webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
15 Chs

Chapter 6

🍁 Chapter 6 🍁

Habang tumatakbo ako ay nakarinig ako ng mga yabag mula sa likuran ko at duon ko napagtanto na hinahabol na pala ako ng sinapak ko kanina.

Fudge!

Dahil sa kaba ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo pero parang jaguar ito dahil halos maabutan niya nako.

" Ahhhhhhhhhhh! " tili ko ng mahawakan niya ang scrunchie ko. Nakabraid kasi ang buhok ko bali ung scrunchie ko ay nasa dulo lang ng buhok ko.

Hingal ito habang hawak hawak ang buhok ko. Hindi ko rin maaninag ang buong mukha nito dahil sa sumbrerong suot nito tanging labi lang nito na may kauntinh bahid ng dugo ang nakikita ko.

" bitawan mokoooo! " sigaw ko habang hinihila dito ang buhok ko.

Hindi naman ito sumagot dahil sa busy pa ito sa paghabol ng kanyang hininga.

Dahil dito ay binigla ko ang paghila sa buhok ko at nabitawan naman niya ang buhok ko pero nahawakan parin niya ang scrunchie ko.

Agad akong tumakbo kahit gusto ko pang balikan yung scrunchie ko. Nang mapansin kong hindi na ako nito hinabol ay napaupo ako sa isang bleacher malapit sa court ng campus namin. Sumandal sabay humugot ng napakalalim na hininga.

" Fudge buti di nako hinabol napagod siguro siya hahaha " natatawa kong saad sa sarili habang nakapikit ang aking mga mata.

Bigla kong naimulat ang mga mata ko ng maalala ko ang scrunchie ko.

" Fudge ung scrunchie kooo huhu " pagmamaktol ko ng maalalang nasa lalaking iyon ang favorite kong scrunchie.

Palabas nako ng Campus ng may biglang humawak sa braso ko at dahil sa sobrang kaba na baka iyong lalaki nayon ang humahawak sa akin ngayon ay pinisil ko ng bongga ang kamay nito sabay na nilingon ito.

" aray! potek amazona ka ba ha?! "  sigaw ni Axel.

Napabitaw ako agad sa kamay nito ng marealize na si Axel pala ito.

" Hala gurl anong ginagawa mo HAHAHAH parang ang OA mo naman kami lang to gurl kalma HAHHAHA "  tawa ni Eesha ng makitang namilipit sa sakit si Axel.

" nako sorry Axel kakaloka kasi naman bat di niyo nalang ako tinawag? May pahawak pang nalalaman kala ko tuloy ikaw yung lalaki kaninang nasapak ko " tuloytuloy kong saad.

" wao ha ikaw na nakasakit parang ikaw pa galit ha " natatawa nitong saad.

" HAHAHHAHAHAHHA Legit gurl " sulsol naman ni Eesha.

" tawa ka diyan e pareho lang naman kayong mapanakit " maktol ni Axel.

Sabay na lumapag ng malatik ang palad ni Eesha sa braso ng di pa nakakarecover na si Axel hahahhaha

" aray! Oh kita mo di pa nakakarecover kamay ko braso ko naman mga babae talaga oh " reklamo nito sabay na naglakad at iniwan kami ni Eesha na tumatawa.

" ay taray gurl ah nakalugay ka ano meron ha? " pang-uusisa ni Eesha ng mapansin nitong hindi ako nakatali.

" wala nakakabadtrip e ninakaw yung scrunchie ko e hmp! Kung sino man yung lalaki nayon nako dadagdagan ko talaga ung sapak ko sa kabila naman ng pisngi niya para pantay na hmp! " inis kong saad habang inaalala ang mga nangyare.

" ha? Ano bang nangyare? " tanong ni Eesha.

" HUWAAAT?! GURL! NANAPAK KA NG LALAKE?! " di makapaniwalang sigaw ni Eesha matapos ko ikwento ang lahat ng nangyare.

Agad ko naman itong kinurot para tumigil sa kakasigaw buti nalang at wala na kami sa loob ng Campus at nasa kalsada na kami naglalakad pauwi.

" oo gurl sinapak ko talaga siya ewan ko ba natakot kasi ako jusme bago ko makita ung lalaki nayon may narinig muna akong sigaw ng babae kaya kinabahan ako, kaya ayon nasapak ko tuloy siya " paliwanag ko.

" Nako gurl goodluck nalang sayo kung sino man yung lalaki nayon yare ka pag naalala niya face mo "  pananakot nito na inirapan ko nalang.

" sige na babye na ingat sa daan ahh "  paalam ko ng marating na namin ang bahay ko.

" sigee babye gurl goodnight! "  saad ni eesha sabay na bumeso saakin.

" byebye Axel! Sorry naa HAHAHAHA"

Lumingon ito saakin habang nakapoker face then raise his middle finger on me.

Natawa ako dahil panigurado inis na inis ito HAHHAHAHA

🍁 🍁 🍁

Magaalas nuwebe na ng makauwi ako sa bahay. Katulad ng palaging nangyayare sa tuwing uuwi ako ay bubungad na agad sa pinto itong si knight hays my stress reliever.

Agad ko itong binuhat at nilaro.

" Hi babyyy, sorry late umuwi si mommy haa " saad ko sa hawak kong si knight.

" oh anak andyan ka na pala " rinig kong saad ni mama.

Napalingon ako dito at nakitang nakahiga ito sa sofa at mukang bagong gising.

" lah ma tulog kana pala? Sorry naistorbo ko pa pala kayo hehe " saad ko sabay na nagmano at umupo sa tabi nito.

" di kakaidlip ko lang napagod ako maglaba e "  nakangiti nitong saad.

" aww sorry ma nalate ako ng uwi di tuloy kita natulungan maglaba " nakanguso kong saad. Natawa naman ito sabay na hinipo ang buhok ko.

" nako ayos lang anak ano kaba... Teka bakit nakalugay itong buhok mo? Asan na yung regalo kong scrunchie sayo? " tanong ni mama matapos niyang marealize na nakalugay ako.

Hindi kasi ito sanay na nakalugay ang buhok ko dahil sa ayoko din na nakalaylay ang buhok ko dahil hindi ako kumportable.

Napahinto ako at nagisip ng pwedeng idahilan dahil hindi ko pwede sabihing may sinapak akong lalaki sa campus kanina lang.

Teka ano sasabihin ko?

Plan A - " ma ninakaw sakin huhu "  no ekis di pwede pano mananakaw sakin yon? Isa pa sino magkakainteres sa napakasimpleng design na scrunchie nayon?

Plan B - ' Ma binigay...pinahiram...no di pwede regalo ni mama yon at dapat hindi ko ipamigay lang o ipahiram yon magtatampo siya huhu.

" anak ok kalang ba? Nasasaktan na ata si knight sa ginagawa mo " rinig kong saad nito sabay kuha sa kamay ko ang kawawang si knight sa sobrang kaba ko ay napiga ko na pala siya. Sorry knight baby huhu.

" ay sorryy babyy... " sabay himas sa balahibo nito hindi naman ito umalis sa kamay ni mama at sumiksik pa ito lalo

Luh betch ka na ngayon knight ha?!

" ah ma akyat muna ako sa taas papalit lang ako " saad ko sabay takbo paakyat ng hagdan para nadin maiwasan ko ang tanong ni mama dahil sa wala talaga akong maisip huhu.

Pag-akyat ko ay agad nakong naghalf bath at nagbihis ng pangtulog ko.

Matapos kong makapagbihis ay pinlay ko mula sa cellphone ko ang Favorite kong worship song na lagi kong pinatutugtog sa tuwing gigising at matutulog ako.

When the music fades

All is stripped away

And I simply come

Longing just to bring

Something that's of worth

That will bless your heart

Pinapakinggan ko ang kanta habang nakapikit ang aking mga mata...

I'll bring you more than a song

For a song in itself

Is not what you have required

You search much deeper within

Through the way things appear

You're looking into my heart

Sinasapuso bawat parte ng kanta...

I'm coming back to the heart of worship

And it's all about you,

It's all about you, Jesus

I'm sorry, Lord, for the thing I've made it

This song really makes me feel that God is with me always...

When it's all about you...

" It's all about you, Jesus " huling parte ng chorus na sinabayan ko.

Habang nagpapatuloy ang kanta ay patuloy narin ang aking mga mata sa pagpikit hanggang sa makatulog ako.

-------------------------------------------

Song used: Heart of Worship

https://free.facebook.com/FPCLC/?refid=52&ref=dbl&__tn__=C-R