webnovel

2

Oh! Kael ikaw naba 'yan?"  Parang gulat na tanong ni mama matapos kong lumabas ng kotse kasama si Kael..

Matagal naring kilala ni mama si Kael dahil bukod sa magkaybigan kami ay magkumare din ang nanay Kael at nanay ko..

Ang nanay ni Kael ay isang direktor sa entertainment company habang tatay niya naman ay namatay na ng dahil sa car accident..

Reason kung bakit siya naging isang psychologist..

He cured his mental disorder by himself..

At ng mapagaling niya ang sarili niya, he choose to share from everyone na kayang labanan ang mga gaanoong sakit..

I was very proud for him that time..

Dahil ang dating sakit niya ay naging career niya na ngayon..

"Bakit? Tita? Lalo ba akong pumogi?" Pabibiro ni Kael kaya bahagyang  napatawa si mama

Almost a year narin siguro ng hindi na nakita ni mama si Kael..

Ngayon nalang kasi siya muling bumisita dito sa bahay..

"Oh, huwag ka munang aalis ha, tamang tama at maghahapunan na..samahan mo kami" pagsasalita pa ni mama habang pinapapasok sa loob ng bahay si Kael

Agad naman akong nagpaalam para magbihis at ayusin ang gamit ko..

"Losyang kana!" Biro ni Kael habang papalabas ako ng kwarto pero napairap lang ako..

"Oh, Yrha ilapag mo na ang plato doon" utos ni mama kaya naman tumango ako at iniayos ang mesa..

"By the way tita.. nasaan nga pala si Tito? Si kuya Errol?" Tanong niya noong nagsisimula na kaming kumain

"Si Enrico nandoon pa sa simbahan may seminaryo kasi ngayon..si Errol naman nandoon sa Pampanga..stay in sila dahil doon sa ginagawang bagong kalsada.." sagot ni mama habang ako naman ay tahimik lang na kumakain..

"Oh mag iingat ka ha" masayang pagpapaalam ni mama habang nasa labas kami ng gate dahil uuwi na si Kael

"Opo tita.." nakangiting sagot naman ni Kael

"Bisita ka dito sa linggo at ipagluluto uli kita" nakangiting sabi ni mama..

Napatango tango naman si Kael para pumasok na sa kotse at pinaandar ito.

"Bakit ba kasi nagtitiis kapa dyan sa tambay mong boyfriend eh higit naman na mas maayos si Kael" pagsasalita ni mama habang papasok kami sa loob ng bahay

Pero pinili ko nalang na hindi umimik at hindi nagsalita..

"Yrha, kinakausap kita" tapik niya sa braso ko habang nakaupo ako sa sofa at nanonood ng tv

Gustong kong mapairap sa inis

"Magkaiba sila ma" tanging naisagot ko

"Magkaibang magkaiba sila dahil higit na lamang si Kael" buwelta ni mama ni mama kaya inis akong napabuntong hininga

"Ma akala ko ba okay na? Bumabawi naman na si Arvy ha! bakit parang hindi niyo nakikita?" Inis na sabi ko

Agad din naman akong napatayo at mabilis na pumasok sa kwarto ko..

Bakit niya ba kailangang ipilit ako sa iba?

Gusto ko si Kael bilang isang kaybigan ay kailan man, ay hindi pumasok sa isip ko na gustuhin siya..

---

Mabilis na lumipas ang mga araw..

Ilang buwan na'rin ang lumipas pero tulad ng dati, abala pa'rin ako sa ospital

parang napakaraming batang nagkakasakit ngayon..

Dahil narin siguro sa pabago bagong klima dahil hulyo na..

"Pwede ka mamaya? Foodtrip tayo?" Alok ni Arvy pero napatanggi ako

"Vy, sorry busy sa ospital" tanggi ko

"Hmm sige huwag magpapapago---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ang linya at napatakbo

"Doc, may batang kinukumbulsyon" tawag ng isang nurse sakin

"Ano!? " Gulat na tanong ko habang sinusundan ang nurse

"Nurse iya, get some ice , towel, and water!" Utos ni Kael habang buhat ang batang lalaki na kinukumbulsyon

Balak ko sanang hawakan ang bata pero pinigilan ako ni Kael

I already check his vital signs his heart beat isnt normal..

"Nag aapoy sa lagnat ang bata at mukhang gutom pa" pagsasalita ni Kael habang inaayos ang kalagayan ng bata..

Ako naman ay tumulong na mag assist sa kaniya..

At matapos ang ilang minuto, unti unti ng kumalma ang bata at napamulat

"Are you okay?" Tanong ko pero hindi sumagot ang bata napatingin lang sa'kin

Hinipo ko ang noo at talagang mainit..

"Mommy please, pakiantabayan ho ang anak niyo..as much as possible every minute pakipunasan siya ng basang bimpo" pakiusap ko sa nanay ng bata

Niresetahan ko na'rin siya ng gamot para mabawas bawasan ang ang lagnat ng bata..

"Okay ka lang? Ikaw naman parang hindi kapa sanay sa mga ganon eh halos 1 year kanang doktor" pagsasalita ni Kael habang naglalakad kami sa hallway ng ospital

He also have a Degree in Medical Doctor  kaya alam niya ang dapat na gawin sa gaanong panahon..

"Hindi ako pa ako sanay Kael, naawa ako sa bata" pag amin ko matapos non ay inakbayan niya ako

"Doc, masanay kana..mas lalo namang nakakaawa ang pasyente kung mahirapan kang gamutin sila" payo niya

"Hmm siguro, buti nalang at nandoon ka..thankyou" ngiti ko

"Yrha?" Tanong ni Arvy ng matapat na kami sa ward kung saan ako naka assign

Gulat akong napatingin ng makita ko siya..

Nandito ba siya mula kanina pa?

"Ah sige na, Yrha maiwanan ko na muna kayo" pagpapaalam ni Kael ni habang unti unting tinangggal ang pagkakaakbay sakin

Agad naman akong napalunok at inalok siya na pumasok..

"Kumain kana?" Tanong niya

Hindi siya galit pero hindi rin naman mukhang masaya kahit na nakangiti

"Arvy, sorry..yung nakita mo kanina, walang malisya samin 'yun" pag amin ko habang hindi makatingin sa kaniya

Naguguilty ako..alam kong nagseselos siya..

"Yrha, hindi mo kailangang mag-sorry..alam ko naman 'yon" ngiti niya habang hinahaplos ang buhok ko..

Matapos ang ilang buwan, talagang nakikita ko na ang pagbabago niya..

Malaki ang ipinagbago kaya masaya din si papa para sa'min..

Napahiga naman ako sa balikat niya at sandaling napapikit..

"Nakakapagod, buti at nandito ka" bulong ko habang hawak ang kamay niya

Bahagya niya namang hinalikan ang noo at pababa sa labi ko..

Buti nalang at nailock ko ang kwarto..

"Yrha, nalilito ako" bulong niya pero hindi naging malinaw sa pandinig ko..

"Ikaw ang nagluto?" Tanong ko habang kumakain

"Oo nagpaturo ako kay sister Tere" sagot niya habang mukhang titig na titig sa'kin

Baka ganyan siya kung tumingin may dumi ba sa mukha ko? May bumabagabag ba sa kaniya?

Seryoso ang mukha niya..

Hindi tulad ng tingin sa'kin dati..

"Okay ka lang? May dumi ba ako? Panget naba ako?" Tanong ko agad din naman siyang nagulat na napatingin sa'kin..

Pero bigla nalang akong nagulat ng bigla siyang tumabi sa'kin at mapayakap..

"Yrha, hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko pero, gusto kong mag pari" bulong niya pero hindi sapat ang lakas noon para marinig ko..

"Hindi na kita masusundo mamaya, ingat ha" paalala niya bago umalis at kumaway

Pakiramdam ko may mali sa kaniya..

Pakiramdam ko may mali sa amin..

Halos 9:00 pm ng matapos ang off ko..

Nakakapagod na plus badtrip pa dahil napakalakas ng ulan ngayon..

Wala pa naman akong dalang payong dahil ang mainit naman kanina at ang akala ko ay hindi uulan..

Ilang beses ko na rin na tinatawagan si Arvy para sana magpasundo pero hindi niya rin sinasagot..

Mukhang patay ang phone niya..

"Malakas ang ulan, patilain mo muna?" Pagsasalita ni Kael ng hindi ko namamalayang nasa likod ko na pala..

"Hinihintay ko si Arvy, kaso hindi ko alam kung dadating paba siya..hindi ko siya macontact.." parang nawawalan na ng pag asang sabi ko

Malakas pa naman ang ulan ngayon, mahirap kung sasabak ako sa baha..

"Tara na, hatid kita" alok niya pero napailing lang ako..nakakahiya naman kung ihahatid niya ako..

Magkaiba ang way ng bahay nila sa bahay namin at sigurado akong pagod na'rin siya para ipagdrive pa ako..

"Hindi na Kael, baka mayamaya lang papunta na din si Arvy" sagot ko kahit na hindi ako sigurado..

"Wag ka ng tumanggi niyaya ka nga ng nag iisang Kael Verameda..swerte mo na kaya" biro niya pero napatawa lang ako..

"Sige na mauna kana..alam kong pagod kana mula kanina..sino ba naman ako para ipagdrive mo pa" biro ko din pero wala siyang naisagot at bigla nalang tinggal ang coat niya..

Ipinatong niya iyon sa ulo at hinatak ang kamay ko papunta sa kotse niya..

Open ang parking lot kung kayat imbis na akong mabasa ay siyang nabasa dahil nakapatong sa ulo ko ang coat niya..

Ang tanga naman niya..sana sinabi niyang gagawin niya 'yon para pareho kaming hindi gaanong nabasa..

May coat din ako 'no!

Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse kaya naman wala na akong nagawa kundi mapasakay..

"Tignan mo basang basa na tuloy yang ulo mo!" Reklamo ko habang pinupunasan ng panyo ang ulo niya..

Hanggang sa umabot ang ilang sandali, hindi ko namamalayan na napatitig na pala siya sa'kin..

Hindi ko alam kung may malisya ba 'yon pero agad akong napaiwas..

"Okay na medyo tuyo na " ibinaba ko na ang kamay ko at tumingin sa bandang bintana

Ramdam ko naman na napatango lang siya at sinubukan ng paandarin ang kotse..

"Nasaan nga pala si Arvy? Bakit parang bihira na kung sunduin ka niya?" Tanong ni Kael bilang pambasag niya sa katahimikan

Agad naman akong napalingon ng tingin sa kaniya dahil nagtext ako kay Arvy na nakauwi na ako..

"Busy siya palagi sa pagtulong sa simbahan..'yon kasi ang kasunduan nila ni papa na magbago siya at maglingkod sa simbahan bago niya ako mapakasalan" pagkukwento ko.

"I-kakasal na kayo?" parang gulat na tanong niya.

"Napag- iisipan, kaso ang problema ay si mama..alam mo naman na hindi sila pabor kay Arvy diba? kaya si Arvy ginagawa ang lahat para mapapayag si mama..malaki naman na ang pinagbago ni Arvy, hindi lang nila nakikita" sagot ko kasabay non ay napatango tango lang siya at muling tumututok sa daan..

I always imagine my life with Arvy..

Okay na sakin ang dalawang anak..

We're all happy and i have a loving husband that i love forever..

"Magpahinga kana" bulong niya matapos naming bumaba sa kotse..

Tumila na rin ang ulan..

pero agad akong nagulat ng bigla siyang mapayakap sakin..

Napakahigpit ng yakap niya..

Parang ayaw niya ng bumitaw..

May problema ba siya? Ngayon ko lang naramdaman sa kaniya ang ganito.

"Hmm, ikaw din..ingat sa pagdadrive" naisagot ko nalang habang tintapik ang likod niya..

Agad na din naman siyang umalis at tumango..kumaway pa muna siya bago pumasok sa kotse at magdrive papaalis..

Arvy's POV

"Father Valerio, pwede ho bang umalis muna ako? Nagtext kasi si Yrha.." tanong ko

"Hawak mo na ang payong, ano paba ang magagawa ko" pagbibiro pa ni padre kaya naman napatawa ko at nagpasalamat..

Sa ilang buwan o halos mag iisang taon kong pagsisilbi dito..

Marami akong natutuhan sakaniya..

Si Father Valerio din ang nagsilbing tatay ko bagay na kailanman ay hindi ko naramdaman at siya rin ang naging daan para muli akong bumalik sa dating pangarap ko..

"Salamat Father, sige ho una po ako" nakangiting sabi ko

Halos 30 minutes nadin ng magtext siya..

Hindi ko alam kung makakaabot paba ako..

"Iho, mag iingat ha..at malakas ang ulan" paalala pa ni padre kaya ngumiti ako nagpasalamat

"Manong sa Soledad Hospital ho" pagsasalita ko sa driver..

Halos 10 minutes din ang inabot bago ako makapunta kaya naman agad akong tumawid at naglakad papunta sa hospital pero mukhang huli na ako dahil may nareceive akong text mula sa kaniya..

Doc Elyrha

Vy, wag mo na akong sunduin..okay na na ako..kasabay ko si Kael..

text niya nagpalito na naman sa utak ko..

Kailangan ko siyang makausap..

"Manong sa S Carlos Village ho" pagsakay ko muli..

Mataas taas na ang baha at hindi ko alam kung makakabalik pa ako ng simbahan..

"Salamat ho" pagpapasalamat ko matapos bumaba

Agad din naman akong naglakad, buti nalang at tumila na ang ulan ngunit agad akong napahinto ng makita ko Yrha kasama ang kaybigan niyang si Kael..

Hindi niya lang ito kasama kundi yakap yakap pa siya nito..

"Tangina, nalilito na naman ako"

Hindi ko alam kung nasasaktan ako sa kanila..

May dapat akong sabihin kay Yrha pero bakit ko pa pinapatagal ng ganito..

Litong lito na ako kung pipiliin ko ang pagpapari o hindi..

Akala ko wala na, akala ko ayos lang at maiintindihan niya ako kapag sinabi ko sakanya ang totoo, pero bakit ako nasasaktan..

Hindi ako dapat ganito..

Siguro nga, mas deserve niya ang tulad ni Kael at hindi ako..

"Niloloko ko lang siya..niloloko ko lang siya at kailangan ko siyang makausap" bulong ko habang nakatingin lang sa kanilang dalawa

Halos ilang metro din ang layo ko kaya hindi nila ako nakikita

"Hmm, ikaw din..ingat sa pagdadrive" ngiti ni Yrha matapos niyang umalis sa pagkakayakap kay Kael..

Ngayon, mukhang desidido na ako..

Siguro nga tama si Father, kung sa tingin kong tama ang gagawin ko, nararapat lang na sabihin ko sa kaniya ang totoo kahit na alam kong masasakatan ko siya..

Ayoko na siyang lokohin, at ayoko ng lokohin ang sarili ko dahil sa ginawa kong 'to pareho lang kaming masasaktan..

"A-arvy? Kanina ka pa?" Gulat na tanong niya..napailing naman ako at sumagot

"Kakadating ko lang" simpleng sagot ko..

"Hindi mo ba nabasa ang text ko? Nabasa kapa tuloy" pagsasalita niya habang hinawakan ang basang parte ng damit ko..

"Nabasa ko Yrha, pero gusto sana kitang makausap..gusto ko rin sanang mamasyal kasama ka" hindi na ako nagsayang ng oras..

Gusto ko ng sabihin ang lahat sa kaniya..

"Hmm sige..hintayin moko dito magpapalit lang ako damit" tango niya kaya naman simple akong ngumiti at hiintay siya

"Malalim ba 'yang pag uusapan na'tin..at kailangan pa nating mamasyal" parang natatawang sabi niya pero pilit kong hindi ipinahalata ang kaba ko..

"Hindi naman, ilang buwan na'rin kasi nating hindi nagagawa 'to" tanging naisagot ko

"Ikaw ha? Miss na miss mo 'ko" ngiti niya habang niyapos ng mahigpit ang balikat ko ngunit pilit na ngiti lang ang naisukli ko sa kaniya

Naguguluhan ako..

Nagtatalo ang pakiramdam ko..

"Dito masarap magfoodtrip..pano ba 'yan ikaw ang nagyaya kaya ikaw din ang manlilibre" kantyaw niya habang nakangiti

"Oo naman, basta ikaw" sagot ko habang napapangiti sa kaniya..

Bawat ngiti at yakap niya ay lalong nagpapagulo sa isipan ko..

Ang akala ko ayos na pero mukhang hindi..

Mukhang hindi ko pa kaya..

"Grabe ang sarap talaga pag libre" pagsasalita niya habang kumakain ng kung ano ano..

"Doc, ang dungis mo na" pang aasar ko habang pinupunasan ang pisngi niya nalagyan ng sauce..

Hindi kita kaya iwan, pero hindi rin kita kayang piliin

"Tara, upo tayo dun oh" turo niya sa bench..

Marami ring tao ngayon sa paligid at napakaraming magaganda ilaw..

Siguradong masayang araw 'to para sa kaniya kaya napapaisip ako kung dapat  ba na sabihin ko sa kaniya ang totoo..

"Teka? May pag uusapan tayo diba? Ano ba 'yun?" Tanong niya habang inihiga ang ulo niya sa balikat ko..

"A-ah 'yun ba? Sa susunod nalang siguro..mas makakabuti kung mag enjoy ka muna ngayon" pilit na ngiting sabi ko pero napatanong padin siya at agad na umalis sa pagkakahiga sa balikat ko

"Bakit sa susunod pa? Eh pwede namang ngayon" takang niya pero hinaplos ko lang ang buhok niya at inihiga muli ang ulo niya sa balikat ko..

"Doc, let's just enjoy this night.." bulong ko habang bahagya siyang niyakap..

Let just enjoy this night, because i think, this is the last time i saw how you smile, how you fall inlove because of me..

Sorry Doc, i can't hold onto our promises..

Elyrha's POV

Mabilis pang lumipas ang mga araw hanggang sa unti unting napapansin na napapalayo na kami sa isat isa..

Busy siya, busy ako..

Reason kung bakit hindi na kami nakakapagpagusap o magkasama manlang..

Ang sabi niya sa'kin may trabaho siya out of town pero hindi niya sinabi kung saan..

I have nothing to do, busy na lalo dito sa ospital at hindi ko na siya makontact..

May mga times naman na siya ang tumatawag pero madalas na hindi ko nasasagot dahil pag uwi ko ng bahay ay tulog ako sa pagod

Everyday is a tiring day..

"Have you ever had the feeling that you were going around the circles? Alam mo  'yun parang may sinusunod na lang na pattern ang bawat araw..parang gigising ka lang ng para gawin ang mga bagay na lagi mong ginagawa, matapos non ay matutulog ka lang muli at gigising para sa paulit ulit na araw?"

Naguguluhan ako lalo na kay Arvy..

Parang paulit ulit lang na ayos kami at matapos ang panibagong araw ay mukhang nagkakalabuan kami..

Paulit ulit na magiging masaya kami, kinabukasan ay nawawalan na naman kami ng oras..

Hindi ko alam dapat ba akong masanay sa ganito o dapat lang na pagusapan namin ang nararamdaman ng isat isa..

Para kasing hindi na kami tulad ng dati..

Pakiramdam ko, mayroong problema sa aming dalawa..

"Yrha, kung kaylan tapos na yang duty mo tsaka ka nakasimangot dyan" pagsasalita ni Kael mula sa pinto habang ako naman ay inaayos na ang gamit ko..

"Pagod lang" simpleng sagot ko

"Nako, di kapa nasanay Doc.. by the way may naghahanap nga pala sayo sa labas" taka akong napalingon sa kaniya

"At sino naman?" Takang tanong ko

"Si Arvy" simpleng sagot niya na biglang nagpasigla sa'kin..bahagya ko pang inayos ang buhok at tinaggal ang coat ko..

"Doc Yrha, una na'ko ha.." pagpapaalam ni Kael bago sumakay ng kotse niya

"Vy, musta yung work mo? Ano okay naman ba?" Sunod sunod na tanong ko habang hawak ang pisngi niya..

Parang mas lalo siyang pumuti..parang hindi naman nagtrabaho..

"A-ah Yrha may sasabihin sana ako, pero pwede bang huwag tayo dito mag usap" direktang sabi niya kaya naman napatango ako sumama sa kaniya

Pakiramdam ko tuloy, napakaimportante ng sasabihin niya..

Para siyang nag mamadali, pansin ko din ang pagiging kabado niya

"Ayos ka lang?" Tanong ko habang hawak ang nanginginig niyang kamay..

"O-oo naman.. a-ayos lang ako" kita ko ang pilit na ngiting sagot niya pero pilit ko nalang na dinedma ang lahat..

May surprise siguro sa'kin 'to..

Sa tagal ba naman naming hindi nagkita . Deserve ko din namang isurprise 'no!

"Saan tayo pupunta? Ayos ka lang ba? Baka hilo ka mula sa biyahe. Pwede namang sa susunod nalang kung masama ang pakiramdam mo" pagsasalita ko dahil napaka tahimik niya..

Naninibago din ako..

Parang inaalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at sa tuwing yayakapin ko naman ay pilit lang siyang napapangiti..

Ano bang problema? Bakit parang napakabilis niyang magbago?

O dapat ko bang itanong na may bago na siya kaya ganito na ang pakikitungo niya?

"G-gusto mo bang kumain muna?" Tanong niya pero napailing ako

Nandito na kami ngayon sa lugar kung saan kami unang nagdate noon..

Matagal na mula ng huli kaming mapunta dito, gusto kong maging masaya dahil nakabalik na muli kami dito, pero hindi ko magawang ngumiti dahil sa mga ikinikilos niya..

Ayokong mag isip ng kung ano ano at mas lalong ayokong saktan ang sarili ko ng dahil sa mga iniisip ko pero, sa ginagawa niyang yan? Unti unti akong naghihinala sa kaniya..

"Yrha? Gusto mong kumain muna?" Muling tanong niya dahil napatulala ako pero ng sumunod ay hindi na ako nagsayang ng oras at direkta siyang tinanong..

"Arvy, may problema ba sa'tin?" Seryosong tanong habang siya naman ay gulat na napatingin

"Ha?" Patay malisyang tanong niya pero napabuntong hininga lang ako

"Arvy, wag na tayong maglokohan..alam kong may problema sa'tin pero sana sinasabi mo.." inis na sabi ko..

Agad naman siyang napayuko at napayakap ng dahil sa sinabi ko..

Tangina, may problema nga..

"Sorry" bulong niya habang yakap yakap ako ng mahigpit..hanggang sa unti unti ko ng naramdamang tumutulo ang luha ko..

"Bakit tayo nagkaproblema? Kasi may bago kana? kasi ano?! nagsasawa kana sa'kin? kasi.. napapagod ka ng lumaban?!" Inialis ko ang pagkakayakap niya mula sa'kin

"H-hindi sa ganon Yrha.. wala akong iba--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil napamura na ako ng malakas

"Tangina, ano? Kase pagod ka lang? Wala kang iba pero nagsasawa ka lang?" Sunod sunod na tanong ko..

Bumibigat ng bumibigat ang pakiramdam ko..

Ngayon lang kami nag away ng ganito..

"H-hindi Yrha, hindi sa gan--" hindi ko na naman pinagpatuloy ang sasabihin niya..

Nakakainis.. bakit hindi niya na lang sabihin ng direkta para hindi ako nagmumukhang tanga kakabasa ng isip niya..

"Ano? Anong dahilan mo?!" Sigaw ko habang naiiyak..

"Yrha, " malumanay na sabi niya habang may kinuhang isang brown na envelope mula sa bag na dala niya..

Nakatungo niya yong iniabot sa'kin kaya naman agad ko itong binuksan at binasa ang nilalaman

Bachelor's Degree in Catholic Priest?!

"Yrha, patawarin mo'ko" muli niya akong niyakap

"Sorry kung hindi ko magagawa yung mga naipangako ko sayo" bulong niya pa habang ako naman ay iyak na lang ng iyak

Agad kong inialis ang pagkakayakap niya at galit na kinausap siya..

"Arvy, isang taon mo na akong niloloko? Isang taon ka ng nag-aaral para sa pagpapari mo pero hindi mo manlang nasabi sa'kin?" mas lalong naiiyak na sabi ko..

"Sasabihin ko naman dapat sayo pero ako makahanap ng tiyempo" sagot niya

Hindi ko alam kung sino ang dapat kong sisihin..

Ang diyos ba? Dahil inagaw niya sa'kin si Arvy?

O si Arvy dahil mas mukhang pinipili niya ang pagiging pari niya kaysa sa'kin..

"Yrha, natatakot akong saktan ka, natatakot ako na umiyak ka na naman ako at ang dahilan" nanginginig na sabi niya

"Tangina naman Arvy, ganon din 'yon! Almost 6 years!, almost 6 years kitang pinaglaban sa pamilya ko..almost 6 years akong namilit sa pamilya na ikaw ang lang ang pakakasalan ko..kahit alam kong hindi sila pabor sayo..kahit araw araw pa akong matanggap ng masasakit na salita mula sa pamilya ko at sa ibang tao ayos lang kasi mahal naman kita..akala ko kasi mahal mo pa 'ko..akala ko kasi lumalaban kapa"

Sandali akong huminga..

Ang sakit..

Ang sakit isipin na para na pala akong tangang kakalaban para samin at sa pamilya ko..

"Tangina Arvy, ang sakit..ang sakit sakit dahil ako nalang pala ang lumalaban"

"Sana, sinabi mo manlang sa'kin ng mas maaga para sana nakakamove on nako ngayon..sayang yung isang taon Arvy, at isang taon na 'yun, isang taon mo din akong pinagmukhang tanga!" Sigaw ko

"Alam mo naman diba? Alam na alam mo naman na takot akong masaktan..na takot ako balang araw mawawala ka sa'kin.."

"Arvy naman, binigay ko na lahat ng tiwala at pagmamahal ko sayo pero bakit ganito? Bakit kasinungalingan pa ang isinukli mo sa kabila ng pagmamahal na ibinigay ko sayo?

I couldn't get enough

Ayoko na, sobrang sakit na..

"Yrha, hindi ko naman intensyon na saktan k--" hindi ko pinagpatuloy ang sasabihin niya

"Arvy, hindi mo intensyon pero nagawa mo na, nasaktan mo na'ko..kahit na sabihin mong kumukuha ka lang tiyempo at iniisip mo lang ako ganon padin yung Arvy! Natatakot kang ipagtapat sakin ang katotohan kasi baka  umiyak ako? Pero hanggang kailan Arvy? Hanggang kailan mo papatagalin ang panloloko mo?"

mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko..

"Arvy, kung yan ang gusto mo..hindi kita pipigilan..kung mas gusto mo yang pagpapari mo kaysa sa'kin ay wala na akong pakialam.."

Gawin niya ang gusto niyang gawin..

Hindi ko na'rin kailangan ng mga paliwanag niya dahil hindi ko na kailangang pilitin siya na bumalik para sa'kin..

"pero balang araw, huwag na huwag mong aasahang mapapatawad pa kita" huling sabi ko bago tumakbo papaalis mula sa kaniya..

Siguro nga, matagal nang sinasabi ng mundo na hindi kami para sa isat-isa..

Siguro nga, kami o ako lang din naman ang may kasalanan dahil pinipilit naming maging isa..

Akala ko noon, kaya ko..

Inakala kong balang araw, mauuwi din kami sa simbahan at pagpapamilya pero akala lang pala ang lahat..

Dahil ngayon, pareho na kaming malaya sa isat-isat..

Ako nakamit ko ang pangarap kong maging doktor..

Habang siya naman ay mukhang makakamit niya rin ang pagiging pari..

Pero ang pagiging kami, ang isang masayang pamilya at pangarap naming kasal ay mukhang hinding hindi na matutupad..

***

Back then, Arvy have said to me that when he was a child, he really want to be a Catholic Priest..

That time, natatawa pa siya noon dahil nga noong tumanda siya ay malayo malayo ang pag uugali niya sa pangarap niya noon..

"Alam mo ba? kung bakit naisipan kong maging pari noon?" Tanong niya habang ako naman ay nakikinig lang

"Amerikano ang tatay ko habang ang nanay ko naman noong panahon na 'yon nagtatrabaho sa bar..si papa ang naiiwan dati kasama ako habang si mama naman ang nagtatrabaho..pero di tulad ng ibang mag ama, palagi niya akong binubugbog..palagi niya ako napapalo noon sa tuwing hindi ko nasusunod ang mga utos niya, kaya noong araw na nagsawa ako sa mga pananakit niya, lumayas ako at naisipan ko makitira kay tito.. noong panahon na 'yun kinausap ako ni tito na bumalik sa magulang ko pero sinabi kong ayoko na sa kanila at doon nalang ako titira sa bahay pari kasama niya..dahil isa siyang pari..sa bawat ko 'non, palaging maluwag ang pakiramdam ko..palagi akong masaya at naging malaya ako..at naramdaman ko din noon na may pamilya ako at totoo tatay..napakabait sa'kin ni tito noon..palagi niya rin itituro sa'kin ang ginagawa niya sa araw araw hanggang sa nagustuhan kong magpari..madalas nga non, ang hilig ibihagi sa mga kalaro ko yung mga nababasa ko sa bible..sa tuwing bibisita kami sa kumbento, palagi kaming nagbabahagi noon ng mga salita tungkol sa diyos.." pagkukwento niya noon..

Hindi ko nga inakala noon na ganon siya..

Kung titignan kase ngayon ang pag uugali niya, napakalayo kumpara dati..

"Hanggang ayon, doon na ako lumaki kasama si tito..naalala ko, pinangako ko pa sa kaniya noon na kapag natapos ang termino niya bilang isang pari, ako naman ang papalit pero mukhang malabo na yun ngayon" ngiti niya

"Eh pano na sila tita Margie? Syempre anak ka nila.. hindi manlang ba nila pinilit na bawiin ka?" Tanong ko noon dahil curious talaga ako..

"Nabawi lang ako non ni mama nung namatay si tito..naalala ko, iyak ako ng iyak non kasi ayoko na talagang bumalik sa bahay. payag naman siya noon dahil alam niya rin ang ginagawa noon ni papa..hanggang sa wala ng nag aalaga sakin kaya napabalik nalang din ako..ang sabi pa nga ni mama non nagbago na daw si papa at natuto na kaya napapayag din ako..pero, nung lumipas yung mga araw..pauli ulut lang ang nangyayari..mas lalo pa siyang naging malupit sakin..kung dati nga non sakit lang sa katawan yung nakukuha ko pero sumunod non nagkaron narin ako ng pasa ng dahil sa kaniya..hanggang sa natuto nalang din akong lumaban..siguro nga, kaya ako naging ganito ng dahil sa kaniya..ayoko ng sinasaktan ako..gusto kong laging binabawian ang mga kaaway ko..dahil matagal ko ng naranasan yun sa tatay ko" unti unti ng humihina ang boses niya..

"Nabago niya ko, talagang nabago niya ako..pero wala na sakin yun ngayon..ayos nang wala na siya sa buhay ko ngayon" pilit na ngiting sabi niya mula sa alaala ko bago ako mapaiyak muli..

Nakakainis..

Parang sinisisi ko pa ang sarili ko ngayon..

Alam ko naman na dati niya ng pangarap yon eh..

Hindi ako dapat nagalit sa kaniya..

Hindi ko dapat siya sinisi dahil alam kong tinupad niya lang ang pangako niya sa tito niya..

"Dapat, hindi ko siya pinagsabihan ng masasakit na salita" nagsising sabi ko hanggang sa gulat akong napatingin ng pumasok mula sa pinto si papa..

"Alam kong masama ang loob mo, pero huwag mo naman sanang sayangin iyang mga luha mo" payo ni papa habang umupo malapit sa kama ko..

"Nak,  kinausap ako ni Arvy..at nagtapat naman siya ng totoo..nak, hindi ko siya kayang pigilan sa gusto niya..alam kong masakit para sayo pero wala ako sa posisyon para pakialam ang relasyon niyo..hindi kayo kasal at hindi rin naman kasalanan ang gusto niya para sa buhay niya" pagpapaliwanag ni papa..

Napatango tango naman ako at pinunasan ang luha ko..

siguro nga wala siyang kasalanan at mas lalong hindi ko dapat siya na sisihin..

"Pa, alam mo ba? Napakaraming masasakit na salita ang nasabi ko sa kaniya.. minura ko pa siya kasi naiinis ako pero hindi ko manlang naisip na akala pala yung mali.." humugot pa muna ako ng hining bago muling nagsalita..

"S-sana pala, sinabi ko na proud na proud ako sa kaniya kasi matutupad na niya ang pangako niya sa tito niya..sana pala sinabi ko na, masaya akong nakapasa siya kasi ilang taon nalang..malapit na niyang magawa ang pangako niya" naiiyak na namang sabi ko..

Pakiramdam ko napakasama kong tao sa mga nasabi ko sa kaniya..

Dapat pala imbis na minura ko siya ay niyakap ko pa siya at sinuportahan..

Pero hindi eh, mas nanaig ang galit ko kaysa sa pag iintindi..

"Tahan na, ang tanda mo na iyakin kapa" biro ni papa pero hindi ko magawang ngumiti..

"Hayaan mo, lilipas din ang araw..siguro nga hindi natupad ang pangako niyo sa isat isa dahil may lalaking mas para sayo..hindi ba lagi kong sinabi sa'yo? may purpose ang bagay bagay dito..may mga tao na dadating sayo ng panandalian di lang para mahalin mo sila, kundi ikaw o siya ang magbibigay ng leksyon sa buhay mo" payo ni papa hanggang sa napapikit nalang at napayakap kay papa..

Tama siya..

may taong pang mas nararapat sakin..

At siguro nga, kaya dumating si Arvy sa buhay ko, dahil ako ang naging daan para magbalik loob muli siya sa mga pangako niya..

"Hoy sleeping beauty! gising na!" Panggising sa'kin ng kung sino kaya naman agad kong inaninag kung sino ang taong 'yun

"Kael?" Gulat na tanong ko ng makita ko si Kael mula sa kwarto ko

Nahihiya pa akong napatingin sa kaniya dahil mukhang gulo gulo pa ang buhok ko at kagigising ko lang..

"Hoy ikaw! Pa-VIP kapa" reklamo niya pero napabuntong hininga lang ako..

Panigurado, naikwento na ni mama ang lahat..

Pinili kong hindi muna pumasok dahil bukod sa mabigat ang pakiramdam ko, nahihiya din ako sa itsura ko..

"Tignan mo 'yang mukha mo.. mukha ka ng chinese" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang natatawang nakatingin..

"Hays, bakit binisita mo pa 'ko dito? Pumasok kana sa ospital..may duty ka ngayon diba?" Tanong ko habang inialis ang pagkakahawak niya sa pisngi ko

"Anong binisita? Di kita binisita dito 'no!  Bayad kaya 'tong pagpunta ko dito" buwelta niya naman kaya taka akong napatingin

"Huh? Anong bayad?" Tanong ko pero napatawa lang siya..

"Ako 'to si Doctor Michael John Verameda isa sa pinakapogi at pinakamagaling na Psychologist sa lahat at narito ako ngayon para konsultahin ang kalagayan mo" ngiti niya habang mukhang proud na proud sa sarili niya kaya naman bahagya akong napangiti..

"Doc, you don't have to. Okay na ako..nasaktan lang ako kagabi pero ngayon, okay na ako" sagot pero kunwari siyang napailing

"Hays! Ang kulit mo talaga.. alam kong hindi ka okay..at ayaw mo o sa hindi, ikaw lang ang duty ko ngayon" ngiti niya na untu unting nagpaluwag ng damdamin ko..

"Thank you Kael, for always making me smile" hindi ko na naiwasang mapayakap sa kaniya at maiyak na naman..

Siguro nga, i really need him..

Kasi magmula ngayon, kailangan ko ng i let go si Arvy..

Kahit na labag sa loob ko..papalayain ko siya para sa pangarap at dating ipinangako niya..

I love Arvy..

I love him to the point that i can't lose him..

Pero ngayon, posibleng magbago ang lahat..

Kailangan ko na siyang palayain at kailangan ko na ring palayain ang nararamdaman ko para sa kaniya

"Hello pa? Bakit may kailangan ka?" Tanong ko mula sa kabilang linya ng tumawag ng biglaan si papa

"Nak, babalik na uli sa Cebu si Arvy..baka gusto mo siyang makausap bago umalis"

Sandali akong napatigil at nag isip..

"P-pero kung ayaw mo naman ay ayos lang..pinapasabi niya rin pala na lagi kang mag-iingat at nanghihingi siya ng tawad" dugtong pa ni papa kaya naman nauutal akong napasagot

"Pa, kaya ko ba?" Tanong ko

"Nak, ikaw lang ang makakasagot niyan sa sarili mo.. basta ako, kami ng mama nandito lang kami sa tuwing iiyak ka ng mala lawa" pagbibiro niya pa kaya bahagya akong napangiti

"Pa naman! Nakukuha mo pang magbiro..kinakabahan ako pa" pag amin ko

"Nako, papano nalang kapag lumapit kapa? Aba'y baka hindi kana makapagsalita?" Sagot niya pa pero napakagat lang ako sa labi..

"O siya sige na.. magsisimula na ang seminaryo..ikaw na ang bahala ha" huling paalala niya bago patayin ang tawag

Ilang sandali lang, agad din naman akong napatayo at inayos ang sarili ko..

Pero nagsuot lang ako ng simpleng damit at naglagay din ako ng light na make up..

"Ganda ko, bakit ako kakabahan sa kaniya? Di ko na siya iiyakan 'no " pagsasalita ko sa harap ng salamin habang iniayos ang buhok ko at pinagmamasdan ang sarili ko..

Matapos kong mag ayos ay agad din naman akong lumabas at naglakad papunta sa bahay nila Arvy..

Sinabi kasi sa akin ni papa na kasalukuyan pa lang siyang nag aayos ng gamit..

"A-arvy?" Katok ko mula sa pinto hanggang sa umabot ang ilang sandali..

Bahagya akong nalungkot ng maalala ko ang pinto at bahay na'to

Sa tuwing bibisita ako noon..

Madalas ko siyang tinatawag na Vy, dahil mas gusto ko iyon ang tinatawag ko sa kaniya, sa tuwing nagfood trip kami dito kasama si tita Margie, sa tuwing bumibisita ako noon para gamutin siya sa pakikipag away niya..

"Hays! Ang dami ko palang mamimiss sa kaniya.." bulong ko sa sarili ko..

"Y-yrha? Bakit nandito ka?" Gulat na tanong niya pero napalunok ako ng malalim at pilit na magsalita ng diretso..

"Hindi mo manlang ba ako papasukin muna?" Tanong ko

"S-syempre naman..oh pasok ka" mas binuksan niya ang pinto at nagbigay daan para papasukin ako..

Kinakabahan ako at nanginginig din ang mga kamay ko..

Tama nga ba na pumunta ako dito? Ano nga ba uli ang sasabihin ko?

"Yrha, sorry h--" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya..

"Ako dapat ang magsorry Arvy, hindi dapat kita pinagsalitaan ng kung ano ano dahil alam kong dati mo na 'yan gusto" pinilit kong ngumiti upang maiwasan ang kabang nararamdaman ko..

"Naalala ko noon nung nagkwento ka sa'kin tungkol sa pamilya mo, sayo, at pangako mo sa tito mo.." parang unti unting gumagaral gal ang boses ko..

"Alam mo ba? Proud na proud ako sa'yo kase ngayon, alam kong matutupad mo na ang pangako mo sa tito mo noon" naiiyak ng sabi ko dahil hindi ko na napigilan..

"Arvy, huwag ka ng mag-alala" sa huling sandali napayakap ako sa kaniya ng hindi ko namamalayan..

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil alam kong ito na ang huli..

"Huwag ka ng mag-alala kase tanggap ko na at proud na proud ako sa'yo..mag iingat ka palagi ha, at sana..mahalin mo ang pagpapari gaya ng pagmamahal na ibinigay mo sa'kin..Arvy, mahal kita pero mas gusto kong makamit mo ang pangarap mo..gusto kong makamit ang pangako mo para sa tito mo.."

Ang bigat sa pakiramdam pero parang unti unti akong naging masaya..

Naimagine ko kung ano ang magiging estado niya sa paglipas ng panahon..

"Arvy, hiling ko lang na kasama pa'rin ako sa mga dasal mo..at sana, huwag na huwag mo akong kalilimutan.." hiling bago umalis sa pagkakayap niya at nakangiting pinagmasdan ang mukha niya..

"Paalam Arvy, sana sa pangalawang pagkakataon, matupad mo na ang mga pangako mo" ngiti bago naluluhang lumabas ng bahay nila..

Sabi nga nila, minsan sa pag-ibig kailangan mo lang palayain ang taong minahal mo ng sobra para maging malaya rin ang puso mo..

Siguro nga, tama lang na nangyari ang lahat ng 'to..

Kasi, kung pilit lang kaming lalaban sa mundo, pareho lang kaming masasaktan..

***

5 years later

"Doc, lapit na kasal na'tin"  dinig kong bulong niya kaya naman napangiti ako at napatingin sa salamin..

Kasalukuyan akong nagsusukat ngayon ng wedding gown para sa nalalapit kong kasal..

Kasal namin ni Kael..

We've been through a lot of things after a years, he's always been there when Arvy came out to my life..

Siguro hindi nga kami kasing casual katulad noong si Arvy pa ang kasama ko, pero i like about him is he was so understanding at isa pa sa pinaka gusto ko sa kaniya ay napaka sweet niyang tao..

Maybe our relationship wasn't casual before but, Kael caressed for me as her bestfriend..

This upcoming wedding is really unexpected..

Biglaang nalang siyang nagpropose then, wala na rin akong ibang nagawa kundi sagutin..

Pareho rin na pabor ang magulang namin dahil nga magkakakilala naman sila..

But i know, i wasn't ready yet..

Hindi ako ganoon kabilis magmove on tulad ng iba..

Alam kong masakit pa'rin sa'kin ang lahat sa mga nangyari noong nakaraan pero naisip ko rin na patanda na ako..

At tama lang na si Kael ang makasama ko sa pagtanda..

I know, Kael really love me..

Almost 2 years din siyang nanligaw noon sa'kin..

Gusto ko na nga lang na pasukuin siya noon dahil nawala na ako ng interes sa pag ibig..natakot muli akong magbigay ng tiwala..but then, he made realize that  i should trust on him, that he will trully love me until he's entire life..

"Parang lahat naman bagay sa'yo" pambobola naman ni Kael matapos namin bumili ng damit sa boutique..

"Ikaw talaga, lagi kang nambobola" hinawakan ko ang magkabilang pisngi kasabay non ay napangiti siya..

"Malapit ka ng maging si Mrs. Elyrha Verameda ko" nakangiti sabi niya kaya naman ngumiti din ako

"Tara, kain muna tayo bago pumasok sa ospital" aya niya bago hawakan ang kamay ko at inalalayan akong sumakay sa kotse..

"Takaw mo!" Pagsasalita niya habang pinipicturan ako habang kumakain

"Hays, Kael you must eat.." sita ko sa kaniya habang sinubuan siya ng Fries " tuloy tuloy na naman ang duty ko mamaya..baka hindi na ako makapag lunch break" pagsasalita ko kaya naman napatigil na siyang pagtripan ako at kumain..

"Just text me if you want food, o kung gusto mo tulungan kita sa mga patients? Wala akong gaanong duty ngayon dahil marami namang interns" alok niya pero napailing ako..

"Kael, its okay..magkaiba ang trabaho na'tin..pati its my job kaya ako rin ang tatrabaho" ngiti ko sa kaniya..

Parang lagi niya nalang gustong saluhin ang trabaho ko..

"Okay, just tell what you want.." ngiti niya din kaya naman napahawak ako sa kamay niya at bumulong

"We've been through a lot of things..thank you Kael, thank you for always making me smile"

"I love you, Doc Yrha" bulong niya din na bahagyang nagpakirot ng puso ko..

Biglang pumasok sa isipan ko kung paano sabihin ni Arvy ang mga salitang 'yan..

At imbis na si Kael ay si Arvy ang nakikita ko..

"Oh? Bakit ka umiiyak?" mabilis na kumuha ng tissue si Kael at agad na pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko..

"W-wala..t-tears of joy" pagdadahilan ko kaya naman agad siyang napangiti at kumain muli..

"Doc, Peñales nakaassign ka bukas sa medical mission.." pagsasalita ni Doc Kcurt habang tumitingin sa listahan

"At ikaw naman Doc Verameda, nakaassign ka sa blood letting bukas" ngiti ni Doc Kcurt bago umalis at sabihin sa iba ang schedule nila para bukas..

"Oh, take care Doc..puntahan nalang kita dito kapag tapos na ang duty ko" pag papaalam niya habang hinalikan pa ang noo ko..

"Hmm, ikaw din" simpleng sagot ko bago pumasok sa office at magpaalam sa kaniya..

"Oh, pagod na?" Tanong ni Kael matapos siyang magpunta sa ward kung saan ako naka assign..

"Okay lang, gutom lang" simpleng ngiti ko..

"Gusto mo bang kumain muna?" Tanong niya habang pinagbuksan ako ng kotse..

Sa totoo lang, matapos ang ilang taon nakabili na'rin ako ng kotse..pero dahil napakagentleman ng taong 'to, gusto niya daw na siyang ang magdadrive para sa'kin..

"Huwag na, sabay nalang tayong kumain pag-uwi ko sa bahay..panigurado nagluto na si mama" ngiti ko hanggang sa magsimula na siyang magmaneho..

"Tita sarap niyan ah!" Pambobola niya pa kay mama matapos ilapag ni mama ang niluto niyang adobo..

"Aba! Masarap talaga 'yan luto 'yan ng asawa ko" biro pa ni papa at sunod namang napabuwelta si kuya..

"Yan ang damoves pa" nakangising sabi niya pa habang tumataas taas ang kilay

Hanggang sa sunod namang napatawa ang asawa niyang Gilary..

may isang anak na sila ngayon pero mkhang magiging dalawa na dahil buntis ngayon si Gilary..

"Oh nga pala? Kailan kayo lilipat sa bahay na binili niyo?" Pag iiba ni papa ng usapan habang napatingin saming dalawa ni Kael..

"Ah tito, napag isipan ho namin na pagtapos nalang ng kasal para maiayos pa ni Yrha yung mga gamit niya" ngiti ni  Kael habang si papa naman ay napatango tango lang..

"Nako..hindi na ako makapaghintay..bukas magsusukat na kami ni mareng Rica ng damit na susuotin" parang tuwang tuwang sabi ni mama..

Hindi ko alam ang nararamdaman ko..

May pakiramdam akong masaya pero hindi ko masasabing lubos dahil hindi ito ang inaakala kong kasal..

Hindi si Kael ang inaakala kong makakasama ko sa paglalakad sa altar..

"Pst! Gising na..may medical mission pa tayong pupuntahan" pagsasalita ni Kael habang mukhang ginigising ako..

Papungay pungay pa ang mata kong napatingin sa kaniya..

"Ang aga mo talaga palagi" biro ko pa dalawa sa tuwing susunduin niya ako bahay ay napaka aga

"Ikaw nga maganda lagi naman antukin" biro niya din hanggang sa hindi ko maiwasang mapayakap sa kaniya..

Gusto kong ibigay ang buong pagmamahal ko gaya ng pagmamahal na ibinigay ko kay Arvy pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya..

Mahal ko naman siya pero, parang kulang pa'rin ang pagmamahal na 'yun..

" I love you, Michael John Verameda" bulong ko habang mahigpit na nakayakap sa kaniya..

Amoy na amoy ko din ang pabango niya mula sa suot niyang lab coat habang ako naman ay wala pang ligo..

"I love you too, Mrs. Verameda" ngiti niya matapos kong umalis sa pagkakayakap sa kaniya..

Sandali niya rin akong hinalikan at hinawakan ang magkabilang pisngi ko..

"Maligo kana..malalate tayo nito" kunwaring reklamo niya kaya naman tumayo na ako para mag bihis at maligo..

Siguro nga minsan, ang puso ay kayang kontrolin o turuan..

Kael takes a lot of time for me..

Hindi siya nagsayang ng oras para sukuan ako..

Kaya minsan, naiinis ako sa sarili ko..

Kulang na kulang ang pagmamahal na naibibigay ko sakanya..

"Take care, maghiwalay muna tayo" pabibiro niya ng makadating kami sa isang covered court kung saan ang medical mission..

Pagpunta palang namin, napakarami ng mga taong nakapila..

"Hmm, hiwalay muna tayo" biro ko din matapos kong mag paalam at umupo sa pwesto ko..

Hanggang sa ilang minuto lang ay nagsimula na din kami..

"

Doc Yrha!" Pagtawag sakin ng katabi kong si Doc Trish..

Sandali pa muna akong nag unat bago sumagot sa kaniya..

"Bakit Doc Trish may kailangan ka?" malumanay na tanong ko habang nagbibigay ng reseta sa bata

"Oh mommy, eto ho ang resesta..3 times a day yang syrup habang ito namang antibpitic is 1 times a day lang" pagpapaliwanag kong muli sa nanay ng batang chineck up ko..

"Salamat ho Doc" nakangiting sabi ng nanay kaya ngumiti ako pabalik at sumenyas para sa susunod na ichecheck up..

"Doc Yrha, nandyan yata ang ex mo ha..parang nakita ko kasi kanina..doon oh sa blood letting" pagkukwento ni Doc Trish ng matapos na din siya..

"Huh? Sinong ex?" Takang tanong ko

"Yung matangkad na payat" pagpapaliwanag niya pero napailing lang ako habang natatawa

Sa dinami dami ng ex kong payat na matangkad sino sa kanila doon?

"Hayaan mo na Doc, wala naman akong pakialam sa kaniya kung sino man siya..nandyan naman si Kael" sagot kasabay non ay kiniliti niya ang  tagiliran ko..

Ang kulit talaga nitong si Doc Trish hanggang dito lagi akong kinikiliti..

Pero, aminado ako..isa yon sa dahilan kung bakit ko siya naging kaybigan dahil bukod pagiging makulit ay napakadaldal din niya..

"Trishalyn ha! Tigilan mo 'ko.. back to work!" Kunwaring masungit na sabi ko pero napatawa lang siya at bumalik muli sa ginagawa..

Habang ako naman ay sandali napasulyap kung saan nakapwesto si Kael..

"A-arvy!?" Gulat na tanong ko sa sarili ko ng maaninag ko si Arvy mula sa malayo..

Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero agad napahawak sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kaba..

"Hoy! Ikaw din back to work! Pasulyap kapa kay Doc Kael work muna" sita ni Doc Trish mula sa tabi ko kaya pilit ko nalang na hindi pansinin ang nakita ko at bumalik sa ginagawa ko..

Hays, sana hindi siya 'yan..

Sana, hindi tama ang hinala kong babalik na naman siya dito..

"Doc, cut off na.. kain ka muna" alok sakin ni Doc Kcurt ng  food pack kaya naman tinggap ko iyon..

"Ah Doc, pakiabot nalang din pala nito kay Doc Verameda..panigurado sabay naman kayong kakain" biro pa ni Doc Kcurt kaya nama kinuha ko na'rin ang para kay Kael at nagpasalamat sa kaniya..

"Yrha, saan ka pupunta?" Tanong ni Doc Trish na kumakain na sa tabi ko..

"Pupuntahan ko si Kael..sabay kaming kakain" ngiti kasabay non ay kiniliti niya naman ang tagiliran ko ng dahil sa kilig

Si Doc Trish talaga.. akala mo palaging nanonood ng teleserye..palagi pa siyang mas kinikilig kaysa sa'kin..

"Nakakailan kana Trishalyn ha!" Pabirong reklamo habang siya naman ay natatawa lang..

Kaya naman nagsimula na akong maglakad papalapit sa pwesto nila Kael..

Pero ilang sandali lang, sa hindi inaasahan..

Gulat akong napahinto ng matapat ang tingin ko kay Arvy..

"Totoo nga, nandito nga siya" bulong ko pa sa sarili ko habang bahagyang nanginginig ang kamay..

Matapos ang limang taon, ngayon ko nalang siya muling nakita..

Maraming nagbago sa kaniya..tumaba siya kumpara noon na napakapayat lang..mas lalo rin siyang pumuti ang pag ngiti niya? Walang pinagbago..

Sa tuwing tititig ako sa mata niya ay may kaba akong nararamdaman..

Bakit ganito? Bakit ako kinakabahan ng ganito..

"Yrha??" Tanong niya habang mukhang papalapit sa'kin..

Nakasuot lang siya ng pantalon habang sa pang itaas naman ay blue na polo shirt..

"Kamusta?" Parang nahihiyang tanong niya habang ako naman ay nahihirapang magsalita ng dahil sa kaba..

"A-ah a-ayos lang.. ikaw kamusta ka?" Balik na tanong ko habang nauutal pa

"Gaya ng sinabi ko noon, eto sa wakas ganap na Pari na" nakangiting sabi niya pero pilit lang akong napangiti..

Natupad niya na ang pangarap niya..

Gusto ko sana siyang yakapin ngayon at sabihin sa kaniya na proud ako sa kaniya pero pinili ko nalang pigilin ang sarili ko dahil baka makita pa kami ni Kael..

"Bakit ka nga pala napunta dito? Pag iiba ko sa usapan..

Sandali ko pang sinulyapan si Kael sa malapit pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang busy pa siya..

"Ah, kakadating ko lang din ngayon dito, para bisitahin sana sina Father Valerio, at magbakasyon ng dalawang linggo, eh kaso nga lang..narinig ko na may kasama daw ang simbahan sa blood letting kaya nagdonate na din ako" pagpapaliwanag niya kaya pilit akong ngumiti..

Hindi ko na din alam ang isasagot o dapat ko pang itanong..

Sobrang awkward sa pakiramdam dahil parang hindi na ako sanay.

"A-arvy? Brad? Ikaw naba 'yan?" Dinig kong tanong ng boses ni Kael mula sa gilid ko

Gulat pa akong napasulyap sa kaniya dahil hindi inakalang nasa tabi ko na pala siya..

"Tapos kana?" Tanong ko dahil nahihiya akong napatingin sa kaniya..

"Hmm katatapos lang" kita ko ang pilit na ngiting sagot niya..

"Nga pala brad, balita ko Pari kana ah?" Interesadong tanong ni Kael ng muli niyang ibalik ang tingin kay Arvy..

"Oo, kagagraduate ko lang" simpleng sagot ni Arvy na mukhang kalmado lang habang ako naman ay kinakabahan..

Gusto ko ng umalis..

Gusto ko ng lumayo kami dito..dahil sa tuwing napapatitig ako sa mga mata niya, napapabalik ang isip ko  sa nakaraan..

"Ganon ba? Oh sakto pala..aalis kana ba? Pwede ba kitang makausap mamaya?" muling tanong niya "gusto sana kitang makausap"

"Oo naman..mukhang magtatagal pa din naman ako dito dahil nandyan pa ang ibang kasama ko" turo niya sa iba pang magpapablood letting na kasama niya..

"Yun oh, salamat brad..lunch break lang kami" ngiti ni Kael bago magpaalam at hawakan ang kamay ko..

"Gusto mo nito?" Tanong bago isubo sa kaniya ang pagkain ko kaya naman agad siyang napapanga ngunit hindi pa'rin siya nagsasalita..

"Kael, galit kaba? Yung kanina wala 'yun ha.. nakipag usap lang ako"

Bahagya ko pang niyakap ang braso niya..

"Yrha, sa'kin ka ikakasal kaya ano pang dapat kong aalalahanin? Hindi ko kailangan magselos kasi kaunting araw nalang sa'kin kana" bulong niya kaya naman agad akong napangiti at bumalik sa pagkain..

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga sinabi niya..

Para kasing mayroon sa pakiramdam ko na hindi ko tanggap..

Naiinis ako dahil parang bigla na namng gumulo ang utak ko ng muli kong makita si Arvy..

Matapos ang ilang taon, akala ko wala na..

Ang akala ko tanggap ko na, pero mukhang hindi..

Hindi ko siya kayang kalimutan..hindi siya kayang kalimutan ng puso ko..

"Anong napag usapan niyo?" Tanong ko kay Kael matapos niyang makipag usap kay Arvy..

Sandali muna akong inalalayan ni Kael habang papasok sa kotse bago nagsalita

"Hindi ba malapit na ang kasal na'tin? sinabu ko kay Arvy na bago siya umalis, imbitado siya sa kasal na'tin" pagsasalita niya ngunit nasa daan ang tingin " sakto nga at payag na payag siya..nagulat pa siya noong una, pero sinabi niya rin na kung gusto na'tin ay siya ang pa ang magkakasal sa'tin.." parang masayang sabi niya pero wala akong maisagot ni isa..

Pakiramdam ko, mas lalo kong hindi kakayanin kung siya mismo ang magkakasal samin..

Naiinis ako sa sarili ngayon dahil alam kong meron pa..

Alam kong may nararamdaman pa'rin ako para sa kaniya..

"A-ayaw mo ba? Kung hindi ka komportable sa kaniya ayos lang naman..pwede pa'rin namang ibang pari ang magkakasal sa'tin" dahan dahan hinawakan ni Kael ang kamay ko habang kabilang kamay ko..

"Wala naman sa'kin 'yon Kael.." pilit na ngiting sagot ko kasabay non ay napatango tango siya at matamis na napangiti

"Excited na'ko" pag amin niya pero wala akong maisagot

Kasi kung ako ang tatanungin ay hindi..

"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatulala sa kisame..

Alam kong mahal ko na din si Kael pero bakit may natitira pa'rin para kay Arvy?

Ayokong saktan si Kael sa kabila ng labis na pagmamahal na ibinibigay niya pero, sa tuwing napapatitig ako sa mga mata ni Arvy ay nagiging marupok ako..

Aminado ako, miss na miss ko na si Arvy..

Gusto ko siyang halikan, gusto ko siyang yakapin tulad ng dati..pero alam ko din na imposible na ang lahat..

Bakit ba hindi ko siya nalang palayain?

Bakit ba hindi nalang ako maging masaya para sakanya?

"Ang init mo!" Dinig ko ang boses lalaking nagsasalita bago ako magising..

Paniguradong Kael 'to, dahil nandito nandito na naman siya para sunduin ako..

Pero imbis na yayain akong magbihis  ay kumuha siya ng tubig na may bimpo at idinampi iyon sa noo ko.

Tama nga siya..napakabigat ng pakiramdam ko ngayon..

"Nilalagnat ka, magpahinga ka kaya muna" pagsasalita muli niya hanggang sa gulat akong napausog ng imulat ko ang mga mata ko..

"Arvy!?? A-anong ginagawa mo dito?" Gulat natanong ko habang si naman ay maaliwalas lang ang mukha..

Malayo ang distansya namin sa isat isa pero pakiramdam ko, napakalapit ko sa kaniya..

"Hindi ka pa'rin nagbabago, ang antukin mo pa'rin" biro niya pero hindi ko nakayang sabayan ang tawa niya dahil kinakabahan na naman ako..

Mabilis na pumipintig ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan..

"Arvy, kamusta? Nagising naba si Yrha?" Tanong ni papa matapos pumasok sa pinto..

"Yrha? Bakit may bimpo ka sa noo? Nilalagnat kaba?" Alalang alalang tanong naman ni Kael habang naglalakad papalapit sa'kin..

Buti nalang at malayo ang distansya namin ni Arvy..

Mukhang kadadating lang ni Kael at ayokong bigyan siya ng dahilan para magselos sa'min..

"Ang init mo nga!" Pagsasalita niya habang hinihipo ang noo ko..

"Ah, Arvy..ako nalang siguro ang bahala sa mga kailangan na papeles.." pagsasalita ni Kael mula sa gilid ko..

Malugod namang tumango si Arvy habang mabilis na tumayo at maaga din na nagpaalam kasama si papa..

"Yrha, humiga ka nalang uli..sa ngayon siguro, ikaw muna ang duty ko" nakangiting sabi niya na nagpangiti din sa'kin..

Sa tuwing nakikita ko si Arvy, gusto kong labagin ang lahat para sa pag-ibig para kay Arvy..

Pero sa tuwing nasa tabi ko si Kael, palagi akong nagiging masaya sa simpleng dahilan..

Maybe, i just need more time to move on..

I know, Arvy was still part of my life but, Kael?

Kael is my home..

Kael is the one who can trully love me until the end..

Siguro nga, dapat kong ituloy ang kasal kahit na alam kong labag sa loob ko..

Because, Kael..was my endgame.

***

"Nako ang ganda ganda mo nak! " tuwang tuwang sabi ni tita Rica habang si papa naman ang kasama ni Kael

"Thankyou tita.." simpleng sagot habang iniaayos niya ang gown na suot ko..

Usually, para sa lahat ng mga babaeng ikakasal, ito araw ang pinakaespesyal at pinakamasayang araw para sa kanila..

But for me, it feels nothing..

Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Kael pero hindi ko rin naman maipagkakailang higit pa'rin na mas mahal ko si Arvy..

At ang masakit pa, siya mismo ang magkakasal sa amin..

"Napakaganda mo nak, manang mana ka talaga sa'kin" pagsasalita ni mama habang ako naman ay nakatulala lang sa harap ng salamin..

"Ma, anong feeling mo nun noong kinasal kayo ni papa?" Nakatulalang tanong ko..

Kahit na ako ay nagulat din sa naitanong ko..

"Bakit mo naman naitanong 'yan? Syempre sobrang saya" parang kinikilig na sabi ni mama pero napatango lang ako..

Wala talaga akong maramdaman na espesyal sa araw na'to..

"Eh bakit ikaw? Panigurado napakasaya mo ngayon 'no?" Tanong ni mama pero hindi ko nagawang sumagot dahil kumatok ang event organizer

"Maam, ready napo ang simbahan..in 15 minutes kailangan na ho tayo doon" pagsasalita pa ni Christine kaya naman naglakad na ako papasakay sa kotse at napabuga ng hininga..

Sana, hindi masira ang kasal na'to

--

"There goes my heart beating 'Cause you are the reason I'm losing my sleep Please come back now.."

There goes my hands shaking And you are the reason My heart keeps bleeding I need you now And if I could turn back the clock I'd make sure the light defeated the dark I'd spend every hour, of every day Keeping you safe.."

the lyrics of the our wedding song reflect how i feel right now..

As soon as i entered the church, a lot of  tears fell from my eyes.

Hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro sa mga naiisip ko..

Hindi ko gustong sirain ang kasal at mas lalong ayokong saktan si Kael pero sa tuwing tumitingin ako sa altar at napapatingin kay Arvy, gusto kong hawakan ang kamay niya..

Gusto kong tumakbo kami papalayo habang kasama siya para gumawa ng sariling naming mundo..

I-i just want him until now, pero kung ipagpapatuloy ko itong naiisip ko. Papaano na si Kael? Ito nga ba ang dapat kong isukli sa pagmamahal at pag aalagang ibinibigay niya?

"Love her , how i loved my daughter" payo ni papa bago ako bitawan at iharap kay Kael

"Yes dad, surely yes" masayang sabi ni Kael bago humarap sa akin..

"Ikaw yata ang patay na patay sating dalawa..ikaw pa yung mas iyak ng iyak" pagbibiro ni Kael bago iabot ang kamay sa'kin..

" You are the most beautiful, Doc" malambing na bulong na niya pa pero hindi si Kael ang nakikita kundi si Arvy..

Hindi ito ang pinapangarap kong kasal at hindi rin siya ang pinapangarap kong taong nakakasama ko sa pagsumpa sa gitna ng altar..

Ang sakit..

Ang sakit lang isipin na kung sino pa ang taong gusto kong pakasalan ay siya pa ang ngayon ang mismong magkakasal sa'min..

" I Michael John Verameda, take you to be my wife. I promise to be true to you in good times, in sickness and in health. I will honor all the days of my life" pagsasalita ni Kael habang pareho naming hawak ang kamay ng isat-isa..

Ilang sandali lang nagtapat ang tingin namin ni Arvy bago siya magsalita..

"Do you take Michael John as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and  cherish until death do you part?" tanong niya pero hindi ko nagawang sumagot..

Nanginginig ang kamay ko..

Parang hindi ko kaya at gusto kong maiyak nalang..

Its Arvy until now and i can't accept the fact that i don't wanna lose him..

"I still love you, father" bulong ko sabay nito ay tumulo na ang kanina ko pang pinipigilang luha..

"I-i do, f-father" nauutal na sagot ko bago mapapikit para pigilin ang luha..

If i could turn back the clock, ill make sure that i can't lose my true love, my Arvy..

Maybe, we are not destined this time but, i promise..

I will make sure that i'll marry him in our nextlife..

The End :>