webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
129 Chs

Gising!

" Yen!!! Gising!! " kasunod ng mahihinang tapik sa kanyang hita, ay napamulat si Yen. Pupungas pungas siya nang makitang nakabihis na si Cath.

" Huh? Anong oras na?! " bulalas niyang tanong.

" Alas kwatro na. Bumangon ka na at baka maiwan ka ng service niyo. Aalis na ako. " pagpapa alam ni Cath.

Mas matanda sa kanya si Cathy. Tahimik ito at may sariling mundo. Bukod kay Yen ay wala na itong kinakausap na iba. Lagi itong nakasimangot at parang ang lalim ng iniisip. Minsan nakatitig lang ito sa kawalan.

Trabaho, Kain, Tulog lang ang routine nito. Wala itong binabati na kahit sino maliban kay Yen. Masungit ito at parang nagmemenopause. Unang salta ni Yen sa lugar na iyon ay napansin agad niya ang pagiging malayo nito sa karamihan.

Curious siya. Gayunpaman kahit anong bati ni Yen kay Cath, ay wala itong reaksyon ni kahit tumingin ay hindi nito ginagawa. Tuwinang magkakasabay sabay sila sa kwarto ay nagtatalukbong ito ng kumot. At kahit anong ingay ng mga kasama ni Yen ay hindi ito natitinag.

Minsan maagang umuwi si Yen galing sa trabaho. Naabutan niyang mag isa si Cathy sa kwarto. Dalawang araw na niya napapansin na parang may sakit ito. Nakatalukbong ito ng kumot at pagkunway uubo.

Hindi nag atubili lumapit si Yen dito. Sinalat nito ang noo at napakainit nito. Inaapoy siya ng lagnat. Dali dali ay kumuha si Yen ng suka. Inilagay niya ito sa maliit na kaserola dahil yon lang naman ang nakita niya na pwede paglagyan doon.

Nilagyan niya ng tubig at konting suka ang kaserola at gamit ang maliit na face towel ay pinanusan niya si Cathy para humupa ang lagnat. Hindi naman kumibo ang huli. At hinayaan lamang siya nito. Marahil ay talagang masama ang pakiramdam ni Cath.

Nang humupa ang lagnat ni Cath ay lumabas muli si Yen para humanap ng makakain. Nakahanap siya ng lugaw. Pinalagyan ito ng itlog. Bumili na din siya ng gamot para pagkakain ni Cath ay makainom ito ng gamot.

Ayaw pa sana kumain ni Cathy. Pero marahil ay nahiya na ito kay Yen. Kahit mabigat ang katawan ay pinilit niya bumangon. At inubos ang biniling pagkain ni Yen. Ang totoo ay kagabi pa siya di kumakain. Mapait ang kanyang panlasa. Pero pagkatapos siya nito punasan ay nakaramdam siya ng gutom. Hindi naman siya makalabas para bumili ng makakain. Mabuti nalang at mabait ito. At minsan ay nakukulitan siya dito. Ininom na din nito ang biniling gamot. Itinabi niya lamang ang kanyang pinagkainan at muli siyang humiga.

Kinabukasan ay umigi ang pakiramdam ni Cath. Simula noon ay naging malapit na siya kay Yen. Kahit naman sa umpisa ay Yen lang ang nakasama niya doon na komportable siya. Mabait ito. At hindi mahirap makagaanan ng loob. Kahit nga si Madam Lucille ay malapit dito. At malawak ang pang unawa nito. Hindi ito tsismosa at pag may napupuna ay derechahan ito kung magsalita. Katulad na lang nong minsan na binati siya nito.

" Sungit mo! Daeg mo pa oldmaid. Kala mo naman pasan mo na daigdig. " di niya ito pinansin. wala naman itong alam.

" Huy! tulala ka nanaman! baka mahipan ka ng hangin diyan. Tumayo ka na at kumain na tayo. "

Sa dami ng nakasama niya kwartong iyon, papalit palit. Paiba-iba. Si Yen lang ang kakaiba. Siya lang yung naglakas loob na magsalita sa kanya. Si Yen lang din ang bukod tanging inaaya siya kumain. Yung naglalakas loob na gisingin siya pag kakain na ito. Pinagagalitan siya nito tuwing nagpapalipas siya ng gutom. O kung minsan ay napalalim ang tulog niya maari na siyang malate sa trabaho, ay ginigising siya nito. Si Yen lang yung nakakapansin na may mabigat siyang dalahin. Pero hindi ito nangungulit na magkwento siya. Hindi ito nag uusisa.. Pero yung concern nito sa kanya at yung simpatya nito ay nakakataba ng puso. Hindi lang naman sa kanya ganon si Yen. Ganoon ito kahit kanino. Kaya hindi nakakapagtaka na mahal ito ng mga kasama niya.

Alas kwatro na kaya kailangan niya na magmadali. Pero napansin niya na tulog na tulog pa din si Yen kaya bago siya umalis ay dahan dahan niya itong tinapik. Paulit-ulit na ang tunog ng alarm clock nito pero hindi pa rin ito nagigising kaya dahan dahan niya itong tinapik. Nangingiti nanaman siya pag naalala niya yung minsan na hindi siya nag abala na gisingin ito.

" Cath! anong oras ka umalis? " tanong nito.

" 4:30 na. " Lumabi ito at inirapan siya.

"Hindi mo man lang ako kinalabit. Naiwan tuloy ako ng service. Kainis. "

" Hindi ko alam sorry" ani Cath.

Di niya alam pero di naman siya nainis sa pagkunwang pagmamaktol nito. Normal lang din naman iyon dahil si Yen naman ay ginigising siya nito kapag siya ang nasa ganoong scenario.. Kahit na wala naman siyang sinasabi dito.

Nakahinga nang maluwag si Yen nung nalaman niya na 4:00 am palang pala. Ibig sabihin ay may isang oras pa siya para gumayak. Salamat kay Cath. Madali siyang bumangon at nagligpit ng higaan. Bumaba sa kusina ni Madam Lucille para mag init ng tubig. Kailangan niya ng kape. Pampa-gising.

Ilang sandali pa ay naligo at gumayak na din Yen para pumasok sa trabaho. Hindi siya nag aalmusal. Dahil 9:00 am naman ang kanyang break time.

Electronics Engineering. Konti nalang. Malapit na siyang makarating sa dulo. Malapit nang magbunga ang kanyang pinaghirapan. Malapit na niyang makamit ang kanyang diploma na magiging sandata niya sa laban ng tunay na buhay. Pagkatapos nito, Hindi niya pa alam kung anu ang kapalaran na sa kanya ay naghihintay.

Hindi naman siya bobo pero bakit siya naloko? Muli nanamang sumagi sa isip niya ang kanyang katangahan. Siguro ay mahabang panahon pa ang gugugulin niya para tuluyan niya mapatawad ang kanyang sarili at makalimutan ang ginawang pagkakamali.

Maliit na bagay lamang iyon. Kung tutuusin, wala namang nawala sa kanya. Kahit ang dignidad niya buo at walang lamat. Ano ba ang ginawa niyang masama? Umasa lang naman siya. Yon lang. Apat na taon siya umasa. Ang tanga niya. Hinayaan niya na gawin siyang tanga ni Darna. Darna nga kaya yon?...

" Naku Yen!! Gising na!! GUMISING KA NA! GIIISSSSING!!! GIIISSING!!! " sabi ni Yen sa sarili. Ginusot gusot nito ang kanyang pisngi. Yung mga ganoong klaseng tao ay hindi na dapat iniisip. Nagkibit balikat nalang si Yen. Lunes na ulit. Panibagong araw nanaman. Balik nanaman sa reyalidad.

Paglabas niya ng bahay ay saktong pagdaan din ni Sam. Uy, Yen, bilisan mo maiiwan tayo. Walang imik na lamang siyang sumunod sa paglakad. Madalas si Sam ang kasabay niya pumasok. Magkapareho sila ni Sam ng company. Pero magkaiba sila ng department. Nasa engineering department si Yen at si Sam ay nasa Technical team

Isang Kilalang electronic company ang pinapasukan nina Yen at Sam. Doon sila dinala ng school. Maayos naman doon maganda ang nature challenging ang mga araw ni Yen. Doon niya narealize na marami pa talaga siyang hindi alam.

Araw araw ay may bago siyang natututunan. May inilaan din silang daily allowance para sa mga trainees. Sapat para punan ang pang araw araw na pangangailangan ni Yen at labis pa ito kaya nagagawa niyang magpadala ng pera sa kanyang pamilya sa probinsiya.

Mas makatarungan na nga ang kinikita niya dito kahit trainee palang siya kumpara sa kinikita niya sa mga raket raket niya noon. Susubukan niya mag apply sa kompanyang ito. Sana ay palarin siya. Para doon na din siya magtrabaho. Masyado nang mahaba ang naaksaya niyang oras. Ang sabi ng coordinator nila maaari daw silang i-absorb. Kapag nagkaganon ay sigurado nang may trabaho pagkatapos ng graduation.

Ok na kay Yen yon. isa nang marangal na trabaho yon pagnagkataon. At kakaiba. Dahil malayo ito sa pangangatulong, paglalabada, pag aalaga ng bata, masahista, taga tapon ng basura, tindera ng ukay ukay, mga gulay at kung anu-ano pa, serbidora sa karinderya...iilan lamang yan sa mga pinapasok na trabaho ni Yen noon. Noong hindi pa siya nagkakaroon ng lakas ng loob na pag aralin ang sarili niya.

Hindi din biro ang pinagdaanan niya para masurvive ang projects at pang araw araw na pangangailangan niya sa eskwela. Kaya nga din siguro natagalan niya ang ganoong relasyon nila ni Jeff ay dahil abala din siya sa pagraket habang nag aaral para masuportahan ang kanyang panganga ilangan.

Ayaw niya din kase mahirapan ang kanyang mga magulang. Gayunpaman ay tumutulong din ang mga ito kahit papano. Pasalamat na lamang siya at walking distance ang school sa bahay nila. Hindi niya kailangan mamasahe araw araw. Libre din ang tuition fee dahil sa scholarship at may allowance din itong inilalaan para sa kanya.

Lagi siya nasa simbahan. Kumakanta siya sa kasal, sa patay, nag-i-emcee sa mga event at gumagawa ng projects ng mga ibang estudayanteng tamad. : )

Kumikitang kabuhayan. Bukod doon ay nagtitinda din siya online. Maging sa mga kaklase at ilang guro niya ay nag aalok siya ng pabango, lipstick, facepowder at kung anu anong pampaganda. Anu pa't ang tinutubo niya doon ay sapat nang isuporta sa mga pangangailangan niya sa eskwelahan. Bakit ba? Ang salitang "hindi kaya" at "mahirap" ay para lang doon sa mga taong tamad. Kung lagi kang ayaw sumubok ay ikaw na din mismo ang humaharang sa iyong pag unlad..

Gayunpaman, malayo na ang kayang inusad.

Ilang kembot nalang, Ga-graduate na siya. Bigo man siya sa pag ibig ay hindi naman bigo ang kanyang pangarap. Saka na ang love... Doon muna siya sa Life.