webnovel

Chapter: 66

Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.

Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito.

"hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.

Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian.

"sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor.

"wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa.

"anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo gagamutin ko yan.. May dala ka bang mga medicine kit?" saad ni eloisa sa lalake.

Tumango naman si adrian at iginiya nito si eloisa patungo sa kanyang kuwarto. Nang makarating ang dalawa sa kuwarto ni adrian ay agad na kinuha ni eloisa ang medicine kit ni adrian at tsaka pinahiran ng gamot ang parte ng mukha ng binata na may sugat.

Habang pinapahirapan ng gamot ni eloisa ang mukha ni adrian ay doon niya lang natitigan ng husto ang binata. Napansin niyang attractive din ito. Matangos ang ilong nito at dahil na rin sa maputi ang binata kung kaya mapu-pula ang mga labi nito. Maganda rin ang mata nitong kulay bughaw. Mas matangkad lang dito ng kaunti si jordan. Napukaw ang pagtitig ni eloisa sa mukha ni adrian ng marinig niya itong umubo.

"ahammm... Loisa, baka matunaw naman ako niyan!.." pagkasabi niyon ng binata ay tumawa ito.

Hinampas ni eloisa sa braso ang binata tsaka tumawa. Napuno ng tawanan nila ang kuwarto ni adrian. Biglang tumigil sa pag tawa si eloisa at nag salita.

"hindi nga Adrian.. Seriously sino ang may gawa sayo niyan?! Malamang inggit lang yun sa ka-guwapohan mo!.."

"talaga?! Inggit kaya yun sa akin? Paano kung sabihin ko sayong si jordan ang may gawa nito..." agad na saad ng binata.

"eh siraulo pala talaga yun eh! Bakit ka naman daw niya ginanyan?!" tanong ni eloisa sa binata. Tapos na niyang pahiran ng gamot ang sugat ng binata. Ngunit nakatitig parin siya sa mukha nito.

"gusto niyang layuan kita.." tugon ni adrian.

"talaga sinabi niyan yun?! Ang kapal talaga ng mukha nun! Eh ano namang sinabi mo sa kanya?.. Iiwasan mo na ba ako gaya ng ginawa mo kanina?.." saad ni eloisa kay adrian.

Mas lalong nadag dagan ang inis ni eloisa kay jordan. Hindi niya akalaing kayang manakit ni jordan ng taong wala namang ginagawang masama sa kanya.

"siyempre hindi na ako pumayag.. Ngayon pang may kasama naman siyang babae bakit pa niya ipagpipilitan ang sarili niya sayo.." tugon naman ni adrian habang nakatingin din kay eloisa.

"bakit gusto mo din bang layuan kita?.." Tanong naman ni adrian kay eloisa.

Hindi sinagot ni eloisa ang tanong ni adrian sa halip ay iba ang sinabi nito.

"bakit siya lang ba ang may karapatang magkaroon ng love life..."

"love life?! Ibig sabihin loisa gusto mong ituloy ko ang panliligaw ko sayo?.." muli pang tanong ng binata.

Tumango ng marahan si eloisa sa binata. Napangiti ng malapad si adrian sa naging tugon ni eloisa.

"kung ganun pwede ba kitang i-date mamayang gabi loisa?.." tanong ni adrian kay eloisa at hinawakan nito ang dalawang kamay ni eloisa.

"sure.." sagot naman ni eloisa sa binata ng may tipid na ngiti sa labi.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni adrian sa labi. Tuwang tuwa siya dahil naka kita siya ng pag asa kay eloisa.

" tamang - tama may bandang magpe-perform mamaya!.. susundoin kita mamayang 9pm ng gabi... Okay lang ba sayo?"

Muli pang Saad ni adrian kay eloisa. Muling tumango si eloisa dito. Ilang minuto pa silang nag kwentohan ng magpaalam si eloisa na babalik na ng kanilang kuwarto. Nagtext kasi sa kanya si rose na nagising na daw si baby Lucas at hinahanap siya nito. Muli namang hinatid ni adrian si eloisa sa kuwarto nito.

KINAGABIHAN ganap na alas otso palang ng gabi ay naligo na at nagbihis na si eloisa upang maghanda sa magiging date nila ni adrian.

Katatapos niya lang magpa tuyo ng buhok at isinusuot niya na ang ka bibili niya lang na bestida. Lagpas tuhod ang suot niyang kulay pink na bestida. ngunit hapit na hapit ito sa kanyang katawan. Kaya hubog na hubog ang maliit niya pa ring bewang. May design ito na mga bulaklak at backless ang likurang bahagi nito. Habang nagpapa tulong siya kay rose na mag buhol ng tali sa likod ng kanyang batok ay narinig niya itong nag salita.

"ma'am loisa, ang ganda niyo po talaga! Kaya maraming napapa tingin sa inyo kahit saan tayo mag punta. Napag kakamalan nila kayong dalaga. Ang sexy niyo parin kasi.." puri sa kanya ni rose.

"naku, thank you rose.. Dapat sexy parin tayo kahit may mga anak na tayo.. Huwag parin nating kalimutang alagaan ang mga sarili natin.." tugon ni eloisa kay rose ng may ngiti sa labi.

Maganda parin kasi ang hubog ng katawan ni eloisa dahil mga ilang buwan lang pagka panganak niya kay lucas ay naisipan niyang mag yoga. Pilit niyang inabala ang sarili niya noon para maiwasang isipin si jordan. Sumasali din siya noon sa pagzu-Zumba kasama ng mga naging kaibigan niyang bakla. Mas gumanda pa nga ang hubog ng katawan niya ngayon dahil nawala ang dati niyang baby fats noong dalaga pa siya. Habang nadadagdagan din ang edad ni eloisa ay mas gumaganda pa ito dahil na rin sa may pera na siyang pambili ng mga pang pahid sa mukha. Hindi gaya dati noong nasa Quezon palang siya at wala pa siyang malaking kinikita noon.

Matapos niyang ayusin ang suot niyang bestida ay nag pahid lang siya ng pulang Lipstick sa labi at nag spray ng perfume. Hinayaan niya lang naka lugay ang lagpas balikat niyang buhok. Nilagyan niya lang ito ng isang clip sa isang side ng kanyang buhok. Binagayan niya ito ng flat sandals.

Maya maya ay may narinig na silang kumakatok sa pintuan. Muli niyang pinasa dahan ng tingin ang kanyang sarili sa harap ng malaki at mahabang salamin na nasa gilid lang ng kanilang kama. Napangiti siya sa nakitang imahe sa salamin. Narinig niyang muling kumatok ang taong nasa labas ng pintuan. Nag paalam na siya kay rose na aalis na. Hinalikan niya lang sa pisngi ang kanyang anak na si lucas na noo'y natutulog na.

Bit-bit ang kanyang hand bag na maliit ay naglakad na siya upang tunguhin ang pintuan. Nang buksan niya ito ay nakita niya kaagad si adrian na nakatayo sa harapan ng pintuan may hawak itong bouquet ng flowers at malapad ang ngiti nito sa labi. Nakasuot ang binata ng floral na polo. Nakabukas ang mga butones nito at naka panloob ito ng puting sando. Naka short naman ito ng kulay khaki at naka Slipper lang ito.

Nang maisara niya ang pinto ay Kaagad na ibinigay ng binata sa kanya ang dala nitong bulaklak. Nang makuha niya ang bulaklak na bigay nito ay hinawakan siya ni adrian sa braso upang igiya sa lugar na pupuntahan nila.

Hindi pa nila lubos na nararating ang lugar na sinasabi ni adrian ay naririnig niya na ang mga bandang kumakanta. Naririnig niya na rin ang sigawan at tawanan ng mga taong naroroon.

Nang tuluyan na nilang marating ni adrian ang lugar ay hinawakan siya nito sa kamay at hinila papunta sa isang table na pandalawahan. Malapit lang ito sa may stage kung saan kitang kita nila ng malapitan ang bandang nagpe-perfom.

Ipinaghila siya kaagad ni adrian ng upuan at pinaupo. Kaagad ding may lumapit sa kanilang waiter at tinanong ang kanilang order. Si adrian na ang nag order ng kanilang iinumin. Inorderan niya lang si eloisa ng wine dahil alam niya namang hindi talaga umiinom ito. Sinamahan niya narin ng ilang makakain. May mga barbecue siyang inorder at karamihan ay mga seafoods.

Habang hinihintay nila ang order ay nakatanaw si eloisa sa bandang kasalukuyang kumakanta sa stage. Kabisado niya ang lyrics kaya napapasabay siya sa pagkanta dito.

Habang kumakanta ay narinig niyang nag salita si adrian.

"salamat talaga loisa at pumayag kang makipag date sa akin ngayon.."

"wala yun.. Kailangan ko rin namang mag enjoy diba.. Ang saya nga dito adrian! Ngayon lang kaya ako ulit naka punta sa ganitong lugar!.. Maganda nga rin at nandito ka at least may kasama akong mag gala ng gabi.." saad ni eloisa sa binatang doktor.

Maya maya pa ay dumating na ang kanilang order. Agad siyang nilagyan ni adrian ng wine sa baso. Si adrian naman ay hard ang iinumin nito. Bago uminom ng wine ay tinikman muna ni eloisa ang mga pagkaing nakalapag. Natakam kasi siya sa bango ng mga amoy nito. Tsaka lang siya lumagok ng wine ng medyo napapa rami na ang subo niya ng pulutan. Panay kwento naman si adrian habang umiinom ng alak.

Nagtawanan pa sila ng mag kwento si adrian ng nakakatawa. Habang nagkukwentohan ay hindi namalayan ni eloisa na napaparami na pala ang kanyang naiinom.

Ilang kanta pa ng banda ang lumipas. Nang mapagod ang mga itong kumanta ay nanahimik na ang stage. Maya-maya ay nagpa Music ng sweet dance. Agad siyang niyaya ni adrian na sumayaw. Agad din namang nagpa unlak si eloisa. Hawak ni adrian ang kanyang kamay habang iginigiya siya sa dance floor.

Nang marating nila ang dance floor ay Humawak si adrian sa kanyang bewang at ini angat naman ni eloisa ang dalawa niyang kamay paikot sa batok ni adrian. Habang sumasayaw ng sweet dance ay may biglang bumunggo sa kanyang puwetan. Nang lingunin niya kung sino ay bahagya pa siyang nagulat. Si jordan ang lalaking naka bunggo sa kanyang puwetan.

Sumasayaw din ito kasama ang babaeng si roxanne na halos kita na ang panty sa iksi ng suot nitong bestida.

Si jordan naman ay naka polo din ito ng floral at naka bukas ang mga butones. Wala itong suot na sando kaya't kitang kita ang katawan nitong puno ng muscles. Naka short lang din ito ng lagpas tuhod at Slipper.