webnovel

Marry Me Kuya!

Nine years ago, with the age of eleven I married him. While walking on the aisle with my dying father, I looked at him. My seventeen year old groom. I knew all along that I was only a child in his eyes. But I promised back then. That he alone would be my husband till I die. But that was a long a time ago. A very long time... Now with the beauty of a nineteen year old lady, I stood in front of him. A shocked expression was all registered in his handsome face just like Nine years ago... Where I shouted at him. "MARRY ME KUYA!" **** This is Book 1, you can check next the Book 2 entitled Divorce Me Kuya All Rights Reserved #EARL0007

EARL0007 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
47 Chs

Chapter 29: Oh No!

"Never apologize for trusting your intuition- your brains can play tricks, your heart can blind you, but your guts are always right"

*****

Eiffel's POV

"She looks so beautiful" I commented pertaining about the actress.

"Hmm... Maybe" bored na sagot ni Kuya Clyde.

We are both sitting on the couch at the moment watching the TV, nakahiga siya sa lap ko habang pasulyap sulyap sa binabasa niyang files.

Minsan ay nakasandig ang ulo ko sa balikat niya. o di kaya ay nakaupo ako habang yakap niya ako mula sa likod ko.

Mayroong isang special na araw kada buwan ay pwede kaming maging sweet sa isat isa, tulad ngayon. He wouldn't mind and so do I, after all ay meron na kaming mutual understanding though we know the boundaries.

Nakakatuwang isipin na ang language of love niya ay through physical. Hindi man niya sabihin kung mahalaga ako ako sa kanya ay ayos lang, dahil sapat na sa akin na pinaparamdam niya ito.

"Maybe lang? it's Kathryn Bernardo!" nakakunot na saad ko.

"My wife is prettier than her" he stated and shrugging off the topic.

"D-Don't say that!" suway ko at pilit tinatago ang kilig na nadadama at natatawang binalik ni Kuya Clyde ang atensyon sa TV.

Napatingin ako sa orasan at agad tumayo.

"What's wrong?" nagugulhang tanong niya na biglang napaupo.

"You'll be late!" I frantically answered at pumasok sa kuwarto niya, hinalungkat ang closet niya at kinuha ang isusuot niya sa araw na ito.

Half day lang ang klase niya ngayon kaya nagstay siya kasama ako sa bahay.

Sumunod siya sa akin sa kuwarto "Magaabsent ako"

Nakapamewang na hinarap ko siya. "Oh no you won't. I will not let you" I argued.

"It's just for today, can't I enjoy this day with you?"

"No." I answered and handed him his black polo saka lumabas ng kwarto niya. Pumunta ako sa sala at kinuha sa shoe rock ang sapatos niya.

Nakasimangot na lumabas si Kuya Clyde mula sa kuwarto niya suot suot ang damit. Umupo sa couch at sinuot ang sapatos niya.

Kitang kita sa napakagwapo niyang mukha ang disappointment at tampo.

Di ko naman mapigilang hindi maguilty.

"We still have some time later" pagpapalubag loob ko.

"Hmp, pinapalayas mo ko then now you're consoling me." Nakangusong sabi nito.

Inabot ko yung maroon jacket niya at sinuot naman niya.

"I'll see you tonight" saad ko at tumango lang siya saka umalis na ng bahay.

Pero bigla itong bumalik saka hinalikan ako sa noo "No surprises, bawal pagudin ang sarili" bilin niya sabay alis agad.

Naiwan akong namumula at hawak hawak ang noo ko.

"I love you too" nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Patagal ng patagal at kuya Clyde becomes sweeter and more lovable in my eyes.

Gosh. Kaloka ang mister ko. Nawala ang ngiti sa labi ko at agad napakunot.

Ano bang pinagsasasabi mo Eiffel?!

Nahahawaan na ata ako ng mga weird na mga kaibigan ko. Nagtungo ako sa kusina at nagumpisa nang magluto.

Today is our Sixth monthsary.

Parang kahapon lang noong nagcelebrate kami ng first month namin together. He still treats me as a kid but I don't really mind anymore.

Kuya Willam sometimes sleepover in our house and I always made sure that he is well treated. Madalas din akong yayaing magshopping ni ate Lene at Rene at galit na dadatnan namin si Kuya Clyde sa bahay.

Minsan ay dinadalaw kami nila Mommy Sophie and Daddy Gene, giving us souvenirs na galing sa ibat ibang bansa na pinupuntahan nila.

Well, konti narin ang mga lalaking nangungulit sa akin sa school, siguro dahil lahat sila ay natatakot kay Kuya Clyde dahil lagi niya akong hinahatid at sinusundo na parang bantay sarado ako.

I became closer to my friends at siguro ay aaminin ko rin ang sekreto ko pagdating ng araw.

Pero sa ngayon ay eenjoyin ko muna ang pagsasama naming dalawa.

The six months I stayed with him was like dream came true, and I can't wait to spend the rest of my life with him.

Though six months ko naring hindi nakikita sila Mommy at Daddy. I miss them terribly but I will be a good girl and wait for them.

After all, I never felt sad when I'm with Kuya Clyde at hindi ko alam kung kakayanin ko pang mahiwalay sa kanya..

'''

I was so busy sa pagluluto nang biglang may narinig ako na pumasok sa loob ng bahay. Agad umalis sa tabi ko si Puffy at tumahol.

Nagtatakang lumabas ako ng kusina.

"Napaaga naman ang uwi mo Hub..." gulat na napatingin ako sa taong nakatayo sa loob ng bahay namin.

"Hi!" nakangiting bati niya.

Clyde's POV

Bagot na bagot akong nagkatingin sa wrist watch ko habang nakikinig sa klase.

Gusto ko nang umuwi at makasama si Eiffel pero here I am, stuck in this boring class pagkatapos niya akong itaboy paalis.

"Brad, hindi bibilis ang oras kahit titigan mo yan" bulong ni Willam na naka upo sa tabi ko.

"Shut up" naiinis na sabi ko.

"Alam kong miss mo na ang lil' wifey mo pero kunting tiis nalang macecelebrate niyo rin ang monthsary niyo" nangiinis na ngumisi siya.

"Mr. Feng will you read the next line please" biglang utos ni Mrs Dracula at agad napangiwi si Willam. Halatang hindi rin nakikinig sa klase.

"Page 84, column 6" bulong ko at agad naman niya itong binasa.

Napatingin nalang ako sa bintana at hinihintay ang uwian. Pagkatapos ng klase ay agad kaming umuwi ni Willam.

"Wala ka bang ibibigay sa kanya?" tanong ni Willam habang naglalakad kami pauwi.

"You know Eiffel is not materialistic at saka kaya namang ibigay nila Papa Raven ang kahit anong gusto niya " sagot ko.

Pero napahinto ako sa paglalakad ng madaanan namin ang isang Flower Shop.

Napatigil din si Willam at napatingin sa tinitingnan ko.

"Well, at least give her some flowers" he suggested at napatingin ako sa kanya.

"""

Pumasok ako sa bahay at nakangiting tinago sa likuran ko ang bouquet na daladala ko.

Excited to see her reactions.

Kung paano siya mamumula sa simpleng surprise ko at kung paano niya ako papasalamatan.

"I'm back" saad ko at hinintay ang pagsalubong ni Eiffel.

Pero agad nabura ang ngiti ko nang bumungad mula sa kusina ang isang taong hindi ko kailanman ninais makitang muli.

"Welcome back Clyde! I missed you so much" nakangiting tumakbo siya at niyakap ako.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

Lumabas mula sa kusina si Eiffel at malungkot na nakangiti sa akin. I gave her a questioning look.

"Oh! Is this mine? I'm so surprised, I didn't know na alam mong bibisitahin kita! You're so sweet" kinikilig na kinuha or more like inagaw niya yung bouquet na dala ko para Eiffel at hahalikan sana ako pero agad kong iniwas ang mukha ko at kumawala sa yakap niya.

"That is not yours and what the hell are you doing here Elizabeth?" naiiritang tanong ko.

She looked offended but I didn't care. Naiinis ako dahil akala mo kung sino siya para pumasok sa pamamahay namin ni Eiffel.

She was wearing a skimpy red short and black spaghetti strapped top revealing her perfectly shaped body, nakatali ang mahaba niyang buhok in a ponytail at complete make up din.

At ang mas kinaiinisan ko ay suot suot niya ang couple apron namin ni Eiffel.

Yes, she is definitely pretty after all she's a model but I have always hated her because she always clings to me like a leech.

"I wanted to surprise you so I brought your favorite food! But it seems that I was the one who was surprised nang malaman kong bumukod ka na pala kanila Mama Sophie and chose to live here" Kwento niya pero ang atensyon ko ay nakatoon lamang sa asawa ko na nakayuko lamang.

"I can't believe you can live in this dump Clyde, you don't even have maids!" she commented and scanned the whole place at naramdaman ko ang pagkulo ng dugo ko.

How can she call someone's house dump?!

Napansin ni Eiffel ang nagbabadyang pagsabog ko at lumapit sa amin dalawa

"K-Kuya Clyde..." tawag niya sa akin with a calming tone pero mas nadagdagan ang galit ko, she never calls me Kuya Clyde inside this house!

Our house!

"Oh Clyde, Eiffel is such a dear! You know we bonded while we were waiting for you, she's so pretty and wonderful." Puri ni Elizabeth at lumapit kay Eiffel saka niyakap ito.

"U-Um lalamig na yung pagkain A-Ate" sabi niya at agad akong hinatak ni Elizabeth paupo sa upuan.

"Oo nga! Let's eat, you have to taste the dish I brought!"

She removed the apron and served me the food while I just kept my eyes on Eiffel.

Elizabeth was sitting on her chair! The nerve of this witch!

"Our Chef cooked this so I'm very confident that you'll love it" sabi niya.

"WHAT.IS.THIS?" walang ganang tanong ko.

"It's Primo Piato your favorite" nagugulhang sagot niya.

"Chicken Curry is my favorite." Sabi ko sa kanya, walang pake kung mapahiya siya. Agad siyang napakunot

"I-I didn't know..." maluhaluha niyang sagot. I just rolled my eyes. She's just using her acting skills again.

"K-Kuya, it delicious naman, l-let's just eat." Salba ni Eiffel. Napangiti si Elizabeth sa kanya sa pagtulong niya.

"Thank you Eiffel, you're my angel! I promise I'll give you gifts the next time I visit! My agency will be frantic ones they see you, I'm sure kukunin ka nilang model also so I have to introduce you to them!" Pagbibida niya.

"Why don't we go shopping and have some fun next time? You'll go with me right?" tanong niya at Eiffel just nodded with a smile.

Elizabeth looked at me "Eiffel and I will have so much fun together! I'm so excited to have her as my sister once we got married Clyde" walang kaabogabog na sabi niya and I saw pain register in Eiffel's beautiful blue eyes.

Bigla akong tumayo at hinatak si Eiffel.

I can't stand this anymore!

I can't stand seeing my wife getting hurt in front of me!

"C-Clyde! What's wrong? Where are you going?!" gulat na tanong ni Elizabeth at sinundan kami.

Kinuha ko ang jacket ko at ako mismo ang nagsuot kay Eiffel ng sapatos niya.

"Away from you!" sagot ko and glared at her.

"B-Bakit?"

"I don't want seeing you in this house next time Elizabeth or I'll sue you trespassing!" nagpupuyos sa galit na banta ko at hinatak palabas ng bahay si Eiffel.

Naiwan naman siyang nakatanga at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"K-Kuya Cl-"

"Don't you ever call me that" Galit na sita ko at isinakay siya sa motor saka mabilis na pinaandar ito.

Habang nagmamaneho ay pilit kong kinakalma ng sarili ko. Ayoko kong masaktan si Eiffel lalo pat Monthsary namin ngayon.

Alam kong hindi naman niya ito ineexpect na mangyari.

Pagdating namin sa isang restaurant ay maingat na binaba ko siya at pumasok kaming dalawa.

The waiter guided us to a table near the glass wall.

The scenery was so beautiful, makikita mo mula rito ang mga nagliliwanag na mga gusali at mga sasakyang umaandar, the ambeviance is so calming and everything is perfect.

Well, almost.

We gave the waiter our orders at agad na umalis din ito.

I took a deep breath and looked at Eiffel who in the moment doesn't know what to do.

"Why did you let that witch inside our house Eiffel?" maawtoridad na tanong ko.

"Kasi-um... akala ko ikaw yung pumasok kanina, pero ate Elizabeth smiled at me and approached me telling me that she's y-your girlfriend and I knew by that time na hindi niya alam ang sitwasyon natin so instead of taking the risk, I just let her in..."

"And tell you more lies?" dugtong ko at napatingin nalang siya sa labas.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Look, don't believe in everything she said ok? Sa Sampong mga sinabi niya ay labing lima ang kasinungalingan doon"

Umiling siya at nakakunot ang noong tumingin sa akin.

"The way she talked to me, I can tell that she knows a lot about you, tungkol sayo ang lahat nang lumalabas sa bibig niya and I can tell that she loves you so much..."

"Eiffel, don't worry yourself about her ok?" pagpapakalma ko.

"B-But... Who is she to you?" she asked as she looked at me with those worried blue eyes, na parang natatakot siya sa isasagot ko.

I took her hand and held it tightly "Nothing… she's is nothing and she will never be anything to me." Full of assurance na sagot ko pero napaiwas lang siya ng tingin.

Bumalik na yung waiter dala dala ang orders naming.

Pagkaalis nung waiter ay hindi parin siya nagsasalita. Nagumpsa na kaming kumain at nanatili ang katahimikan.

Napabuntong hininga ulit ako for the second time.

Kinuha ko mula sa bulsa ang puting panyo ko. I held it in front of her at sawakas ay napatingin narin siya sa akin. I showed her the front and back of the handkerchief and she looked so full of wonder.

Then I folded it tapos ay iniloob ko ung kamay ko, and for the finale, kinuha ko ung panyo revealing a white rose inside of it. Her eyes glittered with amazement and happiness.

I handed her the white rose and smiled "Happy sixth Monthsary" bati ko.

At sawakas ay ngumiti narin siya.

"You also used this trick on me in our first monthsary."

"Yeah, buti pa nga noon, walang sumira ng date natin" naiinis na sambit ko

"I-Im sorry..." guilty na paumanhin niya at agad akong umiling.

"Look, this is not your fault ok?" I said with a warm smile

"N-No. I mean. I'm sorry for doubting you."

I held her hand and looked into her eyes "You'll always be my wife no matter what and I'll never let her or anyone destroy our marriage" I promised her and kissed her hand and at last, she smiled.

Pero...

Alam ko na hindi pa tapos ang lahat.