webnovel

1

"Elyrha! Bilisan mo naman at magsisimula na ang misa" katok ni mama ng malakas mula sa pinto ng kwarto ko..

"Oo ma, saglit nalang" sigaw ko habang dali-daling nagbibihis..

wala sana akong balak na magsimba ngayon araw dahil masama ang pakiramdam ko..ngunit dahil pastor ang tatay ko kung kaya't wala akong nagawa..

"Oh? Buti naman at tapos kana? ano ba naman kasing kolorete 'yang mga nilagay mo sa mukha mo eh simbahan lang naman ang punta mo" puna ni mama ng makalabas ako mula sa kwarto.

Ngunit binalewa ko na lamang ang sinabi niya at naglakad papalabas ng pinto..

Masyado na akong sanay sa pananalita sakin ni mama..

Hindi rin kami tulad ng iba na kasing close tulad ng ibang mag nanay..

Si mama masyado siyang istrikta pero pilit ko nalang siyang iniintindi dahil minsan, pinagtatanggol ako ni papa..

"Ang tagal naman..mukhang nadakdakan ka na naman ng malala ni mama ah!" Pang aasar ng kuya kong paboritong anak ni mama kaya naman mahina ko siyang hinampas bago sumakay sa kotse.

"Tara na at mahuhuli na tayo sa misa" utos ni mama kaya naman mabilis na nagmaneho si kuya papunta sa simbahan..

"Magandang umaga ho padre" bati ni mama ng makita ang padre mula sa harap ng pintuan ng simbahan..

Bahagyang ngumiti si padre at nagsalita

"Maganda umaga din sainyo..nawa'y pagpalain kayo ng panginoon" bati pabalik ng padre kaya naman pumasok na rin kami sa loob at napaupo..

Kalagitnaan ng homilya, gulat akong napatingin sa bag ko ng maramdaman kong tumunog ito..

"Bakit Shie? Nandito ako sa simbahan" mahinang tanong ko habang nasa kabilang tenga ko ang phone ko..

"Si Arvy.. duguan ang mukha!" Balita ni Shiera na kaybigan ko

"Ano!? T-teka bakit? Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong ng dahil sa pag-aalala

"hindi ko alam kung anong nangyari, pero nakita ko siya sa kabilang lote ngayon..tumatakbo habang may dugo sa mukha.. nakipagbasag ulo na naman siguro!" Dugtong niya pa dahilan para unti-unting lumakas ang boses ko

"Jusko!" Malalakas na sabi ko ng dahil sa pag-aalala..

Gusto ko siyang puntahan pero pano si mama..alam kong magagalit siya kung bigla bigla na lang akong aalis dito sa simbahan para kay Arvy..

"Ano ba? nasa kalagitnaan ng misa kung ano ano ang pinag-gagawa mong kadaldalan diyan! Umayos Elyrha ha!" Banta ni mama habang nanlilisik ang mata kaya naman itinuon ko ng muli ang atensyon ko sa altar..

Para akong bata kung pagaabihan niya..hindi ko naman sinasadya..masyado lang akong nag-aalala..

Alas-syete ng umaga ng matapos ang misa..

Balak ko na sanang lumabas ng simbahan para magpaalam sa kanila na aalis ako ngunit inunahan ako ni mama at pinakilala ako sa mga bagong kumare niya..

"Oh nga pala..mga anak ko..si Errol at si Elyrha, bunso ko" pagsasalita niya habang ipinakikilala niya kami..

Kaya naman simple akong ngumiti at tumingin sa kanila..

Ma? Pwede na ba akong umalis!

"Nako ang gaganda at ang guguwapo naman pala! Manang mana sa nanay" pagsasalita ng isang kumare ni mama

Hindi ko alam kung may katotohanan ba sa sinasabi niya..madalas kasi nilang sabihin na si papa ang kamukha ko at hindi si mama..

"Teka? Parang dati ko ng nakikita ang anak mo" turo sa akin ng isa niya pang kumare "hindi ba ikaw yung kasama palagi nung anak ni Margie?" Tanong niya sa akin ngunit hindi na ako nabigyan ng pagkakataon para makasagot dahil inunahan na ako ni mama

"Nako mare, baka may kamukha lang ang anak ko..lagi nga lang nasa bahay 'to..minsan nga ako pa ang naguudyok sa kaniya na lumabas labas para maarawan..nako hindi naman mga laboy ang anak ko" pagsisinungaling ni mama kaya naman bahagya akong nabuntong hininga

alam kong hindi niya tanggap si Arvy para sakin lalong lalo na ang pamilya ni Arvy pero para pagsinungalingan niya ang lahat.. nakakasakit sa damdamin..

"Ah, excuse me po..ma, pwede naba akong umalis" pagsabak ko habang naguusap sila..

Alam kong kabastusan ang nagawa ko pero, nasasaktan na ako sa tsismisan at mga kasinungaling na pinag uusapan ni tungkol sa pamilya nila Arvy..

Kilalang kilala ko siya pati na'rin ang nanay niya..

"Sige na umalis kana! Huwag ka ng uuwi sa bahay" Galit na galit na bulong ni mama pero dinedma ko nalang ang galit niya at naglakad papalabas ng simabahan

"Hoy! Bunso san ang punta mo" tanong ni kuya habang sinundan ako papalabas

"Kuya..ikaw na muna bahala kay mama pati kay papa wala ka naman sigurong trabaho ngayon, pupuntahan ko lang si Arvy" malumanay na sabi ko

"Oo naman, sorry ha, hindi ako bingi at narinig ko ang mga sinabi ni mama kanina..alam kong nasaktan ka.. pero siguro, intindihin mo nalang si mama..siguro masanay ka nalang na ganyan siya talaga.." pagpapaliwanag niya kaya naman bahagya akong napabuntong hininga at pilit na ngumiti sa kaniya..

"Ako paba kuya? Syempre sanay na sanay nako sa mga sermon niya 'no sa araw araw ko ba naman siyang kasama" pekeng tawa ko "pati hindi mo kailangan mag sorry 'no.. kahit ano man ang ikalat nila tsismis, ako at ako lang ang nakakaalam ng katotohanan" nakangiting dugtong ko..

Hindi maipagkakaila na paboritong anak si kuya..kahit na madalas ang sermon ni mama..madalas naman niya ako dinadamayan..

Naging mabait siya sa'kin kahit na alam kong hindi rin siya pabor noong una sa mga desisyon ko..

Samin ni Arvy..

"Oh sige na umalis kana..nako baka biglang magbago ang isip ni mama at hindi ka matuloy don..huwag kang mag alala akong ng bahala kay papa" nakangiting sabi niya kaya naman nabawasan ang kaninang galit na naramdaman ko

"Salamat kuya, dito na'ko" pagpapaalam ko at naglakad papaalis..

"Tao po!" Katok ko sa pinto habang pinakikinggan kung may ingay sa loob..

"Vy,!? Arvy!? Ako 'to si Yrha" sigaw ko habang kumakatok..

"Yrha..masama ang pakiramdam ko..umuwi ka nalang muna sainyo" dinig kong boses ni Arvy mula sa kabilang pinto..

"Arvy..alam ko ang nangyari, papasukin mo naman ako oh, please" pakikiusap ko

Dinig kong napabuntong hininga siya ng malakas bago binuksan ang pinto at napaiwas ng tingin sa'kin

"Vy, naman..anong ginawa mo? Bakit ang dami mong sugat?" Nag aalalang tanong ko habang siya naman ay todo iwas sa mata ko..

Oo dismayado ako sa lagi niyang pakikipag-away..pero anong magagawa ko? mas pinipili ko nalang na damayan siya dahil mahal ko..

Pinipilit ko ang relasyon naming dalawa sa pamilya ko kahit na alam kong hindi sila pabor para kay Arvy..

"Vy naman, kausapin mo naman ako..ipaintindi mo naman sa'kin kung bakit ka naman nakikipag away" malumanay na pakikiusap ko ng hindi ko na maiwasang mapayakap sa kaniya..

Nag-aalala ako.. at natatakot ako na masangkot na naman muli siya sa napakalaking gulo..

"Yrha sorry, h-hindi ko napigilan yung galit ko" tanging sagot niya habang umiiwas pa rin ng tingin..

"Ayoko ng binabastos ka ng iba! gusto ko silang saktan ng dahil sa ginawa nila sayo..Yrha, hindi ako basta uupo nalang at hahayaan yung mga gagong 'yun na nangbastos sayo..Yrha ayoko ng nababastos ka..ayoko ng napapahamak ka.." pagpapaliwanag niya habang napayakap..

Habang ako, nanginginig ang kamay kong sinuportahan ang yakap niya..

Hindi basta bastang nakikipag away si Arvy..

Alam kong may dahilan..at ginawa niya iyon para sa'kin..

*FLASHBACK

"Oh, shot! Shot! hahaha" sigawan ng mga dakilang manginginom dito sa lugar namin

Mukhang ang isat-isa sa kanina ay may tama na nga alak..puro sigawan at harutan..

"Hi miss! Sexy mo ah!" Pagsasalita ng isang lalaki ng mapadaan ako..

Mali yata na napadaan ako dito!

Agad na nagsitayuan ang balahibo ko at agad na tinawag si Papa ngunit hindi siya sumasagot..

"Miss, huwag ka munang umalis..samahan mo kami" alok pa ng lalaki na nagpakabog ng dibdib ko..

Hinigit niya ang kamay ko papalapit sa mesang iniiupuan nila habang ako naman ay nagpupumiglas sa kamay niya.

"Ano ba! Tigilan mo ko!" Reklamo ko habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak niya sa pulsuhan ko

"Miss naman, iinom lang naman tayo" malambing na tono ng lalaki habang hinaplos pababa ang balikat ko..

Naiiyak ako.. naiiyak ako sa nga nangyayari..

Sana pala si Arvy nalang ang tinawagan ko..

Ilang sandali pang mas humigpit na ang kapit niya kaya naman ng makarating na kami sa mesa ay umisip na ako ng paraan

"Miss? Bakit ka umiiyak!" Pang -aasar pa ng lalaki bago ko makuha ang bote ng beer at ipukpok iyon sa kaniya..

Papalapit na din sana ang isa ngunit naunahan ko na siyang basagin sa ulo niya ang bote at napabagsak sa kalsada..

Mabilis akong napatakbo habang umiiyak..tulo ng tulo ang luha ko mula sa screen ng phone ko dahil tinatawagan ko si Arvy..

Kailangan kong makaalis dito..ayoko dito! Ayoko ng maalala muli ang lahat..

"Yrha? B-bakit ka umiiyak ha!? Bakit parang hindi ka makahinga kakatakbo? Putangina sabihin mo" galit na tonong sagot niya

"Vy, n-nandito ako sa Teledono Street..puntahan mo 'ko p-please" humihikbing sabi ko habang tulo ng tulo ang luha ko pero wala akong nakuhang sagot at agad niyang pinatay ang linya..

"Bakit? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Arvy ng habang papalapit sa'kin pero wala na akong ibang nagawa kundi yakapin siya..

"bakit namumula yang pulsuhan mo? May nangharas ba sayo?" Tanong niya pero iyak lang ako ng iyak..

"Yrha sabihin mo naman sa'kin oh!" Nakikiusap na sabi niya kaya naman bahagya akong napabuntong hininga at nagsalita..

"Vy, niyaya nila akong uminom..ang higpit ng hawak ni ng isa sa kamay ko..vy, hinaharas nila ako..may masama silang gagawin sa'kin" pagsasalita ko habang mas napahigpit ang yakap sa kaniya..

"Putangina sino 'yun mga yon!" Napamura siya sa galit pero iyak pa'rin ako ng iyak..

"Pero vy, ayos na ako..a-ayoko nalang maalala ang lahat" pagdadahilan ko..

Walang saysay kung ipabaranggay ko sila dahil ayoko na sila makita muli..

Gusto kong kalimutan ang lahat na parang walang nangyari..

"Yrha hindi ka okay! Binastos ka nila at hindi hindi ka magiging okay!" Naiinis na sabi ni Arvy pero pilit ko siyang kinumbinsi..

"Arvy please, gusto ko nalang kalimutan ang lahat..pagod na ako..gusto ko ng umuwi, gusto ko ng magpahinga" pagdadahilan ko kasabay non ay mabigat siyang napabuntong hinga at inakbayan ako..

"Oh sige na, tara na iuuwi na kita sainyo" parang napilitang sabi niya kaya naman agad akong tumango at pinunasan ang mga luhang tumulo..

"Sa susunod, tawagan mo ako kapag wala kang kasama umuwi..Yrha, alam mo na ayaw kong napapahamak ka diba?" Pagsasalita niya habang hawak ang balikat ko..

Unti-unting nabawasan ang takot at pandidiring nararamdaman ko ng mayakap ko siya..

Pakiramdam ko, safe ako sa tabi niya

"Kumain kana?" Pambabasag niya sa katahimikan

"Hmm..masyado lang akong pagod ngayon..ang dami kasing pasyente" pagsasalita ko pinipindot pindot ang kamay niya..

"Kapag pagod na kasi, pwede naman magpahinga" sagot niya pero napangiti lang ako inihiga ang ulo ko sa balikat niya..

Mag-aalauna na ng umaga at ramdan ko na ang antok kaya naman bahagya akong pumikit..

"inaantok kana ba? tara, na ipapasan kita?" Alok niya pero tumaggi lang ako..

"Wag na, mas lalong hindi ako makakatulog kapag pinapasan mo 'ko, ang pangit mo kasi magpasan" biro ko kaya naman napatawa siya

"Ang reklamo mo naman! ang swerte mo nga dahil sa lahat ng babaeng nakasama ko ikaw lang ang napasan ko" buwelta niya kaya naman bahagya din akong napatawa..

"Aba dapat lang 'no?" Kunwaring mataray na sabi ko habang natatawa..

"Pangako, palagi kitang poprotektahan kahit sino pa 'yan..hindi ko hahayaang bastusin ka ng iba " seryosong sabi niya kaya naman agad akong napangiti at mas napahigpit ang kapit ko sa bewang niya..

"Oh, wag ng gumamit ng phone ha.. wag ka ng magpuyat at matulog kana.. baka mamaya may iba kang kausap maliban sa'kin" nag dadramang sabi ni Arvy habang nakanguso ng matapat na kami sa tapat ng bahay..

Parang tanga ampota

"Parang tanga, bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit? may iba pa bang Arvy sa mundo?" Nakangiting sagot ko habang hawak ang kamay niya

"Joke lang, alam ko naman na ako lang..sige na tulog kana.." malambing na sabi niya habang hinaplos ng dahan dahan ang mahaba kong buhok

"Hmm, goodnight vy.. salamat palagi" matamis na ngiting sagot ko..

"Anong goodnight goodnight? 'yun lang? wala manlang i love you muah muah" nakangusong sabi niya kaya naman napatawa ako at nagsalita.

Sandali ko siyang hinalikan at mas lalong napangiti.

"Bwisit ka talaga, sige na nga.. i love you Arvy" nakangiting sabi ko bago pumasok ng gate at magpaalam..

"Anong oras na ah? Napasobra ata ang landi at late ka nang nakauwi?" Mataray na tanong ni mama pero hindi ako sumagot..

Agad siyang lumabas sa gate at sunod na tinawag naman si Arvy..

" Hoy!" Tawag niya kay Arvy ngunit wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga..

Si mama talaga napakaeskandalosa

"Sana naman alam mong limitahan lahat ng galaw mo..masamang impluwensiya ka sa anak ko..at ayokong tumatapak ka sa tapat ng pamamahay ko" pagsasalita ni mama kaya naman nilakasan ko na ang loob ko para lumapit sa kaniya..

"Ma hinatid niya lang ako, tara na ma..pagod na 'ko" aya ko habang hatak ang pulsuhan niya pero agad niya iyong binawi at napairap kay Arvy

"Sa susunod, hindi hindi na kita papayagan dito" huling salita ni mama bago pumasok..

Habang ako, naawa akong napatingin kay Arvy..

Alam kong nasaktan siya sa mga salita ni mama..

"Okay lang 'di masakit" bulong niya habang nagthumbs up kaya naman pilit akong ngumiti at nagpaalam sa kaniya..

"Hays!" Buntong hininga ko bago pumasok sa loob at matulog..

End of flashback**

"Aray!" Sigaw ni Arvy habang nililinis ko ng alcohol ang mga sugat niya..

"Ikaw naman kasi..hindi mo naman kailangang gawin yun..ayos naman na ako at bahala na ang diyos na gumanti sa kanila..tignan mo, ikaw pa tuloy ang napahamak ngayon"pangangaral ko pero umiiwas lang siya ng tingin habang napapa-aray

"Huwag mo ng gagawin uli 'yun ha?" Malambing na sambit ko habang hinawakan ang pisngi niya..

Iniharap ko pa ang mukha niya sa akin dahilan para magkatitigan kaming dalawa..

Ampogi mo talaga..

Si Arvy ay half American bagay na mas lalong nagpapaguwapo sa kaniya...

Matangos ang ilong, maputi , mahaba ang pilik mata at mapungay ang mata..

"Ganda mo palagi" malambing na sabi niya habang nakangiti kaya naman agad akong napabitaw sa pisngi niya at kunwaring natatawa..

"Syempre naman ako pa?" Pagmamayabang ko..

Ilang sandali..gulat kaming napatingin ng may kumatok, kaya naman agad na tumayo si Arvy at binuksan..

"Oh nak? Nandito ka pala?" Parang gulat na tanong ni tita Margie nanay ni Arvy..

"Opo tita..pano kase, 'tong si vy, nakipag away na naman " sumbong ko kaya naman napatingin sa akin si Arvy at napatawa

"Ikaw tutuktukan talaga kita! kung ano ano 'yang mga away na naman ha!" pangaral ni tita Margie habang si Arvy naman ay biglang napayakap sa kaniya

"Maam hehe sorry 'di na talaga mauulit" paglalambing niya para mabawasan ang galit ni tita Margie kaya naman bahagya akong napangiti habang nakatingin sa kanila..

Isa 'yan sa mga bagay na nagustuhan ko sa kaniya..mahal na mahal niya ang nanay niya..

"Nako.. tigilan mo'ko ang gusto ko iwasan mo yang pakikipag away mo ng magkasundo tayo" pagsasalita muli ni tita Margie

"Oo naman boss, di na mauulit" parang batang sabi niya kaya naman napatawa si tita at tumabi sa'kin..

"Kamusta? Nalaman ko ang nangyari kahapon? Ayos ka lang ba? " mukhang nag aalalang tanong ni tita..

"Okay naman na po ako tita.. pati bukas po, magkasabay na kami ni kuya na uuwi dahil morning na po ang shift ko" nakangiting sabi ko sa kaniya..

Hindi alam ng lahat kung gaano kabait si tita..minsan, hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa kaniya at kay mama..

Minsan, hindi ko sila maiwasang maipagkumpara dahil higit na naging nanay ko pa si tita Margie kaysa sa tunay ko ina..

"Basta ha, huwag na huwag uling uuwi na mag-isa..alam mo naman na maraming mokong sa lugar natin jusko..hindi ko alam ang magagawa ko kapag may nangyaring masama sayo" nag-aalalang sabi niya kaya naman maluwag na ngiti ang isinukli ko sa kaniya..

"Opo salamat po sa concern tita..mag iingat na po ako" nakangiting sabi ko

"Eto si mama, kapag kay Yrha mabait..sino ba talaga ang anak mo sa'min?" Pagbibiro ni Arvy kaya naman napatawa ako pati na'rin si tita

"Kung gusto mo, palit tayo ng nanay..nanay ko si tita Margie sayo na nanay ko" biro ko din kaya naman napatawa din si Arvy at sumagot

"Kahit naman makipagpalit ka magiging nanay ko pa din yon, diba ma?" Tanong niya kay tita Margie habang tumataas ang kilay..

"Oo naman nak, oh Yrha kailan ba pwedeng mamanhikan?" Biro ni tita kaya naman napatawa ako habang nakatingin sa kanila..

Sana ganiyan din kami ni mama..

Hindi ko man nakukuha sa pamilya ko ang ganitong kasiyahan, pero masuwerte ako dahil nakukuha ko ito mula sa iba..

Para sa'akin, sila ang tunay kong pamilya..

"Tita? sasama ka? Magfoodtrip kami ni Arvy?" Tanong ko pero napailing lang si tita..

"May raket ako mamaya nak, enjoy muna kayo.." sagot ni tita kaya naman tumango tango ako bago kami lumabas ng pinto ni Arvy..

Papadalhan ko nalang siguro siya ng pasalubong..

minsan kasi, sanay akong kasama namin si tita dahil madalas tuwing lakad namin ay kasama namin siya..

Parang kaming tropa tropa lang na nageenjoy tuwing magkakasama bagay na nagpapangiti lagi sa akin..

"San ang punta na'tin?" Tanong ko pero nakangiti lang si Arvy habang hawak hawak niya ang kamay ko..

"Basta..sigurado ko matutuwa ka" maikling sagot niya kaya naman napatango tango ako sumunod nalang sa kaniya..

Matapos ang ilang minutong biyahe..

Masaya akong napangiti ng mapunta kami sa malawak na parke na kung saan kami unang nagkita..

Lumubog na'rin ang araw kung kaya't napakaganda ng mga ilaw na nakasabit sa parke

"Alam kong gusto mo yung mga ganitong lugar" nakangiting sabi habang mas lalong hinihigpitan ang kapit sa kamay ko..

Kaya naman dahan dahan kong binitawan ito at mahigpit na napayakap sa kaniya..

"You are my everything Arvy.. ipaglalaban kita kahit alam kong hindi pabor sa atin ang pamilya ko" bulong ng hindi maiwasang mapaiyak..

Mula ng magkakilala kami..

Nararamdaman kong laging akong may kakampi..

Lagi akong ligtas at lagi akong napapangiti..

"You made me fall'in inlove, deeper.." bulong ko ng dahil sa saya..

--

"Oh? Anong kaharutan na naman ang ginawa mo at inabot ka ng gabi?" Tanong ni mama habang ako naman ay nananahimik lang sa sofa..

"Ganyan ka eh! Gagawa ka ng kaharutan tapos kapag nagagalit ako nananahimik ka!" Galit na sabi niya..

Aba, alangan namang sumagot ako? Tapos kapag sumagot ako sasabihin niya na huwag huwag ko siyang sinasagot..

Grabe talaga mga matatanda, ang hirap espelengin.

"Ma, wala naman akong ginawa masama..pati day off ko naman sa work ngayon ma.." hindi ko napigilang sumagot

"Day off mo nga sa trabaho, pero sana 'yang kaharutan na ginagawa mo inilalaan mo sa diyos" inis na sabi niya..

"Ma, ibang buhay ang gusto ko..pasensya na kung hindi ako katulad mo na kayang ilaan ang lahat ng oras sa diyos..ma, naglalaan din naman ako ng oras para sa diyos.." pagtatanggol ko sa sarili ko..

"Oh? Ano na namang ingay 'to? Lara tama na hayaan mo nang ang anak mo ang mag desisyon sa buhay niya..naging magulang tayo para gabayan sila..dahil sila at sila pa'rin ang magpapatuloy ng buhay nila" pagpapaluwanag ni papa pag pasok ng pinto kaya naman nakahinga ko ng maluwag..

"Sige na Yrha, doon kana sa kuwarto at magpahinga" seryosong sabi ni papa kaya naman tumango ako at nagmamadaling pumasok..

Pagpasok ko sa loob..

Pabagsak akong napahiga sa kama at napahilot sa sintido..

"Hays, kailan nga ba mananahimik ang bunganga ni mama?" Huling sabi ko bago pumukit at matulog..

"Goodmorning ganda!" Bati ni Kael na highschool bestfriend ko kaya naman natatawa akong napangiti at binati siya pabalik

"Talaga, ganda 'ko no?" Pagmamayabang ko pa

"Hmm..'yang ganyang mukha sa'kin bagay yan" pagbibiro niya kaya naman napairap ako at nagsalita

"Ulol! Sa dami mong babae..idadamay mo pa 'ko.. taken na to 'no" natatawang sabi ko habang ibinalik muli ang tuon sa pagsusulat ng pangalan ng mga bagong pasyente..

Halos 3 months na'rin ng magsimula akong mag intern dito pero dahil mababa pa ang posisyon hanggang dito nalang muna..

Balak ko kasi sanang maging isang pediatrician balang araw kung kaya't pinagpupursigihan ko talaga ang pagtatrabaho ko

"Oh, Ms. Peñales pakidala 'tong mga form kay Doc. Dave" utos ng isang doktor sa akin kaya naman agad akong tumango at binuhat ang mga mabibigat na papel..

Buong araw, lumipas ang nalang ang araw ko kakadala ng mga papel at kakalilista ng pangalan ng mga pasyente..

Pero anong magagawa ko? Hindi dapat ako mapagod dahil may pangarap ako..

"Kumain kaba? Bakit parang namumutla ka?" Mukhang nag-aalalang tanong ni Arvy pero napailing lang ako at sinabi ang totoo sa kaniya..

7:00 pm ng matapos ang shift ko at nagulat ako ng biglaang kong makita si Arvy sa labas ng ospital..

"Nakalimutan kong kumain ng lunch, ang dami kasing utos ni Doc. Belle" pag amin ko at kita ko ang pagkadismaya niya

"Nako naman, pano kung mag ka ulcer kapa niyan? Tara! wag muna tayong umuwi..libre ko kahit anong gusto mo" aya niya na nagpangiti sa labi ko..

Parang biglang nawala ang pagod ko ng dahil sa salitang "libre"

"Talaga kahit ano ha? Kahit na mamahaling pagkain yung mga iorder ko?" Tanong ko pero bahagya siyang napapailing habang natatawa

"H-ha? A-ano eh.. dalawang daan lang ang pera ko" nahihiyang sabi niya habang natatawa kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti

"Tara na nga! kain nalang tayo dun" turo ko sa mamihan malapit sa ospital..

"Ganda mo kahit mukhang pagod" nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan ako

"Ikaw din, pogi mo kahit dugyot ka" buwelta ko na nagpaaimangot sa kaniya..

"Ang sakit mo naman magsalita" kunwaring nagtatampong sabi niya..

"Joke lang Vy, dahil nilibre mo ako ikaw ang pinakapogi sa buong mundo" pang uuto ko kasabay non ay bahagya siyang napangiti at habang napapailing

"Bwisit, ang lakas talaga ng tama ko sayo" bulong niya pero sapat lang para marinig ko..

Ikaw bwisit ka, ang lakas din ng tama ko sayo..

"Ingat.. goodnight.. i love you, muah muah" nakangiting pagpapaalam ko sa kaniya bago maglakad papauwi..

"Balang araw, tatangapin ka din ng pamilya ko" bulong ko sa isip ko habang nakangiting naglalakad..

Makalipas ang dalawang taon..

"Yrha! Yrha! nasaan ka? Si Arvy mukhang nakipag away na naman" sumbong ni Ikay na isa ko pang kaybigan kaya naman bahagya akong napabuntong hininga at napatingin sa bintana..

Unti unti ng tumaas ang posisyon ko..

Nakamit ko na ang pangarap kong maging isang pediatrician at hindi ko alam kung may oras paba ako para puntahan siya..

"Ikay, hindi ko alam kung mapupuntahan ko siya agad..maraming mga pasyente ngayon at hindi na pupwedeng iwan ko sila" problemadong sabi ko..

Makalipas ang ilang taon..hindi ko alam kung bakit parang napapadalas na naman ang pakikipag away niya..

Bihira na'rin kami kung magkita dahil mas tagal na ang oras ko sa pag tatrabaho

"Nako naman kase, ang dami mo na ngang problema sa ospital, pati ang pakikipag away niya pinoproblema mo padin" parang naiinis na sabi niya pero nabuntong hininga lang ako at sumagot

"Ako ng bahala ikay, basta sa ngayon hindi ko pa alam kung makakapunta kaagad ako." Sagot ko "oh siya sige na, tapos na break ko eh..paalam " pagdadahilan ko bago patayin ang tawag sa kabilang linya..

"Oh, Doc.. favorite mo" abot ni Kael ng brown paper na may laman na yogurt, bottled water at lunch meal.

Tamang tama at hindi pa ako kumakain..

"Hindi manlang kita nakitang dumaan sa canteen kanina..ayaw mo na naman sigurong kumain 'no? Ikaw talaga tsk! Tsk!" Kunwaring galit na sabi niya kaya naman binuksan ko ang dala niya at tinikman lahat iyon..

Ang galing niya ha, alam na alam niya talaga yung mga cravings ko..

"Thankyou Doc, sa palibreng lunch.." nakangiting sabi ko habang kumakain sa harap niya..

Tulad ko, isa naman siya psychiathrist dito rin sa ospital sa na pinagtatrabahuhan ko..siya din ang madalas kong kasama dito sa ospital dahil siyang lang ang pinakaclose friend ko..

"Anong libre? wala ng libre sa panahon ngayon 'no?" Buwelta naman ni Kael kaya hindi ko maiwasang mapahampas sa balikat niya

"Aray!

"Oo na, treat kita next time" nakangiting sabi ko habang ineenjoy ang bigay niya..

"Oh, Doc.. San ang punta? May date? Bakit madaling madali ka yata?" Takang tanong ng nurse na si Priscilla

"Wala kong date 'no, may kailangan lang puntahan" sagot ko habang inaayos ang gamit ko..

"Doc, hindi sa pagiging judgemental ha, pero tingin ko,mukhang stress na stress ka..napapabayaan mo na ata ang beauty eh.." pagsasalita niya kaya naman pilit akong napangiti..

Makalipas kasi ang dalawang taon, naging madalas ang oras ko sa pagtatrabaho..

Lalo na sa mga batang pasyente na dapat kong alagaan..

Alam ko sa sarili ko na nawawalan na ako ng oras di lang para sa'kin, pati na rin kay Arvy..

"Sa bagay hindi naman kita masisisi Doc, ang titigas kaya nung ulo ng mga batang inaalagaan mo" dugtong niya peeo napangiti lang ako..

"natural naman sa mga bata 'yon.." nakangiting sabi ko bago lumabas at magpaalam..

"Vy!! nasaan ka? Arvy!" Tanong habang papasok sa bahay nila Arvy..

Bukas ang pintuan nila pero wala manlang tao sa sala..

"Arvy!" Tawag ko kasabay non ay narinig akong ingay mula sa kwarto..

"Arvy!? Anong nangyari sayo?" Tanong ko ng makitang dumugo ang ilong niya

"Ano naman bang nangyari? Pati bakit amoy alak ka?" Tanong ko pero umiiwas lang siya at hindi sumasagot..

Alalang alala ako sa mukha niya habang siya naman ay parang wala lang..

Kaya naman agad akong naghanap ng panyo sa bag ko at dahan dahan na pinunasan ang ilong niya..

"Arvy naman, anong nangyayari sayo? Pagod na nga ko sa trabaho tapos kailangan pa kitang puntahan dito ng dahil sa pakikipag away mo" malumanay na sabi ko habang nakatingin sa kaniya ngunit nananatili lang siya sa ganoong posisyon..

"Arvy, hindi naman pwedeng ganito lang tayo..napapagod din ako Arvy" pagsasalita ko habang hindi maiwasang maiyak..

Nakakapagod na sa totoo lang..

Ang akala ko dati kahit na gaano katagal pa..

Magiging masaya kami tulad ng dati, na madaling kalimutan ang mga problema pero mukhang mali ako..

Maari palang may magbago saming dalawa..

"Bakit? Nagsasawa kana ba sa'kin? Nagsasawa kana ba kasi ganito lang ako? Tambay, basagulero, adik pa..'yan na naman na talaga yung totoo diba? Nagsasawa kana kasi nakahanap kana ng isang doktor na mas bagay sayo kumpara sakin.." bintang niya kaya naman hindi mo maiwasang mapamura sa galit

"Tangina naman Arvy, bakit parang sa'kin pa napunta ang sisi? Pinipilit kong laging intindihin ka pero, nakakapagod na..at yang ibibintang mong doktor na laging kasama ko? Walang meron sa'min..hindi kita ipinagpapalit sa kaniya at mali 'yang iniisip mo!" Sigaw ko pero napapailing lang siya

"kung ganyan ang pagiisip mo at talagang pinag iiisapan mo ako ng masama, kung hindi mo babaguhin yang mga kalokohan mo, siguro nga tama si mama.."napatigil at napabuga ng hinga

Naiiyak ako..

Ang sakit..

Hindi ko gustong sabihin sa kaniya ang lahat ng 'to pero walang mangyayari sa'min kung hindi ko gagawin 'to

"Siguro nga tama si mama..dapat pala hindi na kita pilit na ipinaglaban sa kanila kase alam kong hindi mo kayang magbago para sa'kin" huling sambit ko bago tumakbo papalayo sa kaniya..

Pakiramdam ko, nasayang ang ilang taong pakikipaglaban namin sa pamilya ko..

"Oh umiiyak ka dahil sa lalaking 'yun ano? Ang tigas tigas kasi ng ulo mo..pinagpipilitan mo yung sarili mo sa tambay na yon.." inis na sabi ni mama habang pinupunasan ko ang luha kong kanina pang tumutulo..

"Kulang kasi sa papanalig sa diyos, kaya yang mga ganyang katulad mo minamalas sa pag-ibig" pagsasalita pa ni mama nanatili akong tahimik..

Walang saysay kung makikipagtalo ako sa mga sinasabi niya.. baka mas lalo lang akong magkaroon ng dahilan para umiyak..

"Ano kaba naman Lara, matanda na ang anak natin at hayaang mong siya ang magkontrol ng buhay niya..hindi ba't ang sabi sa isang homilya, naging magulang tayo upang gabayan sila at hindi para kontrolin ang buhay nila..sila at sila ang gagawa ng buhay nila nandito lang tayo para gumabay sa kanila" pagpapaliwanag ni papa pero napairap lang si mama at umalis..

"Nako, kaya ganiyan ang mga anak mo, masyado mong kinukunsinti" inis na sabi ni mama bago isara ang pinto..

"Pa, s-salamat" pilit na ngiting sabi ko

Bigla nalang siyang tumabi sa pwesto ko at umupo..

"mahal mo ba talaga?" Tanong ni papa na nagbigay gulat sa'kin..

Higit na mabait si papa sa'kin..palagi niya rin akong ipinagtatanggol kapa alam niyang sobra na si mama..

Pero ngayon ko lang siyang nakausap ng ganito..

Ngayon lang kami nagkausap ng ganito kaseryoso..

"Oo pa, kaso hindi ko alam kung dapat ko pa bang siyang ipaglaban..pa, nakakasawa din pala kapag ganito nalang kami.." hindi ko gustong sabihin ang lahat ng 'to pero anong magagawa ko? Ito ang nararamdaman ko..

I really love Arvy, he is really important to me..

but, i dont see him as my future

"Kung mahal mo pa, mahihirap kang kalimutan siya..nak, nalulungkot ako na nakikita kitang ganyan..alam kong mahal mo pa siya pero wag na huwag mong isipin na kailangan mo siyang sukuan..alam mo ganiyan din ako noon sa mama mo, nagdalawang isip din ako noon dahil nga napakataray ng mama mo..minsan ngang sinabi ko pa sa sarili ko noon, "dapat ko ba talagang pakasalan ang babaeng 'to eh ang sungit sungit baka ako pa ang bugbugin pag dating ng araw.."..pero noong sumunod ang mga araw.. napagtanto ko na ibat iba ang mga tao..may mga bagay man na hindi tayo pabor sa paguugali nila, mas marami namang bagay ang kamahal mahal sa kanila..gaya ng nanay niyo, kahit na napakataray at bungangera pero maalaga at hindi kayo nagawang pabayaan.." pakukwento ni papa kaya naman bagya akong napatango tango..

Tama si papa..

Kahit na ganito ang ugali ni mama, hindi niya kami nagawang pabayaan..

"Nak, gusto kong makausap si Arvy, at kung talagang mahal mo siya.. tutulungan kitang ayusin ang nasira sa pagitan niyo.." ngiti ni papa kaya naman hindi ko maiwasang mapayakap sa kaniya..

"Salamat pa, ang swerte ko sayo" bulong ko habang tinatapik tapik ang likod ko..

"Sige na matulog kana at bukas ay napakarami mo na namang pasyente" utos niya sabay non tumango at nagpaalam..

"Doc. Ganda! E-este Doc. Peñales Goodmorning" bati ni Kael pagpasok ng pinto..pero napangiti lang ako ng bahagya at patuloy pa rin ako sa pagsusulat ng mga bilang ng pasyente..

"Teka? Bakit parang namamaga 'yang mata mo? Umiyak kaba?" Tanong niya habang hiwakan pa ang magkabilang pisngi ko..

Wala nga sana akong balak na pumasok ngayon ng dahil sa mukha kong mala chinese na ngayon ang itsura..pero anong magagawa ko? walang mangyayari sa buhay ko kung buong araw lang akong paikot ikot sa bahay..

"Hindi, okay lang ako" simpleng sagot ko habang tinanggal ang dalawang kamay niya sa pisngi ko..

Habang siya naman ay napailing at napabuntong hininga..

"Yan na nga bang sinasabi ko eh..baka mamaya sinasaktan ka pa niyang boyfriend mong tambay?" Parang inis na sabi niya pero napaiwas lang ako ng tingin at pinilit na ibahin ang usapan...

"A-Ahh Kael, sige na..8 : 30 na oh, marami na sigurong pasyente" pagpapalusot ko kaya wala siyang nagawa kundi mapatango at magpaalam..

"Mommy ipacheck up ho lagi si baby ha, baka kasi lalong lumala ang asthma niya..pero, pwede pa naman hong madala sa gamot..tamang pag-aalaga lang ho ang kailangan" ngiti ko sa nanay ng pasyente..

Agad naman tumango ang nanay para magpasalamat at mag paalam..

12:45 na ng tanghali at katatapos lang cut off..

Napakaraming pasyente ngayon at hindi ko na alam kung paano ko hahatiin ang oras ko sa kanila..

"Hays.." inihiga ko ang ulo ko sa upuan at napapikit..

Nakakapagod..

"Doc?" Katok ng pamilyar na boses kaya napabuntong hininga ako at binuksan ang pinto..

"Oh, Doc Trish? Do you need anything?" gulat na tanong ko dahil bihira siya kung pumunta  dito..

"may naghahanap sayo sa labas, nako! kanina pa ngang umaga 'yon naghihintay sa labas..ang sabi ko pumasok siya at ituturo ko naman ang daan, kaso ang sabi niya huwag na daw at baka busy ka" pagkukwento niya kaya napaisip ako

At sino naman 'yun?

"Ah, ganon ba? Sige salamat..puntahan ko nalang siya" simple sagot ko

"Nandoon siya sa may garden, mukhang may importanteng sasabihin" dugtong pa ni Doc Trish

"Hmm, sige Doc Trish puntahan ko nalang" ngiti ko kasabay non ay nagpaalam na siya at umalis..

"Y-yrha! Nandyan kana pala" nakangiting sabi ni Arvy kaya gulat akong napatingin sa kaniya..

"Sorry.. sorry sa mga nasabi ko" dismayadong sabi niya habang niyakap akong mahigpit..

Namiss ko yung ganito..

Yung pareho kaming nagkakasundo..

"Sorry din kung nagalit ako" bulong ko habang hindi naiwasang mapayakap sa kaniya..

Buti nalang at cut off na ngayon at lunch break naman ng mga doktor kung  kaya't walang gaanong taong nakatingin sa amin..

"Kumain kana? Mukhang stress na stress ka.. gusto mo ng masahe?" Sunod sunod na tanong niya matapos kong bumitaw sa pagkakayakap niya

"Nagugutom na nga ako, ano ba yang dala mo?" Tanong sa hawak niyang paper bag..

"Ah eto?" Tanong niya habang napatingin din sa dala niya " kare-kare" simpleng sagot niya pero nagtataka akong napatingin sa kaniya

"Nakauwi naba si tita Margie? Siya ang nagluto?" Tanong ko

Ilang buwan narin ang lumipas mula ng hindi umuuwi si Tita Margie dahil isa na siyang Factory worker ngayon sa malaking kompanya at nadistino din siya sa cebu kung kayat gulat akong napatanong..

"Ah hindi, december pa ang uwi ni mama..etong kare-kare a-ako ang nagluto.." parang nahihiya sabi niya kaya bahagya akong napatawa

Teka? Hindi naman siya marunong magluto ha?

"Wag mo nga akong niloloko, taga kain ka lang 'no! Hindi ka naman marunong magluto" biro ko

"Hindi ako talaga nagluto niyan..alam mo bang tinawagan ko pa si mama para maluto lang 'yan..bakit ayaw mo ba ng luto ko?" Nakangusong tanong niya pero napatawa lang ako..

Napakaarte talaga nito, buti nalang mahal ko..

"Syempre naman gusto..gutom na gutom na nga ako eh..tara na" aya ko habang hawak hawak ko ang kamay niya..

"O-oh? K-kael nandito ka pala?" gulat na tanong ko ng makita ko si Kael sa kwarto kung saan ako nakapwesto..

"A-ah may kasabay ka pala, sorry" parang gulat din na sabi niya habang nakatingin kay Arvy..

"Sige, take your time..sasabay nalang muna ako kila Doc Mia" akmang aalis na sana siya pero bigla siyang napatigil ng magsalita si Arvy

"N-nako hindi na, dito ka nalang sumabay samin..madami dami naman tong dala ko" nakangiting sabi ni Arvy kaya naman wala ng nagawa si Kael at napatango

"Ang dami naman, hindi ko kayang ubusin 'yan" reklamo ko sa dami ng kanin na nilagay ni Arvy sa plato..

Hindi mapawi ang ngiti ko dahil mukhang bumabawi talaga siya pero medyo awkward dahil nandito si Kael..

"Brad, ulam?" Alok niya.. napatango naman si Kael at nagpasalamat

Siya ba talaga 'to? Parang kahapon lang pinagseselosan niya tong si Kael

"Oh bakit ganiyan ang mukha mo?" Tanong ko ng bahagyang mapangiwi si Kael ng tikman ang Kare Kare na dala ni  Arvy

"Maalat kasi.. saan niyo ba nabili to?" tanong niya habang si Arvy naman ay bahgyang napalunok

"Maalat ba? S-sorry ako ang nagluto eh" nahihiyang sabi kaya gulat na palingon muli sa kaniya si Kael " first time ko kasing magluto kasi alam kong favorite yan ni Yrha..eh kaso maasasabi ko nga na hindi ako marunong magluto..tama nga siguro si Yrha taga kain lang talaga ako"

"Gagi brad sorry.. unang luto mo palang najudge na kita.. masarap naman sana kaso nga lang medyo maalat" parang nahihiyang sabi Kael pero napangiti lang ako sa kanilang dalawa..

Ayos lang kahit maalat, ang mahal nagkakasundo na kayong dalawa..

"Brad salamat sa pagkain ha, kahit maalat nabusog ako" pagpapaalam ni Kael kaya naman ngumiti si Arvy at tumango.

"Oo brad, sa susunod babawasan ko na ang paglalagay ng asin" tawa ni Arvy habang papalabas..

"Oo nga pala, anong oras off mo? Sundin ulit kita ha?" Tanong niya..

"Pagod ka na eh, pahinga ka nalang muna..safe naman ako pag uwi" ngiti ko

"Kapag ikaw ang susunduin okay lang kahit pagod na pagod pa ko" malambing na sabi niya kaya hindi ko maiwasang ngumiti..

Bolero.

"Hmm sige na nga.. 8:00 ang off ko"

"Noted boss, " mabilis na sabi niya pero ngiti lang ang isinukli ko..

I have nothing to say..

Sobrang saya ko ngayon..

Siguro nga, panahon na siguro para kausapin siya ni papa..

"Yrha, dito na 'ko ha.. labyu muah muah" tawa niya pa kaya naman napatawa din ako..

Para tuloy kaming baliw dito..

"Ingat Vy, i love you" kaway ko bago umalis at maglakad papasok muli sa ospital..

Omg nakalimutan kong kasama nga pala namin si Kael..

"Ang sweet niyo 'no?" Parang inggit na sabi niya habang naglalakad kami..

"Ganon naman talaga 'yon si Arvy, malambing lalong lalo na kay tita" ngiti ko ngunit sa ibang direksyon ako nakatingin

"Tsk! Talo na nga siguro ako" bulong niya pero sapat lang ang tunog non para marinig ko

"Ha?" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang punto niya..

"T-teka? Wala kabang duty ngayon?" Parang kabado ng tanong ko matapos naming pumasok sa kwarto kung saan ako nakapwesto..

Gulat akong napatingin ng ilock niya ang pinto at diretsong napatingin sa'kin..

"Yrha, siya naba talaga? Pano na ako?" Malambing na sabi niya kaya naman agad akong napalayo ngunit sadya siyang malakas kung kayat nahatak niya agad ang kamay ko..

"A-ano bang sinasabi mo Kael? A-ano ba tong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa'rin nararamdaman yung pagmamahal ko? o gusto mong ngayon ko na iparamdam lahat sayo?" Malambing tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko at marahan itong hinalikan

Agad ko iyong tinabig at inis na tumingin sa kaniya..

"Kael? Ano ba tong ginagawa mo? Alam mo naman yung samin ni Arvy diba? Bakit mo ginagawa 'to? Akala ko kaybigan kita?" Sunod sunod na tanong ko ng dahil sa galit..

"Hanggang ngayon ba manhid kapa din?  Tangina naman Yrha, napakatagal ko ng pinaparamdam na gustong gusto kita pero lagi mong pinipili yung walang kwentang tambay na 'yon" inis din na sabi niya pero ng dahil sa galit ko agad ko siyang nasampal

"Wala kang karapatan para sabihan siya ng walang kwenta! Alam parang wala kang pinag iba sa nanay ko eh..parehas kayong mapanghusga..hinuhusgahan niyo agad ang tao ng hindi niyo manlang kinikilala" inis na sabi ko..

"Pinagkakatiwalaan kita bilang kaybigan at aaminin kong naging masaya ako tuwing kasama kita.. pero ngayon? mas lalo mo akong binigyan ng dahilan para hindi kita gustuhin.." galit na sabi ko hanggang sa wala na siyang nagawa ng bigla kong buksan ang pinto at lumabas..

Mula highschool dati na kaming magkakilala..pero hindi dumating sa punto na nagkagusto ako sa kaniya..

Hindi dumating sa punto na nasabing kong gusto ko siya..

Passed years ago..

I didnt admit i have a lot of exes.

But when Arvy came, i feel contented..

Noon hindi ako seryoso, pero ng dumating si Arvy doon ko narealize na you don't really have to be serious..

I enjoyed a casual relationship with him..

We're casual like friends but we both love each other..

Bagay na nagustuhan ko sa kaniya, na hindi ko nahanap sa iba..

"Doc Yrha ko? Mukhang stress na stress kana naman? Parang kunsumidong tanong niya pero pilit na ngiti lang ang naisagot ko..

Hanggang ngayon kasi naiinis ako pa'rin ako sa nagawa ni Kael..

Pero mas pinili ko nalang hayaan siya para walang gulo..

Okay na kami ni Arvy at ayokong magtalo na naman kami ng dahil sa ginawa ni Kael..

Isa pa, kung ganoon ang ugali ni Kael, mas mabuti siguro kung di ko na siya pansinin..

Ayokong bigyan si Arvy ng dahilan para magselos..lalo na ngayon at ipapakakausap ko na siya kay papa..

"May problema ba?" Kanina kapa nakatulala..gutom kana ba? gusto mo ?" Mukhang nag aalalang tanong pero napahiga lang ako braso niya..

"Arvy sa tingin mo, ako naba talaga?" Tanong ko habang nakatulala sa daan habang siya naman ay takang napatingin

"At bakit mo naman natanong 'yan?"

"Kase kung ako na, papakasalan na kita" bulong ko habang hindi maiwasang kiligin..

Almost 6 years since we've met and now, i am ready to face the world with him..

"Eh pano yung pamilya mo Yrha? Hindi naman ako papayag na basta basta tayo ng hindi sila pumapayag.. kahit na iba ang tingin nila sakin, gusto kong manatili ang respeto ko sa kanila..Yrha..gusto kong pakasalan ka ng hindi nawawala ang respeto ko sa magulang mo..pero kung 'yan ang gusto mo..gagawa ako ng paraan para mapapayag sila " nakangiting sabi niya kaya naman napangiti ako ng bahagya..

Nagbigay ngiti sa akin ang kabaitan niya..bagay na sakaniya ko lang nakikita..

"Arvy, hindi mo na kailangang gumawa ng paraan..sinabi sa'kin ni papa na gusto ka niyang makausap..at sa tingin ko, ngayon na ang panahon na yun" nakangiting sabi ko kasabay non ay masaya siyang napangiti at napayakap..

"Bakit? Kinakabahan kaba?" Natatawang tanong ko ng bigla siyang mapahinto sa paglalakad..

"Oo eh, wait lang hinga muna" pag amin niya

"Wag kang kabahan 'no..mabait si papa.. si mama naman, hindi ako sure..basta sasamahan kita" ngiti ko habang bahagyang pinisil ang hawak kong kamay niya..

"Kuya?" Gulat na tanong ko ng si kuya ang nagbukas ng gate..

Mukhang gulat din siyang napatingin ng makita si Arvy sa tabi ko..

"Nice to meet you kuya Errol" bati ni Arvy

napangiti naman  si kuya at pinapasok kami..

"Pa, may bisita tayo" tawag ni kuya dahil mukhang nasa kusina si papa..

Habang si mama naman ay naghahanda sa lamesa..

"Ayos lang 'yan, magbibihis muna ako ha.." pinisil ko ang kabilang kamay niya pero pilit lang siyang napangiti..

Bigla akong napakagat sa labi ko habang papasok sa kwarto ko, tama ba nq iwan ko siya? Pano kung hindi makapag pigil si mama at pagsalitaan na naman siya ng kung ano ano?

Hayss naguguluhan ako..

'wala naman sigurong mangyayaring alitan sa ilang minuto" bulong ko sa sarili ko kasabay non ay mabilis akong nagbihis at inayos ang sarili ko..

"Ah, tito may kailangan pa ho ba kayo?" Tanong ni Arvy habang mukhang tumutulong na sa pag aayos ng mesa kaya napangiti akong sinulyapan siya..

"Kumpleto naman na siguro..maupo ka nalang at kakain na" malumanay na sagot ni papa

Agad naman na napatango si Arvy at biglang humatak ng upuan para kay mama

"Salamat" simpleng sagot ni mama

Sa tingin ko hindi siya galit pero, mukhang hindi rin naman siya natuwa..

"Ang bango, ikaw ang nagluto pa?" Pambabasag ko sa katahimikan..

"Oo nak, may espesyal kang kasama kaya dapat espesyal din ang pagkain" ngiti ni papa na nagpasaya sa puso ko

"Hindi niyo ko ininform na may ganito pala, sana sinama ko si Trina" pagdadama ni kuya pero napatawa lang ako

"Oh siya, magdasal na muna tayo at kumain na" pagsabat ni papa kaya naman napatahimik kaming lahat at nagdasal..

"Yrha, maiwan mo na muna kami at tulungan mo na muna ang mama mo sa pagliligpit..gusto kong makausap si Arvy ng masinsinan" malumanay na pakikiusap ni papa

"Sige lang pa.." tanging naisagot ko habang sandaling lumayo sa kanila at tinulungan si mama..

"Yrha, hindi naman sa pinagbabawalan kita pero, inaalam ko lang ang nakakabuti para sayo..wala akong intensyon pigilan ka..pero hindi ko naman maatim na balang araw maghihirap ng dahil sa mapapangasawa mo..Yrha, alam kong madalas na hindi tama ang mga nasasabi ko sayo, pero anong magagawa ko? Gusto ko lang na iayos ang buhay mo pagdating ng araw..nais ko lang ang nakabubuti sayo..sana maintindihan mo" malumanay na pagpapaliwanag ni mama habang iniaayos ang mga dala kong plato..

Hindi ko alam kung ano bang reaksyon ang dapat kong isukli sa kaniya..

Ngayon ko lang narinig sa kaniya ang mga salitang 'yan..

"Bigyan niyo ako ng rason na aalagaan ka niya..kayo ng mga anak mo gaya ng papa mo..at siguraduhin mo na magbabago siya para sayo, na hindi ka niya sasaktan at hindi ka iiyak ng dahil sa kaniya balang araw.." dugtong pa ni mama dahilan para hindi ko mapigilang yakapin siya..

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hindi pabor si mama..

"Ma..patutunayan namin 'yan sayo..salamat ma" bulong ko habang napapaiyak..

"Yrha, magpahinga kana..bukas nalang siguro tayo mag-usap..alam kong pagod kana" ngiti ni Arvy ng magtanong ako sa napag usapan nila..

Pakiramdam ko tuloy, hindi parin siya pasado kay papa..

"Huwag ka ng makulit..matulog kana..bukas hatid sundo uli kita ha" mukhang masayang sabi niya kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi mapatango at ngumiti pabalik..

Marahan din akong napapikit ng dahan dahan niyang hinalikan ang noo ko..

"Mahal na mahal kita, at sana balang araw..maging pabor na ang lahat sa atin" bulong ko bago siya magpaalam at nakangiting umalis..

"Goodmorning Doc"

Gulat akong napausog ng biglaan kong marinig ang pabati ni Arvy matapos kong buksan ang gate..

"Kainis ka! Nanggugulat kapa!" Inis na sabi ko habang hinahampas siya..

"Doc naman, ang aga aga mong manakit" reklamo niya habang natatawa pero napairap lang ako habang nakangiti

"Ikaw kasi ang aga aga mo kong iniinis" nanggigil na sabi ko " by the way? kanina kapa? Bakit hindi ka manlang pumasok? O sana tinawag mo ako" tanong ko

"Yrha, ayokong abusuhin si tito pati si tita, gusto ko munang tuparin yung napag-usapan namin ni tito bago ako pumasok sa bahay niyo para bisitahin ka sa araw araw..okay na munang dito ako sa labas dahil naiintindihan ko naman na wala pang gaanong tiwala sa'kin si tita" nakangiting sagot niya habang hawak ang magkabilang pisngi ko..

"Arvy, patunayan na'tin na tayo talagang dalawa ha?" Tingin ko sa mga mapupungay niyang mata

"Oo naman, hinding hindi kita susukuan..hindi ako susuko hanggat hindi ko sila mapapayag na pakasalan ka" bulong niya habang hinalikan na naman ang noo ko..

" napag usapan namin ni tito na magbago lang ako ay ayos na 'yon sa kanila..at isa sa mga pakiusap nila ay magsilbi ako sa simbahan kasama kayo.." pagpapaliwag niya habang naglalakad kami

Malapit lang naman ang ospital na pinagtatrabahuhan ko kung kaya't kaya naman lakarin..

"Grabe naman, wala na bang mas mahirap hirap? Magsisilbi ka lang sa simbahan yun na 'yon? Wala ng ligawan session? Wala na din ba yung magsisibak ka ng kahoy para sakin?" Biro ko pero nanatiling nakangiti ang labi niya habang nakatingin sa daan..

"Kung 'yan ang gusto mo..liligawan kita araw araw.. kung gusto mo naman ipagsibak kita, handa akong magsibak..ikaw nga lang magpapaapoy" biro niya din kaya naman napatawa ako..

"Bwisit ka talaga.. bakit ba mahal kita kahit ganiyan ka?" Tanong ko habang hindi maiwasang mapatingin sa kaniya..

Ang pogi talaga..

"Kase bukod sa pogi ako, mahal din kita" ngiti niya habang hindi rin naiwasang mapasulyap sa'kin..

I love you, Arvy

I love you to the point that i don't want to lose you..

"Have a nice day Doc, wag magpapapagod..sunduin kita mamaya ha?" Tanong ni Arvy habang nagpapaalam

"Opo, Food trip later ha?" Tango ko bago siya umalis..

Ganito na naman yung feeling na gusto kong patakbuhin ang oras..

Namiss ko agad siya at gusto ko uli na makasama siya..

Sigurado nga, naging busy lang ako sa work noong mga nakaraan kayo hindi kami nagkaintindihan..

But i know, arguments is a part of an relationship dahil hindi hindi magiging matibay ang isang relasyon kung walang pagtatalo at pagkakaintindihan..

I realize that time is the only thing to make us together..

Siguro nga, may mali din ako dahil nawalan ako ng oras..

"Doc?" Tanong ng pamilyar na boses mula sa pinto kaya naman napahinto ako sa pagsusulat at nagsalita

"Come in" naisagot ko nalang dahil hindi naman ako naglolock ng pinto

"Yrha..i am very sorry" bungad ni Kael habang papalapit sa'kin pero inis akong napatingin sa kaniya..

"Kung mag eexplain ka sa nagawa mo, wag nalang" pagsasalita ko habang ibinaling kong muli ang atensyon ko sa pagsusulat..

"Yrha please listen to m--" magsasalita pa sana siya pero marahan lang akong napapikit at napasigaw

"You dont have to, because those words are nonsense! Naturingan kang Psychologist mukhang hindi mo alam ang epekto ng ginawa mo? Kael, i do love you as my bestfriend.. i do trust you from all because i believe in you.. because you prove to me that i have a friend to call everytime..but, the worst thing? I didnt expect na nagawang kong harasin ng kaybigan ko..kaybigan ko na tinuring ko ng kapatid"

Hindi ko alam kung maiiyak ako o ano..

Bumabalik parin pa rin sa utak ko ang ginawa niya..

"Yrha, i will not give up on you..i am really sorry.. i know my mistakes Yrha..please forgive me" malungkot na sabi niya ngunit ramdam ko ang sinseridad sa bawat sa salita niya..

Hindi ko alam..

hindi ko pa alam kung dapat ko pa ba siyang patawarin..

---

Note : Some scenes are not suitable for very young readers, Read at your own risk.

Warning : Mature Content!

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong Arvy habang nanood kami sa tv sa bahay nila

Nakahiga ako dibdib niya habang siya naman ay pinaglalaruan ang buhok ko..

Naging halfday lang ang off ko dahil may mga new intern na nag training sa hospital..

"Wala lang..minsan kasi gusto ko lang ganito tayo..tahimik, pero nasa tabi kita" sagot ko habang hawak ko ng mahigpit ang kamay niya..

"Arvy, ayoko ng umuwi kapag kasama kita" pag amin ko habang nakangiti at dinadama ang tibok ng puso niya..

matapos non ay dahan dahan niyang hiwakan ang bewang ko at hinalikan ang ulo ko..

"I love you, Doc" iniangat niya ang ulo ko sandali niyang hinalikan..

But i didnt stop..

That was a soft and a passionate kiss and dont want to stop right now..

This time, i feel his love..

I really feel being comportable with him..

Bahagya niyang hinahawi ang mahaba kong buhok habang ako naman ang dalawang kamay ko naman ay nakatungtong sa balikat niya..

But then, nagulat nalang ako ng bigla akong buhatin ni Arvy papunta sa kwarto..

The he led me to his bedroom and kiss me more passionately..dahan dahan niya akong inihiga sa kama at muling hinalikan..

I moaned when i feel his lips kissing my neck down to my sentisitive body..

Habang ako naman ay unti unti kong tinatanggal ang butones ng suot niyang polo..

Bawat halik, ay nagbibigay saya sa puso ko..

"Doc, let me lead you to heaven" bulong niya bago tanggalin ang suot kong damit at halikan ang buong parte ng katawan ko..

This time, i lose my virginity for him..

At ng matapos siya ay nagsalita ako at niyakap siya..

"I really love you, Arvy to the point that i can lose myself for you." bulong habang kumot nalang ang tanging suot..

"Uuwi kana? Hatid kita" dali daling tumayo si Arvy at nagbihis..

Its been 8: 00 pm at kabibihis ko lang din..

Matapos ang nangyari kanina, pareho kaming nakatulog ng dahil siguro narin sa pagod..

"Tara" hawak niya sa kamay ko kaya naman tumango ako at lumabas na kami ng bahay..

"Yung buhok mo gulo gulo pa" pagsasalita niya habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko..

"Okay lang, ganda ko naman diba?" Nakangiting sabi ko nagpangiti din sa kaniya

"Oo, lalo na kanina" ngisi niya habang may kasama pang kindat..

Agad akong napahampas sa braso niya at natawa..

"Ikaw talaga.." kunwaring reklamo ko pero tawa lang ang sagot niya at niyaya na akong maglakad papauwi..

"bukas ha? Sa church?" Paalala ko habang nasa tapat na kami ng gate..

"Oo naman, para sayo.." kindat niya kaya naman napatawa muli ako at nagpaalam sa kaniya..

"Mukhang ito na ang simula" bulong ko bago punasok sa loob at magpahinga..

Arvy

"Goodmorning Doc, bihis nako"

text ni Arvy ni nagpangiti agad sa'kin

      Doc Elyrha

"Goodmorning, ang aga mo naman.. bihis lang ako..kita tayo mamaya sa church ha?"

Simpleng reply ko na mabilis niya namang sinagot

Arvy

"Wag ka na mag bihis, mas maganda ka kapag walang damit"

Biro niya kaya bahagya akong napairap..

   Doc Elyrha

"Bwisit ka talaga, sige na.. see you later!" 

Huling reply ko bago patayin ang phone ko at nagbihis..

Simple lang ang suot kong lavender dress habang binagayan ko naman ito ng semi high heels..

"Elyrha! Bilisan mo naman at ikaw nalang ang hinihintay" parang galit na sigaw ni mama habang kumakatok sa pinto

"Sa araw araw na ginawa ng diyos, lagi ka nalang ganiyan..kaya ka minamalas" sermon niya pa pero wala na akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga..

"Oo ma, tapos na" sagot ko habang mabilis na kinuha ang sling bag ko at sumabay sa kaniya papunta ng simbahan..

"Nako! ang mga demonyo pala kayang pumasok ng simbahan" dinig kong bulungan ng ibang nanay sa labas ng simbahan habang nakatingin kay Arvy..

Gusto ko sana silang patuloy pero para saan pa? Hindi ko kailangan makipag away sa mga taong makikitid ang utak..

"G-goodmorning ho tita" parang nahihiyang bati ni Arvy ng makita kami ni mama..

Balak niya sanang magmano pero hindi iyon tinggap ni mama at napatango lang..

"Sorry" bulong ko dahil bigla siyang napangiti ng pilit ng dahil sa ginawa ni mama

"Yrha, hindi mo kailangan mag-sorry..nasa simula pa lang ako..alam kong ganiyan pa sila sa ngayon..pero umaasa ako balang araw, na magiging pabor sila sa atin.." bulong niya kaya napangiti ako at niyaya na siya na pumasok sa loob

Maaga rin na nagsimula ang misa ang kung kaya't naging tahimik na ang lahat..

"Arvy halika, at ipapakilala kita kay Father Valerio" aya ni papa kay Arvy matapos ng misa..

Agad din naman napatayo si Arvy at tinapik ng bahagya ang braso ko bilang paalam..

"Oh mare? Nasaan ang anak mo? Si Errol?" Tanong ng isang kumare ni mama

"Ah, nasa trabaho at busy walang day off ngayon kaya si Elyrha lang ang kasama ko" simpleng sagot niya

"Oh iha? Napakaganda mo ngayon ah!" Pansin niya sa'kin kaya ngumiti ako bilang sagot sa kaniya..

"Nako mare, jowa ba ng anak mo yung anak ni Margie? Yung pokpok dyan sa kanto?" Mahaderang tanong ng kumare ni mama laya otomatiko akong napairap..

Gusto kong manakit..

Ayan na naman sila sa mga tsismis nilang walang katotohanan..

"A-ah ma, alis muna ako ha?" Pagsabat ko

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni mama at naiinis na umalis..

"Nako, narinig mo ba yung mga bulungan kanina? Totoo ngang kayang pumasok sa simbahan ng demonyong 'yon..matapos niyang bugbugin ang anak ko noon.. nako pasalamat nga siya at may kaunti pa akong bait, kundi ako mismo ang papatay sa kaniya" dinig kong tsismis pa nung kumare ni mama bago ako makalayo

Sa puntong 'to, gusto kong kumuha ng holy water para ibuhos 'yun sa kaniya..

Alam kong nagawa 'yon noon ni Arvy..

Alam kong kasalanan ang ginawa niya..

Pero, hindi naba pwedeng magbago ang mga taong nagkasala? Alam kong bumabawi na siya..at alam kong babawi pa siya hanggang sa mabago niya ang sarili niya..

Sobrang isipin at pakinggan ang mga walang kwentang tsismis nila..

"Oh, bakit ka malungkot Doc? Miss mo agad ako?" Pagsasalita ni Arvy na nasa gilid ko na pala..

Habang ako naman ay napatigil sa pagsisindi ng kandila sa labas ng simbahan..

"Oh, bakit galit? May mali ba akong nasabi?" Parang natatakot na tanong niya pero pilit kong ikinalma ang sarili ko..

"Ano nga palang nagpausapan niyo nila Father? " pag iiba ko sa usapan

"Wala naman, kinausap lang nila ako at tinanong kung handa ba akong maglingkod sa simbahan..ang sabi ko naman syempre oo, gusto ko ng maging goodboy ngayon 'di lang para sayo kundi para na'rin sakin.." ngiti niya.."alam mo, ngayon ko nga lang din narealize na kailangan ko ng magbago..marami na pala akong nagawang kasalanan sa mundo, baka di ako makaabot sa langit at baka impyerno ang bagsak ko nito" pagbibiro niya kaya bahagyang nabawasan ang galit ko..

"Hindi pa huli para magbago, tandaan mo nandito lang ako palagi..sasamahan kita" hawak ko ang magkabilang pisngi niya habang matamis na nakangiti

"Talaga? kahit sa impyerno?" Tanong niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko

"Kung ganon, wag nalang" sagot ko habang natatawa at diretsong nakatingin sa mata niya..

I will always wish the best for you, Arvy

Arvy

"Doc, hindi muna kita mamahatid ngayon..maagang tumawag si tito para daw malaman ko yung mga gagawin.. sundo nalang kita mamaya :> labyu"

Text ni Arvy ng magising ako..

Ang bilis lumipas ng araw at panahon na naman para pumasok sa ospital at maging isang doktor..

  Doc Elyrha

Ayos lang..take your time, i love you too

Simpleng sagot ko bago asikasuhin ang sarili ko at maglakad papasok sa ospital..

"Good morning Doc Yrha, kape?" Alok ni Kael ng makita akong papasok sa ward kung saan ako nakaassign.. pero hindi ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad..

Habang siya naman ay mapait lang na napangiti at napabuntong hininga..

"Yrha, please..sorry na" malungkot na sabi niya habang sinundan pa ako..

Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong isagot sa kaniya..

Napapikit nalang ako at nag isip..

Nakainis, gusto ko na siyang patawarin..

Nakakainis dahil parang napakabilis kong magpatawad..

"Yrha, please gagawin ko ang lahat pero..huwag namang ganito" pakiusap niya pa habang niyakap ako ng mahigpit..

We've been bestfriends for almost years at hindi ko talaga inaakalang may gusto pala siya sa'kin..

Palagi kong ikinukuwento sa kaniya si Arvy pero hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya..

He is really a womanizer before, pero alam kong nagbago na din siya..

"Oo na..okay na" parang napilitang sabi ko habang tinapik ang kamay niya para alisin ang pagkakayakap sa'kin..

"Ang drama mo!" Biro ko kasabay non ay bahagya siyang napatawa

"Thank you, for trusting me again" ngiti niya

"Kael, alam mo naman na yung sa'min ni Arvy diba? mahal ko si Arvy at para kay Arvy lang ang pagmamahal ko..Kael, hindi ko kayang pantayan yang pagmamahal na ibinibigay mo.. you deserve better Kael" payo ko

"Hmm, i also realized na okay na okay kayo, pati alam ko na.. na may mga bagay siyang na wala ako.." sagot niya naman kaya agad akong ngumiti

Mas gusto kong kaybigan kita.. because in being friends, there are no break ups and there are no letting go..

Arvy

Doc, sorry hindi na naman kita masusundo.. may seminar ngayon at kinailangan kami ni Father Valerio

  Doc Elyrha

Okay lang..mas ayos nga sa'kin na 'yan ang pinaglalaanan mo ng oras ngayon :>

Arvy

Doc, bawi ako next time.. ingat sa pag uwi.. i love you

Doc Elyrha

Hmm you to, i love you too.

huling reply ko bago lumabas ng ospital..

"Yrha! Yrha! saglit" sigaw ni Kael habang tumatakbo papalapit sa'kin

"Oh, bakit madaling madali ka" tanong ko habang hinihingal siyang napahinto

"Yayain sana kita, apology date" sagot niya matapos kumalma ang paghinga niya

" libre ko, syempre" parang proud pa na sabi niya..

Tatangi sana ako pero libre naman kaya pwede na din..

"Tinatanong paba 'yan? Syempre payag ako" natatawang sabi ko kaya lumabas na kami ng ospital at sumakay sa kotse niya

"Saan ba 'yang libre mo? Baka mamaya sa dyan lang din sa kanto ang punta natin, nako! Maarte pa naman ako" biro ko

"Anong akala mo sa'kin yan lang ang afford? Ako 'to oh, si Kael Verameda poging psychologist sa pilipinas / mayaman" biro niya din pero napatawa lang ako at napairap

"For sure namiss mong pumunta dito" pagsasalita niya habang nakatingin sa tapat ng cafe kung saan kami palaging magkasama noon..

Noong nag iinternship palang kami, madalas na dito kami kumakain sa tuwing naiistress kami sa ibang pasyente lalo na noong baguhan palang kami..

In this cafe, we have a lot of memories..

"Hmm i really love this" pagsasalita ko habang kumakain ng cheesecake na paborito ko sa lahat..

"You can take out if you want" pagsasalita din naman ni Kael habang humihigop ng kape

"Ikaw nga lang ang magbabayad" dugtong niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at hindi na naiwasang mapahampas sa braso niya

"Ahmm..50 pcs muffins, take out" pagsasalita ng pamilyar na boses kaya napalingon ako mula sa likod

At agad akong nagitla ng makitang si Arvy pala ang nagsalita..

"Arvy? Anong ginagawa mo dito?" napatayo ako at gulat na napatanong

"Ah, nautusan kasi ako ni Father na bumuli ng pagkain para sa seminaryo..ikaw ang akala ko pauwi kana?" malumanay na sagot niya.

Walang halong galit pero mukhang hindi rin naman siya masaya..

Nabigyan ko na naman ba siya ng dahilan para magselos?

Galit ba siya?

"Ah, niyaya kasi ako Kael..eh hindi naman na ako nakatanggi kaya sumama ako..ah, Arvy kung gusto mo..samahan kita?" Alok ko pero pinigilan niya lang ako..

"Yrha, kung iniisip mo yung nasabi ko nung mga nakakaraan, hindi.. ayos lang sa'kin pati take your time..alam kong ako lang naman diba?pati ano namang ikakaselos ko eh mas pogi kaya ako" Malumanay na sabi niya kaya naman napatango tango ako..

"Maraming gawain sa simbahan pati may seminaryo pa..sigi na bumalik ka na doon at aalis na din ako.." turo niya sa kaninang inuupuan ko..

"Brad, pahatid nalang ng girlfriend ko ha" pakiusap niya pa bago kunin ang order at magpaalam sa'kin..

Agad namang napatango si Kael at nag thumbs up kay Arvy..

"Doc, ingat ha" huling sabi niya pa bago ngumiti at lumabas ng cafe habang ako naman ay wala ng ibang nagawa kundi mapatango..

Kabastusan naman kasi kung iiwanan ko dito si Kael at sasama ako kay Arvy..

Wala naman kaming gagawing masama at walang malisya na kasama ko siya..

Siguro tama si Arvy..

Wala siyang dapat na ikaselos..