webnovel

Magsaliksik ng Sarili Natin

Editor: LiberReverieGroup

"Siyempre, ang United Nations ay magsasagawa pa din ng pagsusuri sa kakayahan nila para makita kung gaano kaabante na talaga sila."

Ang grupo ni Xinghe ang pinakapamilyar sa kakayahan ng mga ito. Nabisita na nila ang mga lab at pabrika ng mga ito noong nasa buwan sila.

Totoo ito lalo na kay Mubai, na nagsagawa ng bahagyang pagsusuri sa teknolohiya ng mga ito noong nandoon pa siya. Ang kakayahan nila ay mas higit kaysa sa kasalukuyang teknolohiya ng Earth at doon nalalagay ang problema.

Ang antas nila ay masyadong mataas para sa antas ng mundo para makahabol sa kanila. Base sa pananaliksik sa memory cells pa lamang, ang mundo ay kakailanganin ng ilang dekada para marating ang kanilang antas. Ang posiilidad na sila ay mapakawalan ay magiging maliit, kung iyon ang kaso, at mataas ang posibilidad na ang kanilang pagkakakulong ay magiging pang habambuhay na.

Ipinakita ng Presidente ang kanyang kalungkutan sa pagkakapiit ng mga ito. "Mahahalaga silang talento at hindi dapat ikinakwarantina tulad nito. Ang mahusay na paggamit sa kanila ay siguradong magdadala ng malaking kaunlaran sa lipunan ng mga tao. Sa kasamaang-palad, karamihan sa mga bansa ay may mga konserbatibong pananaw at maingat sa mga bansa na magkaroon ng kalamangang teknolohiya sa kanila. Kaya naman, marami sa mga papaunlad at bansang nasa third-world ay hindi pumapayag na makihalubilo ang mga taong ito sa publiko. Ang pangalanan silang mga terorista ay sa usapang pulitika lang. sa kaparehong salik, kahit ang alokasyon ng itim na metal na nahanap sa buwan ay aabutin ng isa o dalawang taon ng diskusyon bago magkakaroon ng pagtatapos na solusyon."

Ang itim na metal ay napakahalaga; kapareho ni Shi Jian at ng iba pa, ang lahat ay gusto ang mga ito at nais nilang para sa sarili lamang nila ito. Kaya naman, magkakaroon ng napakaraming debate at pulitikal na pagmamaniobra bago magkakaroon ng pinal na desisyon. Ito ang diplomasya, ang labanan sa oras ng kapayapaan!

Tumango si Xinghe. "Naiintindihan ko."

"Kaya naman, kung iniisip mo na iligtas sila, pinapayuhan kitang kalimutan na ito dahil napakaimposible nito," may kahulugang dagdag ng Presidente.

Walang anumang komento ni Mubai, "Makikinabang lamang ang lahat kung ang mga mahuhusay na talentong ito ay pinapayagang magtrabaho ng walang limitasyon. Nakakagulat na kahit na nasa modernong panahon na tayo, napakaraming bansa pa din ang takot sa pagbabago at pag-unlad."

Direkta ding dumagdag si Elder Shen, "Ito ang dahilan kung bakit nasadlak ng walang pagbabago ang mundo ng napakatagal. Sa nangyayari ngayon, ang ikinatatakot ko ay paatras na lamang ang sangkatauhan!"

"Ang isang klase ng bigas ang nagpapakain sa milyong tao. Napakaraming paniniwala at kultura, at hindi natin maaaring pwersahin ang iba na makita ang nakikita natin; wala na tayong magagawa," madiplomasyang alok ng Presidente.

"Kung hindi nila gustong umunlad, kung gayon ay gagawin natin ito ng ating sarili," biglang sambit ni Xinghe ng seryoso.

Nagulat ang Presidente.

Tumitig si Xinghe sa mga mata nito at sinabi, "Mr. Presidente, nais kong magbukas ng akademiya, umaasa ako na sana ay aprubahan ninyo ito."

"Isang akademiya?" Ulit ng Presidente ng may kalituhan.

Ipinaliwanag ng grupo ni Xinghe sa Presidente ang pangkalahatang direksiyon ng kanilang plano at sa wakas ay pumayag ito. Dahil nga naman, ang pagbubukas ng isang paaralan ay isang mabuting bagay.

Gayunpaman, ang paaralan ni Xinghe ay kakaiba dahil ang tanging tatanggapin niya ay ang mga kahanga-hanga at talentadong tao, na mas kilala bilang mga henyo o mga taong may espesyal na kakayahan.

Gayunpaman, ang mga taong ito ay mahirap na kumbinsihin. May sarili silang kayabangan at hindi nila aaminin ang kung sinuman bilang kanilang guro. Isa pa, nais niyang ipasok ang maraming tao, na mas nagpapahirap pa ng husto sa kanyang plano.

Kaya naman, maraming tao ang may duda sa plano ni Xinghe. Gayunpaman, kumpiyansa si Xinghe, at ang Presidente ay hindi kayang magsalita ng anuman sa kanya.

Isa pa, may tiwala sila dito. At, ito ang plano na wala namang mawawala sa kanila; payag silang subukan ni Xinghe.

Ang Presidente ay tagahanga ng talento ni Xinghe at kakayahan, at marami siyang utang dito, kaya naman agad siyang pumayag sa hiling nito.