webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah ยท Urban
Not enough ratings
129 Chs

Choice

Simple lang naman ang buhay ng tao.

Ikaw lang naman ang may gawa kung bakit ito nagiging komplikado.

Minsan may mga bagay kang pinagbubuhusan ng damdamin at emosyon at may mga dalahin na hindi mo mabitawan kahit alam mo naman na mabigat.

Nasa iyo ang layang pumili.

Nasa iyo ang choice kung saan ka mananatili.

Sabi nga nila, hindi ka puno. Wala kang ugat na nakakapit sa lugar kung saan ka naroroon. Malaya kang gumalaw, at malaya kang mag desisyon. Kung hindi ka na masaya...umalis ka. Maaring magkamali ka. Pero sino ba ang hindi nagkakamali diba? Sa pagkakamali, don ka matututo. At doon ka din lalago.

Happiness is a choice.

Hindi ka dapat magpatalo sa iyong emosyon.

Dahil ang emosyon parang panahon.

Pabago bago.

Yan ang mga bagay na narealize ni Yen.

Bakit ba niya hahayaan na matorture ang kanyang pag iisip? Bakit ba siya mababagabag ng mga ganong isipin? Bakit ba siya patuloy na kakapit? Siguro naman ay panahon na para ituon ang atensiyon sa iba pang bagay na mas mahalaga kaysa sa daladala niyang sa tingin niya ay wala naman nang maidudulot na maganda.

Hindi naman masama mangarap ng isang prince charming diba? Yung meron kang knight in shining armor na sasagip saiyo sa bingit ng kalungkutan. Yung taong mag-aalala, mag tatanong kung kumain ka na ba? Yung masusumbungan mo at maku-kwentuhan kung anu ang nangyari saiyo buong araw. Yung katulad ng tipikal na mag jowa na nakikita niya. Yung hindi lilipas ang araw na hindi kayo nagkikita. Yung unli call at text magdamagan, Yung nag iipon ng masasayang alaala. Nangangarap magkasama. May pa-flowers at chocolate pa. May pa sweet nothings.... May paghatid at pagsundo....Yung hindi nakakalimot kung anong araw mo siya sinagot. Alam ang paborito mong food. Alam kung kelan ang birthday mo. Alam kung maganda ba ang mood mo hindi. Alam kung papano ka aamuin pag nagtatampo...walang ganun si Yen.

Pero may boyfriend?

Birthday ni Yen.

Natural na abala siya magsagot sa mga greetings. At magprepare ng pagkain para sa mga expected and unexpected visitors.

May mangilan ngilan din siyang bisita.

Siyempre ay inaabangan niya ang pogi niyang prinsipe diba?

Lumipas ang maghapon. Mag gagabi na ng mag ring ang kanyang cellphone. Unknown number.

Halos mapatalon siya sa tuwa nong nalaman niyang si Jeff ang tumawag. Nakitawag lamang daw ito sa kaibigan. Nangumusta lamang ito. Halos wala pa nga itong maikwento. Parang wala namang sasabihin. O walang maisip sabihin. Pagkatapos ng maiksing kamustahan, nagpaalam ito. Pero hindi man lang siya binati. :(

T.T

Nakakasama ng loob.

Oo. nakakasira ng araw.

Pero naisip niya na baka gimik lang.

Pero inabot na ng kinabukasan.

Lumipas na ang ilang linggo.

Wala na siya ulit narinig mula dito.

Dalawa lang naman ang maaaring rason kung bakit ganon si Jeff.

Una. Hindi naman talaga siya nito mahal at pinaaasa lang siya nito.

Pangalawa. Bakla siya.

Totoong naiisip niyang bading ito. Dahil na din sa medyo malambot ito magkikilos at para talagang binabae. Eh marami naman ang lalaki na medyo may pagka feminine. May babae ngang parang tibo pero di naman tomboy ee. Saka kase diba ganoon naman talaga ang mga lalaking teacher? Sobrang neat nila kaya nagmumuka silang bakla. Saka ilang girlfriends din naman ang nagdaan kay Jeff.

Bago siya.

Papano niya nalaman?

Dahil sa tsismosong VP na si Bryan. Wala naman siyang tsismis na naririnig sa mga kaibigan nito. Tungkol sa tunay nitong pagkatao. Kung beki ba o hindi. Pinakilala din siya nito sa kanyang circle of friends. Pero wala naman siyang narinig na kung anong comments.

O baka....

Maaari din... na meron din itong iba.

Gayunpaman ay meron din siyang dalawang choice.

Una. Umasa at maghintay dahil sinabi ni Jeff na magiging ok din sila.

Pangalawa. Limutin na at wag nang umasa pa.

Siguro nga ay tanga siya.

Bakit ba kase siya naniwala?

Walang for-ever!! Walang happy ever after!!

Epekto siguro yon ng panonood niya ng fairy tale.

Yung happy ending.

Kasalanan ito ni snow white. :D

Papano ba siya humantong sa ganitong eksena?

Hayagan niya sinabi na may gusto siya kay Jeff dahil sa wala na siyang maisip na palusot sa ginagawa niyang panto- torture sa picture nito. Na hindi niya sigurado kung nakita ba nito o hindi.

Doon nagsimula ang lahat.

After noon ay palagi na siya nitong binabati sa tuwinang magkakasalubong sila. Nag umpisa na mangantyaw ang mga friends niya.

Maging ang mga friends ni Jeff ay tinutudyo na siya.

Hanggang isang araw ay nanligaw na nga ito.

Madami din itong pakulo. Meron pa nga itong pagsundo at paghatid sa room. May pa love letter din every morning. Ang hindi makalimutan ni Yen ay yung nag enrol ito sa isa nilang subject. Ang rason ay kailangan niya lang daw mag dagdag ng isa pang unit. At syempre pinili nito yung subject kung saan siya magaling. English teacher si Jeff. Kung papano niya ginawa na mapasok sa klase ni Yen, hindi niya alam. Posible bang kumuha ng pang 1st year na subject ang estudyanteng graduating? Ngayon, hindi ba siya kikiligin?

Pero pagkalipas ng ilang buwan ay bigla nalang ito nawalan ng panahon. Napakaraming rason. May thesis, may report, may practice teaching, may lesson plan.... inunawa niya kase graduating nga naman.

Pero inaakala niya na magiging ok na nga pagkatapos ng graduation, lalo naging madalang sila magtagpo. May mga araw na nagkikita sila pero saglit lang. Dahil nagtuturo na ito. Unawa ulit. Iintindihin niya dahil teacher nga. Pero hindi ba pwedeng sumingit sa busy schedule kahit na sandali? Kung mahal mo talaga, kahit na abala ka, kahit na konting oras maglalaan ka.

Sapat na sigurong rason iyon para bumitaw?

Pero bakit hindi niya magawa?

Papano naman nga siya bibitaw eh hindi naman sila nagkikita?

Ahhhhh!!!

Baliw na siya.

Sinampal sampal ang sarili niyang pisngi.

Mabuti pa tapusin nalang niya ang mga dapat tapusing projects.

Nagdesisyon siya na tapusin ang unfinished plates niya sa drawing. Limang plates na din ang nakabingbing niya na kailagan isubmit in 3 days...

Naabala siya nang husto sa sunod sunod na reporting at projects sa mga minor subjects. Pagkatapos niyang gawin ang unang plate, saka nalang niya napansin na naubos na pala ang kanyang bond paper. Malas. Pero kailangan niya itong matapos.

" Ma! .... naubusan ako ng bond paper. Labas lang ako. " paalam niya sa nanay niya.

" Galing ka na sa labas di ka pa bumili" sagot ng nanay niya.

"Akala ko kase ma meron pa. " ani Yen.

" Diyan lang ako bili sa minimart ma. " dugtong pa niya.

Habang naglalakad ay nakita niya ang grupo ng mga teachers. Na naglalakad patungo sa kanyang dereksiyon. Mga naka-uniporme ito at katulad ng uniform ni Jeff ang mga suot nito. Mataman niyang tiningnan ang grupong papalapit. Dahil parang naaaninag niya na kasama dito si Jeff.

Habang palapit ito nang palapit sa kinaroroonan niya ay na-confirm niya na kasama nga si Jeff sa grupong iyon. Nung nakompirma ni Yen na si Jeff nga ang isa sa mga iyon ay bahagya siyang huminto. Napagkit ang mga ngiti sa kanyang labi. Babatiin niya sana ito. Kahit mag Hi lang.

Nakasalamin ito. Bagay na bagay sa kanya ang suot nitong uniform. Mukha din itong mabango. Napanganga si Yen nang lagpasan siya nito. Akala ni Yen ay hihinto ito at babatiin man lang siya. Ngunit nong tumapat ito sa kanya, ay hindi man lang ito lumingon. Pero kita ni Yen at alam niya na nakita siya nito. Pero hindi talaga siya pinansin. Iniisip niya kung namamalik mata siya. hanggang mabura sa paningin niya ang likod ni Jeff ay nakatitig siya dito. Sinipat niya ang kanyang itsura, maayos naman. Kahit naman naka-shorts at t-shirt siya ay hindi naman siya mukhang ewan. Mabango naman siya dahil kakaligo niya lang. Anong nangyari? Hindi ba siya napansin o sadyang hindi siya pinansin?

Iyon na ang huling kita niya kay Jeff. Wala nang sumunod. hanggang ngayon ay wala na siyang balita dito. Ni hindi malinaw kung break na nga ba sila o hindi pa. Pero sa nangyaring iyon ay inassume niya nalang na hiwalay na nga sila.

Meron pa ba?

Sobrang tanga nalang ng hindi makaka unawa.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nong sandaling iyon. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na tawagin man lang ito. Dahil totoong nagulat siya at nagtaka kung bakit hindi man lang siya nito tiningnan. Imposible na hindi siya nito makita. Nang dumaan ito ay isang dangkal lang halos ang distansiya nila. Pwede na nga niya niya ito kalabitin. Papano nangyari na hindi siya nito nakita? Bulag te?? Pero bakit kase hindi niya rin tinawag.

Ahhhhhhh!!!

" ayoko na! ayoko na! ayooooooko naaaaaa!! " T.T

Labo niya noh?

Hindi mo alam kung bobo ba o sadyang tanga.

anyways siguro naman kase matagal na siyang decided na makipag kalas. Hindi niya lang alam kung papano ito bibigyan ng wakas.

Mabilis sabihin na ayaw mo na.

Pero yung makikipag break ka challenge diba?

there's no easy way to break somebody's heart.

baka ganun din ang feeling ni Jeff?

palagay mo?

.Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

nicolycahcreators' thoughts