webnovel

Rude

Bago magpalit ng taon ay nagpicture-picture muna kaming family. After two years nagawa namin ito uli. Kasi nung wala ako puro sa video chat lang kami nagbabatian ng Happy New Year.

"Isa pa!" Sabi ko habang itinaas yung tripod para kumuha ng picture.

"Yan, ang ganda!" Sabi ko sabay pakita sa kanila yung shot. Naka upo si Mama sa single chair, samantalang si Papa sa wheelchair niya. Kami ni Mike sa sahig naka upo. Abot langit yung ngiti namain apat kasi nga kahit papano magkakasama na kaming lahat.

"1-2-3-4-5-6-7-8-9-10.... HAPPY NEW YEAR!" Sigaw namin sabay kalampag ng kaldero. Bagong taon na, bagong buhay at bagong pag-asa! Ilang minuto pa kaming nag-ingay bago nagsalita si Mama.

"Kain na tayo!"

"Tara!" Pag-sang ayon ko habang itinulak si Papa palapit sa dining table.

Paupo na rin sana ako sa upuan ko ng biglang magring yung old phone ko. Number lang iyon kay di ko sinagot pero paulit-ulit itong tumawag kaya napilitang akong sagutin iyon.

"Hello!" bati ko pero walang reply sa kabilang linya. May naririnig akong music sa back ground niya pero yung tumawag di nagsasalita. Mukang nasa party siya kasi may mga taong nagsisigawan at nagtatawanan.

"Hello!" Muli kong sabi pero nanatili siyang walang kibo.

"Kung ayaw mong magsalita wag kang tumawag kasi iniistorbo mo ko! RUDE!" Sabay baba ko ng telepono.

"Sino yun nak?" Tanong ni Papa sakin.

"Ewan ko dun, ayaw magsalita! New year na new year pinaprank ako!" Naiinis kong sabi.

"Bakit mo kasi sinagot?" Tanong ni Mike habang nagsisimula ng kumain.

"Akala ko kasi kilala ko kasi nga tatatlong beses nag mis-call."

"Di nga register yung number sa phone mo paano ka kilala?" Muli niyang tanong sakin.

"Yaan mo na nga yun, kain na tayo!" Sagot ko kay Mike para tapusin na yung topic na yun.

Muling naging masaya yung kainan naming apat. Madaling araw na kaming natulog kasi nga di natapos yung kwentuhan namin tungkol sa mga bagay-bagay. Mga pangyayari sa buhay namin simula ng umalis ako.

Si Papa pala ay pinabalik sa kumpanyang pinapasukan niya pero work from home lang siya. Dinadala lang nung messager nila yung mga documents na need niya at pini-pick up rin pag tapos na. Ginawan siya ni Mike ng maliit na office saa kwarto nila ni Mama.

Si Mike naman at nagtanggap narin sa trabaho pero laking gulat ko na nasa Casa Milan Group of Companies siya nagtatrabaho. Nung huli naming usap ang sabi niya lang sakin ay may work na siya pero di niya sakin sinabi kung saan.

"Paano ka natanggap dun?" Seryoso kong tanong sa kanya. Kaming dalawa na lang ni Mike ang nag-uusap, natulog na si Mama at Papa.

"Nag-apply!"

"Sa dinami-daming company bakit dun ka nag-apply?" Duda kong tanong.

"Marami akong pinasahan kaya lang nauna kasi yung tumawag sakin kaya pinatos ko na!"

"Eh bakit ka nagpasa dun ng application mo?" Naiirita kong tanong.

"Di ako ang nagpasa ng application ko dun." Paliwanag ni Mike.

"Eh sino?" Taas kilay kong tanong. Sa totoo lang ayaw ko na sanang magkaroon pa ng connection kay Martin at ganun din yung pamilya ko sa kanya kaya di ko maiwasang maasar kay Mike ng malamang kong dun siya nagtatrabaho.

"Si Xandra!"

"Sino si Xandra?" Nagtataka kong tanong.

"Girlfriend ko."

"Girlfriend mo? Paliwanag mo ngang mabuti!" Galit kong sabi sabay hampas sa ulo niya.

"Si Xandra girlfriend ko siya, nagtatrabaho siya sa Casa Milan Group of Companies as one of assistant secretary ng personal assistant ni Kuya Martin. Siya yung nagsubmit ng resume ko sa HR kasi nga gusto niya dun din ako magwork para magkasama kaming dalawa." Naka yukong paliwanag ni Mike, marahil nahiya din sakin.

Napahaplos ako sa noo ko kasi feeling ko kumirot siya.

"Alam ba niya?" Tanong ko makalipas ng ilang minuto.

"Di ko sure pero simula naman ng pumasok ako dun di ko pa nakita si Kuya Martin."

"Tigilan mo nga yung katatawag sa kanyang Kuya di mo siya kapatid at bilang Boss niya dapat Sir tawag mo sakanya!" Inis na inis kong sabi kay Mike, di ko napigilang muli siyang batukan.

"Aray ko naman!" Reklamo ni Mike habang hinahaplos yung ulo niya na binatukan ko.

"Alam mo naman yung nangyari samin ni Martin di ba?" Sabi ko uli kay Mike ng kumalma ako.

"Ate naman dumaan naman ako sa proseso at saka wala naman nakaka-alam na ex mo si Kuya Martin ay si Boss Martin!" Bawi ni Mike ng tingnan ko siya ng masakit.

"Basta kapag naging kumplikado yung sitwasyon magresign ka!"

"Bakit my balak ka bang agawin si Boss Martin sa fiancee niya ngayon?" Na-eexite na sabi ni Mike.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Kala ko kasi may plano kang...!" Di na natapos ni Mike yung sasabihin niya kasi muli ko siyang binatukan para mawala sa utak niya na may future pa kami ni Martin kasi kahit kailan di ako yung tipo ng babaeng maghahabo sa lalaki.

Wala na kong ganang makipag-usap kay Mike kaya umakyat na ko sa taas at tuluyan siyang iniwan.

Dahil nga mahaba yung tulog ko kagabi di pa ko inaantok kahit malapit ng mag five ng umaga kaya dumiretso ako sa rooftop namin para abangan yung pagsikat ng araw.

Habang naka upo ako dun ay muli akong nagbukas ng FB account ko at pinapitan ko yung backgroup photo ko ng bagong family picture namin.

"Happy New Year! Let's Start the New Year with Happy Life with a Happy Heart!" Caption ko sabay attached ng picture ko, sa pagkakataong ito ay naka harap na ko sa camera. Kuha ito sakin kanina ni Mike habang naka upo ako sa sofa namin naka tawa ako habang naka pease sign sa daliri. Wala akong make-up na suot at naka simple gray shirt lng na ang naka sulat "I'm looking for a husband!"

Regalo yung sakin ni Anna nung pasko at dahil nga inaasar ako ni Mama at Papa kanina tungkol sa paghahanap ng boyfriend yung ang isinuot ko. First time kong isuot yun kahit pinipilit ako ni Anna di niya sakin mapasuot kasi nga di naman ako naghahanap sabi ko nga kung para sakin para sakin at kusa yung dararting.

Next chapter