webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
388 Chs

Gay

Mabilis na umani ng like at comment yung post ko na yun at natatawa lang ako sa mga pinagsasabi nila.

"I'm willing to marry you kahit saang simabahan mo gusto Michelle!" Comment ni Chrsitopher. Na mabilis kong nireplyan ng "Get Lost!"

"Can I apply?" Comment ng isang nanligaw din sakin nung College.

"Patayin kita gusto mo?" Reply ni Christopher na akala mo syota ko. Kahit sa America ganun din siya sa possible suitors ko sa akin okay lang yun kasi nga ayaw kong mag nambubulabog sakin pero sa pagkakataon ngayon di na kasi kung si Martin nakapag move-on na dapat ako din kaya kailangan ko ng maghanap ng possible partner in life.

"Please PM me for interested applicant kung pasado sa initial screening you will receive a reply from me!" Comment ko sa post ko na parang bang HR lang na hanada ng maghire ng future husband.

Muling umani yun ng likes and comments pero di ko na sila pinansin. Pinagmamasdan ko yung bukang liwayway kasi nagsisimula ng sumikat yung araw.

Nang magsawa ako sa panunuod sa kawalan muli kong binuksan yung messanger ko at sang katutak na yung message nun pero di ko yun binuksan.# Hangang nabasa ko yung message ni Zaida.

"Kailan ka dumating?" Kagabi niya ito sinend sakin kaya lang di ko napansin.

"Nung 31 lang!" Reply ko. Kagaya ko mukang di parin natutulog si Zaida.

"Meet tayo!"

"Sige!"

"Mamaya?"

"Naku di pwedi wala pa kong tulog!" Tangi ko isa pa pinapunta ko yung mga inaanak ko ngayong araw para mamigay ng pamasko kaya di ako pweding umalis.

"Bukas?"

"Di rin pwedi hehe!"

"Kailan ka pwedi?"

"Sa sunod na bukas pwedi na ko! Wednesday!"

"Hmmm sige punta ka sa shop ko!" Sabi ni Zaida sakin.

"Sige no prob!" Wala naman kasi akong gagawin kaya di masama kung makipag meet ako kay Zaida. Kahit wala na kami ni Martin kahit papano may pinagsamahan naman kami ni Zai. Isa pa may balak din sana kaong ipabalik kay Martin at si Zaida ang naiisip kong paraan para maisauli yung mga bagay na dapat matagal ko ng isinauli.

"Deal!" Reply ni Zaida sakin with heart emoticons pa.

"Sige na at matutulog muna ako!" Paalam ko kay Zaida kasi nga medyo bumibigat na yung talupak ng mata ko. Need ko narin talaga matulog para bago dumating yung mga inaanak ko ay may energy na ko. Buti nalang talaga hapon ko sinet yung pagpunta nila.

Dahil nga wala na kong oras mamili ng regalo puro cash yung pinamigay ko. Isinobre ko na ito sa ampao at may mga pangalan narin. Kaya kung sino yung dumadating ay nag-aabot nalang ako matapos nilang mag-bless sakin.

Mag seven na ng gabi ng umalis si Nina, nagkwentuhan pa kasi kami. Nasabi daw ni Anna na magrereunion daw kaming apat pag dumating silang dalawa ni Annalyn. Magbabar-hoping daw kami, sa akin naman walang problema kaya go lang ng go

Darating sa January 4 si Anna at Annalyn kaya naka set sa Friday night yung labas namin. Kaya naglagay na ko sa reminder ko mahirap ng makalimutan ko lalo pa nga ang daming nagyaya sakin for a date.

Simula kasi ng nag post ako madaming nagpapahiwatig kung pwedi daw manligaw pero ewan ko ba wala pa kong nirereplyan sa mga iyon. Si Cristopher pumunta kanina pero di ko siya naka-usap sinabi lang ni Mama nung magising ako kasi nga tulog ako nung dumating siya.

May dala ngang bulaklak at malaking teddy bear pero di ako ginising ni Mama kasi nga daw halos katutulog ko lang at pinagsabihan siya na bumalik nalang daw sa susunod na taon. Di ko mapigilang matawa nung kinukwento yun ni Mama kasi yung muka daw ni Cristopher parang iiyak.

Kung sakin lang gusto ko sana maging magkaibigan lang kami pero ang kulit niya super. Kaya di ko nalang siya pinapansin.

Pag-akyat ko sa kwarto, tiningnan ko yung damitan ko. Naghahanap kasi ako ng pweding isuot sa party bukas na pupuntahan ko. Formal dress kasi yung nakalagay sa invitation na sinend sakin ni Dina kanina at ang venue sa Casa Milan sa may Pasay. Wala akong makitang pwedi kong suot kasi di naman ako umaatend ng formal event.

Yung mga gown na binili sakin ni Martn sakin dati ay nasa Pad niya. Habang nag-iisp bigla kong naalala na dinala ko pala yung gown na binili ko last year. Isinuot ko yun nung Christmas party namin, kaya agad kong hinalungkat yung maleta ko.

Actually di pa ko nag-aayos ng mga gamit ko kaya medyo magulo pa. Agad ko naman yung nakita at buti nalang dala ko rin yung pares nung sapatos at bag, para bang alam kong may pupuntahan akong party.

Inilatag ko yung gown, Sleeveless siya with jewel neckline dress na may beading. Body fitted siya with an open back with full-length sheath skirt. May high slit sa kanan and mini train finish. Medyo bold siya pero di ka mukang bastusin.

Sabi nga ni Anna halos mabaliw daw yung kalalakihan nung makita ako nung araw na iyon kaya tinanghal akong queen of the night. Ultimo bading daw parang gusto ng magpakalalaki dahil sakin.

Dahil nga limited yung time ko ito na lang yung isusuot ko. Di naman yata masyadong agaw pansin OA lang talaga si Anna mag react. Nung maayos ko yung susuutin ko ay humiga na ko sa kama.

Kailangan kong matulog kahit di ako inaantok para kahit papano bukas ay wala akong eyebag baka kasi sa halip na maganda ako sa first apeareace ko sa mga dati kong ka-tabaho ay magmuka akong zombie.

"Dapat bukas makakita ako ng future husband! Kahit gay pwedi na basta meron!" Sabi ko sa sarili ko na parang ewan. Napailing nalang ako at ipinikit yung mata ko.

"I love you!"

"I love you too!"

"Di ka pweding maghanap ng iba ako lang dapat!" Sabi ni Martin sakin

"Oo ikaw lang at wala ng iba!" Masaya kong sagot sa kanya.

Bigla akong nagmulat ng mata kasi napanaginipan ko yung sumapaan namin ni Martin. Bigla kong itinaas yung kamay ko, paano naka suot sa ring finger ko yung promise ring na binigay sakin ni Martin. Kanina kasi habang nagkakalkal ako nakita ko iyon kasama ng engagement ring namin dalawa.