webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasy
Not enough ratings
86 Chs

Pagsalakay sa base camp ng mga halimaw!

Pagkatapos nilang kumain ay nagsimula silang maghanda upang salakayin ang base camp.

Sa pangunguna ng penguin commandos, gumawa sila ng plano kung paano aatakihin ang mga halimaw.

Nang matapos nila ang huling paghahanda ay bumalik na sila sa bundok malapit sa pinagtatayuan ng base camp ng mga halimaw.

Ang penguin commandos ang unang gumawa ng aksyon!

Gamit ang kanilang skill na glide, gumalaw sila sabay-sabay gamit ang kaunting paggalaw sa paligid na karaniwang may kaunting ingay. patuloy nilang ginawa ito hanggang makapunta sila patungo sa mga halimaw sa base camp.

Inaatake ng mga penguin ang mga halimaw na nakakasalubong nila habang dumadausdos sila pababa ng bundok habang si Ye Song naman ay inoobserbahan ang lahat ng ito habang nasa [Cloaking].

Dahan-dahan na binuksan ng mga penguin ang kanilang mga pakpak at nag glide sa paligid ng bukid at mabilis nilang inaatake ang anumang nakikita nila.

"Shing!"

"Shing!"

"Shing!"

"Shing!"

Ang bawat halimaw na makasalubong nila ay mabilis na nagkakapira-piraso!

Halos walang natitirang mga halimaw kung saan umatake ang penguin commandos!

Ito ay isang kaswal na gliding at slashing lamang pero sapat na ito upang madagdagan ang kanilang karanasan at kakayahang lumaban upang harapin ang mga halimaw.

Habang abala ang mga penguin sa pagsalakay ay inutusan ni Ye Song si Ahoka.

"Ahoka, ito na ang oras mo"

"Sige po master.."

Sa wakas! sa utos ni Ye Song, si Ahoka na naghihintay sa tabi niya ay tumalon-talon sa tuwa dahil makakapag pasikat na ito. tumingin siya sa base camp sa baba ng bundok at sumigaw.

"Let's go bitches!"

Lumitaw si Ahoka na may kamangha-manghang ugong!

Ang kanyang malaking katawan na may balahibong katulad ng isang malambot na unan ay mabilis na tumakbo pababa. ang mga matatalas na kuko sa kanyang paa ay nagsimulang kumislap habang ang buntot niya ay nagwawagayway.

"Patay kayong lahat sa akin ngayon, bitches!"

Muli siyang sumigaw ng malakas upang ipaalam ang kanyang pagpasok sa labanan!

Dahil sa kanyang pagiging isang god level monster, sandaling hindi nakagalaw ang mahihinang halilimaw dahil sa taas ng kanyang spirit. habang papalapit si Ahoka ay yumuko ang penguin commandos upang batiin siya sa kanyang pagdating.

Buong puso nilang tinanggap si Ahoka bilang nangunguna sa kanilang liga. kahit na siya ay low level pa rin, alam ng mga penguin ang kanyang totoong lakas!

"Thud!"

Si Ahoka ay tumalon pababa at lumapag malapit sa mga penguin. ang lupa kung saan siya lumapag ay dumagundong na parang may isang lindol na nangyari.

Habang pinapagana niya ang kanyang [Petrify Attack LV.3] ay isa-isa niyang china-chop ang mga halimaw gamit ang skill niya na [Claw Strike LV.3].

Siya ay nagpapakitang gilas dahil kumpiyansa at magarbo ang hitsura na iyon!

Dahil dito, walang nagawa ang mga halimaw kundi tumayo lang at hintayin ang atake sa kanila.

Hindi sila makapagisip ng maayos dahil sa epekto ng petrify attack!

Ngunit sandali lang ay hindi na kayang tiisin ng mga binti ni Ahoka ang bigat ng kanyang katawan. dahil tumalon siya pababa ay napwersa ang mga binti nito at hindi nakayanan ang bigat.

Nagpakitang gilas siya pag pasok ngunit ilang minuto lang ang tinagal ay hindi na kinaya at naubos agad ang kanyang stamina.

Pagod na siya agad!

Matapos magpakita ng ilang minuto, pawis na pawis si Ahoka.

"Plop!"

Si Ahoka ay bumagsak sa lupa sa sobrang pagod. desperado niyang ginalaw ang kanyang maiikling binti ngunit hindi siya sinusunod nito. sinubukan niyang bumangon gamit ang kanyang mga paa ngunit hindi ito madali.

Hindi lamang madulas ang lupa, wala rin itong lakas upang patayuin ang malaking katawan nito.

Nang makita ng penguin commandos ang sitwasyon ni Ahoka ay napa "facepalm" ang mga ito. pati si Ye Song na nasa kalayuan ay hindi mapigilan mag-facepalm.

"Kuchi, tulungan mo siya" napailing na lang si Ye Song at napangiti nang inutusan niya si Kuchi.

Pinaligiran nina Richi, Hachi at Pochi si Ahoka upang protektahan siya sa atake ng mga halimaw.

"Richi, may solusyon ka ba?" tanong ni Kuchi.

Ginamit ni Richi ang kanyang [Analyze LV.9] upang makapag isip ng solusyon.

"Hindi natin maililipat ang kanyang katawan dahil napakalaki nito. kailangan natin si Hachi na magbato ng mga granada upang takutin palayo ang mga halimaw" sagot ni Richi.

Nang marinig ni Hachi ang salitang "granada" ay napalingon agad siya kay Richi at nanlaki ang kanyang mata.

"Boom?"

"Yes, boom.."

Sa isang iglap, ang katawan ni Hachi ay naging malalim na pula dahil pinagana nito ang kanyang [Berserk LV.7]. di nagtagal ay nagsimulang maghanda na ito para ibato ang mga granada.

"Pochi, palapitin mo ang mga kalaban dito!"

Nang marinig ni Pochi ang utos ni Kuchi, pinagana niya agad ang kanyang [Provoke LV.10].

"Oiii, tingnan niyo ako~"

Tumalikod si Pochi at sinimulang igiling ang kanyang likuran.

Nang makita ng mga halimaw na parang inaasar sila ay nagalit ang mga ito at dali-daling tumakbo patungo sa direksyon ni Pochi.

Ngunit bago pa man sila makalapit kay Pochi ay nakarinig sila ng sunod-sunod na pagsabog.

"Boom!"

"Boom!"

"Boom!"

Malalakas na pagsabog ang sunod-sunod na umalingawngaw sa hangin at nagdulot ito ng kalituhan sa mga halimaw. pero bago pa sila makapag react, sumabog na ang kanilang mga katawan mula sa impact.

Ang mga granada na inihagis ni Hachi ay hindi ordinaryong granada. ito ay may kakayahang pulbusin ang mga halimaw sa isang pagsabog.

Ang mga halimaw ay nagpanic at dali-daling umatras palayo sa mga pagsabog.

Di nagtagal ay napansin na ng boss level monster ng base camp ang kaguluhan na nangyayari sa kanilang pangkat. galit na umungol ito sa mga halimaw na nagpa-panic.

Nang marinig ng mga halimaw ang malakas na ungol na ito ay unti-unti silang bumalik sa kanilang mga kamalayan at tumingin sa gitna ng base camp. doon ay nakita nila ang Minotaur King na nakatayo ng matuwid tulad ng isang bundok.

Lahat sila ay nakatingin sa hari na may takot sa kanilang mga mata.

Sa isang iglap ay nawala ang mga sigaw at kaguluhan sa base camp. natahimik ang lahat dahil naramdaman nila ang galit ng minotaur king kahit sa malayo.

Habang sila ay nanginginig sa takot ay sinira ng minotaur king ang katahimikan.

"Ang lakas ng loob niyong atakihin ang teritoryo ko! sisiguraduhin kong mamamatay kayong lahat!"

Sa sandaling matapos ang minotaur king sa kanyang pagsasalita, ang dalawang heneral sa kanyang likuran ay umungol ng malakas na nagpagising sa buong base camp.

Nagwawagayway = waving

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts