Ayradel's Side
Dinaluhan ako nina Lea, Blesse, at Rocel, pagkatapos ng Biology.
Hindi ko na rin binalak na lingunin si Richard noong nagdismissal. Si Charles naman ay nakasunod lang sa likuran ko.
"Okay ka lang Ayra? Gan'on lang talaga yung prof na 'yon, wag kang pa-epek! Nakasagot ka naman kanina e!" ani Rocel, habang naglalakad kami papuntang student area.
"Tulungan ka na lang namin magreview." sagot naman ni Blesse.
Ngumiwi lang ako sa kanila.
"Omaygad! What if maggroup study tayo?!" Rocel.
"OMGEEEE go akooo! Tapos ako nang bahala sa inyo dahil kung hindi niyo tatanungin, top 10 ako n'ong highschool!" sabi pa ni Lea na tumigil sa paglalakad ah kumaway-kaway na parang Miss Universe.
Si Charles naman ay tatawa-tawa lang.
"Ha! Ang bobits mo naman bakla. Ako nga top fiiiiiiive!" singit naman ni Rocel. "Kaya niyo ba yon?!"
"Ay bakla totoo ba? Tarush mo naman!" Nagchin up si Rocel dahil sa sinabi ni Lea.
"Yabang niyo ah! Top ano lang ako e! Top Ali." ani Blesse.
"Wat?!"
"Ali top top hahahaha!"
Binanatan lang ni Lea si Blesse.
Tumawa-tawa lang ako hanggang sa makahanap kami ng pwestong mapagtatambayan. Nandoon na rin nakatambay ang ilan sa mga kaklase namin.
"Hello, mga freshies po ba kayo?" pagkalipas ng ilang minuto ay may mga grupo ng estudyanteng lumapit sa amin. May hawak silang mga papel.
"Ah yes po. Why po?" maagap na sagot ni Lea.
"Invite lang po sana namin kayo sa mga orgs dito sa university. Kami po ang representatives ng bawat orgs..." itinuro niya pa ang mga kasama niya sa likuran niya. "...tignan niyo po itong mga papel. Baka may gusto kayong salihan? May mga pre-registration na rin sa mga gaganaping contest sa darating na Entrep Week."
May mga estudyante na rin ang nagsilapitan sa pwesto namin dahil inimbitahan sila ng mga organizer na makinig kahit saglit lang. Para isang announcement na lang.
"Open po siya sa buong university?"
"Yes pero sa mga contest ay puro under ng business college muna ang makakalaban ninyo, bago ka o isasabak s buong University Contest."
Nauna sina Lea na i-browse 'yong mga papel. May mga org para sa sports like basketball/volleyball etc., may pang-theater, may pang-pagaents, may pang-banda, pang-journalist, etc.
"Ay bakla! Dito ako sa basketbaaaaaalllll~" abot hanggang dorm namin ang sigaw ni Lea sa sobrang lakas.
Nagtawanan lang ang ibang mga estudyante.
"Tignan mo naman ang mga kasali!" ani ni Lea bago ipinakita sa amin 'yong papel.
Unang-una na si Richard, nakasunod sa kanya si Charles, si Jayvee!!! at iba pang mga kalalakihan.
Napalingon ako kay Charles. "Bago pa magsimula ang klase registered na ako dyan." aniya.
"Papa Charles turuan mo na lang ako haaaa~" natawa na lang si Charles kay Lea.
"Ay sa Miss Entrep ako ayiiiiiiie!" kinikilig na sabi ni Blesse at dahil doon ay binatukan na naman siya ni Lea.
"May registration na for Miss Entrep?" may nagsalitang kaklase namin sa likod. "Sheena! Sumali ka!"
"Okay, okay!" maarteng sagot agad n'ong Sheena. "Pakiabot n'ong papel!"
Inabot nga n'ong organizer 'yong papel kay Sheena. Maganda nga ito, maputi, brown ang buhok at medyo wavy. Pero sa paraan is lang ng pananalita, halatang hindi maganda ang ugali. Naaalala ko tuloy sa kanya sina Jully.
Siya rin yung nangasar sa akin sa classroom noong hindi ko nakumpleto yung sagot ko sa Biology.
"Yey! Siguradong panalo ka na Sheen!" rinig ko pang sabi ng kaibigan ni Sheena na kaklase rin namin.
"Salamat po! Sino pa pong sasali?" pagpupursuade naman n'ong organizer. "Ikaw ate!!!"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang mapansin ako ng organizers.
"P-po?"
"Sali kang Miss Entrep!" aniya.
"Omaygad oo nga Ayra!!!" support naman sina Lea, Blesse, at Rocel.
Napangiwi ako sa kanilang lahat. Never pa akong nagkaexperience sumali diyan!
"Ayo—"
"Hay nako, hindi siya pwedeng sumali diyan." napalingon kami kay Sheena at sa kaibigan nitong nagsalita. "Ang kailangan diyan, beauty and BRAIN."
"Ang yabang mo naman magsalita! Anong top ka ba n'ong highschool ka ha?!" sagot pabalik nila Rocel. Kinabahan ako dahil feeling ko away 'to? Bakit ba ako lapitin ng mga kampon ni Jully?!?
Tumawa ng sarcastic 'yong kaibigan ni Sheena. Ganoon rin si Sheena.
"Yssa, pakisabi nga sa kanila." ani ni Sheena na parang tamad na tamad. Nagcross arms pa siya.
Ang mga organizers naman ay napanganga na lang rin.
"1st honorable mention lang naman siya dati." sagot n'ong kaibigan ni Sheena. "Eh si Ayra, ba ha?"
Tumingin silang lahat sa akin, pero imbis na sagutin ay hinarap ko na lang 'yong organizers.
"Let me in po sa Miss Entrep."
Nagpalakpakan sina Lea, Rocel, at Blesse. "Wooooo! That's my guuuurl!"
Hindi na namin muling nilingon pa ang mga masasamang tingin nila sa likuran namin. Iniregister ko na ang sarili kong pangalan, pagkatapos ay ibinigay na ulit ito sa organizers.
"Salamat, ate!" aniya. "Galingan mo po a! Sana ikaw ang manalo!" bulong pa nito na ako na lang ang nakarinig. Nginitian ko siya.
"Wow, so you are competing huh?" sambit ni Charles sa akin after makaalis n'ong organizers.
"Naipit lang sa sitwasyon." sagot ko.
Nilinga ko ang tatlo na busy sa pagchichismisan tungkol sa kung sino.
"You ready to wear two piece?"
Nanlaki ang mga mata ko samantalang mas lalo namang naging mapaglaro ang ngisi niya.
"May gan'on ba?!? Sa Miss Universe lang 'yon ah?!"
"Hmm. Meron rin naman sa Miss Universe-sity." tatawa-tawang tumayo na siya. "I'm excited to see you then! Pfft! Galingan mo Miss Rank 1!" bulong niya sa tainga ko mismo, bago tuluyang lumayas. "Bye! Meron pa kaming try out!"
"Teka. Paano mo—"
Kunot at mapula ang pisnging iniwan ako ni Charles. Lakas talaga ng tama n'on!
Pero mas malakas ang tama ko!
Waaaaaaaaaaaa!
Frustrated na napahilamos ako ng mukha. I'm dead, really. Ano namang rampa ang gagawin ko e, ang alam ko lang tumakbo tuwing Math Rathon?
Lumipas pa ang oras at uwian na.
It's 6:00 pm, naglalakad ako papunta sa El Pueblo nang mapagtanto kong naiwan ko pala yung susi ko. Aish!
Nagchat kaagad ako sa GC naming magru-room mates.
Ayradel: Sinong nasa dorm ngayon? Naiwan ko susi ko. Pauwi na ako.
Pero walang nagreply. Hays. Sana naman may tao na doon kahit si Niña.
Habang naglalakad ay pinakiramdaman ko ang paligid. Wala akong masiyadong kasabay at medyo walang tao papunta sa El Pueblo dahil private property ito.
Pakiramdam ko may sumusunod sa akin... at sa paglalakad ko. Medyo binilisan ko ang paglalakad at nakiramdam sa likuran ko. Medyo malapit na ako sa El Pueblo, pero malayo pa ako sa entrance mismo at sa security.
Naglakas loob akong lumingon sa likuran, at halos malaglag ang puso ko dahil natanaw kong naglalakad rin sa hindi kalayuan si Richard Lee!!!
Nanlalaki ang matang umiwas ako ng tingin. Parang biglang uminit ang paligid.
Nakarating ako kay kuyang Security na nasa front desk nitong El Pueblo para mag-log in. As in sobrang binilisan ko ang pagsusulat dahil sa kabang baka dito rin papunta si Richard Lee.
"Bye Kuya, salamat!!!" sabi ko saka dali-daling pumunta sa elevator. Pinindot-pindot ko ito ng maraming beses. Sobrang naiihi na ako sa kaba.
"Masisira 'yan."
"Aah!!!" napasigaw ako ng maikli dahil sa gulat. Sa likuran ko ay nakatayo na roon si Richard Lee, habang may dalang bagpack at supot ng kung ano.
Nasilaw ako sa marahan niyang pag-ngiti.
"S-sorry. Nagulat lang." sabi ko at doon naman nagbukas ang elevator.
Napapikit ako dahil langya... nananadya ba ang tadhana? Bakit walang tao dito?
No choice. Sumakay ako doon, at sumakay rin siya. Kaming dalawa lang.
Halos mabingi ako sa katahimikan.
Bakit ba siya nandito? Sinusundan niya ba ako? Bakit pa ba siya nagpakita sa akin?
Seriously, I don't know what to feel. Should I feel angry at him? Bakit parang bale wala na lang sa kanya 'yong nangyari sa amin dati? Bakit darating siya bigla ngayon na parang wala lang? Ano bang dapat kong i-react?
Wala lang rin?
Pero ayoko ring maging ganoong klaseng tao, yung bitter at may hinahawakang grudges.
I inhale, and it felt like forever na makarating sa 5th floor. Nang tumunog na ang indicator ay lumuwag na ang dibdib ko, lalo na noong makalabas ako ng elevator at tinatahak na ang daan patungong 5-B03.
Pero habang naglalakad ay narealize kong hindi ko naman pinindot yung 5th Floor. Pero paano ako naibaba ng elevator dito?
Lilingon sana ulit ako nang muli akong mapasigaw sa gulat!
Nalaman ko na lang na hawak na ako ng lalaking ito sa bewang habang nakatitig sa akin. Napatingin rin ako sa mata niya.
"B-bakit mo ba ako sinusundan!" angil ko pagkatapos ay ako na rin mismo ang bumitaw sa pagkakahawak niya.
"Hindi kita sinusundan." sagot niya.
Laglag ang pangang sinundan ko ang paglalakad niya hanggang sa pinakadulong room hindi kalayuan sa amin.
"Dito ang room ko."
Napapahiyang umiwas ako ng tingin.
Bakit sa dinami-rami ng room e dyan ka pa?! Bwisit. Hanggang ngayon ang galing mo pa ring mang-asar!
Tumango-tango ako at ipinakitang hindi ako nabigla.
"Ahh." nagdoorbell na ako samantalang ginagamit naman na niya ang susi niya.
Napapikit na naman ako sa inis dahil wala akong susi!
Napalingon ako kay Richard Lee na nakasandal na ngayon sa pintuan niya at diretsong nakatingin sa akin, habang naka-cross arms. Pakiramdam ko sobrang init ng kapaligiran!
Hindi ko siya pinansin pero nagpapatuloy lang siya sa malayang pagtitig niya.
"Bakit hindi ka pa pumasok?" aniya.
E ano bang paki mo? Sasabihin ko sana kaso baka magmukha akong bitter kaya nginitian ko na lang siya.
"Wala akong susi e," sagot ko. "P-pero may ka-room-mate ako sa loob k-kaya... haha!" nagdoorbell ulit ako.
Please naman besty Ella Niña!!!! Pagbuksan niyo na ako!!!
Ilang sandali na ang nakalipas pero hindi pa rin ako pinagbubuksan. Si Richard Lee ay nananatili pa ring nakamasid sa akin habang nakasandal sa pintuan niya.
Awkward silence.
"So close pala kayo ni Charles?"
Napalingon ako sa kanya na bahagyang laglag ang panga. May kung anong tumalbog sa puso ko na hindi ko maintindihan.
Pero agad kong inalis sa isip ko iyon.
"Oo... Medyo."
Tumango siya.
"Kailan pa?"
"N'ong pasukan lang."
"How was he?"
Muling nalaglag ang panga ko sa tanong niya.
"He's good."
Tinitigan niya muli ako. Nainis naman kaya kaya kahit mahirap ay sinalubong ko ang titig niya.
Siya na rin mismo ang kumurap.
"Then, good for you." aniya.
Pagkatapos n'on ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan namin. Bumungad si Niña na bagong ligo at may tuwalya.
"Sorry Ayra! Nasa banyo ako kanina. Inalis ko lang yung sabon sa mukha ko."
Hindi ko ito naintindi, at napalingon ako sa pagsara ng dulong pinto. Pumasok na rin siya sa kwarto niya.
"Huy! Ayra!" lumabas si Niña para tignan yung tinitignan ko. "Sino tinitignan mo?"
"A-ah wala..." sagot ko. Saka pumasok na sa loob ng kwarto.