webnovel

Chapter Three

"Anong oras ka daw ba susunduin, ate?" Tanong ni Julian kay Abegail.

Nakaupo ito sa pangalawang baitang ng hagdan ng bahay nila habang pinagmamasdan ang maya't maya nyang pagsulyap sa nakasabit na mickey mouse designed nilang walk clock - imported galing sa Divisoria.

Singkwenta pesos na nga lang binebenta, tinawaran nya pa ng bongga. Nakuha nya naman sa kakulitan kaya nabili nya ng dalawa otsenta sa tindera. Ang isa pa ay nasa kwarto nya, hayun kinakalawang at naninigas ang kamay dahil matagal ng hindi nalalagyan ng battery

"Hindi ko pa alam. Basta dadaanan daw ako dito pagkatapos ng office hours."

Katatawag lang ni Mrs De Marco. Hiningi nito ang address ng bahay nila at landmark. Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman nya nang sabihing dadaanan sya ni Daniel mamaya.

Hindi nya alam paano sya aakto sa harap ng lalake pagkatapos ng nangyaring eskandalo sa restawran. Isinaksak nya na lang sa kasuluk-sulukang bahagi ng isip nya ang kahihiyan. Dapat lang. Hindi nya mababayaran ang utang nya sa lending kung paiiralin nya ang hiya.

"Eh bakit pa kasi kailangan mo pa magpasundo? Eh isang oras na byahe lang ang Quezon City galing dito sa atin. Pa importante, teh?" Si Fatima naman ang sumingit.

"Madami akong bitbit, mahihirapan akong nagtaxi. At saka si Mrs De Marco ang nakaisip sa sundo sundo na 'yan 'no? Hindi kaya ako." Inirapan nya ang bunsong kapatid.

"'Sigurado ka bang may balak ka pang umuwi? Mukhang tinangay mo na kahit yong luma mong mga panty sa laki ng dala mong maleta e?" Napapailing na sabat naman ng Tatang nya. Naupo ito sa tabi ng asawa.

"Baka naman magtatatanan ka lang, Abegail at idinadahilan mo lang ang trabaho.." nagdududang anang Nanang nya.

"Abby, kahit sinong lalaki pwede mong iharap sa amin ng Nanang mo. Hwag lang 'yong lalaking may asawa at anak." ikasampung beses na sa loob ng maghapong iyon ang paalala nito sa kanya. "Maraming isda sa dagat, anak. Pwede kang mamili, hindi ka mauubusan."

"Oho. Pero huwag naman po kayong mag expect na pipili pa ako ng bilasa, kung nasa harap ko na mismo ang sariwa." Biro nya.

"Dapat na talaga tayong kabahan sa mga sinasabi ng batang 'yan, Dario."

Natawa sya. Nilapitan nya si Aling Remedios. Sumisimangot na kasi ito. Inakbayan nya ang Ina. Masaya sya na makitang unti unti na itong nakakabawi ng lakas. Matapos kasi ng operasyon nito ay palagi lang itong nasa higaan, natatakot sa bawat pagkirot ng hiwa nito sa tiyan.

"Nay, magpupunta ako don para po talaga magtrabaho. Yon lang talaga, promise. Para makabayad tayo sa utang natin kahit paunti unti."

Nalukot lalo ang mukha ni Aling Remedios. "Sana nga ay gumaling na ako nang makatulong na kami ng Tatang mo sa'yo. Parang wala na kaming silbi dito."

"Nang, time out na ang drama. Kayang kaya ko namang magyaya. Chill lang kayo dito ni Tatang. Kayang kaya ko 'to."

"Oo nga, 'Nang. Kayang kaya ng Height ni Ate 'yan." Segunda ni Fatima na lumapit sa kanya. Siniko nya ang bunsong kapatid.

"Buset."

"Peace, ate. Basahin mo na lang 'to." Inilagay nito sa kamay nya ang cellphone.

"Ano 'to?" Tanong nya.

"Cellphone at si  Google. Si ate ang slow. Write up yan tungkol sa bago mong Amo. Single and never been married pero may anak sya sa dati nyang girlfriend." Anito.

"Matagal ko ng alam yan. Kiber ko ba naman kung married na yong amo ko o single pa?" Kunway walang pakialam na sabi nya. Kilala nya ang mga kapatid. Mas mapang asar pa ang mga ito kaysa kay Vice Ganda. Walang lihim na hindi mabubunyag kapag nagkahinala ang dalawa.

"Gamitin mo yong ginawa kong facebook account para sa'yo. Kapag may facebook ka na, mas madali mo ng mai stalk si Sir Daniel mo."

"Tangek. Sino nagsabing ini istalk ko yon?" Pagdi deny nya. May facebook account naman sya hindi nya nga lang nabubuksan at wala na syang oras para doon.

"Kunyari ka pa eh bukambibig mo 'yon kagabi pa!"

Bumuntong hininga si Daniel. Malaking abala sa kanya ang pagsundo sa bagong yaya. Masikip ang kalsadang nasuutan nya ngayon pagkatapos nyang pagtiisan ang walang katapusang traffic.

Hindi available ang driver ng Mama nya kaya sya na ang pinakiusapan nito na sumundo kay Abegail Macapagong, ang bagong yaya ni Lian sa inuupahan nitong bahay sa Pasay.

Hindi hiningi ng Mama nya ang approval nya nang tanggapin nito ang babae bilang yaya ni Lian. Pinagbigyan nya na lang ang Ina. Estudyante daw nito ang babae dati.

Ipinarada nya ang sasakyan sa harap ng tindahan ng mga prutas. Bumaba sya sa kotse at humakbang patungo sa Delia's Bakeshop. Katabi ng bakeshop ang inuupahang bahay ng mga Macapagong.

Akmang kakatok sya sa pinto nang bumukas iyon. Unti unting nabura ang malawak na ngiti sa mga labi ng babaeng nagbukas ng pinto. Kumunot naman ang noo nya.

"Abegail Macapagong?"

"Present." Nakangiwing sagot nito nang makabawi sa pagkabigla.

Ang babaeng binuhusan ng tubig sa restaurant ng nagdaang gabi ang bagong Yaya ng anak nya? Great. Just great.

Mukhang disappointed ang bago nyang amo, naisip naman Abegail habang hindi nya mautusan ang mga matang huwag titigan ang simpatikong si Daniel. Susunduin pa ba sya nito o ipa fire na sya wala pa man?

"Ate, look oh! Ang pogi naman pala ni Sir Daniel! OMG, ang abs!"

Pakiramdam ni Abby ay nagliyab ang mukha nya sa kabila ng paninigas nya sa harap ng bagong dating. Si Fatima iyon, parang timang na nagtititili.

"Si D-Daniel Padilla..ang tinutukoy nya.." defensive na sabi nya. Napangiwi sya. May abs nga ba si Daniel Padilla? "D-daniel Matsunaga pala..." Ngiwi ulit. Mangani ngani syang takbuhin si Fatima at busalan ang matabil nitong bibig.

Hindi naman sya pinansin ni Daniel. Bahagya lang kumibot ang mga labi bago itinuon ang mga mata sa mga tao sa loob.

"Magandang hapon ho. Susunduin ko na si Abegail." Anito na ikinabigla nya. May manners naman pala at marunong gumalang sa inabutan.

"Magandang hapon din, Ser." Ganting bati ni Mang Dario. Siniko nito si Remedios na walang anumang hinahagod ng tingin ang amo ng panganay na anak.

"K-kukunin ko lang ang mga gamit ko." Tumalima sya. Pinandilatan nya ng mga mata si Fatima. Dinampot nya ang backpack nya malapit sa kinauupuan ng bunsong kapatid. "Sarap putulin ng dila mo, bunso." Bulong nya dito.

"Sorry." Ngiwi ni Fatima kasabay ng peace sign.

Bumaling sya sa mga magulang. "Nang, Tang alis na ho ako. Bibisita ako sa Linggo."

"You should've brought the whole house along." Mahinang komento ng binata nang makita ang malaking maletang dala nya. Kinuha nito iyon sa kanya.

"Iyon nga sana ang plano ko." tawa nya. Kung tutuusin kaunti pa nga ang dala nya. Pinilit nya lang talagang isiksik ang malaking teddy bear na nabili nya sa ukay ukay sa loob ng maleta.

Ilang araw ding ibinabad ng Nanang nya iyon sa chlorine. Nahihirapan syang makatulog kapag hindi nya nadadantayan ang teddy bear.

Nilingon nya ang mga maiiwan nang magpatiuna na patungo sa sasakyan si Daniel.

Inulan sya ng "Uyyy.. Si Ate lumalandi.." mula sa mga kapatid. Pinandilatan nya ang mga ito bagaman gusto nyang mamilipit sa kilig.

Sumunod sya sa Amo matapos mag iwan ng sandamakmak na bilin kay Julian.

"Hindi ko alam na ikaw ang Yayang sinasabi ng Mama." Bungad ni Daniel sa kanya pagkasakay na pagkasakay nya sa kotse nito. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya.

"Hi.." bati nya. Ano bang isasagot nya? Um-effort sya sa pagngiti para basagin sana ang kung anumang pader na nakaharang sa kanilang dalawa. Pero nanatiling pormal ang lalake bagaman pansin nyang nagtatagal ng husto ang mga mata nito sa mukha nya.

"H-hindi pa ba tayo aalis?" Tanong nya. Baka mamaya pababain pa sya nito ng sasakyan. Pasimple nyang hinatak ang seatbelt at sinubukan iyong ikabit.

Nanginginig ang mga kamay nya. Bakit kailangang talagang umeksena ng nerbyos nya sa mga pagkakataong ganun?

Pinigil nya ang pagsinghap nang kunin ni Daniel ang seatbelt at walang sabi sabing dumukwang para tulungan sya. Gusto nya namang manigas sa pagkakaupo. Pigil pigil nya ang hininga habang hinihintay nyang maikabit ng tuluyan ng lalake ang seatbelt sa katawan nya.

"Thank you." Aniya sa maliit na tinig. Nanuyo bigla ang lalamunan nya, kailangan nya ng malamig na tubig. Yong nagyeyelo.

Lumunok naman ang lalake, tumuwid na sa pagkakaupo sa driver seat. Nakita nya ang paggulong ng adams apple sa lalamunan nito bago itinutok ang mga mata sa unahan.

"I don't want to see your lover or whatever in my place, Abby. Kamag anak mo lang ang tatanggapin kong bisita sa bahay."

Natameme sya. Iniisip ba talaga nitong kabit sya ni Morgan?

"And.. Expect yourself to get fired kapag may ginawa kang hindi ko nagustuhan."

"Gets ko, Sir. Pero hindi ko lover 'yong si Morgan. Paranoid lang talaga 'yong asawa nya."

Nakita nya ang bahagyang paggalawan ng mga muscles sa mukha ni Daniel. Tahimik na ito habang daan. Tumahimik na rin lang sya bagaman panaka naka nyang sinusulyapan ang lalake ng palihim.

Hindi pang prince charming ang dating ng lalake. Malakas lang talaga ang appeal nito kahit hindi nya pa ito nakikitang ngumiti sa kanya. Imposible kayang mangitian sya ng binata? Kasing imposible ng pagtupad ni Madam Gemma sa pangako nitong increase sa kanya?

Kung walang girlfriend si Daniel, baka naman pwedeng magkapag asa ang pantasya nya dito. Kagaya na lang ng pantasya ni Maya kay Sir Chief. Yung mga tipong ganun.

Muli nyang palihim na pinasadahan ng tingin ang lalake. Nakasuot ito ng kulay puting longsleeve, itim na slacks at itim na sapatos na gawa sa leather. Bagay lang sa magara nitong sasakyan. Sya lang ang out of place.

Madilim na nang pumasok ang kotse ni Daniel sa isang ekslusibong subdibisyon sa Quezon City.

"Daddy! Daddy!" Sumalubong sa kanila ni Lian hindi pa man nakakababa ng tuluyan sa kotse si Daniel. Nasa likod nito si Mrs De Marco.

"Hi, brave." Nakangiting bati nito sa anak. Iba talaga ang powers na nagagawa ng mga anak sa mga Tatay, naisip nya. Ang pormal kaninang lalake ay maluwang ang pagkakangiti ngayon.

Nagpakarga agad si Lian at humalik sa pisngi ng Ama. "Mommy Lola won't allow me to watch my favorite anime." Sumbong nito sa ama.

Bahagyang natawa si Daniel. Ginulo ang buhok ng anak. "Hindi magandang nakababad ang eyes mo sa screen ng tv." Sagot nito. "Have you had dinner?"

Tumango ang bata pagkatapos ay natuon ang mga mata sa kanya. Namilog ang cute na mga mata nito.

Kumawala sa pagkakakarga ng Ama at lumapit sa kanya. Humawak ito sa kamay nya. Kumunot naman ang noo ni Daniel.

"You came! Hindi na masakit ang ulo mo?"

"Hello, Lian. Opo, hindi na masakit ang ulo ko." Nakangiting segunda nya. 'Sasakit pa lang kung hindi titigil ang Papa mo sa pagtitig na parang wala na akong gagawing tama!' Gusto nyang sabihin pero pinigil nya ang sarili. Natuwa sya na naalala sya ng bata.

Tungkol naman sa dudang mga titig ni Daniel, hindi nya naman mapipilit ito na pagkatiwalaan sya lalo at narinig nito ang mga bintang ni Reina sa kanya. Paano nga ba naman, mistress sya sa paningin nito. Maninira ng buong pamilya. Pagkatapos ay heto sya, yaya ng anak nito bigla bigla.

"Pumasok na kayo, Daniel." Sabat ni Mrs De Marco. "Halika, Abby. Tulungan mo akong ihain ang niluto kong pagkain."

"Sasabay ho ba akong kumain sainyo, Maam?" tanong nya habang nilalagyan nya ng bagong lutong kanin ang glass bowl.

"Aba'y oo at huwag kang mahiya."

Mayamaya lang ay nakita nya na ang pagpasok ni Daniel sa kitchen.

Nakapagbihis na ang lalake. Kulay puting t shirt at cotton pyjama. Mukha pa ring mayaman kahit simple lang ang suot.

"Gary brought your luggages in your room." Sabi nito na bahagya lang syang sinulyapan.

"Thank you."

Magkaharap ang upuang inuukopa nila ni Daniel. Si Lian ay nasa tabi nya at nag uumpisa ng kumain.

"Wala pa ang Papa, Mama?"

"Late na marahil syang makakauwi. Kasama nya si Engr Ricafort um-attend ng party sa Makati."

Inaabutan nya ng baso ng tubig si Lian nang bumaling sa kanya si Mrs De Marco.

"Abby, hija. Kumusta na nga pala ang mga kapatid mo? Huminto din ba sila sa pag aaral?"

"Hindi po, Maam. Ako lang po. Pero kapag ho nakaipon na, babalik ako sa pag aaral." Nakangiting aniya.

"Buti at hindi ka pa nag aasawa?"

"Naku wala pa ho iyon sa isip ko."

"Pero may boyfriend ka na?"

Umiling sya. "Wala pa ho, Maam."

Hindi sinasasyang nagtama ang mga mata nila ni Daniel. Kanina pa ba ito nakatingin sa kanya?

Yong klase ng tinging hindi naniniwala. Tinging sarkastiko na parang nagsasabi na..

'Go ahead, Abby. Lie some more.'