LUNA'S POV
Napatingin ako kay Arif na kasabay ko lang maglakad. Nandito kami sa may field.
"Pasensya ka na nga pala sa mga kaibigan ko, Arif." Napangiti siya.
"Okay lang 'yon." Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nahinto lang kami sa may ilalim ng narra malapit sa may court. Maraming nakatingin sa amin pero hindi ko na lang pinansin. Napatingin si Arif sa mga naglalaro. May isang lalaki kasing tumawag sa kaniya.
"Maupo ka muna dito, Luna." Inilapit niya sa akin 'yong isang bangko na nandito.
"Maglalaro ka?"
"Magpapapawis lang."
"Ah."
"Wala ka namang klase, di ba?"
"Wala pa naman."
"Pwede ba'ng samahan mo muna ako dito?"
"Huh?"
***************
Flashback
"Hindi mo ba sineryoso ang mga sinabi ko kagabi? You're my girlfriend now, Luna. At seryoso ako sa sinabi ko'ng nagsiselos ako kapag nakikita ko kayo'ng magkasama ng Arif na 'yon. Don't forget that you're already mine, Maria Luna Del Mundo!"
End of Flashback
*****************
Wala naman si Azine ngayon eh.
"Luna."
"Huh?"
"May problema ba?"
"W-Wala naman." Inabot niya sa akin ang bag niya.
"Pakihawak naman nito."
"S-Sige." Tinalikuran niya na ako at nagpunta sa mga naglalaro. Naupo na lang ako at pinanuoran sila. May ilan-ilan ding nanonood sa kanila.
Pinagmasdan ko si Arif. Ang galing niyang maglaro. Lahat ng tira niya shoot lahat. Hindi ko maalis ang paningin ko kay Arif. Ngayon alam ko na ang dahilan kaya sikat siya dito at maraming nagkakagusto sa kaniya sa campus. Sobrang gwapo niya lalo na ngayon na naglalaro siya ng basketball. Medyo messy ang buhok at pinagpapawisan.
"Gosh! Ano ba 'tong iniisip ko?" Naipilig ko ang aking ulo.
"Nakakahiya ka, Maria Luna. 'Wag ka na lang tumingin kay Arif, okay?" Nag-ring bigla ang phone na nasa loob ng bag ni Arif. Napatingin ako sa kaniya na naglalaro pa rin.
"Sino kaya ang tumatawag baka importante." Tiningnan ko ulit si Arif at saktong napatingin naman ito sa akin kaya isinenyas ko sa kaniya ang bag niya. Napatigil muna siya sa paglalaro at lumapit sa akin.
"Nagri-ring ang phone mo." Ibinigay ko sa kaniya ang bag. Kinuha ni Arif ang phone at tiningnan lang. Pagtingin ko sa cellphone niya may mom na nakalagay sa screen.
Ang mommy niya ang tumatawag pero bakit hindi niya sinasagot?
Pinatayan niya na lang ito saka muling ibinalik ang cellphone sa bag. Napatingin agad ako sa ibang direksyon nang tingnan niya ako.
"Matatapos na kami, Luna sandali na lang 'to." Tiningnan ko na siya at nginitian.
"Okay lang." Kinuha ko ulit sa kaniya ang bag. Bumalik na siya sa paglalaro maya-maya. Naupo ako at pinagmasdan ang bag ni Arif.
"Hindi ba sila okay ng parents niya?" Biglang nag-ring ulit ang cellphone ni Arif. Tiningnan ko siya na naglalaro na. Naupo ako at kinuha ang phone. Ang mommy niya ulit. Tiningnan ko lang ang screen pero hindi ko alam kung bakit bigla ko'ng sinagot ang tawag nito.
{ "Arif, anak, let's talk, okay? I'm sorry sa nangyari kagabi sana maintindihan mo ang daddy mo. He's just worried about you. Please, anak, umuwi ka mamaya dito sa bahay. Arif. Arif? Hello?" }
"Uhm... I'm sorry po tita pero hindi po ito si Arif. Busy pa ho siya eh pero sasabihin ko na lang po sa kaniya na tumawag kayo."
{ "Are you a friend of my son, ija?" }
"O-Opo."
{ "Ija, thanks for accompanying my son. Pwede ba ako'ng humingi ng favor sa'yo?" }
"Ano po 'yon?" Tiningnan ko si Arif na masayang naglalaro. Hindi ko alam na may mga pinoproblema rin pala siya. Kasi naman kung kumilos si Arif para siyang walang pinoproblema.
"Sige ho." Binabaan ko na ng tawag ang mommy niya. Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa cellphone nang may tumunog ulit. Message. Dahil hindi naman naka-lock ang phone kaya nabuksan ko ang message.
Hindi siya naglalagay ng password o accidentally niyang natanggal?
Pagtingin ko galing sa isang unknown number. Natigilan ako nang bubuksan ko na sana ang message.
Tama ba 'tong ginagawa ko? Pinapakialamanan ko ang privacy ni Arif. Pero hindi ko mapigilan ang kamay ko kaya nabuksan ko na rin ang message. Para kasing may nag-uutos sa akin na buksan ko ito. Nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang message.
[ "Lawrence, may pupuntahan tayo mamaya 'wag mo'ng kalimutan." ]
Ano'ng ibig sabihin nito? Bigla akong naguluhan. Sino'ng Lawrence? Tiningnan ko si Arif at mukhang matatapos na ang game nila. Agad-agad ko'ng binura ang message at ibinalik ang cellphone sa bag niya.
"Luna." Napatingin ako kay Arif na nasa harap ko na agad. Ang bilis niya naman? Napatingin siya sa bag gano'n din ako. Nasa loob pa ng bag ang kamay ko.
"A-Ahh... ano kasi tinitingnan ko lang kung may tubig ka'ng dala kasi mukhang pagod na pagod ka eh." Naiilang ako'ng napangiti. Nilagay ko kaagad sa may ilalim ang phone niya.
"Ah."
"Teka may dala yata ako." Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang mineral water na dala ko. Inabot ko sa kaniya.
"Hindi ko pa nabubuksan 'yan."
"Thanks, Luna." Kinuha niya sa akin at uminom. Napahinga ako ng maluwang.
Akala ko mahuhuli na ako.
"Are you okay?"
"O-Oo naman. Arif, una na muna ako, huh."
"Hey, Luna." Paalis na sana ako nang bigla ko'ng maalala ang sinabi ng mommy niya.
Flashback
{ "Ija, thanks for accompanying my son. Pwede ba ako'ng humingi ng favor sa'yo?" }
"Ano po 'yon?"
{ "Ija, pwede ba'ng samahan mo muna ang anak ko? Hindi lang maganda ang sitwasyon namin ngayon at nag-aalala ako na baka kung mapaano na naman si Arif. Mapapanatag ako kapag may kasama siya'ng kaibigan. Sana mapagbigyan mo ako, ija." }
End of Flashback
Napabalik ako ng tingin kay Arif na nakatingin sa akin. Nginitian ko siya.
"Lunch. Gusto mo ng mag-lunch?"
"Huh?" Lumapit ako sa kaniya at hinila na siya sa braso.
"Wait! Amoy pawis pa ako."
ARIF'S POV
Napatingin ako sa salamin matapos makapagpalit ng damit. Nasa campus pa rin naman kami. Natawa ako sa ikinilos ni Luna. Nasa labas siya nito'ng CR at naghihintay sa akin. Naisip ko'ng magpalit muna bago kami mag-lunch. Lumabas na ako pagkatapos. Nakita ko kaagad si Luna na nakatayo dito sa labas. Hindi muna ako lumapit dahil may kinakausap pa siya sa phone. Napatingin siya sa akin maya-maya at nginitian ako. Napalapit na rin ako kay Luna.
"Let's go?"
"Sa'n tayo?" tanong niya.
"Kahit saan okay lang sa'kin."
"Okay, sa food court tayo?" Tiningnan niya ako na parang inaasahan na hindi ako sasama doon.
"No problem." Ilang beses na rin ako'ng nakakain do'n.
"Talaga?"
"Oo nga." Hindi pa siya makapaniwala. Umalis na kami.
"Dito tayo." Hinila ako ni Luna. Pansin ko'ng napapatingin sila sa amin pero gaya ni Luna hindi ko na lang din pinansin. Doon kami naupo sa isang kubo na nasa bungad lang.
"Ano'ng gusto mo'ng kainin?"
"Hmm..." Maya-maya natawa si Luna.
"Ako na ang bahala. Halata namang hindi ka kumakain dito eh." Napapailing pa siya'ng umalis at nagpunta do'n sa may una para um-order. Napatawa na lang din ako.
"Ano'ng ginagawa ni Arif dito?"
"Malamang kakain."
"'Yon na nga eh kakain siya dito. Eh, di ba hindi naman 'yan kumakain dito? Ngayon ko nga lang 'yan nakita na dito kakain eh."
"Oo nga ngayon ko lang din siya nakita dito."
"Bilib na talaga ako kay Luna."
Narinig ko sa paligid. Marami pa'ng bulungan pero pinalampas ko na lang. Ang daming kumakain dito hanggang dulo. Mabuti na lang nagkataong wala kaming ka-share dito ngayon. Bumalik na si Luna na may dalang tray ng pagkain. Tutulungan ko sana siya pero inilayo niya agad sa akin ang tray.
"Maupo ka lang diyan, okay?" Natawa ako at napatango lang saka muling naupo.
Inilapag niya sa mesa ang mga pagkain. Good for two person na ang dala niya.
"Kukuha lang ako ng maiinom natin."
Pagbalik niya ulit dito may dala na siya'ng lemon juice para sa aming dalawa. Naupo na si Luna.
"It's my treat. Let's eat?" Napangiti lang ako at dinampot na ang kutsara't tinidor.
"Okay lang ba talaga sa'yo na kumain dito? Baka kasi napipilitan ka lang eh."
"Okay lang, Luna. Kumain ka na." Nagsimula na rin siyang kumain.
Pabalik na kami ng school. Napatingin ako kay Luna.
"Thanks sa lunch treat."
"Wala lang 'yon."
"Babalik na ba tayo sa school?"
"Hmm... Dadaan muna ako sa dorm kasi magpapalit ako ng gamit."
"Gusto mo samahan na kita?" Napatingin sa akin si Luna.
"Hindi na ako na lang baka may iba ka rin kasing gagawin."
"Wala pa naman. Sige na Luna okay lang. Para sabay na tayong papasok mamaya." Halatang nailang siya.
"Si-Sige."
"Saan ba ang dorm mo?"
"Sa St. Mariz lang."
"Malapit lang naman pala eh."
"Oo nga."
LUNA'S POV
Nasa bungad pa lang ng hagdan ay nakita agad ako ni Jedda. Nandito sila lahat sa labas at katatapos lang yatang kumain. Nilapitan niya ako agad.
"Nag-lunch ka kasama si Arif? Totoo ba?"
"Ahh..."
"Luna, sa food court mo talaga niyaya si-" Natigilan siya ng makita si Arif na sumulpot sa likod ko. "A-Arif! Hi!" Nag-wave pa siya dito.
"Hi, Jedda." Tiningnan ko si Arif.
"Tuloy ka." Nauna na siya sa amin.
"Ano'ng ginagawa ni Arif dito?" bulong niya.
"Sumama eh." Pumasok na din ako. Pagtingin ko sa kanila lahat mga nakatungaga kay Arif. Hindi yata makapaniwala na nandito si Arif.
"Maupo ka muna."
"Salamat."
"Okay ka lang ba dito? Medyo marami kasi kami dito eh."
"I don't mind, Luna. It's okay." Hinayaan ko na lang siya na maupo do'n. Hinila ako ni Je papalapit kay na Paulo.
"Bakit nandito si Papa Arif, bakla?" Hindi makapaniwalang tanong ni Paulo.
"Luna, si Arif naman talaga 'yon di ba?" Si Elay.
"Kayo na ni Arif?" Tanong ni Chendy.
"Hindi, 'no! 'Wag nga kayo'ng mag-over react. Friends lang kami." Tinalikuran ko na sila. Tiningnan ko si Arif na nakatingin din sa akin.
"Wait lang, huh." Napatango lang siya kaya umalis na ako at nagtuloy sa kwarto. Napahiga ako sa kama sa sobrang ilang. Feeling ko ako na naman ang laman ng balita. Ganoon ba talaga kasikat 'tong si Arif dito sa school?
Tinanggal ko muna ang bag sa likod ko. Tumayo ako at nilapitan ang bulaklak galing kay Azine.
I'm sorry, Azine.
"Siguro sobrang busy ng mga Grim Ripper ngayon. Hindi man lang siya nagpapakita sa'kin." Pinagmasdan ko lang sandali ang bulaklak at saka tumayo na. Kinuha ko 'yong mga notes ko sa drawer at pinaltan ang mga nasa bag. Isang subject lang naman ang kukuhanin ko ngayon.
Paglabas ko nakita ko silang lahat na nakapalibot kay Arif. Lumapit agad ako sa kanila.
"Luna." Napatayo na si Arif. Halatang naiilang na siya. Tiningnan ko sina Je.
"Mauna na kami sa inyo." Umalis na kami ni Arif.
Palayo pa lang kami sa may gate nang makasalubong namin sina Maxine at ang mga friends niya.
"Hi, Luna!"
"Max." Nailanga ako bigla lalo na sa tingin ng mga kaibigan ni Maxine.
"Pwede ko ba'ng mahiram si Arif sandali may sasabihin lang ako sa kaniya?"
"Oo naman. Sige, alis na ako." Natigilan ako sa paghakbang nang magsalita si Arif.
"Ihahatid na muna kita, Luna." Hinarap ko ulit sila.
"Hindi na kaya ko na. Salamat." Tuluyan na ako'ng umalis.
MAXINE'S POV
"Max, sunod ka na lang." Umalis na sina Joyce kaya kami na lang ni Arif ang naiwan. Mukhang masaya siya ngayon. Dahil kay Luna?
"Nag-lunch kayo together?"
"Yeah."
"Sa food court? Sa pagkakaalam ko hindi kumakain do'n si Arif na kilala ko." Napangiti siya. I know Arif the most. He hates to eat in a public food station.
"People change, Max."
"You're right pansin ko nga. Malaki na ang ipinagbago mo, Arif. Parang hindi na nga ikaw 'yong Arif Zamora na nakilala ko. Simula no'ng... simula no'ng ma-"
"Don't bring the past back again. May mga nangyari sa nakaraan na gusto ko ng kalimutan kaya sana 'wag mo ng banggitin pa ulit dahil natututo na ako'ng tanggapin kung ano ang meron ako ngayon." Umalis na siya kaya tinanaw ko na lang ang likod niya.
Ang dami na nga'ng nagbago pero hindi ko inaasahang pati ikaw, Arif. Sana hindi na lang nangyari 'yon. Ikaw pa rin sana 'yong Arif na nagmamahal sa akin. Hindi na kita makilala, Arif.
LUNA'S POV
Lumipas na ang buong maghapon pero wala pa ring lumilitaw na Azine. Buong maghapon ako'ng kinumpronta ng mga kaibigan ko dahil sa magkasama kami ni Arif kanina. Wala ako'ng magawa kundi ang sagutin isa-isa ang tanong nila. Kaya naman ngayon parang ang pagod ko sa kakapaliwanag.
Sa ngayon nandito kami sa study area sa labas at nanonood na naman ng movies sa laptop ni Chendy. Hindi naman ako makapag-focus.
Azineeee! Nasaan kaya siya?
"Luna." Si Paulo.
"Hmm?"
"Okay ka lang?"
"Medyo."
"Gaga! Pahinga ka na kaya sa kwarto."
"Ayoko sabay na tayo'ng matulog." Nahiga na muna ako sa bangko. Like what I've said before malapad to'ng bangko tapos pinagtatabi pa namin ang dalawang bangko kaya pwedeng higaan. May unan naman kasi ako'ng dala dito.
Ayoko na munang mag-isip ngayon. Pinikit ko na lang ang mata ko at sinubukang matulog.
"Luna." Bigla ako'ng nagising. Narinig ko kasi ang pagtawag sa pangalan ko. Napabangon ako nang mapansin ko na mag-isa na lang ako dito sa study area. Nakapatay pa ang ilaw.
Hindi man lang ako ginising ni Paulo?
Patayo na sana ako nang mapansin ko na hindi na pala ako nag-iisa dito. Napatingin ako likod ko at kung hindi ako nagkakamali ay si Azine 'yon. Nakatalikod kasi siya sa akin.
"Azine?" Nilapitan ko siya samantalang ito naman ay napaharap na sa akin. Napangiti ako sa kaniya.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin? Busy ka ba?" Hindi kaagad nagsalita si Azine. Walang reaksyon ang mukha niya kaya nangunot ang noo ko.
"May problema ka ba?"
"Luna, may kailangan ako'ng sabihin sa'yo." Kinabahan ako bigla.
"A-Ano 'yon?"
"Ito na ang huli nating pagkikita, Luna. Kailangan ko ng umakyat." Napatingin ako ng diretso sa kaniya.
"Huh? Bakit biglaan naman? Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Bakit aalis ka na agad?"
"Dahil alam ko'ng hindi mo na ako kailangan, Luna. Nakita ko kayo ni Arif na magkasama kanina at ramdam ko na mas masaya ka kapag kasama mo siya. Mas mapapasaya ka niya alam ko kaya masaya na rin ako'ng aalis." Napailing ako sa sinabi ni Azine.
"Hindi-Hindi totoo 'yan. Mas masaya ako kapag kasama kita, Azine. 'Wag ka munang umalis, please."
"Kailangan ko ng umalis. Paalam!" Naramdaman ko na lang na basa na pala ang pisngi ko. Medyo hindi na rin ako makahinga ng maayos.
"Azine! 'Wag mo 'kong iwan. Bumalik ka dito. Ikaw ang gusto ko. Azine!" Biglang nagliwanag sa harap ni Azine. Maya-maya unti-unti na lang siyang nagiging parang mga alitaptap na hinihigop ng liwanag paitaas.
"Azine!" Bigla ako'ng napabangon. Panaginip lang pala. Pawis na pawis ang buong mukha at katawan ko. Nahipo ko ang pisngi ko at may bahid ng luha.
"Azine." Nilibot ko ang buong paligid. Nasa kwarto na pala ako at katabi ko si Paulo na nahihimbing sa pagtulog. Napatayo ako mula sa kama at naupo sa may bangko sa harap ng bulaklak.
"Azine, gusto kitang makita ngayon. Nasa'n ka ba? Magpakita ka sa'kin. Azine. Azine. Azine. Azine..."
"Tigilan mo na nga ang kakatawag sa pangalan ko. Inaantok na ako ano ba'ng kailangan mo?" Napatayo ako at napatingin kay Azine. Maluwang akong napangiti. Agad ako'ng lumapit sa kaniya at niyakap siya.
"Azine. Sorry! I'm sorry!" Hindi ko siya binitawan at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kaniya.
"Ano'ng kasalanan mo?" Binitiwan ko muna siya sandali.
"K-Kasi sinuway kita. Sinamahan ko lang namang mag-lunch si Arif pero wala talagang ibig sabihin 'yon."
"Gusto mo ba si Arif?" Napailing agad ako.
"Hindi."
"Ikaw ang b-boyfriend ko, di ba?"
"Pero sinamahan mo pa rin si Arif mag-lunch kahit alam mo'ng nagsiselos ako."
"Naawa lang kasi ako sa kaniya. May problema kasi siya ngayon at kailangan niya ng makakausap."
"I understand. Simula ngayon kalimutan mo na 'yong sinabi ko na girlfriend kita."
"Galit ka ba? Sorry na, Azine."
"Luna." Tumalikod siya sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita.
"I'm sorry for being selfish. Unang-una dapat hindi ko sinabi na maging girlfriend kita. It's unfair to you. Pangalawa may girlfriend na ako kaya simula ngayon malaya ka na."
"A-Ano ba'ng sinasabi mo?" Napaiyak na naman ako.
"Nananaginip lang ako. Kailangan ko'ng gumising." Kinurot ko ang aking braso pero naramdaman ko ang sakit. Hindi ako nananaginip.
"Azine." Niyakap ko siya mula sa likuran niya.
"I'm sorry. I'm sorry, Azine." Tinanggal ni Azine ang braso ko na nakayakap sa kaniya at saka ako hinarap.
"Sasagutin mo si Arif kapag niligawan ka niya?" Napailing agad ako.
"Hindi. "
"Gusto mo ba talaga ako?"
"Oo. Pinapatawad mo na ba ako?"
"Hindi pa. Mangako ka muna sa'kin ngayon."
"Ano ba 'yon?"
"Mangako ka na kahit ano'ng mangyari ako lang ang nag-iisa mo'ng boyfriend. Hindi ka pwedeng maghanap ng iba, okay?"
"Promise. Pinapatawad mo na ba ako? Huh?" Napangiti si Azine sa akin. Nayakap ko na lang ulit siya.
"Akala ko iiwan mo na talaga ako."
"Hinding-hindi mangyari 'yon, Luna. Gagawa ako ng paraan para hindi ako mawala sa'yo."
"Pangako 'yan ah."
"Pangako. 'Wag ka na ngang umiyak."
"Kasalanan mo kasi eh."
"I'm sorry."
Tiningnan ko si Azine na nakaupo sa bangko sa tabi ng kama kama habang ako ay nakahiga na.
"Matulog ka na."
"Ayokong matulog kasi baka kapag natulog ako hindi na kita makita pa." Napangiti ng bahagya si Azine.
"Saan naman ako pupunta? Hindi pa nila ako pwedeng kunin kasi may misyon pa ako dito sa lupa. Sige na matulog ka na babantayan kita. Hindi ako aalis pangako ko sa'yo 'yan." Napatango na lang ako.
"Goodnight."
"Goodnight." Bago ako tuluyang makatulog naramdaman ko'ng hinalikan ako ni Azine sa noo.
Isa lang ang alam ko ngayon. I like this ghost. Sana hindi na dumating ang oras na iiwan niya ako kahit alam ko'ng dapat ko na 'yong paghandaan. Ayoko munang isipin 'yon dahil ang mahalaga ngayon masaya ako kapag kasama ko si Azine.
Sana hindi na lang siya kaluluwa. Sana buhay siya.
ARIF'S POV
Palabas ako ng kwarto nang mabungaran ko si Nico. Nilapitan niya ako kaagad. Madalas din siya dito sa bahay.
"Bro, bakit hindi kita ma-contact kanina?"
"Naka-off yata ang phone ko." Pumasok ulit ako sa loob ng kwarto kasunod si Nico.
"Teka... hindi mo ba na-receive 'yong text ko sa'yo?"
Nangunot ang noo ko. "Text?"
"Oo. Nag-text ako sa'yo kanina eh." Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang sinasabing text ni Nico.
"Wala naman ah." Pareho na kaming naguluhan.
"Imposible! Bro, tinext kita kanina. Teka lang." Kinuha niya ang cellphone at pinakita sa akin. May text nga siya sa akin pero bakit wala dito? Naalala ko na si Luna ang may hawak ng bag ko kanina. Imposible namang pakialaman niya?
Siya kaya?
____________________________________________________________
Thank you so much everyone! Please, help me to discover this story by other readers, guys. Just SPREAD the story and don't forget to HIT VOTE. Mag-COMMENT na rin kayo below kung may gusto kayo'ng sabihin or i-suggest. Makakatulong 'yon para mag-improve ako as a writer.
Another thing is mag-FAN na kayo sa akin para mai-dedicate ko sa inyo ang isang chapter.
Salamat! Salamat! Enjoy reading! Just sit back and relax.
Support me, please! ๐๐๐
OTHER STORY:
> Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror ( https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing )