webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
35 Chs

Chapter 25

Nanatili akong naka-upo sa gilid ng daan pagkatapos naming mag-usap, si Lian ay bumalik sa kanila ni Mabel. Lalo akong nanghina, subrang bigat sa loob na pati si Lian ay sinukuan ako pero ayos lang tama rin naman ang ginawa niya, may gusto ako sa kanya pero hindi kasing lalim na katulad ng pagkagusto ko kay Kenneth. Huminga ako ng malalim para ma ibsan ang bigat ng loob ko, na walan na ako ng gana na umuwi, ngunit ng makita ko si Kenneth kasama si Adelah ay agad akong napatayo at nagmadaling bumalik sa kanila ni Mabel.

Hindi ako pinansin ni Mabel pagkarating ko,pati si Lian ay dumistansya rin pinanindigan ang kanyang sinabi sa akin kanina,kahit mga kaibigan nila kahit sulyap ay hindi ako binigyan.Parang hindi nila ako nakikita kahit nandito ako sa kanilang harapan,nahiya ako, umalis ako dahil hindi naman ako parte ng kanilang grupo.

Pait akong ngumiti pagkapasok ko ng kubo kung saan nag-usap kami ni Kenneth kanina.Nakita ko ang kwentas na tinapon niya sira na ito silver siya na customised infinity name necklace KJ at IYA ang nakalagay, hinaplos ko ang pendant at isa-isang pumatak ang luha ko hanggang sa napahikbi na.

Bakit pinaramdam niya pa sa akin na espesyal ako,na mahalaga akong tao sa kanya,na mahal ako kung ibang babae naman pala ang gusto?Bakit kailangan niya pa akong sanayin sa lahat ng bagay pagkatapos ay iiwan lang din.Ang hirap niyang intindihin.Ang hirap niyang basahin,ang masakit pa nito hindi man lang sinabi sa akin ng mga pinsan ko na ang babaeng gusto ni Kenneth ay si Adelah pala ang babaeng pinagselosan ko.Ang masaklap ex-girlfriend pala niya, kaya pala ganoon nalang ang sweetness nilang dalawa kapag magkasama sila. Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan pa ako gamitin ni Kenneth.

Isinilid ko sa aking bag ang kwentas at nagpasyahang umuwi nalang,wala rin naman akong gagawin dito,simula bukas ay sem-break na namin isang linggo na walang pasok at isang linggo na hindi ko makikita si Kenneth,ma mi-miss ko siya.

________

Hindi na kami nag-usap ni Kenneth simula nung insidenteng yun.Wala rin akong lakas na loob para kausapin pa siya. Nabalitaan ko na naging sila ulit ni Adelah, kahit masakit sa akin ang ginawa niya, masaya ako para sa kanya dahil nasa kanya ulit ang babaeng mahal niya.

"Huminto daw ng pag-aaral si Kenneth, alam niyo ba kung ano ang rason niya?" rinig kong tanong ni Analyn.

" Si Homer tanungin mo classmate sila e," sagot ni Mabel.

" Bakit ako?Si Fahrhiya tanongin niyo siya ang girlfriend e," sagot ni Homer at bumaling ang tingin sa akin.

Hindi niya siguro alam na wala na kami ng g*g* niyang kaibigan.Kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang rason niya bakit siya huminto kung saan malapit na mag end ang school year.

Bakit siya huminto dahil ba sa akin? Pero imposible naman baka dahil kay Adelah?Ewan ko,hindi ko alam,walang nakaka-alam kahit sina Homer na kaibigan niya ay walang alam hindi rin ma contact ang number niya.

Noong naghiwalay kaming dalawa doon ko nalaman na hindi lang pala si Adelah ang karibal ko, marami pala.Isa na doon si Edzel na naging kaibigan ko. Nakakatawa no, yung naging karibal ko kay Kenneth naging kaibigan ko na.

"Ano na naman ang binabalak niyong dalawa?" nakapamaywang na tanong ko kina Edzel at Mea.

Founding Anniversary ngayon at may palabas kami dito sa school, itong dalawa kong kasama panay hila sa akin hindi ko alam kung saan kami pupunta tapos ang ending sa tindahan lang pala dito sa harap ng gate 2 ang punta nila.Sa pagka-alam ko kamag-anak ni Lian ang may-ari ng tindahan na'to at kakilala rin ni Edzel.

"Samahan mo ako Ri,mag cr ako sa loob," saad ni Edzel at hinila ako sa loob ng bahay.

Nagulat ako ng makita ko si Lian na naka-upo sa ratan na upuan,nakayuko at nakatukod ang dalawang siko sa kanyang hita,babalik sana ako ngunit nakasarado na ang pinto wala na rin si Edzel at kami nalang ni Lian ang nandito sa loob. Dumadagundong sa kaba ang puso ko, pinipilit kong buksan ang pintuan ngunit naka lock ito.Traydor ka Edzel!

"Ri."

" Ano na namang pakana ito Lian! "

Nanatili akong nakatalikod sa kanya, hawak ko parin ang door knob nagbabakasali na ma buksan ko ito.

"Ma upo ka, mag-usap tayo," mahinahon na saad niya.

"Ayoko! Palabasin mo ako dito!"

"Lian, sa likod ka na lang dumaan ni lock ko ang pinto may pupuntahan ako."

Laglag ang balikat ko sa narinig sa sinabi ng may-ari nitong bahay.Kasalanan mo 'to Edzel!I had no choice but to sit next to him.Nakatalikod ako sa kanya,rinig ko ang kanyang pag buntong-hininga.

"Ano ba ang gusto mo at dinamay mo pa si Edzel?" mariin na tanong ko, p*t*k bakit ba ako kinakabahan?

" Isa lang naman ang gusto ko simula pa noong una Ri,ang maging akin ka.Ang gustuhin mo rin ako kung paano mo siya nagustuhan noong una. "

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot, nakayuko lang ako na nakatalikod sa kanya.

" Naririnig mo ba yung kanta? " biglang tanong niya.

'Yes of course. That's a heart breaking song.' sagot ko sa tanong niya sa aking isipan.

"Ako na lang gustuhin mo Ri, promise I'll do my best to make you happy.I will not make you feel that you are alone.Gagawin ko ang lahat huwag mo lang maramdaman na may kulang sayo.Gagawin ko ang lahat para masabi mo na karapat-dapat ako para sayo.Ako na lang Ri." He pleaded.

" Sana nga ganoon lang iyon ka dali Lian.Alam ko bata pa ako,hilaw pa ako pagdating sa usapang pag-ibig pero alam mo ba kung ano ang sinasabi nito?" turo ko sa aking puso. "Si Kenneth parin ang gusto ko,pero ang sinisigaw nito," tukoy ko sa aking isip," pagbigyan kita sa nais mo pero natatakot ako na sundin ito, natatakot ako na baka sa ikalawang pagkakataon ay masaktan na naman ako. Na trauma na ako sa ginawa ng pinsan mo, ayoko ng ma ulit iyon dahil sa iyo. "