223 The Show

"Ano sa tingin mo?" Tanong ni Dina sakin.

"Try ko ito!" Parang mas less daring yung isa na iyon kasi yung isa may butas pa sa tagiliran para ipakita yung hubog na iyong katawan.

"Sige!" Pag-sang ayon ni Dina. Kaya dahan-dahan kong tinupi yung gown at ibinalik sa bag ko. Di ko narin inilabas yung iba ko pang gamit baka muli nila akong dumugin.

"Hoy Michelle matagal ka pa ba? Naka-alis na yung lahat tayo nalang dito!" Tawag ni Dina sa akin. Nasa loob ako ng banyo pinagmamasdan ko yung sarili ko paano ba naman labas yung kalahati ng dibdib ko, tapos naka display yung mahaba at mapuputi kong legs ang masaklap pa back less din yung damit.

"Di kaya patayin ako ni Martin kapag nakita niya ko sa ganitong ayon?" Tanong ko sa sarili ko ang problema ko pa inayos ni Dina na messy bun yung buhok ko kaya kitang kita yung bare kong likod.

"Uy Michelle ano ba?" Muling tawag ni Dina kaya wala akong nagawa kundi bukasan ang pinto at lumabas.

"Woah! Ang sexy mo, para gusto ko ng maging lalaki!" Sigaw ni Dina.

"Muka mo!" Sabay katok sa noo niya.

"Sagwa ba?" Tanong ko habang hinila ko ng bahagya yung laylayan ng damit ko para matakpan ng bahagya yung legs ko pero lumabas naman yung dibdib ko. Di ko na talaga alam ang gagawin ko sa damit na ito.

"Ang ganda mo kaya, malamang yung mga lalaki sa party tutulo nanaman ang mga laway!"

"Baka muka naman akong pokpok nito!" Reklamo ko.

"Gaga, hindi! Ang ganda mo at super sexy!"

"Kaya lang!" Poprotesta pa sana ako na bigla na kong hilahin ni Dina.

"Okey na yan, di ka mukang bastusin!" Wala akong nagawa kundi sumunod na kay Dina papunta sa party.

Lahat ng tao sa party ay napatigil at napatingin samin ni Dina nung pumasok kami, dahil nga huli na kami kaya halos lahat ng ka officemate namin ay nasa loob na. Lalo tuloy akong nag-alala sa itsura ko kasi feeling ko lahat sila naka tingin sakin.

"Woah Michelle!" Bati ni Alvin sakin. Biglang namula yung pisngi ko dahil sa reaksyon niya na yun na para bang gusto kong bumalik sa kwarto at magtago na lang.

"Pwedi ba Alvin punasan mo yang laway mo at nakakahiya. Isa pa wag mong titigan si Michelle baka gusto mong tusukin ko yang mata mo!" Pagbabanta ni Dina.

"Sorry, di ko mapigilan ang ganda kasi ni Michelle!" Papuri ni Alvin sakin.

"Di ba masagwa?" Nahihiya kong tanong.

"Hindi! Napa ganda mo! Ako first dance mo mamaya ha!" Pangongontrata nito sakin.

"Sure ka?" Muli kong tanong.

"Oo, napa ganda mo!" Full of sincerity niyang sabi kaya parang nabunutan ako ng tinik. Isa pa medyo dim light naman yung ilaw ng venue kaya di masayadong pansinin yung suot namin.

"Relax ka lang at saka lahat kaya ganyan ang suot!" Sabi ni Dina sakin at doon ko nga napansin na halos ng mga kasama kong babae ay maiikli ang mga damit maliban nalang sa mga oldies pero yung kaidadan ko halos lumabas na yung kaluluwa at kung tutuusin mas conservative pa nga yung suot kong damit.

"Inom ka muna!" Sabay abot ni Dina ng kpita sakin na naglalaman ng wine at para marelax ako agad ko iyong tinungga.

"Welcome to our 20XX year-end party!" Sigaw ng Host nung event at di nga nagtagal nag-umpisa na yung program. Andun yung pinasaywa yung mga newly hired na nangyayari nama every year. Matapos ng performance ng mga ito nagkaroon ng raffle at kung mamalasin ka nga naman di ako nabunot.

"Okey pa ba kayo?" Sigaw ng host.

"Okey pa! Di pa kami lasing!" Sigaw ng karamihan na nagbigay ng tawanan.

"Kung ganun, hayaan nating lasingin tayo ng mala-anghel na boses ni Michelle at bangungutin dahil sa angkin niyang kagandahan at ka-sexihan!"

"Woahhhhhh!" Sigaw ng lahat.

"Huh bakit ako?" Sigaw ko.

"Sing for us, Michelle!" Sigaw uli ng lahat.

"Go...go...go....!" cheer ng mga ka grupo ko.

"Magkano premyo?" Tanong ko nung mahawakan ko yung mic. Wala na kong nagawa kasi nga hinila na nila ko papuntang stage at dahil nga naka inom na ko medyo nawala na yung hiya ko. Isa pa mga ka-officemate ko naman yung mga andito kaya pwedi ng maging cow-boy.

"Boss premyo daw!" Sigaw nila Dina.

"Lalakihan ko yung pakimkim sa kasal mo!" Sigaw ni Boss.

"Iba yun, daya!" Reklamo ko at muling nagtawanan yung mga ka officemate ko.

"Sige bibigyan kita ng malaking bonus basta kantahin mo yung Tie A Yellow Ribbon Round The Ole Oak Tree!" Muling sigaw ni Boss Helen. Muling nagtawanan ang lahat paano ba naman sa eded kong ito malamang di ko alam yung kanta na iyon.

"Sorry ka Boss alam ko yan!" Pagyayabang ko.

"Maestro.... music!" at dun tumugtog yung kantang request ni Boss Helen.

I'm comin' home, I've done my time

Now I've got to know what is and isn't mine

If you received my letter telling you I'd soon be free

Then you'll know just what to do

If you still want me, if you still want me

Whoa, tie a yellow ribbon 'round the ole oak tree

It's been three long years, do you still want me?

If I don't see a ribbon round the ole oak tree

I'll stay on the bus, forget about us, put the blame on me

If I don't see a yellow ribbon 'round the ole oak tree

Bus driver, please look for me

'Cause I couldn't bear to see what I might see

I'm really still in prison and my love, she holds the key

A simple yellow ribbon's what I need to set me free

And I wrote and told her please

Whoa, tie a yellow ribbon 'round the ole oak tree

It's been three long…

"Bonus!" Sigaw ko bago matapos yung kanta at ganun din yung mga kasamahan ko at walang nagawa si Boss Helen kundi mapa-iling habang ako ay tuwang-tuwa pero naputol yung tawa ko nung makita ko yung isang lalaking naglalakad papuntang stage at base sa muka niya halatang galit na galit ito.

avataravatar
Next chapter