webnovel

Chapter 10: Highest Score

At School.

Ngayon na ang event, nag-study ako ng mabuti para tumaas ang grades ko.

Nakita ko si Sir kaya napaiwas ako bigla, hindi ko alam kung paano siya kauusapin.

"Hi Edrian!" bati ko sa kanya.

"Hello,"mahina niyang sagot.

Kaya nanibago ako sa kanya ang dating Edrian ay masaya, pero ngayon naging matahimikin na.

Pumasok na si Sir, pinapunta kami sa isang vacant room malaki siya kaya nagkasya kami may powerpoint presentation na naganap.

Nakinig akong mabuti sa lesson. maya-maya ay bigla akong napatingin kay Sir.

Umiwas naman ako, pero si Sir hindi parin inaalis ang tingin sakin, kaya nakakailang.

Hindi ako nag-take notes para diretso sa utak ko ang mga lessons na ibinanggit rito.

Maya-maya ay pinaliwanag sa amin ni sir ang tungkol rito buti naintindihan ko.

"So this is the question, isa lang ang tanong pero dapat nasa puso ang explanation," saad nito, akala ko madami 'yun pala isa lang.

"However same s*x marriage are talking about sexuality what if ages are meant to be same to be a perfect couples, is age really matters?? What's your opinion on this matter, write down your answer in a sheet of one paper,"

Wala akong ma-isip tungkol rito, akala ko hindi mahirap, mahirap pala sobra.

Mag-isip ka Jennifer hindi pwedeng mabagsak ako nito.

Tama! para sa sitwasyon lang namin ni Sir, buti naisip ko 'yun, taos puso akong magpapaliwanag ng sariling opinion na gayon rin ay nangyari sa akin.

After five minutes kailangan namin ipass ang sagot namin kaya nag-abot 'yung tingin namin ni collector na si Princess, nakaka buysit tignan kaya umiwas ako.

Inabot ko ito.

"Napaka-easy, ikaw Jen may nasagot ka?"

"Syempre anong akala mo sakin, mahinang nilalang."

Pinauwi na kami ni Sir sa classroom, umupo ako na kasama si Patrick nag-chika kami.

"Pano 'yun beng 'yung crush ko sa kabila, hindi namamansin, nakakainis!"

"Huwag ka kasi mag-expect ng sobra tandaan mo 'yan," payo ko sa kanya.

Iba talaga ako, nakakapagbigay ng payo sa iba pero mismo sa sarili hindi, saklap.

Biglang lumapit si edrian sakin na may inabot.

"Eat," saad nito at lumakad.

"Ay wow sanaol, binigyan, nilapitan, ningitian," hugot ni Patrick kaya binatukan ko ito.

"Ang dami mong hugot sa buhay kung mag-focus ka kaya sa pag-aaral," saad ko.

"Ang boring niyan beng, nag-aaral ka nga pero walang inspiration,"

"Anong walang inspiration, 'yung parents mo hindi ba sapat,"

"Ayos lang naman, pero iba 'yung gusto ng puso ko. Kaya beng, tulungan moko sige na,"

"Ayoko, wala akong alam pagdating sa mga ganyan,"

"Okay sabi mo eh, alam ko naman na hindi kita mapipilit pero pwede ko bang ligawan si Edrian?"

"Huh? Ligawan? Sira, nasa sayo 'yan kung gusto mo ba."

"Edi go na! Liligawan ko siya,"

Tumayo ito at pumunta sa pwesto ni Edrian.

"Edrian," pabebe niyang tawag, liningonan niya ito.

"Bakit?"

"Ahm. Pwede ba kitang ligawan?"

Sira na talaga ulo nito, baka masuntok ka pa ni Edrian diyan.

"Ano Edrian payag ka na ba?"

"Hindi,"

"B-bakit? Gagawin ko ang lahat para magustuhan moko, pangako 'yan,"

"Promise? C'mon don't be stupid and go," galit na wika ni Edrian kaya napa-atras si Patrick.

Sabi ko na nga ba eh, magagalit 'yun, siya kasi hindi nakakapagpigil ng kalandian.

"Sabi ko sayo 'wag mona gawin ayan tuloy"

"Aratch teh, masakit pala ma-reject ng isang tao,"

"Syempre masakit 'yan, halos na bigay mo 'yung pride mo dahil sa pag-confess,"

"Mukhang back to single ako nito,"

"Mas mabuti na 'yan, para hindi ka masyadong distracted,"

"Ganoon ba," sabay kuha ng notebook niya at hinigaan ito ng kanyang ulo.

pumasok na si Sir.

Bitbit niya ang maraming papel, mukhang tapos na niyang markahan ilan kaya makukuha ko.

Binigay niya ito sa Secretary, halata sa itsura ni Princess na feelingira.

Excited nako kung ilan makukuha ko hanggang sa maliit nalang ang hawak niya, nasa last ata ako.

A-ano? Wala akong nakuha? Bakit??

Tinaas ko ang kamay ko.

"Sir, bakit wala 'yung akin."

"Sayo?"

"Opo, 'yung akin."

"Ako,"

"Ha?"

"Ito," sabi niya sabay abot sa papel.

Grabeh hindi ko naintindihan ang kanina, tama sa akin nga 'to bakit hindi naipon sa kanila akin lang 'yung napaiwan.

"Ilan nakuha mo?" tanong ni bakla.

"Secret ikaw muna,"

"50, sayo?"

"Akin, 100."

"Woyy grabeh siya! Ang laki naman niyan, ikaw lang yata nakakuha ng ganyang score iba ka beng ha,"

"Syempre maganda ang sagot ko non,"

"Teka ano ba sinagot mo patingin nga," sabay hablot na nakuha niya agad, ang bilis ng bakla na 'to.

Agad ko itong binawi.

"Secret hindi pwede makita ng kung sino man,"

"Anong hindi? Pano 'yung nagmarka nito, asahan mo ng nakita na niya 'yung sagot mo,"

"Tsk. Asahan? Nobody lang 'yung nag-check," paninigurado ko.

"Ikaw nagsabi niyan,"

"Jennifer? 'yung sagot mo, it's okay," saad ni sir.

Wait nabasa niya bakit napasabi siya ng okay?

"S-salamat," sagot ko.

"You're shy for what? Ikaw ang nakakuha ng mataas na marka sa buong klase," sabay ngiti.

"Thanks," mahina kung wika.

Bumalik si Sir sa attention ng mga classmate ko.

"Ay beng, ano 'yun umiba ata 'yung timpla ng boses mo masyado atang cold, nakakain ka ba ng yelo bat' ang lamig mo??"

"W-wala, masakit lang lalamunan ko,"

"Siguradohin mo 'yan baka kailangan mo ng kiss,"

Sh*t naaalala ko tuloy 'yung kiss namin ni Sir f*ck binanggit pa talaga ng baklang 'to.