ang personal pang itinalaga ang kanilang mga sarili para sa pag-unlad ng siyensiya.

Ang pangyayaring ito ay hindi tulad nang ang computer ay unang ipinakilala sa mundo. Nakagawa ito ng ripple effect na nakahimok sa marami na sumali sa larangan ng computer technology, kung kaya ang pinakamataas na larangan sa modernong lipunan ay ang computer science.

Isa pa, ginamit ni Xinghe ang kanyang kaalaman sa computer science para maneutralisa ang plano ni He Lan Yuan at lalo lamang itong nagpadagdag ng kasikatan ng larangang ito. Kaya naman, ang akademiya na bubuksan ni Xinghe ay kailangang mayroong klase sa computer science.

Siyempre, ito ang magiging pinakapangunahing panghimok ng kanyang paaralan!

Ito ay dahil sa larangan ng computer science, walang sinuman ang nasa kanyang antas. Ang klaseng tuturuan niya ay ang magiging pinakamahusay sa buong mundo. Gayunpaman, hindi plano ni Xinghe na gumawa at pasikatin ang paaralang ito sa karaniwang paraan. Mayroon na siyang nagawang plano sa kanyang isip, at naghihintay na lamang siya na mabuo ang paaralan bago niya ito isagawa.

Hindi na mahirap para kay Xinghe na itayo ang paaralang ito. Mayroon nang isang malaking lugar na may pribadong institusyon sa City A. Gayunpaman, nalulugi na bawat taon ang institusyon at naghihingalo na ito.

Unti-unting nababawasan ang bilang ng mga estudyante, at ang malawak na lupain ng eskwelahan ay tila isang ghost town, na kung saan ay halos tumpak kung titingnan sa gabi. Isa pa, matapos ng krisis na nagbanta sa mundo, halos lahat ng estudyante nito ay nagdesisyong umalis sa paaralan!

Ang institusyong ito ay hindi suportado ng gobyerno at hindi isang kilalang paaralan. Karamihan sa mga estudyante dito ay mga ikalawang henerasyon ng mga biglang yumaman o mga mayayaman na walang kwenta. Kung susumahin, nag-aral sila doon para bumili lamang ng sertipiko.

Kaya naman, wala ding kaibahan kung aalis sila ng paaralan at pumasok sa klase ng mga ito, kung ikukunsidera na may pera naman sila para mamuhay ng may layaw. Kaya naman, nang mangyari ang krisis, nagdesisyon silang lahat na umalis sa paaralan at umuwi para i-enjoy ang kanilang buhay..

Dahil hindi ba't isang kasayangan na gamitin ang lahat ng pamana ng kanilang mga ninuno para lamang sa pag-aaral?

At doon na lamang, ang pribadong institusyon na ito ay lubusang inabandona!

Ang mga investor ng institusyon ay halos nawalan ng ulirat mula sa trauma at kalungkutan. Salamat na lamang, tila ba ginagabayan pa din sila ng langit, dahil marami-rami pa ding mayayamang tanga sa mundo tulad ng Xi family.

Kahit na kasunod ng krisis ang pagbagsak ng ekonomiya at walang estudyante sa paaralan, ang Xi family ay tila baliw na nag-boluntaryo pa na bilhin ang paaralan mula sa mga investor!