webnovel

LEGENDARY DEVILS

Ang LEGENDARY DEVILS ay kwento ng tatlong kilalang demons sa mundo ng underworld. They were called LEGENDARY DEVILS because of their well-known skills and been the greatest demon of their time. But demons have only one rule: DO NOT FALL IN LOVE. Breaking the rule will make them automatic ascend. They will lose their power and can no longer curse too. They will also have the lifespan of a human. RENOWN: LEGENDARY DEVIL 1: DEMETINEIRRE—the grandson of Deumos and Balam. Deumos is a female demon with four horns and a crown. She was also known as the greatest spell caster in underworld. Balam is a terrible king with three heads and commands 40 legions. Demetineirre possessed an ill-tempered at grouchy attitude. But regardless of everything, he specialize every cursed known in their world. He was also trained to govern the 66th legion the king of underworld. LEGENDARY DEVIL 2: INCONNU—the wisest among three devils. He knew every technique. He thinks before he acts. He was the son of Berith, the great duke of hell who governs 26 legions. He appears as a red soldier on a red horse. LEGENDARY DEVIL 3: BALDASSARE—a skilled devil specialized in summoning evil spirits. He was the son of Asmodeus-the demon of wrath, banished by Raphael because of his evil deeds. Tumakas kasi ito noon sa underworld para maghanap ng aanakang babae. Nagtagumpay si Asmodeus at agad siyang ipinadala sa underworld para maitago sa mga anghel na gusto siyang patayin. Sa huli, nahuli ni Asmodeus ni Raphael at pinarusahan.

Cranberry_Laurel · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
84 Chs

SUMMON ME

"AKO NAMAN! Kating-kati na akong bugbugin 'yan!" naiinggit na angal ni Dev sa kasamahang demon. Ni hindi na nito hinintay na pumayag si Nasrt, ang isa pang demon na walang tigil na gumugulpi kay Baldassare. Agad na nitong inagaw ang latigo at pinaghahataw siya sa likuran!

Napahiyaw na lang sa sakit si Baldassare. Sa napakaraming beses na pagkakataon, tinanong ulit ni Baldassare ang sarili. Paano siya makakaalis doon? Kung sakaling makakaalis siya, paano niya magagawang pigilan si Hades? Alam niyang makawala man siya roon, hahanapin pa rin siya nito. Tutugisin. Kapag nahuli, parurusahan.

It would be an undying chain of nightmares but he thought, it would be okay. As long as Hades would leave Maricon alone, he would just stay there and accept everything. Sayang talaga dahil hindi man lang niya ito mapuntahan para mapaliwanagan. Alam niyang magiging delikado ang lagay ni Maricon oras na puntahan pa niya.

"Matagal ko nang gustong gawin ito!" gigil na saad ni Dev at pinaghahataw siya. Sa sobrang inis nito, humaba pa ng ilang pulgada ang sampung sungay!

Dev did everything he could just to please the king but the king always praised him. Tumindi ang inggit nito at alam ni Baldassare na naghihintay lang ito ng tamang pagkakataon para gumanti. At alam din ni Baldassare na hindi lang si Dev ang gagawa noon sa kanya. Marami pa sila.

"Arrrrrrrrrrrrrgh!" masakit na sigaw ni Baldassare nang hatawin ulit siya ng paulit-ulit ni Dev.

"Have you heard the news?"

Napalingon ang dalawang demon kay Astra, ang babaeng demon na inis din kay Baldassare. Sinimangutan siya nito bago ulit hinarap ang mga kasamahan.

"Hades sends 100 demons. Pati si Beelzebub ay pinapunta niya para makuha na ang babae." anito at kinwento ang mga nangyari kina Maricon. "Natatalo nila ang anghel na nagbabatay!" natutuwa nitong balita.

Biglang nanlamig si Baldassare. Hindi niya maintindihan ang takot na bumangon sa puso niya. Bigla siyang hindi mapakali at nagalaala. Kung puwede lang sa isang pitik ay makarating siya agad sa tabi ni Maricon at iligtas ay ginawa na niya. But damn his situation! Damn his curse! Hindi siya makalayas ng dahil doon.

"Please... l-let me go..." pakiusap ni Baldassare. Hirap man ay inabot niya ang paa ni Dev. Hindi siya nagdalawang isip na halikan ang paa nito.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Baldassare. Who would have thought that one of the legendary devils would do that? They used to be the high and mighty devils. Pero nang dahil sa natuto silang magmahal, lahat ng iyon ay nawala. Handa siyang magpakababa para lang mapakawalan.

"Please... s-sabihin mo Dev kung ano ang gusto mo... i-ibibgay ko... j-just let me go..." pakiusap ni Baldassare at napaiyak. Shit. Hindi niya akalaing hahagulgol ng ganoon sa harap ng mga demon. Hindi na rin niya mapigilan. Sobrang sakit na at kailangan niyang lumaya.

"Hey. Don't tell me, makikinig ka d'yan?" angal ni Astra kay Dev. Hindi kumibo si Dev kaya binatukan ito ni Astra. "Utos ni Hades na dalhin mo siya sa Avernus. Nandoon si Hades at hinihintay ang pagdating ng kaluluwa n'ung babae. Kaya huwag ka nang magbalak ng kung anu-ano at baka ikaw pa ang mapahamak." angil ni Astra.

Hindi nakaimik ang dalawang demon at nagtinginan na lang. Sa huli ay sabay na lang siyang nilapitan ng mga ito. Doon kumabog ang dibdib ni Baldassare. Mabilis niyang pinagana ang isip. Kundi siya pagbibigyan ng mga ito, siya mismo ang dapat gumawa ng paraan! Hindi siya makakapayag na dumating si Maricon sa Avernus!

Hinanda ni Baldassare ang sarili habang kinakalagan ng dalawang demon. Pinagana niyang maigi ang isip. Panay spells ang inalala niya kung paano makaka-travel sa mundo ng mga tao hanggang sa naalala niya si Inconnu. Ginawa niya ang lahat para mabulungan ito at pakiusapang mai-summon siya sa mundo ng mga tao.

"Inconnu... I need your help... summon me... please... I'm begging you... tatanawin kong malaking utang na loob ito oras na mai-summon mo ako... I need to save Maricon... please... I am beggin you..."

Halos hindi humihinga si Baldassare habang kinakausap si Inconnu sa isipan. Paulit-ulit niya iyong ginagawa hanggang sa kaladkarin siya ng mga demon. Oras ang itinagal nila at habang hila-hila siya ng mga demon ay panay ang pakiusap ni Baldassare. Halos maiyak na siya sa sobrang pagmamakaawa kay Inconnu. Hindi ito sumasagot sa isip niya pero umaasa siyang gumagawa na ito ng hakbang. Normal lang na hindi na mag-respond si Inconnu dahil tao na ito. Wala na itong kapangyarihang maki-communicate sa kanya.

"Malapit na tayo," ani Astra.

Kumabog ang dibdib ni Baldassare nang matanaw na ang Avernus. Tanaw na rin niya si Hades. Nataranta na ang buong sistema ni Baldassare dahil mukhang walang nangyayari sa pakiusap niya kay Inconnu!

"W-What the—ano'ng nangyayari?" takang tanong ni Dev ng bigla siyang magkaroon ng usok.

Hindi nagtagal ay nabitawan siya ng mga ito. Parang napaso. At alam ni Baldasare kung bakit iyon biglang nangyari.

Inconnu was summoning him!