webnovel

Ikaw ang GHOST-2 Ko

SecretSuperstar · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
56 Chs

Chapter 29: Confrontation

VON'S POV

"Hey, little sis, aren't you done yet? Come on, mali-late na ako sa port." Kumatok ulit ako sa pinto.

Ilang minuto na ang lumipas matapos kaming mag umagahan. Nandito ako sa labas ng kwarto ni Luna. Ihahatid ko muna siya sa school bago ako tuluyang dumiretso sa port. Kakatok na sana ako ulit nang magbukas na ang pinto.

"I'm done, Kuya." Nakasuot siya ng school uniform at kasalukuyang isinusukbit ang bag.

"Ang tagal mo talagang kumilos."

"Sorry na my dear kuya." Nginisihan pa niya ako.

"Bakit kasi hindi ka na lang mag-plane eh." Nangibit-balikat na lang ako.

"So, let's go?" Ikinuwit niya na ang kamay sa braso ko saka kami nagsimulang bumaba  na.

"Ready na ba kayo'ng dalawa?" si mama.

"Yes, mama." si Luna na ang sumagot.

"Where's lola?"

"Nasa kwarto niya pa."

Tinalikuran ko na sila at pinuntahan si Lola Cora sa kwarto niya. Kumatok muna ako sa pinto at saka pumasok. Nakita ko si Lola na nakahiga pa sa kama.

"Lola." Naupo ako sa gilid niya.

"Apo." Tinulungan ko siya'ng makasandal sa headboard.

"Aalis ka na ba ulit?"

"Kailangan, 'la eh maraming pasyente ang naghihintay sa akin sa Maynila."

"Naiintindihan ko, apo. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng apo'ng kagaya mo. Ipinagmamalaki kita, ijo."

"Maswerte din ho kami ni Luna dahil ikaw ang naging lola namin. Siya nga pala kumusta po ang pakiramdam ninyo? Lola, baka may nararamdaman kayo at hindi kayo nagsasabi, ah."

"Malakas ako apo."

"Dapat lang po."

"Mami-miss kita, Von. Mag-iingat ka sa Maynila, huh?" Tinguan ko si Lola. Hinawi ko ang hibla ng buhok niya at hinalikan ito sa pisngi.

"Mami-miss din kita, Lola."

"Kuya." Napatingin kami kay Luna na nakapasok na pala kasama si mama.

"Good morning, Lola Cora."

"Morning apo." Hinalikan din ni Luna si Lola at saka naupo sa kabilang gilid.

"Papasok ka na?"

"Opo, ihahatid muna ako ni Kuya sa school saka siya didiretso sa port."

"Gano'n ba? Siya sige umalis na kayo at baka mahuli ka pa sa eskwela." Napatayo na ako.

"Lola, uuwi na lang ako ulit dito kapag may libre ako'ng oras."

"Dalasan mo, huh."

"Oho." Dinampot ko ang kamay ni lola at nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos. Mag-iingat ka sa byahe, ijo." Nginitian ko lang si Lola at napatayo na. Naramdaman ko ang kamay ni mama likod ko. Nginitian ko din siya. Napatayo na rin si Luna.

"Lola, papasok na po ako." Hinalikan niya ulit sa pisngi si lola Cora.

"Sige, mag-iingat kayo, huh?"

"'Nay, ihahatid ko lang 'tong mga apo mo sa labas." Paalam ni mama kay Lola.

"Siya sige mag-iingat kayo sa byahe." Matapos ang ilang paalaman pa lumabas na kami ng kwarto at tumungo sa labas.

"Bye, 'ma." si Luna.

"Bye!" Hinalikan niya si mama sa pisngi saka sumakay na sa kotse. Hinarap ako ni mama.

"Baunin mo 'to anak baka sakaling magutom ka sa byahe." Inabot ko ang paper bag.

"Thanks, 'ma." Niyakap ako ni mama kaya napayakap na din ako sa kaniya.

"I will miss you, son."

"I'll miss you too, 'ma." Bimitaw na rin siya sa yakap.

"Huwag mo'ng pababayaan ang sarili mo anak, huh?"

"Hmm."

"Sige na umalis na kayo."

"Sige po." Inilagay ko muna ang paper bag sa backseat saka muling hinarap si mama.

"Alis na ako, 'ma. Mag-iingat din po kayo dito."

"Sige. Dahan-dahan sa pagmamaneho, huh, Von?"

"Yes, 'ma." Pumasok na ako sa kotse matapos siyang halikan sa pisngi.

"Bye, 'ma." si Luna.

"Bye mga anak. Von, dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Tawag ka kapag nakarating ka na sa Manila. Ang papa mo tawagan mo rin nga pala mamaya."

"Okay, 'ma."

"Maria Luna, behave ka sa school, okay? Quota ka na sa akin." Nagpa-cute lang si Luna kay mama. Babae'ng 'to talaga.

"Behave naman po ako eh." Napaismid na lang si mama at natawa. Nag-wave lang at umalis na rin kami.

LUNA'S POV

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang tickets. Ang saya ko talaga dahil dito.

"Happy?" Tiningnan ko si Kuya saka napatango.

"I'm jealous to Niel." Pinaningkitan ko si Kuya.

"Drama King." Binalik ko na sa bag ang tickets. Sakto namang may tumawag sa cellphone ko. 

Si Jedda.

"Je?"

{ "Luna, nasa'n ka? Papasok ka ba ngayon?" }

"On the way na ako, bakit?"

{ "Kasama mo si Doc Von?" }

"Oo." Halatang kinilig.

{ "Loudspeaker mo bilis." } Nilapit ko kay kuya ang cellphone.

{ "Hi, Kuya Von!" }

"Hi, Ms. Jedda."

{ "Kuya Von, paalis ka na ba agad?" }

{ "Oo eh." }

"Masanay ka na kay Kuya masyado siyang busy sa work. Kailan kaya 'to magiging busy sa lovelife?" Sinamaan ako ng tingin ni Kuya samantalang natawa naman si Je.

{ "Single pa rin ba talaga si Kuya Von until now? Hay naku, bakit kaya single pa rin si Doc? Ha-ha!" }

"'Wag niyo nga ako'ng pagtulungang dalawa. Jedda, sorry kasi hindi ko na kayo na-meet. Anyway, next time ko na lang kayo iti-treat ni Paulo kapag bumisita kayo sa Manila."

"No problem, Kuya. Safe trip, Doctor Von." Nilapit ko na sa akin ang phone at in-off na ang loudspeaker.

"Mamaya na tayo mag-usap, Je."

{ "Luna sa GS Lib ka na dumiretso nandito na ako." }

"Okay." Binabaan ko na siya.

"Sa Manila ko na lang kayo iti-treat para naman makabawi ako sa inyo." Nginitian ko ng maluwang si Kuya.

"You're the best talaga, Kuya Von. Humanda ka sa 'ming tatlo dahil uubusin namin ang laman ng credit card mo." Nangibit-balikat si Kuya.

"I'm always ready, little sis." Napailing na lang ako.

Ilang minuto pa'ng byahe at nakarating na rin kami.

"Kuya, diyan na lang ako bababa sa tapat ng dorm may kailangan pa kasi ako'ng kuning gamit." Inihinto nga ni Kuya sa nay tapat ng dorm ko ang kotse niya. Hinarap ko si Kuya matapos alisin ang seatbelt.

"Kuya, dito na ako." Lumapit ako kay Kuya at niyakap ito ng mahigpit.

"Thanks sa paghatid, Kuya." Biniwatan ko na siya.

"Kapag hinatid ka rin ni Arif sabihan mo ako, huh?"

"Kuya naman eh!" Tinawanan niya lang ako.

"Luna, don't hesitate to call me when you need anything, okay? Lalo na kung about diyan sa mga ghost thingy mo. When you need advices, I'm always here for you." Seryoso si Kuya. Alam ko naman na palagi ko siya'ng malalapitan eh. I know he loves me so much like mama and papa kaya masuwerte ako.

"Thanks, Kuya Von." Nginitian niya ako.

"Sige na baka ma-late ka pa."

"Take care, Kuya."

"You take care."

"Yes, doc." Napangiti lang siya. Nag-wave ako sa kaniya at saka bumaba na ng kotse. Lumipat ako sa kabilang side sa may tapat ni Kuya. Binuksan niya ang bintana.

"Kapag nanligaw sa 'yo si Arif sabihan mo 'ko, huh?"

"Tss! Umalis ka na nga." Natatawa ko'ng sabi. Tinawanan niya lang ako.

"See you on Saturday."

"Okay." Nag-wave ulit ako habang papaalis siya.

Nakalayo na si Kuya Von at ako naman ay dumiretso na sa dorm. Nagpalit lang ako ng mga notes saka umalis na rin pa-school.

Parang kakaiba ang tingin ng mga tao sa akin ngayon, ah. Dahil kaya 'to sa nangyari kahapon? Hindi ko na lang sila pinansin.

"Hi, Ms. Luna!" Pati ang mga guard kakaiba ang kilos ngayon. Medyo naiilang ako o baka sila ang naiilang sa akin?

"Hi po, Kuya guard!" Nag-wave lang ako sa kanila at gano'n din ang mga ito sa akin. Nagtuloy na ako paloob.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may mga sampu sigurong estudyante ang lumapit sa akin. May mga hawak silang cameras, phones and mic. Sa pagkakaalam ko mga BS Com ang mga ito. Mala-reporter kuno.

[ AN: Kunyare may ganyan nga sa university namin😆 Continue reading! Thanks! ]

"Ms. Maria Luna Del Mundo, pwede mo bang ipaliwanag sa amin 'yong nangyari kahapon?" Isang babae na nakasuot ng salamin.

"Ibig sabihin totoo palang nakakakita at nakakausap mo ang mga multo, Miss Luna?" tanong naman nitong gay yata.

"Miss Luna, 'yong nangyari no'ng nakaraan about do'n sa lalaking nahulog do'n sa may building, kasalanan ba talaga ng multo 'yon? Kung kaya mo silang kausapin  bakit hindi mo hindi mo ito napigilan?" Ito namang babaeng matangkad ang nagtanong. Nagsabay-sabay na ang mga tanong nila habang kinukuhanan ako ng picture at video pa yata. Napatungo na lang ako at pinilit sila'ng iwasan. Nagkaingay na sila at may iba pang nagsilapit.

"Miss Luna, sagutin mo naman kami. Kailangan naming isulat sa school newspaper ang mga nangyayari na may kinalaman sa'yo."

God, help me! Na-trap na nila ako. Nakita ko si Max na papalapit sa akin. Pinilit niyang makasingit sa karamihan ng mga estudyante at ng makalapit sa akin ay agad na akong hinila papalayo. Dito niya ako hinila sa may left side na daan. Pagkaliko namin pumasok kaagad kami sa AVR room para magtago sa mga  reporter kuno. naghintay lang kami ng ilang segundo hanggang sa nakalampas na ang mga BS Ckm students. Habol ko ang aking hininga. Sumilip muna si Maxine para tingnan ang mga sumusunod sa akin saka ako hinarap.

"Wala na sila."

"Oo nga."

"Napagod ako do'n ah." Nagkatawanan kami ni Max at lumabas na.

Dito na kami dumaan sa may tapat ng Automotive Building. Ito ulit ang dinaanan namin ni Maxine nang mangyari ang kababalaghan kahapon. Anyway, I don't care at all.

"Ano'ng feeling ng sikat?" Napatingin ako sa nakangiting si Maxine at napatawa na rin.

"Hindi ko 'to inasahan. Medyo nakakatakot sila." Pinagtawanan lang ako ni Maxine.

"I feel you. Alam mo ganiyan din ako no'ng una pero nakasanayan ko na rin."

Sikat nga pala 'tong si Max dito saka si Arif.

"Siya nga pala okay ka na ba? Pinuntahan ulit kita sa clinic kahapon pero wala ka na."

"Oo kasi umuwi na rin ako no'n eh. Thanks sa concern mo, Maxine."

"It's okay! Siya nga pala may class ka ba ngayon?"

"Oo eh, GS Lib ako."

"Gano'n ba? Sige baka ma-late ka pa eh."

"Sige."

"See you around, Luna. Ingat ka na lang sa mga reporter at fans mo." Nagkatawanan na lang kami at nag-split na.

Dito siya dumaan sa may IT, may daan din dito. Naglakad na ako at napahinto lang dito sa may pinangyarihan. Tinanaw ko sandali ang narra saka umalis na. Tumuloy na ako sa room namin para sa first subject.

Nasa pinto pa lang ako ay nilapitan na ako ng mga kaklase ko. Hinila nila ako paloob ay isinara ang pinto.

"Miss Maria Luna Del Mundo!" si Cedric. "First of all we are speechless noong napanood namin ang news sa school page about sa'yo. Ang gusto ko lang sabihin ay... IDOL NA TALAGA KITA, LUNA!" Niyakap niya ako bigla. Nagkaingay na rin sila. May nagpasabog pa ng confetti. Nagsiyakapan na rin ang lahat habang sumisigaw ng idol at pangalan ko. Natawa na lang ako pero hindi na ako makahinga.

"You're the best, Luna." Narinig ko pang sabi ni Aldrin.

"Teka! Teka! Teka lang!" Binitawan na nila ako sandali.

"Masaya kayo? Muntik na kaya ako'ng mamatay kahapon."

"Hindi Luna masaya lang kami dahil may classmate kami'ng extraordinary na kagaya mo." si Cedric.

"At saka alam naman namin na hindi ka pababayaan ng mga ghost friend mo Luna especially si..." Pinengot ko ang ilong ni Je.

"Ah...aray ko, Luna. Bitaw!"

"Itigil mo 'yang bibig mo, huh? Remember your promise." bulong ko.

"He-he! Sorry." Nag-peace sign pa siya.

"We're glad you're safe and fine, Luna." Napatingin ako sa nagsalita.

"Liezel!" Nilapitan ko siya at niyakap.

"Kumusta na paa mo? Bakit pumasok ka agad baka naman mabugbog 'yang maga ng paa mo."

"Na-miss ko kayo eh saka naho-homesick na ako sa bahay namin. Pinayagan na rin naman ako ng doctor basta iwasan ko lang daw maglakad nang maglakad."

"Mabuti naman pala." Natigilan kami'ng lahat nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami. Si Cedric na ang nagbukas.

"Hi, professor!" Napatingin kaming lahat kay Sir Barumbado.

"What's happening here? Bakit ang daming kalat dito? Observe cleanliness class hindi na kayo mga bata." Nagsikilos na kami para linisin ang confetti na nagkalat sa sahig. Nagkasenyasan na lang kami.

After class kay Sir Barumbado nagtuloy kami ni Je sa mini forest. Three hours din ang class namin sa kaniya ah.

"Natawagan mo na si Paulo?" tanong ko kay Je.

"Oo nga pala." Kinuha niya ang cellphone.

"Halika do'n tayo maupo." Nakasunod lang sa akin si Jedda habang kasalukuyang kausap ni si Paulo.

"Okay. Hintayin ka namin dito." si Je. Binabaan niya na si Paulo at saka inilagay ang cellphone sa bag na nasa mesa.

"Je."

"Hum?"

"Feeling ko hindi na ako malaya." Nangunot ang noo niya.

"Bakit? May nangyari na naman ba?"

"Kasi kanina pagpasok ko dinumog ako ng mga students. Gusto yata nila ako'ng ma-interview especially 'yong mga BS Com students."

"Talaga? Ibig sabihin sikat ka na? Wow, may friend na ako'ng artista." Sinimangutan ko lang siya.

"Okay. Okay." Napatingin siya sa paligid kaya napatingin na rin ako.

"Kaya pala gano'n na lang sila makatingin sa atin kanina habang naglalakad tayo papunta dito." Mas lumapit siya sa akin at bumulong.

"Dapat siguro hindi na tayo nagpunta dito." Siniko niya ako maya-maya at sumenyas.

"Ano?" Ngumuso siya at parang may itinuturo sa likod ko kaya naman napatingin na rin ako doon.

"Hi, Ate... Luna?" Tatlong junior students. Nginitian ko sila'ng tatlo.

"Pwede ba kaming magpa-picture sa'yo?" Nagkatinginan kami ni Je. Napatango na lang naman ako.

"Ate, kunin niyo po kami." Napamaang na lang si Je nang iabot nito sa kaniya ang cellphone.

"Okay." Hindi na ako tumayo kasi okay naman 'tong pwesto namin ngayon. Nakatayo 'yong dalawa tapos tumabi sa akin ito'ng isang babae.

"One, two, smile! Another shot, one, two, smile!" Ibinalik na ni Je sa kanila ang cellphone.

"Thank you, Ate Luna."

"Sige." Nagsialis na sila. Tiningnan ko si Je na nakatayo pa rin at nakatanaw sa papaalis na mga junior.

"Ang sikat mo na nga talaga, Luna." Naupo na ito.

"Feeling ko ako 'yong manager mo." Ngingisi-ngisi pa niyang turan.

"Sikat ka diyan." Naisubsob ko na lang ang aking mukha sa ibabaw ng aking bag na nakapatong din sa mesa.

Parang gusto ko'ng matulog.

"Luna, kumusta?"

"Ang alin?" Natatamad ko'ng tanong.

"Kumusta kayo ni Azine?" Naibangon ko ang aking ulo at napatingin kay Je na nakatingin din sa akin.

Hindi ko pa ulit siya nakikita. Nasaan kaya ngayon 'yon?

"Ano'ng reaction 'yan?" Nginitian niya ako ng may pang-aasar.

"Bigla ka'ng nagising nang banggitin ko ang pangalan ni Azine. Uyy, may something na ba sa inyo'ng dalawa?"

"Tss! Kilabutan ka nga kaluluwa ang tinutupo mo sa akin, okay."

"Oo nga pala. Sayang 'no? Sana buhay si Azine." Napabuntong-hininga ako.

Sayang nga.

"Hello, guys!" Napatingin kami kay Paulo na kadarating lang. Naupo siya sa tabi ni Je.

"Ano'ng nangyari sa inyo at parang pasan niyo naman ang mundo? Oh, binili ko kayo ng meryenda."

"Oo nga kasi parang ang lungkot ng paligid dito, di ba?" Kumuha muna si Je ng burger na dala ni Paulo.

"Para maging good mood tayong lahat bakit kaya hindi mo na ipakita sa amin ni Paula ang tickets sa concert ng BoybandPh, ano?"

"Oo nga, bakla."

Muntik ko na makalimutan. Napangiti ako ng maalala ko ang tickets. Kinuha ko sa bag ang tickets at ipinakita sa dalawa na tuwang-tuwa naman.

"Wow, the best talaga si Kuya Von." Si Paulo. Binigyan ko sila ng tig-iisa.

"Sa wakas makakapagbakasyon din tayo kahit 2 days lang. I missed Manila!" Natutuwang sabat ni Je na hinalikan pa ang ticket niya.

"Me too, bakla. Ilalagay ko na muna 'to sa mahiwaga ko'ng bag kasi baka mawala pa."

"Ako din. He-he!" 

Kasalukuyan ako'ng nakangiti dahil sa reaksyon nito'ng dalawa nang bigla ako'ng matigilan. Nakarinig ako bigla ng bulong kaya napalinga-linga ako sa paligid. Napahi ang ngiti sa pisngi ko dahil bigla ako'ng kinabahan. Napatabon ako sa tenga ko nang marinig ko ulit ang bulong na ang pangalan ko ang binabanggit.

"Luna, okay ka lang?" Tanong ni Paulo. Napatingin ako kay Paulo at Jedda na bakas sa mukha ang pag-aalala sa akin.

"Huy, Luna, ano'ng nangyayari sa'yo?" Nakaramdam na talaga ako ng takot ngayon. 'Yong boses na naririnig ko parang nakakakilabot. Hindi ko maipaliwanag pero nararamdaman ko na hindi mabuting kaluluwa ang gumagawa ng bulong na iyon. Napalinga ulit ako sa paligid at hinanap siya.

Hindi kaya siya ang kaluluwang gustong magpahamak sa akin kahapon? Ang kaluluwang sinasabi ni Princess?

"Luna, 'wag mo naman kaming takutin ni Je." Naramdaman ko ang paghawak ni Je sa aking braso.

"Okay lang ako."

"Inom ka nga muna ng tubig." Kinuha ko ang tubig kay Jedda at uminom. Naupo na sila'ng dalawa pero nag-aalala pa rin.

"Ano'ng nangyari?" Si Paulo.

"Wala lang may narinig lang ako na tumatawag sa pangalan ko. Okay lang ako." Sagot ko matapos makainom.

"Kinabahan ako do'n bakla. Akala ko napapaano ka na eh." Kinalma ko na lang din ang sarili ko. Natakot ko yata silang dalawa pero kasi kahit ako natakot din.

"Hi!" Napatingin kami sa nagsalita.

"Arif." Tiningnan ko 'yong dalawa. Pilit silang napangiti kay Arif. Napatayo ako at hinarap siya.

"Arif."

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala."

"H-Hinahanap mo ako?"

"Yeah. Honestly, gusto kitang kumustahin kung okay ka na ba? Hindi na kita nakita kahapon kaya akala ko may hindi magandang nangyari na naman sa'yo." Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Mabuti naman pala at mukhang okay ka."

"Ahh! Okay lang ako, salamat."

"You're always welcome, Luna." Narinig ko ang pagtighim no'ng dalawa kaya napatingin kami sa kanila.

"Maupo kaya kayo'ng dalawa ang hirap tumingala sa inyo, ah." si Paulo. Naupo sa tabi ko si Arif samantalang tiningnan ko muna ang dalawa at sinenyasang mag-behave lang.

"Arif, bilang mga kaibigan ni Luna gusto lang naming malaman kung... kung ako ba ang intensyon mo sa kaniya?"

"Oo nga, korek!" Minulagatan ko si Je at si Paulo.

Ano ba'ng sinasabi niya? Nakakahiya kay Arif.

"Ano ba kayo'ng dalawa." Medyo natawa si Arif.

"Sorry Arif hindi nila alam na..."

"Don't worry, Luna, it's okay." Tiningnan niya ang dalawa.

"Gusto ko lang maging friend ni Luna hindi naman siguro masama 'yon, di ba?"

"Friend lang? Talaga?" Usisa ni Paulo. Iba ang awra ni Paulo ngayon.

"Paulo, ano ka ba naman nakakahiya kay Arif." Hindi nila ako pinansin.

"Friend? So, wala kang balak na liga-"

"Hep!" Pigil ko sa anumang sasabihin pa ni Je. Napatayo ako at sinukbit ang bag. Hinawakan ko sa braso si Arif at inilayo na do'n. Nilingon ko pa ang dalawa habang papalayo kami. Sinamaan ko sila ng tingin pero nag-peace sign lang naman si Paulo. Humanda kayo sa akin mamaya.

____________________________________________________________

Thank you so much everyone! Please, help me to discover this story by other readers, guys. Just SPREAD the story and don't forget to HIT VOTE. Mag-COMMENT na rin kayo below kung may gusto kayo'ng sabihin or i-suggest. Makakatulong 'yon para mag-improve ako as a writer.

Another thing is mag-FAN na kayo sa akin para mai-dedicate ko sa inyo ang isang chapter.

Salamat! Salamat! Enjoy reading! Just sit back and relax.

Support me, please! 💙💙💙

OTHER STORY:

> Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror ( https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing )