webnovel

Chapter: 67

Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.

Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.

Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.

Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili.

" may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian.

" ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw.

" gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian.

" ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa tayo.." tugon ni eloisa kay adrian.

Matapos niyang sabihin iyon sa binata ay mas lalo niyang inilapit ang kanyang sarili sa katawan ni adrian at mas ipinulupot niya pa ang kanyang mga braso sa batok ng doktor.

Napangiti naman si adrian sa ginawa ni eloisa. Halos magka dikit na ang kanilang pisngi.

" alam ko ang ginagawa mo.. Inaasar mo si jordan.." bulong ni adrian kay eloisa.

"oo Bwesit siya! Paninindigan ko ngayon ang sinabi niyang nakikipag landian ako.." bulong din ni eloisa sa binata.

"sige babe.. Hayaan mo akong tulungan kang asarin siya.." tugon naman ni adrian sa sinabi sa kanya ni eloisa.

Mas lalo pang hinigpitan din ni adrian ang pag hapit niya sa bewang ni eloisa. Kaya halos magkayakap na sila kung titingnan. Nang sipatin ni eloisa si jordan ay nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito at matalim ang pagkakatitig nito sa kanila habang sumasayaw.

Nang nagpalit na ng music ay Nakita niya ring nagyaya ng umupo ang babaeng kasayaw ni jordan na si roxanne. Ngunit sila ni adrian ay nanatili pa ring sumasayaw. Sweet dance parin naman kasi ang pumalit na music. Habang sumasayaw sila ni adrian ay nagkukwentohan sila kaya hindi nila napansin na sila nalang pala ang sumasayaw sa gitna.

Halos sa kanilang dalawa nakatingin ang lahat ng taong naroroon. Nang mapansin nilang sila nalang ang sumasayaw ay tsaka na sila nag pasya na umupo na.

Matapos ang sweet dance ay wala nang ibang music silang narinig. Hindi na rin kumanta ang mga bandang inabutan nila kanina. Habang umiinom si eloisa ng wine sa basong hawak niya ay nakita niya kung saan naka upo sina jordan at ang kasama nitong si roxanne. Sa may bandang likuran lang pala ito ni adrian nakaupo. Marahil ay  nauna silang dumating ni adrian kanina kaya hindi nila agad napansin ang mga ito.

Mas lalong nakaramdam nanaman ng inis si eloisa ng makita niya ang babaeng si roxanne na tumayo at umupo ito sa kandungan ni jordan. Mula sa kanyang kinauupoan ay kita na niya ang panty ng babae at halos lumuwa na ang dib-dib nito sa baba ng damit na suot nito.

Bumuga ng hangin si eloisa mula sa kanyang bibig upang alisin ang inis na kanyang nararamdaman. Hindi niya kasi mawari ang kanyang nararamdaman kung nag seselos ba siya sa nakikitang ka sweetan ng dalawa o naiinis lang siya kay jordan na masama parin ang tingin sa kanila ni adrian.

Tumayo si eloisa. Nagulat si adrian sa ginawa niyang pag tayo.

"where are you going babe?" Tanong ni adrian sa kanya.

Inilapit ni eloisa sa tenga ni adrian ang kanyang labi at tsaka bumulong dito.

"kakanta ako.. Ang boring eh. Pampa wala lang ng inis..." bulong niya kay adrian.

Natawa naman si adrian sa sinabi ni eloisa. Tumayo din ito at inalalayang umakyat si eloisa papunta ng stage. Nang maka akyat si eloisa ng stage ay kinausap niya muna ang naka asign na musikero at nag sabi dito kung ano ang kanyang mga kakantahin. Nang maka upo na sa upuang nasa gitna ng stage si eloisa ay tsaka bumaba si adrian upang bumalik sa kanilang table.

Nag simula na ang music ng pagka upo palang ni eloisa sa upuan ng entablado. Nakita niyang nakatingin sa kanya ng walang kakurap kurap si jordan at ganoon din si adrian.

"good evening everyone! This song is for all of us! I hope you all like it!"  saad ni eloisa at tumayo ito bago nag simulang kumanta.

" Como puede ser verdad..

Last night i dreamt of san pedro, just like I've never gone, i knew the song.. young girl with eyes like the desert.. It all seems like yesterday, not far away.. Tropical the island breeze.. All of nature wild and free.. This is where i long to be.. Las isla bonita... And when the samba played.. The sun would set so high.. Ring through my ears and sting my eyes, your Spanish lullaby...

Kinanta ni eloisa ang kantang La Isla Bonita ni madonna. Halos ang lahat ng taong naroon ay nag sayawan. Maging si adrian ay nakita niya ring tumayo ito at bahagyang sumayaw.

Ngunit nagbubukod tanging nakaupo lamang si jordan at ang babae nitong si roxanne na nakatingin lamang sa kanya sa stage.

Matapos kumanta ni eloisa ay nagpalak pakan ang lahat ng taong nakatayo. May mga sumisigaw pa ng more. Napangiti naman si eloisa sa narinig. Muli siyang kumanta at ang sunod niyang kinanta ay ang kanta ni Celine dion na the power of love. Kabisado niya rin kasing kantahin ito dahil madalas itong kinakanta ng kanyang nanay sonya.

Nang matapos ulit sa pagkanta si eloisa ay may mga lumapit pa sa kanya upang mag request. Pinag bigyan niya naman ang iba yung alam niya lang kantahin. Gaya ng Di lang ikaw ni juris at  ikaw at ako by moira dela Torre.

Matapos niyang kantahin ang lahat ng iyon ay marami pang nag tangkang mag request kay eloisa ngunit tumanggi na ito katwiran niya ay pagod na siya. Nang akma na siyang bababa ng stage ay mabilis na tumayo si adrian at inalalayan siya nito.

Pagkababa ni eloisa ng stage ay saka pa lang muling kumanta ang bandang naabutan nila kanina. Marahil ay tapos na ang mga itong magpa hinga.

Nang makabalik si eloisa sa table nila ni adrian ay muli siyang uminom ng alak sa kanyang baso. Naka ilang inom pa siya ng maramdaman niyang nahihilo na siya. Nang tingnan niya si adrian ay napansin niyang namumula na rin ang mukha ng binata. Nag pasya na si eloisa na yayaing umuwi na ang binata. Agad naman itong tumango sa kanya ng sabihan niya ito na inaantok na siya.

Kamuntik pa siyang matumba ng bigla siyang tumayo. Mabuti nalang at mabilis siyang nasalo ni adrian. Ipinulupot ni adrian ang kamay nito sa bewang ni eloisa at nilagay nito ang kamay ng babae sa kanyang batok upang doon kumuha ng lakas si eloisa sa pagtayo.

"are you okay? Kaya mo pa ba or gusto mo buhatin na kita?.." Tanong ni adrian kay eloisa sa pabulong na paraan.

"hindi kaya ko pa.. Alalayan mo nalang ako.." bulong din ni eloisa kay adrian.

Habang naglalakad sina eloisa at adrian pabalik ng hotel ay mas lalong nakaramdam si eloisa ng hilo. Marahil sa lakas ng hangin na tumatama sa kanyang mukha. Nang malapit na sila sa kuwarto nina eloisa ay pa Pikit Pikit na ang mata nito. Naramdaman niya nalang na may bumuhat sa kanya.

Kasunod niyon ay naramdaman niya nalang na inilapag siya sa malambot na kama. Pinipilit niyang idilat ang kanyang mga mata ngunit malabo ang kanyang paningin dahil bukod sa nahihilo siya ay dim light ang ilaw ng kuwarto. pinilit niya ring mag salita.

"Adrian.. Salamat.. Sige iwan mo na ako dito..." halos pabulong na salita ni eloisa. Hindi niya na alam kung narinig ba siya ni adrian dahil muli niya ng ipinikit ang kanyang mga mata.

Kahit nakapikit ang mata ni eloisa ay pinipilit niya paring huwag tuloyang makatulog. Inaantay niyang umalis si adrian. Habang nakapikit ay pumapasok din sa kanyang isipan ang mukha ni jordan. Hindi niya maamin sa kanyang sarili na nakakaramdam siya ng pangungulila dito.

Ilang sandali pang nakapikit si eloisa ay naramdaman niyang may tumabi sa kanya at hinahaplos ang kanyang mukha. Pinilit niya ulit idilat ang kanyang mga mata. Ngunit sa pagdilat ng kanyang mga mata ay mukha ni jordan ang kanyang nakita. Ngumiti daw ito sa kanya at kasunod niyon ay hinalikan siya nito. Iniwas niya ang kanyang labi sa lalaking humahalik sa kanya.

"no adrian stop it please... Oo guwapo ka pero.. Hindi pa ako handa ulit... S-si jo—" hindi pa natatapos si eloisa sa kanyang sasabihin ng bigla siyang halikan ng lalaking katabi niya. Nang pakawalan nito ang labi niya ay halos maubusan na siya ng hangin.

Ilang sandali pang nanahimik ang lalaking katabi niya. Muli nitong hinimas ang kanyang mukha. Naalala nanaman niya si jordan. Nang mga sandaling iyon ay tsaka lang napagtanto ni eloisa na Mahal niya parin ang lalake, kahit na ilang taon niyang hindi nakita ito. Biglang tumulo ang kanyang mga luha sa mata habang nakapikit. Naramdaman niya nalang na pinupunasan ito ng lalaking katabi niya.