webnovel

MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA)

Laging malas si Shaina sa buhay, magmula nang mamatay ang ama niya sa isang car accident. Mas naging malas pa siya nang mabalitaan niya na baon sila sa utang dahil sa pagiging talo ng ama sa sugalan kaya for the sake of god nagawa siyang ireto ng ina sa matandang mayaman at walang gusto ay ang mapangasawa siya at gustong matikman pati ang puri niya. Kaya tumakas siya sa kanila para di matuloy ang pagreto ng ina sa matanda. Sa kasamaang palad, mas lalong malas ang buhay niya nang makilala ang magkakapatid sina Shawn ang pala kaibigan, si Steven ang bolero, si Tom na napakamaniyakis, si Alejandro ang babaero, si Mark ang tahimik ngunit mabait, si Ken na dating ex boyfriend niya, si at Orlando na masungit. Nabasag niya ang vase na nagkakahalagang 3 million dahil sa galit niya kay Orlando at naibato niya ang mga vase ngunit nakailag to. Nagmakaawa siya ngunit di siya pinagbigyan pero sa isang kundisyon, magtrabaho siya bilang waitress ng mga ito sa isang bar dahil nabasag niyang vase. Ako naman si loka loka handang gawin ang lahat mabayaran Lang niya mga ito. Paano kung umibig siya isa sa mga lalaki, at paano kung may mga pagtingin din ito sa kaniya? pagaagawan kaya siya?

Ruth_Rendon · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
30 Chs

Chapter 1: THE BAD LUCK

"Shaina!" tawag nito, habang nagaasikaso ng pagkain, napabuntong hininga na lang siya.

"Opo! Baba na." saglit sumulyap sa salamin saka bumaba, parang gusto niya nang umatras.

Nakita niya ang ina na naghahain na ng pagkain, lumapit siya sa lamesa upang tingnan ang pagkain at kumain.

Todo bihis ang ina at nakabihis na rin siya pero mukhang di niya mapipigilan ang gusto nitong mangyari.

Magmula kasi nang mamatay ang ama niya sa isang car accident na naging dahilan ng pagkawalan ng pera at ari-arian. Gusto niyang magalit sa ama kung bakit ibinuhos nito ang mga pera sa sugal at nabaon sila sa utang, pero di niya magawa iyon dahil ama niya pa rin ito.

Ang nakakinis na nga lang, malas na nga siya mas minamalas pa siya lalo. Irereto pa naman siya ng ina sa isang matandang mayaman at amoy lupa.

'So disgusting' anya sa sarili, may pagkamanyak kasi ang matanda kaya di niya maiwasang mailang sa mga ginagawa nito.

"Ma."

"Yes!" napalingon sa kaniya.

"Can we just cancel it, muna kasi parang masakit pa pakiramdam ko." pagdadahilan niya sa ina.

"Ay! Naku Shaina tigil tigilan mo nga ako, alam kong ayaw mo sa matanda ngunit wala tayong magagawa."

"P-pero! Ma!"

"Kung di lang sana tayo iniwanan ng ganitong kalala ng iyong ama, sana di tayo mababaon sa utang at nang di kita ireto sa matandang yun."

Napayuko na lang siya saglit saka sumulyap sa wall clock, malapit na magsix kaya dapat nasa harap na siya ng hotel.

Kumilos na siya saka tinapos ang pagkain, kasama din pala ang ina niya para sa Dinner na gaganapin kaya nagtaxi kaagad sila upang makapunta sa nasabing hotel.

Ito na ang masasabi niyang 'bad luck' dahil sobrang malas niya, at parang gusto niya ng magpakain sa lupa at nang di na makarating pa sa mismong pupuntahan nila.

Read this at Sana sa paningin niyo a y pumatok itong kuwento na masasabi ko kung paano ka pagpustahan

Ruth_Rendoncreators' thoughts