webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
86 Chs

Ye Song vs. Everybody!

Ang dalawang heneral sa tabi ng minotaur king ay naglakad patungo kung nasaan ang mga penguin at si Ahoka.

Nang dahil sa sigaw na ginawa ng dalawang heneral, ang lahat ng halimaw ay naging kalmado at tumingin ng masama sa mga halimaw na nanggulo sa kanilang base camp.

Ang penguin commandos ay handa ng lumaban ngunit bago pa sila gumawa ng aksyon ay narinig nila ang boses ni Ye Song.

"Ako na ang bahala dito. may gusto akong subukan"

Sa isang iglap, biglang lumitaw si Ye Song sa harap ng mga penguin at ni Ahoka na nakaupo sa lupa.

Naging alerto ang minotaur king nang makita niya ang pangyayaring ito at tinitigan si Ye Song ng masama.

Itinaas ng minotaur king ang kanyang kamay at tinuro si Ye Song.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at inutusan niya ang kanyang buong hukbo ng halimaw.

"Gusto ko siyang mamatay!"

Ang mga halimaw ay umungol ng sabay-sabay bilang pagtugon sa kanyang utos habang nakatayo pa rin siya sa gitna ng base camp tulad ng isang higanteng haligi.

Sapat na ang kanyang presensya upang tumaas ang moral ng mga halimaw!

Habang nangyayari ito, si Ye Song ay nakatayo lamang sa harap ng mga penguin at ni Ahoka. tiningnan niya lang saglit ang minotaur king at sinuri ang kanyang status upang malaman kung gaano ito kalakas.

[Minotaur King Enma LV.22]

Rank C Level Monster

Type: Boss

HP: 26,323

MP: 2,675

STR: 285

VIT: 340

DEX: 199

AGI: 188

INT: 176

LUK: 3

Habang sinusuri ni Ye Song ang status ng minotaur king ay narinig niyang nagsalita si Ahoka.

"Master, magiging ayos lang ba tayo??" tanong ni Ahoka na may bahid ng pag-aalala.

"Huwag ka magalala. mag-relaks lang kayo at maglaro, wala tong mga halimaw na ito saken" sagot ni Ye Song.

Nang marinig nila ang sagot ni Ye Song ay kuminang ang kanilang mga mata dahil sa paghanga.

"Napaka-cool naman ni master!" sinabi nila sa kanilang isipan.

Habang humahanga sila kay Ye Song ay mas naging agresibo ang mga ugong ng mga halimaw sa kanilang paligid.

Ang mga halimaw ay nagsimulang mag martsa na naging sanhi ng panginginig ng lupa.

Nang makita ni Ye Song ang nangyayari, napangiti ito at dahan-dahang lumakad patungo sa mga halimaw.

"Limit on"

Nang sabihin niya ang salitang ito, may malakas na hangin ang biglang pumaligid sa kanyang katawan.

*DING*

[In-activate mo ang Limit Stats Restriction!]

[Sinusuri ang katayuan ng kaisipan... maghintay lamang sandali]

[Successful!]

[Ye Song LV. 999][Blackout]

STATUS:

Skill:

[Cloaking LV. 10]

[God Slayer]

[Inspect LV.1]

HP: 36,255

MP: 11,420

STR: 500

VIT: 500

DEX: 500

AGI: 500

INT: 500

LUK: 228

*Maaari mo lamang i-deactivate ito kapag ikaw ay may kalmadong pag-iisip*

Nang tingnan ni Ye Song ang kanyang stats ay bumaba na ito ng naaayon sa kaya ng kanyang katawan.

"System, pwede ko bang makita ang mga damage na gagawin ko?"

*Pwede mong makita ang mga damage na gagawin mo kapag inactivate mo ang [Battle Mode] sa option menu*

Gustong makita ni Ye Song ang kanyang damage dahil gusto niyang maramdaman na siya ay parang nasa online game. tiningnan niya ang minotaur king na nasa dulo at ang mga halimaw na nakapaligid sa tabi nito bago isiwalat ang isang walang takot na ngisi.

Sa isang pitik ng kanyang daliri, isang sundang o dagger ang lumitaw sa kanyang kamay.

Ito ay ang Ashura na nakuha niya sa heaven gift box!

"Swoosh!" sa isang swoosh! nilipat niya ang posisyon ng pagkakahawak niya sa dagger at gumamit ng cloaking pagkatapos ay sumugod siya patungo sa mga halimaw!

Sa isang iglap, si Ye Song ay lumitaw sa likod ng isa sa mga heneral ng base camp. hinampas niya ito sa likod ng ulo pagkatapos ay sinundan ng ilang mga pagtusok gamit ang dagger na kanyang hawak.

Ang heneral ay nagulat at napasigaw sa sakit dahil maraming dugo ang nag-sprayed sa kanyang katawan. tumalikod ito at tumalon sa umaatake sa kanya ngunit pag talon nito ay wala nang tao sa kanyang likuran.

-880

-160

-974

-139

"Ok na, sapat na ang damage na to!"

Dahil sa critical effect ng kanyang [Ashura] at ng aura [God Slayer] ay nakuntento na si Ye Song sa damage na kanyang ginawa.

Habang tinitingnan niya ang kanyang screen, unti-unti na siyang napansin ng mga halimaw.

Naging alerto ang mga ito dahil sa presensya ni Ye Song at sinimulang atakihin siya sa iba't-ibang direksyon!

Dahil sa nakuha niyang basic reflex ng makuha ang system, ang paggalaw ni Ye Song ay lampas sa pagiging perpekto habang umiilag siya sa pag-atake at dumadaan sa pagitan ng mga halimaw.

Sa bawat isang halimaw na kanyang madaanan ay ginagamitan niya ng mga sunod-sunod na saksak at laslas ang kanilang mahahalagang bahagi.

Sa isang sandali lamang ay nakapatay siya ng higit sa limang halimaw ng sabay-sabay!

Sa ilalim ng nakakatakot na pagsalakay ni Ye Song, sunod-sunod na dumapa sa lupa ang mga halimaw.

Siya ay napakabilis!

Nag iiwan siya ng mga after image tuwing umaatake siya kaya wala ni isa ang makalapit sa kanya o ang tamaan lang siya!

Si Ye Song ay umiikot sa paligid habang iniiwasan ang mga pag-atake ng iba pang halimaw hanggang sa makakita siya ng pupuntiryahin.

Hinampas niya ang isa sa mga ito sa noo na may critical strike. ang kanyang silweta ay lumabo sa paggalaw pagkatapos ay muling lumitaw sa likod ng susunod na halimaw!

"Shoo!" "Shoo!" binilisan niya ang pag ilag nang walang tigil upang maiwasan ang sabay-sabay na pag atake ng mga halimaw.

Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming halimaw na nakapalibot sa kanya, walang hirap na iniwasan ni Ye Song ang mga pag-atake.

Ang kanyang mukha ay hindi nagpakita ng bakas ng takot!

Ito ay halos parang naglalakad lamang siya sa parke ng relax!