webnovel

LEGENDARY DEVILS

Ang LEGENDARY DEVILS ay kwento ng tatlong kilalang demons sa mundo ng underworld. They were called LEGENDARY DEVILS because of their well-known skills and been the greatest demon of their time. But demons have only one rule: DO NOT FALL IN LOVE. Breaking the rule will make them automatic ascend. They will lose their power and can no longer curse too. They will also have the lifespan of a human. RENOWN: LEGENDARY DEVIL 1: DEMETINEIRRE—the grandson of Deumos and Balam. Deumos is a female demon with four horns and a crown. She was also known as the greatest spell caster in underworld. Balam is a terrible king with three heads and commands 40 legions. Demetineirre possessed an ill-tempered at grouchy attitude. But regardless of everything, he specialize every cursed known in their world. He was also trained to govern the 66th legion the king of underworld. LEGENDARY DEVIL 2: INCONNU—the wisest among three devils. He knew every technique. He thinks before he acts. He was the son of Berith, the great duke of hell who governs 26 legions. He appears as a red soldier on a red horse. LEGENDARY DEVIL 3: BALDASSARE—a skilled devil specialized in summoning evil spirits. He was the son of Asmodeus-the demon of wrath, banished by Raphael because of his evil deeds. Tumakas kasi ito noon sa underworld para maghanap ng aanakang babae. Nagtagumpay si Asmodeus at agad siyang ipinadala sa underworld para maitago sa mga anghel na gusto siyang patayin. Sa huli, nahuli ni Asmodeus ni Raphael at pinarusahan.

Cranberry_Laurel · Fantasy
Not enough ratings
84 Chs

REUNITED

"Aaaaaaaaah!" sigaw ni Baldassare sa walang katapusang limbo at tuluyang nakakita ng liwanag. Hindi nagtagal ay bumagsak siya sa matigas na semento. Kung nasa maganda lang na kalagayan ang katawan niya ay hindi siya masasaktan ng ganoon. Pero dahil bugbug sarado na, ni hindi niya magawang bumagsak sa mundo ng mga mortal sa pamamagitan ng dalawang paa.

Biglang napamulat ng mga mata ni Baldassare. Hirap man, nagawa pa rin niya. Bumungad sa kanya si Inconnu. Kunot noo itong nakatitig sa kanya habang nakaluhod sa harapan ng mga summoning kit.

Hindi nakatakas sa paningin ni Baldassare ang malaking pagbabago ng dating legendary devil. Maigsi ang buhok nito. Malinis ang mukha na alaga sa pagaahit. Iba na rin ang paraan ng pananamit nito. Nasa moda. Polo shirt at jeans na sakto rito ang suot nito. Mayroon din itong suot na wrist watch. Mortal na mortal na ang dating. Mukhang sanay na ito sa buhay ng isang tao.

At kung noon ay wala na siyang nararamdaman anuman para kay Inconnu, ngayon ay nakaramdam si Baldassare ng tuwa para rito. He perfectly looked fine. Siya? Nasa katawang demon pa rin. Hirap mag-transform dahil sa matinding damage na natamo.

At aaminin ni Baldassare na napakalayo niya kay Inconnu. Masalimuot man ang pinagdaanan nito pero naisaayos nito ang buhay. And he envy him. Oh how he wished he could be like him. First time in his damn history, nainggit siya rito. Bagay na hindi niya naramdaman kailanman. He'd been confident. Too proud of himself. Palibhasa, tumaas ang tingin niya sa sarili dahil ginawa siyang legendary devil ni Hades samantalang hindi naman siya purong demon.

But now he realized, he didn't need power. He didn't want Hades' acknowledgment. He wanted freedom. He wanted to see Maricon. He wanted to save her, show her how he loved her, how he was so sorry for not being true to her. Simple but impossible.

"I-Inconnu..." hirap na anas ni Baldassare. Napalunok siya nang tumayo ito at nilapitan siya. Napabuntong hininga ito nang makita ang kalagayan niya.

"I really can't believe this." anas ni Inconnu.

"Wala na akong oras. Help me. Puntahan natin si Maricon. I need to save her..." nakikiusap na anas ni Baldassare. Muli, pinaliwanagan niya ang sitwasyon at napailing si Inconnu.

"Hindi na ako magtataka sa lupit ni Hades ngayon. You are the last one and he hated your father." anito at hinawakan ang kadena sa paa niya. "Binding chain." napapailing na saad ni Inconnu. Iyon ang resulta ng sumpa ni Hades. Oras na maalis iyon ay mababalik siya sa dati.

"Can you remove it?" nanghihinang tanong ni Baldassare.

Tumahimik si Inconnu. Mukhang nagisip ng malalim. "I think 'you' can." anito kapagdaka at tinitigan siya.

Napailing si Baldassare. "Yes but my spells aren't working!" giit ni Baldassare.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Inconnu. Kumislap ang mga mata nito. "Don't worry. Hindi mo naitatanong, pagdating sa binding chain ay marami akong alam. Pero tao na ako at wala nang kapangyarihan. Ikaw lang ang puwedeng gumawa ng diminishing spell. Iyon ang alam kong spell para maalis ang chain na iyan sa paa mo. Kukunin ko ang mga ritual kit at ikaw ang magsasagawa ng orasyon." anito at tumayo na. Dali-dali itong lumabas sa kuwarto.

Walang ibang nagawa si Baldassare kundi ang mapahiga na lang sa sahig habang hinihintay na makabawi ng lakas. Makalipas ang ilang sandali, unti-unti nang gumana ang kapangyarihan niya at nagawa niyang magkaroon ng human transformation. Naitago rin niya ang mga amoy bilang demon.

Pero pansamantala lang ang katahimikan ni Baldassare dahil biglang yumanig. Naging maalinsangan din ang pakiramdam ni Baldassare. Ramdam niyang susunduin na ulit siya ng mga demon!

"Inconnu!" sigaw ni Baldassare. Kumabog ang dibdib niya ng magkaroon ng crack ang semento. "Shit! They are coming!"

Mariing ipinikit ni Baldassare ang mga mata. Inalala niya ang incantation na nabasa sa black scroll para sumara ang Avernus at para hindi makasunod ang mga demon.

"­Subito clauso ostio!" sigaw ni Baldassare at inilapat ang dalawang kamay sa semento. Umilaw iyon at biglang humangin ng malakas. Hindi nagtagal ay tumigil iyon. Hinang napadapa na lang si Baldassare sa semento nang tuluyang maisara ang Avernus. Natigilan lang si Baldassare ang maramdamang sumisikip ang chain sa paa niya. Mukhang dinadasalan iyon ni Hades para hilahing pabalik ng impyerno!

"Shit!" gigil na saad ni Inconnu. Agad nitong ibinaba sa sahig ang mga dala.

"Faster!" sigaw ni Baldassare.

Dali-dali nang gumalaw si Inconnu. Walang babala na hiniwa nito ang galang-galangan niya at ang dugo niya ang ginawang panulat sa sahig para gumawa ng pentagram. Sa gitna noon ay inilagay nito ang mga kit kagaya ng dugo, abo, mercury at holy oil saka siya binalingan. "I need bone. The caster's bone. Your bone."

Naglapat ang labi ni Baldassare. Doon pa lang ay ramdam na niya ang sakit pero naisip niya na kung iyon lang ang paraan ay bakit hindi siya papayag? Dahil sa naisip ay agad niyang inilahad ang kamay. "Then cut my finger. Now!" sigaw niya.

Kita ni Baldassare na hindi rin gusto ni Inconnu ang gagawin pero wala itong choice. Tumalima ito. Napasigaw sa sakit si Baldassare ng hiwain ni Inconnu ang maliit niyang daliri. Halos maglaway na siya pero tiniis niya.

"You can start now. Sabihin mo ang incantation na ito ng tatlong beses. You need to focus. You need to say this incantation correctly: conteram catena hac create e rege. It means break the chain created by the king. Kapag mali ay hindi ito maalis." mahigpit na bilin ni Inconnu.

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay tumango si Baldassare. Nag-focus siya. Ramdam na niya ang paghila ng kadena pero hindi niya iyon pinansin. Nagdasal siya ng taimtim. Paulit-ulit hanggang sa pangatlong beses. Doon tumigil sa paglindol at tuluyang nabitak ang kadena!

"I-I'm free..." hindi makapaniwalang anas ni Baldassare.

"I guess." hinihingal na sagot ni Inconnu.

Pero nagkamali sila. The battle just started. Biglang mayroong umatake sa tinitirhan ni Inconnu. Napakaraming demon. Amoy na amoy nila ang sulfur at mga maiitim na taong mayroong sungay.

But both of them didn't give a damn. Lumaban si Baldassare. He used his spiritual power in order to cast a spell. Sa isang iglap, naging abo ang mga demon. Nagtagal iyon ng ilang minuto hanggang sa tuluyang naubos ang mga kalaban.

"I really have to go," hingal na saad ni Baldassare nang tuluyang matapos.

"I'm coming with you. No buts. Damay na rin naman ako," anito at nagpauna na.

Napahinga na lang ng malalim si Baldassare at lihim na nagpasalamat. Sa kabila ng mga ginawa niyang pagtanggi kay Inconnu noon ay heto pa rin ito. Tinulungan siya.

Sa loob-loob ay naisip ni Baldassare na babawi rito oras na maging maayos ang lahat.

***

"MFIEL!" NAAWANG sigaw ni Maricon sa anghel. Wala itong katapusan sa pakikipaglaban sa mga demon na hindi na tumigil na umatake. Si Beelzebub hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pakikipaglaban. Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay hinaharap silang magina. Marami na ring crack ang seal nila. Pakiramdam ni Maricon ay hatawin lang iyon ng maraming beses ay bibigay na.

"Anak, ano ba itong nangyayari?" umiiyak sa takot na tanong ng ina ni Maricon. Nangangatal na ito at hindi niya ito masisisi. Delubyo na iyon. Parang katapusan ng mundo!

Ilang oras na ba silang ganoon? Hindi na mabilang ni Maricon. Minsan ay sumasagi na sa isip ni Maricon na sumuko na lang para matigil na ang lahat pero naiisip niya ang ina. Dalawa na lang sila nito. Iiwanan pa ba niya ito?

At naiisip din niya ang kagustuhan ni Hades. Maging si Baldassare ay naiisip din niya. Ang pagsuko niya ay simbulo ng pagkapanalo ng mga ito. At hinding-hindi niya iyon gagawin!

"Natatakot na talaga ako..." dagdag ni Maita.

Hinigpitan ni Maricon ang yakap sa ina. Pinigilan niyang mapatili nang makitang pinagtulungan ng mga demon si Mfiel. Gayunman, kahit paano ay nakabawi ito. Ginamit nito ang pakpak para hawiin ang mga demon. Pati na rin ang mga langaw ni Beelzebub ay nataboy sa isang pagaspas lang ng pakpak nito.

At nagpatuloy ito sa pakikipaglaban. Wala itong tigil sa pagunday ng espada sa mga demon hanggang sa hindi napigil ni Maricon ang sarili nang atakehin ito mula sa likuran ni Beelzebub!

"Mfiel!" agaw pansin ni Maricon pero bago pa ito napalingon mayroong isang malaking halimaw ang humarang sa likuran ni Mfiel. Ito ang tinamaan ng Beelzebub.

"Baldassare!" galit na sigaw ni Beelzebub.

Maang na napatingin si Maricon sa lalaking pumasok mula sa pintuan. Duguan ito. Hingal na hingal. Wala ang maayos na itsura ni Baldassare at hindi iyon ang inaasahan ni Maricon. She was expecting to see him like a king. She was expecting the worst: Baldassare will capture her and give him to Hades.

But no! Nakataas ang dalawang kamay ni Baldassare at nakatutok iyon sa halimaw na tinamaan ni Beelzebub. Mukhang si Baldassare ang nagkokontrol!

"B-Baldassare..." wala sa sariling anas ni Maricon. Sobrang bilis nang kabog ng dibdib. Pakiramdam ni Maricon ay nakalimutan niya ang mga negatibong damdamin at biglang tumigil ang lahat sa paggalaw. Nandito lang ang atensyon niya.

Marahan lang siya nitong tinanguan at nagsimula nang makipaglaban. Tinulungan nito si Mfiel na hindi na nagawang makapagreklamo dahil dehado na rin sa dami ng demons. Napatanga na lang si Maricon habang pinanonood ang lahat ng iyon.