webnovel

Chapter Two

"Pwede bang ideliver mo muna 'yang mga bulaklak na 'yan bago mo ako hiritan ng salary increase, Abegail? Aba, halos linggo linggo ka mag demand ng umento ah? Namimihasa ka na. Wala kang kapagod pagod."

Sumimangot sya. Wow. Lupit talaga ng amo nya. Kung makapagreklamo sa kanya para namang may itinaas ito kahit piso sa sweldo nya. Linggo linggo nga syang nagrerequest ng increase pero linggo linggo din sa pag iwas ang amo.

Florist ang trabahong inaplayan nya pero dalawang araw pa lang simula nang matanggap sya, demoted and promoted na sya bilang cashier slash florist slash delivery girl slash janitress sa Flowers For Her na pag aari ni Madam Gemma. Pero wala syang natikmang increase sa dami ng trabaho nya. Wala pang overtime pay o double pay.

Nasubukan nya ng mag aply sa mga fastfood chain pero dahil contractual, nawawalan din sya ng trabaho paglipas ng ilang buwan. Ang pagko call center lang sana ang pag asa nya, kaso sumusuko naman ang katawan nya sa pagod sa byahe at puyat.

Tatlo silang magkakapatid at sya ang panganay. Mas bata sa kanya ng tatlong taon ang kapatid nyang si Julian. Samantalang labing limang taong gulang pa lang ang bunso nilang si Fatima.

Sya na ang tumayong breadwinner ng pamilya sa loob ng nakalipas na limang taon. Dati kasing taxi driver ang Tatang nila na si Mang Dario. Pauwi na sana ito sa magdamag na pamamasada nang tambangan ng mga holdaper sa daan.

Nag ala action star ang Tatang nya, nanlaban. Nanghinayang kasi ito na mapupunta sa mga taong halang ang kaluluwa ang pinagpaguran nitong pera. Nabaril ang Tatang nya ng isa sa mga holdaper at saka iniwang nag aagaw buhay sa daan. Mabuti na lang at may tulong na dumating at naisugod agad ito sa ospital.

Umpisa nun ay hindi na sya pumayag na bumalik pa ang Ama sa trabaho. Bukod kasi sa delikado at natatakot syang maulit ang nangyari dito ay matanda na si Mang Dario.

Sampung na taon ng senior citizen ang Tatang nya, ten years ang age gap sa Nanang Remedios nya.

Hindi nya maatim na pagtrabahuhin pa ang Ama kaya sya na mismo ang nagdesisyon na huminto muna sa pag aaral. Accountancy sana ang kursong kinuha nya sa DM University at nasa second year.

Ang problema, sinipag maghamon ng katatagan si Lord sa pamilya nila. Isinugod nila sa ospital ang Nanang nya apat na buwan na ang nakakaraan dahil sa pananakit ng tyan.

Na diagnosed ito ng cancer sa bituka, stage 2. Nangailangan sila ng malaking halaga para maoperahan ito sa lalong madaling panahon.

Nakapagloan sya sa isang lending company na pag aari ng kababata at dati nyang manliligaw na si Morgan. Nahihirapan syang bayaran kahit ang interes lang ng perang nautang nya dahil sa gastos nila sa bahay, gamot at chemotherapy ng Nanang nya. Natanggal pa sya sa trabaho bilang call center agent.

Habang tumatagal lalo syang nababaon sa utang. Kinakabahan na nga syang malaman ng Tatang at Nanang nya ang tungkol sa utang nya sa lending. Sigurado kasi syang mag aalala ang mga ito ng husto. Mahabang drama at eksplenasyon yon kung nagkataon.

"Hayaan nyo na lang akong mamatay kaysa mamroblema tayo sa pera, Abegail. Saang kamay ng Dyos tayo hahanap ng pera pang ospital, dibale na lang." Naalala nyang sabi ng Nanang nya nang hindi sinasadyang marinig nito ang pag uusap nila ng Tatang nya.

"Nang, hindi pwede. Basta, gagawan ko ng paraan. Anong ginagawa ng mga government agencies kung hindi nila tayo matutulungan?"

"Kung bakit kasi hindi man lang namin kayo mabigyan ng magandang buhay. Ikaw pa ang nagtatrabaho para buhayin kami at ang mga kapatid mo. Tapos ngayon, nagka cancer pa ako."

Mag uumpisa na ang drama kaya pinilit nyang tumawa. Bibigat lang din kasi ang loob nya kapag ganyang nag e emote na ang Nanang nya. Naaawa sya sa kalagayan ng Ina.

"Nang, kailangan mabuhay ka pa. Magkakaapo ka pa sa akin. Sayang 'pag di mo na sila makita."

Tiningnan sya ng masama ng Ina. "Mag aasawa ka na? Bakit, may nagkagusto pa ba sa'yo maliban kay Morgan at don kay Godofredo yong sunog baga?"

At sisimangot sya kunwari. Aasarin naman sya ng dalawang kapatid hanggang makalimutan na ng Nanang nila ang problema.

Kaya naman sya hindi nagrereklamo sa pagsalo ng lahat ng pinansyal na problema sa bahay nila ay dahil alam nyang mabuting magulang ang Nanang at Tatang nya.

Ang Nanang Remedios nya na hindi na nga kinaawaan ng rayuma, hayun at may kanser pa. Bumabaluktot na rin ang likod ng Tatay nya at mabagal na kung kumilos dahil sa katandaan. Kailan nya pa ba mapapatikim ng ginhawa ang mga magulang?

Isa naman kasi talaga sya sa buhay na patotoo kung gaano nagsumikap ang mag asawa para mabigyan sila ng magandang buhay.

Kaya nga sinasarili nya na lang ang problema ngayon. Sinabi nyang kay Madam Gemma sya nakautang ng pera pero ang totoo ay one year to pay lang ang nakalagay sa kontratang pinirmahan nya sa lending.

Halos araw araw na nga syang tinatawagan ng collection officer para i follow up sa payment. Napapatalon pa sya minsan kapag nagriring ang cellphone nya. Akala nya, empleyado na naman ng One Fold Capital at maniningil sa kanya.

Pasalamat na lang sya na nagagawa nya pang makatulog ng mahimbing sa kabila ng problema nya.

Isa pa si Morgan. Boyfriend pa lang ni Reina ang kababata nya ay halata na ang inis nito sa kanya. Selos dahil marahil napapansin nitong malapit si Morgan sa kanya at sa pamilya nya.

Hindi pumapalya si Morgan sa pagdalaw sa kanila kahit nang kasal na ito kay Reina. Sila lang kasi ang kakilala nito sa Maynila, lahat ng kamag anak nito ay naiwan sa probinsya nila.

Nakipagkita sya kay Morgan nung isang gabi. Hihingi sana sya ng palugit pa pero hindi pa nga umiinit ang pwet nya sa kinauupuan sumugod na ang angry wife ng kababata at ipinahiya sya sa harap ng maraming tao.

Binuhusan na nga sya ng tubig sa ulo, kinainisan pa. Sigurado syang lahat ng simpatya ng tao sa loob ng restawran na iyon ay na kay Reina. Kanino pa nga ba, eh sila ni Morgan ang akusado ng pangagalunya? Ganun naman ang mga tao, ke dadaling manghusga.

Kung may maganda mang nangyari ng araw na yun sa kanya, yun ay nang hindi sinasadyang magkita sila nina Lian at Mrs De Marco sa restroom.

May instant trabaho sya. Malaki ang sweldo at may libreng titig at silay pa sa bago nyang amo.

Kaya nga nagkakamali si Madam Gemma kung iniisip nito na maglulumuhod pa sya sa increase na ilang buwan nya ring pinangarap na matanggap mula dito.

Bahala na ang mga ito sa buhay nila, basta hindi na sya magtitiis. Bukas na ang umpisa nya bilang Yaya ni Lian at kailangan nyang makabalik ng maaga sa bahay nila para makapag impake.

Nabanggit nya na sa mga magulang ang tungkol sa bagong trabaho at amo.

"Gwapo ba 'ika mo ang Amo mo at may asawa at anak na? Mag iingat ka at baka mademanda ka pa ng libelo." Paalala sa kanya nang Tatang nya

"Alienation of affection po." Natatawang pagtatama nya. "Single si Sir Daniel, 'Tang. Wala akong aagawan."

"Tumigil ka sa pagiging kerengkeng mo, Abegail. Wala sa lahi natin ang ganyan." Nanunulis pa ang ngusong sita sa kanya ng Nanang nya.

"Resign?" Bulalas ni Madam Gemma nang sabihin nya na rito ang totoong sadya.

"Eh kayo ho eh, hindi nyo man lang ako pina experience ng salary increase. May nakuha na akong ibang trabaho."

"At anong trabaho naman iyan aber?" Singit ni Melissa, ang malditang anak ni Madam Gemma. "Call girl?" Umismid ito at nandidiring tiningnan sya.

"Paano mo nalaman?"

"Yuck."

Tinawanan nya lang ang babae.

"Abby..." habol ni Madam Gemma nang tumalikod na sya. "May mga for delivers tayo ngayon. Hindi ka pwedeng mag resign! Wala si Luis sinong magdedeliver ng mga 'to?"

Pamangkin ni Madam Gemma si Luis, pareho nyang florist din.

Nagkibit balikat sya. "Bakit hindi nyo ho utusan yong Senyorita?" Sagot nya na kinindatan si Melissa na gumanti ng irap sa kanya.

"Arte, wala namang pera."

Nagpigil syang hambalusin ng bag nya ang atrebidang babae. Pero hindi pwede. Good Vibes lang. Hindi nakakaganda ang inis.

At saka ano pa ba ang ini expect nya kay Melissa? Una pa lang alam nyang hindi na sya nito gusto. Pareho lang ng dilemma nya sa babae ang dilemma nya kay Reina. Paano ba naman kasi ay may manliligaw ito noon na nanligaw din sa kanya, si Godofredo.

Kahit hindi nya naman sinagot ang huli ay matindi pa rin ang panggagalaiti ni Melissa sa kanya. Hindi nya lang pinapansin at natatakot syang mawalan ng trabaho.

Si Madam Gemma naman ni minsan ay hindi man lang sya nakatikim kahit limang pisong taas ng sahod kahit malinaw nitong ipinangako sa kanya noon ang increase kapag naka anim na buwan na sya sa trabaho.

Kaya nga nagtyaga sana syang kulitin ito sa umento. Wala pa rin. Mean na kung mean pero hindi nya pagbibigyan ang utos nitong ideliver nya pa ang mga bulaklak. Ano yun, magreresign na nga sya uutusan pa?

Maiintindihan naman siguro ni Lord kung mahaba ang hugot nya. Ilang beses syang lumapit sa amo para sa operasyon ng Nanang nya pero tinanggihan sya nito. Kahit siguro lumuha pa sya ng dugo ay hindi sya makakatikim ng matamis na oo mula dito.

Pumara sya ng tricycle at nagpahatid sa bahay na inuupahan nila sa Malibay. Napansin nya kaagad ang nakaparadang kotse ni Morgan sa harap ng bahay nila hindi pa man sya nakakababa sa trike. Naabutan nyang kakwentuhan ng kaibigan ang Tatay nya sa sala.

"Magandang gabi, Abby." Bati ni Morgan na umahon sa kinauupuan nang makita sya.

Nginitian nya ito. "Magandang gabi din."

Lumapit sya sa Ama at nagmano. "Kumain ka na ba?" Tanong nito.

"Mamaya na ho."

"Maiwan ko muna kayo. Ayusin ko ang higaan ni Remedios."

"Sige ho, 'Tang." Halos magkasabay nilang sabi ni Morgan. Tatang at Nanang din ang tawag nito sa mga magulang nya, nakasanayan na nito iyon binatilyo pa lang ito.

Niyaya nya si Morgan sa balkon. Naupo sila sa monobloc pareho at nakaharap sa kinakalawang nilang gate.

"Pasensya ka na sa nangyari kagabi, Abby."

"Ako nga ang dapat humingi ng pasensya kung tutuusin, Morgan. Nag aaway na naman kayo ni Reina dahil sa'kin."

Nagkibit balikat ang lalake. "Ikaw lang ang nag iisang babaeng pinagseselosan nun."

"Eh kasi nga maganda ako. Height lang lamang sa akin nun." Natawa sya, nagchange topic. "Sa susunod na buwan makakapaghulog na ako sa nahiram kong pera sainyo."

Inalok sya ni Morgan noon na sariling pera nito ang ipahiram sa kanya para sa operasyon ng Nanay nya. Pero dahil tinamaan talaga sya ng hiya ng mga panahong iyon kaya tumanggi sya.

Mas pinili nyang magpatulong na lang kay Morgan na mangutang sa lending nang maubusan sya ng prospect na uutangan. Mabilis na naaprubahan at na release ang loan nya. Alam nyang dahil iyon sa tulong nito. Kaya may utang na loob sya sa kababata.

"Nabanggit ni Tatang na magreresign ka daw sa flowershop."

"Magyayaya naman ako this time, para maiba naman. Pero, sobra sa doble kasi ang sweldo kaysa sa flowershop ni Madam Gemma eh kaya kinarir ko na. Saka na ako mag aaply sa iba pag nakaipon na 'ko."

Tumango tango ang lalake. Katahimikan ang sumunod. Mayamaya pa ay umahon na ito sa kinauupuan at tinitigan sya ng matagal. Kumunot naman ang noo nya.

"Anong klaseng tingin yan?" Naaasiwa nyang tanong.

"Bakit kasi hindi kita nahintay, Abby. Life could have been better..." sinadya nitong putulin ang sinasabi. Bumuntong hininga "Mauna na ako. Baka matagal tagal bago tayo magkita uli. Kung may problema tawagan mo na lang ako."

Tumango sya. Sinundan nya ng tingin ang lalakeng nagpaalam sa Tatay nya. May gusto pa ba sa kanya si Morgan?

"Hindi ako makapaniwalang ginagawa mo 'to sa akin, Daniel." Bungad ni Paula pagkapasok na pagkapasok sa opisina nya. "Pinapahirapan mo ba talaga ako?!"

Nagtiim ang mga bagang ni Daniel sa pagkakatitig sa babaeng nakapamaywang pa sa harap nya. Pinaulanan sya ng labing anim na missed calls ng babae buong araw. Nagdesisyon syang i off ang cellphone nya nang mag umpisa ang meeting nya kay Mr Dela Cruz kanina.

Inaasahan nya na darating ang dating girlfriend sa opisina nya. Ilang araw na ang nakakalipas simula nang makipaghiwalay ito sa kanya. Pagkatapos, heto na naman ito, nanggagalaiti sa galit dahil wala syang ginagawa para maging sila uli.

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang nakipaghiwalay, Paula." Matabang na sabi nya.

"Because you pushed me into doing it! Wala kang oras sa akin, ni ayaw mo akong alukin ng kasal!"

"To marry you means you will become my son's mother, Paula. Since when did you start liking Lian?" Kunot noo nya. "Paano kita papakasalan kung ni ayaw mo ngang hawakan ang anak ko?"

Namula ang mukha ng babae. "B-but that was before! I have learned to love him already, Daniel. Please, babawi ako..."

"Sa paanong paraan?"

"Mag iisip ako. Kaya lang naman malayo ang loob ko sa anak mo dahil nasa kanya na nga lahat ng atensyon mo pagkatapos wala ka pang kahit anong maipangako sa akin!"

Hindi sumagot si Daniel. Hindi pa man nagtatagal ang relasyon nila ni Paula noon ay alam nya ng hindi wife material ang babae. She hates children, lalo na ang anak nya.

Mainitin ang ulo nito, demanding at nasasakal sya sa pagiging selosa nito.

"Gusto ko lang namang masigurong mahal mo ako, Daniel. Kaya gusto kong pakasalan mo ako, bakit hindi mo pa maibigay sa akin yon? Mahal mo ba talaga ako,Daniel?"

Bumuntong hininga si Daniel. How would he answer that without hurting her more? Naitanong nya na rin iyon sa sarili at nakakuha naman sya agad ng sagot. Mahirap mahalin si Paula.

Nag alis sya ng bara sa lalamunan. "You better leave, Paula. Madami pa akong aasikasuhin."

Madramang nagpunas pa ng luha si Paula. Lumapit sa kanya at malambing na ikinawit ang mga braso sa leeg nya. "Pag usapan natin ito Daniel, please. Hindi ako papayag na basta na lang mauwi sa wala ang relasyon natin."

Binaklas naman ni Daniel ang kamay ng babae sa leeg nya. "I'm sorry, Paula."

Natigilan ang babae. Naningkit ang mga mata. Bumukas ang pinto ng opisina nya. Si Eli, ang sekretarya nya.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Nabubwisit na angil ni Paula dito.

"I'm sorry, did I interrupt something?" Tanong nito kahit halata nyang natuwa ito na may something itong na interrupt.

"No. Paalis na rin si Paula."

Bumalik sya sa pagkakaupo sa swivel chair. Samantalang matalim naman ang tingin ng babae sa kanya bago ito nagmamartsang lumabas ng opisina nya.

Napailing si Eli. Inabot sa kanya ang papel na hawak. "May utang na loob ka sa akin, Daniel."

Natawa sya.

"Nasa line 2 nga pala ang Mama mo. May sinasabi sya tungkol sa bago daw na Yaya ni Lian."

Tumango sya at dinampot ang telepono.