webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
388 Chs

Piss Off

"Baba!" Galit niyang sabi sakin at wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Pagbaba ko agad niyang ipinatong sakin yung coat niya at hinila ako palabas ng party.

Natahimik lahat ng ka-officemate ko na parang nagulat sa nangyari hanggang sa tuluyan kaming maka-alis.

Mahigpit yung hawak ni Martin sa braso ko at nakita kong palabas na kami ng hotel at doon ko lang naalala yung gamit ko na naiwan sa loob.

"Wait lang yung gamit ko!"

"Pakuha mo nalang sa kasama mo!" Galit niyang sabi sakin at nagpatuloy sa pagkaladkad sakin palabas.

"Pati yung cellphone ko at wallet ko andun!"

"Dadalhin naman siguro yun ng kaibigan mo!" tutuyan niya kong dinala sa parking area kung saan andun yung kotse niya naghihitay.

"Saglit lang kukunin ko muna!" Paki-usap ko.

"Di ka ba nakaka intindi sa sinasabi ko?" Galit niyang sabi sakin. Bigla akong natigilan sa reaction ni Martin na parang gusto niya na kong saktan. Doon ko lang nakita na kanina pa naka tikom yung kamao niya na parang kanina pa nagtitimpi kaya wala akong nagawa kundi pumasok na lang sa sasakyan niya at umupo ng maayos.

Mabilis niyang pinaharurot yung kotse palayo sa Hotel at makalipas lang ng ilang minuto ay nakarating kami sa Pad niya at wala siyang sabi-sabing bumaba at dahil nga alam kong galit siya at tahimik lang akong sumunod hanggang makarating kami sa taas.

Pagpasok namin agad siyang dumiretso sa kusina at nagbukas ng ref doon ay tinunga niya yung plastic bottle na may lamang tubig para pakalmahin yung sarili pero parang di nun naibsan yung galit na nararamdaman niya kasi inihagis niya iyon at pagkatapos ay sinipa niya yung upuan sa counter at winasiwas lahat ng gamit na naka patong sa counter.

Gulat na gulat ako sa nangyari at di ko mapiglang mapahawak sa dibdib ko dahil sa pagkakabigla.

"Ay!" Tili ko ng makita kong tumalsik papunta sakin yung ikapiraso ng tasa na inihagis niya at dahil dun parang natigilan si Martin kaya huminto siya sa pagsira ng gamit pero nanatili parin yung galit niya kasi naka kapit parin siya ng mahigpit sa may gilid ng counter na para bang gusto niya itong basagin.

"Hubarin mo yang damit na yan at tanggalin mo yang make-up mo!" Sigaw niya sakin.

Pagka rinig ko nun agad akong tumakbo papuntang kwarto namin at dumiretso ako sa banyo doon ay hawak-hawak ko yung dibdib ko na kanina pa kinakabahan kasi first time kong makita si Martin sa ganung kundisyon at di ko alam kung ano ang naging dahilan nun.

"Lumabas ka na diyan!" Mahinang sabi ni Martin pagkatapos niya kong katukin sa banyo. Di ko alam kung ilang oras ako andun pero wala akong lakas ng loob lumabas.

"Hon!" Muling tawag niya at sa tingin ko kalmado na siya kaya dahan dahan na kong tumayo sa pagkakaupo sa toilet bowl kanina pa ko tapos maligo at natuyo na nga yung buhok ko sa loob at nakaramdam narin ako ng lamig lalo pa nga at tuwalya lang yung naka tapis sa hubot-hubad kong katawan.

Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at mabagal din yung paghakbang na ginawa ko pero ma-tiyaga akong hinintay ni Martin at ng tuluyan na kong naka tayo sa harap niya agad niya kong niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry!" Sabi niya sakin habang isinubsob yung muka niya sa leeg ko. Di ko alam kung paano ako magrereact lalo pa nga di ko alam kung anong dahilan ng outburst niya.

"Hon!" Muli niyang sabi sakin ng di ako sumagot.

"Ano nangyari?" Tanong ko.

"Wag mo na kong pansinin, I'm sorry di na mauulit!" sabi niya sakin sabay hawak sa dalawa kong pisngi at halik sa labi ko.

"Paano kita patatawarin kung di ko alam kung ano ba yung totoong nangyari?"

"Yaan mo na!" Muli niyang sagot na halatang iniiwasan niya yung topic.

"Bihis ka na!" sabay abot sakin ng set ng pajama ko at dahil nga ayaw niyang pag-usapan namin hinayaan ko nalang para kasi sakin hintayin ko nalang na mag-open up siya if ever okey na siya.

Habang nagbibihis ako ay lumabas si Martin pagbalik niya may dala siyang isang basong gatas na inabot sakin.

"Thank you!"

"Ubusin mo na, tapos mauna ka ng matulog may tatapusin lang ako saglit!" tumango nalang ako bilang pagsang ayon at muli na kong iniwan ni Martin. Pagkatapos kong inumin yung gatas ay lumabas ako ng kwarto para ilagay sa kusina yung basong pinag-inuman ko.

Maayos na uli yung kusina wala na yung mga basag na gamit at naayos narin yung mga upuan na nawala sa pwesto na parang walang nangyari.

Hays!' buntong hininga ko sabay lapag ng baso sa lababo at hinugasan ko na, pagkatapos ay muli akong bumalik sa kwarto.

Dahil nga wala akong cellphone di ko matanong si Dina kung anong nangyari sa party at kung pwedi itabi niya yung gamit ko.

"Siguro naman itatabi niya yun!" Sabi ko sa sarili ko bago ko ipinikit yung mga mata ko.

Paggising ko ng umaga wala na si Martin sa tabi ko at malamig narin yung pwesto niya kaya malamang kanina pa siya gising. Pagtingin ko sa relo alas nuebe na ng umaga,"tanghali na pala kaya malamang pumasok na siya sa trabaho."

Agad akong bumangon at dumiretso sa banyo at naligo. Inisip kong umuwi muna sa bahay kaya lang bigla akong natigilan kasi nga naiwan ko yung gamit ko at kasama dun ang wallet ko so paano ako magcocomute di ko tuloy maiwasang mapa kamot sa ulo.

Paglabas ko may nakahanda ng pagkain sa lamesa at may naka sulat na note doon.

"Good Morning! kain ka na ng breakfast tapos hintayin mo ko may tatapusin lang ako saglit sa office tapos hatid kita sa bahay niyo. Love you! Martin."

Napa ngiti nalang ako sa nabasa ko at sinimulan ko ng kumain, pagkatapos nung naisip kong ayusin yung mga halaman ni Martin sa labas habang hinihintay ko siyang maka balik.

Na-diligan ko na yung mga halaman, na trim ko narin at naligpit ko narin yung mga kalat pero wala parin si Martin mag past twelve na at di man lang siya tumawag sakin.

"Ay, wala nga pala akong cellphone!" naalala ko sabay kaltok sa ulo ko. nanatili lang akong naka tingin sa pintuan ng elevator habang hinihintay yung pagdating niya.