webnovel

Chapter Four

"Good Morning, Yaya!" Naalimpungatan si Abby sa matinis na tinig na iyon. Umungol siya at nakapikit na hinuli ang kamay ni Lian. Hinatak niya ito at niyakap. Humagikhik naman ang bata nang bumagsak ito sa tabi niya.

Sa servant's quarter sa baba ng bahay siya natutulog. Ang sabi ni Mrs De Marco ang dalawang kasambahay na sina Manang Guia at Tere ang umuukopa ng double deck na nasa loob ng silid. Ang dating yaya naman ni Lian ang gumagamit sa single bed na nasa dulong bahagi ng kwarto.

May tatlong silid ang bahay sa taas. Ang master's bedroom na inuukopa ni Daniel habang ang isa pang kwarto ay inuukopa naman ng mga magulang nito. Ang huli ay ang guestroom na bagong renovate at ginawang kwarto ni Lian.

"Sleep ka pa. Gabi pa." Ungol ni Abby nang mag umpisang kumawala si Lian sa kanya.

"But it's eight! Wake up na ikaw..." naramdaman niya ang pagyugyog nito sa kanyang balikat.

"Maaga pa, Lian." Napipilitan niyang sagot. 

Gusto niya lang talaga na ipikit ng mariin ang mga mata. Hinahatak sya ng antok at maganda na ang itinatakbo ng panaginip niya. Nasa loob daw siya ng isang kwarto na puno ng pera. Sa loob ng kwartong iyon ay naroon si Daniel at buong pagmamahal na nakatitig sa kanya. At paulit ulit na nag a- 'I love You' sa kanya. Sinong babae ang gustong maputol ang gano'n kagandang panaginip?

Dalawang araw pa lang ang nakakalipas simula nang maging Yaya si Abby ni Lian. Sweet at may kaunting kakulitan ang bata pero tuwang tuwa siya dito lalo kapag nagsasalita ito ng tagalog at nabubulol.

Twenty fifth birthday niya ng araw na iyon. Unang beses siyang magbi-birthday nang wala ang mga mahal niya sa buhay. Madaling araw pa lang kanina ay nagtatawag na ang Nanang at Tatang niya. Napuyat siya ng bongga.

"My son's starving." Tikhim ng isang tinig na awtomatikong nagpadilat kay Abby. Pati kaluluwa niya naalimpungatan nang makilala ang tinig ni Daniel.

Pinakawalan niya si Lian at mabilis na bumangon sa kinahihigaan. Muntik pa siyang malaglag sa kama sa pagmamadali. Nagtama ang mga mata nila ni Daniel. Hindi niya alam kung amusement o boredom ang nakaguhit sa mga mata nito. Nakatayo ito sa paanan ng kama niya, pinagmamasdan ang gulo gulo niyang hitsura.

"Good Morning, Abegail." Pormal na sabi ni Daniel matapos mag alis ng bara sa lalamunan. His son's Nanny was a delicious sight in the morning. She was beautiful despite the messy hair. Kahit lumang sandong itim at pajama lang ang suot nito.

Nakadapa ito sa kama kanina nang maabutan niya. Napipi pang bahagya ang mga labi sa pagkakadapa. It was as if she was asking for a good morning kiss. ToDaniel's amazement, he enjoyed watching her sleep maging ang pakinggan ang mahihina nitong hilik.

Nakatanday ito sa malaki at lumang teddy bear na nahulog sa ibaba ng kama nang hatakin nito ang anak nya payakap. Si Abby naman ay hindi malaman kung paano aayusin ang hitsura. Literal na nanginginig ang mga tuhod niya. Hindi niya alam kung dahil kagigising niya lang o dahil sa nakakalusaw na titig ni Daniel.

"Good morning, Sir." bati niya, nakangiti.

"It's almost eight and I'm leaving. Hinintay kitang magising dahil wala pang kasama si Lian."

Tumango siya. "Ako na ang bahala kay Lian, Sir."

"Darating si Manang Guia mamaya kasama si Tere. Manang Guia is the one in charge in the kitchen. Kung may gustong ipaluto o kainin si Lian, sabihin mo lang sa kanya."

"Yes sir."

"Come, son." Yakag ni Daniel sa anak na agad namang tumakbo papunta sa ama. Napilitan siyang sumunod nang tumalima ang dalawa palabas ng quarter.

"Bye Daddy!" Humalik si Lian sa pisngi ni Daniel nang nasa tapat na ang mga ito ng kotse.

"Be good, okay?" Nakangiting kausap ni Daniel kay Lian bago inilipat ang mga mata sa kanya. Pormal na naman. "Maaasahan naman kita diba?"

"Tatawag na lang ako kapag natangay ko na si Lian." Nakangising biro niya. Hindi naman siguro iniisip ng amo na kasapi siya ng budol budol gang o hindi naman kaya ay kagrupo ng mga kidnap for ransom.

Kumulimlim ang mukha ni Daniel. 

"Joke lang." Nakataas ang isang kamay nia na nakapeace sign. 'Pakaseryoso naman nito.

Hinagkan nito ang anak sa tuktok ng ulo bago tumalikod at sumakay sa kotse nito. Lumapit siya kay Lian. Sabay silang pumasok ng kabahayan nang makaalis ang kotse ni Daniel.

"Hungry..." reklamo ni Lian. Tiningala siya nito.

"Yes, Baby. Kuha tayo ng food." sabi niya. "Ililigpit ko lang ang hinigaan ko tapos magluluto na 'ko ha? Saglit lang."

Hindi alam ni Abby kung anong oras darating ang dalawa pang kasambahay na makakasama niya sa loob ng quarter's. Ayaw niyang maabutan ng mga ito na magulo ang kama at hindi man lang niya naligpit ang pinaghigaan. Minadali niya ang pagliligpit habang nakamasid ang behave naman na si Lian. Tinungo nila ang dirty kitchen pagkatapos.

Naglabas si Abby ng itlog, ham at hotdog mula sa ref. Nakaupo lang sa harap ng lamesa si Lian, pinapanood siya. Naupo siya sa tabi nito nang mailapag niya ang naprito ng almusal.

"D' you like my Dad?"

"Bakit mo itinatanong?" Tanong niya habang nagsasalin ng fresh milk sa baso.

"I know you do."

"At paano mo naman nalaman, aber?"

"You keep staring at him."

Natawa siya. Pinisil niya ang pisngi ng bata. "Andami mong napapansin, kumain ka na nga. Yong milk mo, wag mong kalimutang inumin."

"Lian!"

Napalingon sila pareho sa bungad ng dirty kitchen. Isang babaeng naka business suit ang palapit sa kinaroroonan nila. Matangkad, makinis at maganda. Pulang pula ang naka pout na mga nguso. Natigilan ito nang makita siya. Si Lian naman ay napahawak sa kamay niya. 

"Who are you?" Nakamamatay ang tinging ipinukol sa kanya ng bagong dating. Kulang na lang magdikit ang maninipis nitong kilay sa pagkakakunot.

"Sino ka muna?"

"I asked first." Nakataas ang kilay na buwelta nito, nagdedemand ng sagot.

"Unahan ba 'to? Sana sinabi mo agad para don ka pa lang sa gate nagsisisigaw na 'ko."

Nanlaki ang mga mata ng babae. Pinandidilatan siya. 

Tumaas naman ang gilid ng bibig ni Abby. Papasindak ba naman siya sa naglalakad na lips?

##

Ipinatong ni Daniel ang dalang laptop sa ibabaw ng desk niya at naupo sa swivel chair. Kararating niya lang sa opisina. Hindi niya maiwasang huwag isipin ang anak at ang bago nitong yaya. Maganda ang yaya ni Lian, palatawa, magaang kasama. Ang totoo, naalala niya na agad kung sino ito nang sunduin niya ito sa tirahan nito sa Pasay.

She was the singer he saw few years ago. Ang babaeng nakabanggaan nya sa tapat ng faculty room noon. The girl with a warm smile, ang babaeng paminsan minsan ay sumasagi sa isip niya tuwing dumadalaw sya at sinusundo si Faith sa DM University noon. 

Pero hindi na ulit nagkrus ang mga landas nila. He became busy with his job at sa pagpaplano ng kasal nila ni Faith habang ayon sa kwento ng Mama niya, huminto na rin sa pag aaral ang babae. Hindi lang maisip ni Daniel kung bakit nito mas piniling makipagrelasyon kay Morgan. 

Binuksan ni Daniel ang laptop at pinindot ang on button. Agad nagsalubong ang mga kilay niya nang buksan at panoorin ang CCTV sa loob ng bahay niya. Nakita niya ang pagpasok ng kotse ni Paula sa loob ng solar. Kahit ang pagtuloy nito sa loob ng kabahayan at pagderetso sa dirty kitchen at ang tila pakikipagsagutan nito kay Abegail. Walang audio ang CCTV kaya hindi niya marinig ang usapan mula sa loob ng bahay.

Kinuha ni Daniel ang cellphone sa bulsa ng suot niyang slacks. Isinuksok sa tainga ang earphone saka idinayal ang cellphone number ng ex girlfriend. Hindi niya gustong nasa bahay ang huli lalo at naroon si Lian. Alam niya kung gaano nagseselos si Paula sa anak niya. Worried siyang pakitaan na naman nito ng hindi maganda ang bata. 

"Kaya ayaw mong makipag ayos dahil may ipinalit ka na sa akin? How dare you, Daniel!" Galit na bungad ni Paula sa kanya nang sagutin ang tawag.

"What are you saying?" Nakakunot noong tanong niya.

"Nandito ako sa bahay mo!"

Hindi siya nagsalita. Alam niya. Kaya nga siya napatawag bigla. Inisip ba ni Paula na sila ni Abegail ay-? 

Napapailing na bumuntonghininga si Daniel.

"What do you want, Paula?"

"Pipilitin ko sanang makipaglapit sa anak mo, cheater! Nakakasorpresa lang na wala pa nga tayong isang buwang off, heto at may ipinalit ka na sa akin!" Tungayaw nito. "Meet me in my house tonight! Mag usap tayo!"

Halos ma imagine na ni Daniel kung gaano nakakamamatay ang mga tingin ng babae kay Abby habang sinasabi nito iyon. Nakaramdam siya ng guilt. Pati ibang tao ay nadadamay sa pagiging possessive ng ex girlfriend. Naputol na ang linya. Ibinalik ni Daniel ang mga mata sa screen ng laptop niya. Nakita niya kung paano nagmamartsang lumabas ng kabahayan si Paula.

Hindi rin nakaligtas sa mga mata ni Daniel ang masuyong pagakbay ni Abby ang anak niya.  At ang paghalik nito sa noo ni Lian. 

##

Dumating sina Manang Guia at Tere sa mansyon bago magtanghali. Sila ang mga kasambahay na tinutukoy ni Daniel kanina. Nasa late forties na si Manang Guia, balo at may isang anak na nasa probinsya habang limang taon naman ang katandaan ni Tere sa kanya. May asawa na rin at dalawang anak.

Bandang alas tres ng hapon itinawag sa kanila ni Mrs De Marco na darating ang pamilya ng pamangkin nito sa bahay mula Negros Occidental. Padilim na nang dumating ang bisita. Sina Sir Trace na pinsan at kasing good looking ni Daniel, at ang asawa at ang kambal na anak na lalaking mga ito. Kasama rin ang dalawang yaya na hindi nalalayo ang mga edad sa edad ni Tere.

Hindi nagtagal ang mag asawa sa bahay ng mga De Marco. Ang dinig niya ay may conference na aattend-an ang dalawa at bukas ng hapon pa ang balik. Napilitan lang na isama ang mga anak dahil may flight pala ang mga ito patungong Korea sa sunod na araw.

Tumulong siya sa pagluluto at paglilinis ng bahay nang magpresinta ang dalawang yaya na siyang magbantay sa tatlo. Dalawang taon ang kabataan ni Lian sa kambal. Naghihiwa siya ng sibuyas nang tumunog ang cellphone niya. Ang Tatang niya ang nasa kabilang linya.

"Asaan ka ngayon, Tang?" Tahimik ang background kaya nagtanong siya. Madalas kapag kausap niya ang Ama ay hangin ng electric fan ang una niyang naririnig kung hindi man ang sigawan at hiyawan ng mga sunog baga sa labas ng bahay nila.

"Nasa bahay ako ni Pareng Jimboy, 'nak. Sumaglit lang ako at birthday din niya. Pinagte take out nga ako ng handa eh."

"Ah. Damihan mo para umabot hanggang hapunan, 'Tang." Tawa niya. "Kumusta kayo sa bahay?"

"Ikaw nga 'tong kukumustahin ko e."

"Okay naman. Hindi mahirap alagaan si Lian." Sagot niya. May ilang minuto pa silang nag usap mag ama bago siya nagpaalam dito.

"Dumating daw si Maam Paula, ah?" si Tere na naghuhugas ng kamay.

"Oo nga eh. Sino ba 'yon?" Tanong niya.

Alam niyang nalink na ang babae kay Daniel noon. Hindi niya lang matandaan ang pangalan nito. Magkasama ang dalawang um-attend ng isang birthday celebration ng isang kilalang tao sa bansa noon. Maganda, mayaman at maalindog. Pero walang pressure. Kasi nga nabalitaan niya na break na ang dalawa.

"Ex girlfriend ni Sir Daniel na hanggang ngayon ay hindi pa maka move on."

"Ay ganun. Bagay naman sila ah?" Walang katotohanang sabi niya. Paano naman babagay kay Daniel ang babaeng amazona?

"Ay, naku naku.. hindi rin ako boto dyan sa Paula na iyan para kay Daniel ha? Pati na lang si Lian hindi pinatawad sa pagiging selosa!" Singit ni Manang Guia.

Natuwa siya bigla pero hindi ipinahalata. "Hindi ba kasundo ni Paula si Lian, Manang Guia?"

"Naku, hindi. Mainit lagi ang dugo ng babaeng iyon sa bata. Ewan ko ba, eh pagkabait bait naman ni Lian. Lagi siya nakasinghal at iritable pero kapag nariyan si Sir Daniel, talo pa ang maamong tupa!" Si Tere ang sumagot. Naghugas ito ng kamay sa lababo. "Mabuti na lang at natauhan si Sir Daniel dyan. Kasi Diyos ko, kawawa ang bata kung yun ang makakatuluyan ng amo natin."

Kung alam lang ni Abby na masama pala ang ugali ng babaitang bisita kanina, iginanti niya sana kahit papaano ang alaga.

"Alam mo ang pakiramdam ko dyan, hindi naman talaga mahal ni Sir Daniel ang Paula na yun eh. Palay na nga kasi ang lumapit sa manok, hindi na siguro nakatanggi si Daniel."

Gano'n nga ba? 'Pag palay na ang lumalapit hindi na makakatanggi ang manok? Eh kung subukan niya kaya yun sa amo? Natawa siya sa naisip. Hindi lang sampung kurot sa singit ang matanggap niya galing kay Remedios Macapagong kung nagkataon.

##

"Happy Birthday, Abby!" Sabay sabay na bati sa kanya nina Tere, Manang Guia, at ang mag asawang Andrea at Travis De Marco pagkapasok na pagkapasok nila ni Lian sa dining area ng gabing iyon. Natutop niya ang bibig sa kabiglaan. May double layered chocolate cake sa mahabang lamesa. May ilang putahe din na nakahanda sa hapag.

Nilapitan siya ni Mrs De Marco at humalik sa pisngi niya.

"Happy Birthday, hija."

Sunod na bumati si Sir Travis na nakangiti din sa kanya. Kagaya ni Mrs De Marco ay mabait din ang Papa ni Daniel. Humalik din sa pisngi niya ang dalawang bagets nina Trace at Nowan.

"Maraming salamat po, nakakahiya naman sainyo.." overwhelmed na sambit niya.

"You're already a part of the family, Abby." Si Sir Travis. "Taon taon din naming sine celebrate ang birthday nina Manang Guia at Tere."

"Ganun ho ba? Hindi na po kayo dapat nag abala pa. Pinera nyo na lang po sana." biro niya. 

"Happy Birthday, Abegail." Tikhim ni Daniel na nakaupo pala sa dulo ng mahabang mesa. Hindi niya napansin ang lalaki dahil halos matakpan ito ng mga nagsisibati sa kanya.

"Thank you, Sir." Tugon niya. 

Iniwas ang tingin sa amo. Bakit pakiramdam niya nanunuot sa buto niya ang titig nito? May gusto ba sa kanya ang Amo? Kinilig siya sa naisip. Ayaw niyang maging assuming pero kailangan niyang suportahan ang sarili. Maano ba kung kiligin at lumandi paminsan minsan?

"Happy Birthday, Ate Abby. I told Papa to buy the cake for you. It was my favorite. I hope you like it."

"Ang sweet mo, baby. Thank you." Humalik siya sa pisngi ni Lian. Yumakap naman ito sa leeg niya. Dama niya ang titig ni Daniel at nag uumpisa na namang magwala ang assuming na puso ni Abegail.