"Alam namin, pero dahil may atraso ka kay Mira, isinama ka na namin, sayang lang at naunahan kami ng Orion sa kapatid mo. Pero alam mo bang mas malala ang dadanasin niya sa lugar na iyon?" Wika ni Leo habang natatawa pa.
Muli nang ibinalik ni Leo ang busal nito sa bunganga at ang ama naman nito ang hinayaan nilang sumagot sa mga katanungan nila.
"Nasaan ang eksaktong lugar ng Orion? At sino na ang namumuno ngayon?" Tanong ni Sebastian at napangisi ang lalaki.
"At bakit ko sasabihin sayo? Wala kayong makukuha sa akin." Angil nito.
"Ayaw niyang magsalita, gamitin niyo na ang gamot sa kaniya." Utos ni Sebastian at malugod namang sinunod iyon ni Leo. Ipinitik nito sa ere ang kaniyang daliri at siya rin namang pagpasok ng dalawang lalaki na may dalang sisidlan. Mula sa sisidlan ay kinuha doon ng lalaki ang isang maliit na bpteng naglalaman ng asul na likido.
Hindi naman nila mawari kung ano iyong ngunit nang makita nilang gumamit na nag rengelya ang lalaki ay doon na kinabahan ang tatay ni Christy.
"Sasaktan niyo kami? Kamag-anak pa rin kami ni Mira." Sigaw nito dahil sa pagkataranta.
"Kamag-anak? Alam naming hindi niyo kamag-anak si Mira dahil hindi siya tunay na anak ng nakagisnan niyang ina at alam kong alam niyo rin ito," Ani Leo at tinanguan ang lalaking iturok na dito ang gamot.
"Ang gamot na iyan ay tinatawag naming truth serum, ginawa iyan ng kapatid naming si Jacob. Nakakatuwa ang epekto ng gamot na iyan, dahil sa bawat kasinungalingang sasabihin mo, isang parte ng katawan mo ang matutuyo hanggang sa mamat*y ka." Nakangising wika ni Leo. Napapailing naman si Sebastian dahil lumalabas na naman ang pagkasadista ng kapatid niyang ito.
Yes, they are cruel but Leo is the worst. He loves playing on his victims. Lalo na ang mga taong may malaking atraso sa kanila. Matapos maiturok ang gamot sa braso ng tatay ni Christy ay namilipit ito sa sakit. Sumisigaw ito na animo'y katapusan ng ng mundo. Nairita naman si Leo at malakas na hinampas ang ulo nito.
"Hindi pa tayo nagsisimula, huwag mo akong artehan." Gigil na wika nito at marahas itong binatukan.
"Saan nagkukuta ang Orion?" Tanong ni Leo at tahimik lang na nakamasid dito si Sebastian. Ngumisi naman ang lalaki bago magsalita.
"Hindi ko alam!" Sigaw nito at bigla naman siyang nakaramdam na tila ba pinipilipit at pinipiga ang kaniyang mga paa. Napapasigaw ito sa sakit at alam nilang umi-epekto na dito ang gamot na itinurok sa kaniya. Lumipas pa ang mga oras nang pagmamatigas nitong umamin ay halos naging lantang gulay na ito dahil sa epekto ng gamot.
"Hindi ka pa rin ba aamin?" Mahinahon nang tanong ni Leo, nangingislap amg mga mata nito habang titig na titig sa kalunos-lunos na sinapit ng lalaki.
"Huling tsansa mo na ito para magsabi mg totoo, utak at puso mo na ang susunod na kakainin ng itinurok sa'yo.
Humihingal na napatingin naman ang lalaki sa kaniya bago lumipat ang tingin nito sa nakamasid na si Sebastian.
"Malapit lang sila. Sige sasabihin ko sa inyo, sa isang kondisyon, iligtas niyo ang anak ko sa mga taong iyon. Kapalit ng buhay namin ang buhay niya." Turan nito at napataas ang kilay ni Leo.
"Sige." Sang-ayon naman ni Sebastian at tumayo ito. "Sa oras na malaman naming nagsisinungaling ka, kasama na ang pangalan ng anak mo sa pahihirapan namin." Dugtong pa ni Sebastian at napalunok naman ang lalaki.
Alam niyang seryoso si Sebastian sa banta nito. Nahihirapan man ay matiyaga niyang idinetalye ang daan patungo sa base ng Orion. Matapos nitong makapagbihay mg sketch ay dagli din itong binawian ng buhay dahil sa pagkatuyot ng buong katawan nito.
Sunod naman nilang tinanong at ay tiyahin ni Mira.
"Hindi ko alam kung saan nanggaling si Mira. Umuwi na lang minsan iyang kapatid ng asawa ko na may dalang bata. Ang sabi niya ay anak niya." Wika ng tiyahin ni Mira.
"Alam mo din bang nagtatrabaho siya dati sa Orion?"
"Hindi, paano siyang nagtatrabaho sa orion , nandoon kami ng asawa ko at ni minsan ay hindi namin siya nakita." Nagtatakang sagot nito.
Napakunot naman ang noo ni Sebastian sa sagot ng tiyahin ni Mira. Hindi pwedeng magkamali amg kanilang detalyeng nakuha. May hindi nagtutugma sa kwento. Matapos ang interogasyon ay umuwi na si Sebastian sa mansyon. Naabutan pa niyang nakaupo sa sofa si Mira at Aya habang nanonood ang mga ito ng cartoons kasama si Dylan.
Nilapitan niya ang mga ito at agad na humalik sa noo ni Mira at Aya.
"Bakit nasa baba pa kayo?"
"Hinihintay ka namin Daddy. Sabi ni Mama, sabay daw tayo matutulog. Pwede ba akong matulog sa tabi niyo?" Tanong ni Aya.
"Sure. Nakapaghapunan na ba kayo, kung tapos na pumanhik na tayo sa taas." Suhestiyon ni Sebastian nmat napatalon naman sa tuwa si Aya. Sabik itong nagpabuhat kay Sebastian at pumanhik na sila sa taas. Naiwan naman nanonood lang ng tv si Dylan na animo'y walang nakita.
Pagdating sa kwarto ay agad na silang gumayak para makapagpahinga na. Para na silang isang buong pamilya habang tinutuyo ni Mira ang buhok ni Aya ay ganoon din ang ginagawa ni Sebastian sa buhok ni Mira. Pagkatapos ay tabi-tabi na silang natulog. Nasa gitna si Aya at mabilis itong nakatulog habang ang mag-asawa naman ay nagkatinginan at nagkangitian.
"Matulog ka na. " Utos ni Sebastian. Inabot niya ito at hinaplos ang mukha ni Mira.
"Ikaw rin. Goodnight Bastian. I love you!" Wika ni Mira at ngumiti naman si Sebastian. Bumangon ito at mabilis na hinalikan ang dalaga sa labi nito.
"I love you too. Good night,Mira." Sambit ng binata at ngumiti si Mira. Nakangiti siyang pumikit dala ang matamis na halik ni Sebastian sa kaniyang panaginip.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nakahanda na si Mira ng almusal nila. Dahil wala pa rin silang pasok ay minabuti nilang mag-sparring muna ni Dylan para kahit papaano ay mabanat ang buto ni Mira. Kasalukuyan na silang nagpapahinga at naghihintay na magising si Aya at Sebastian.
Paggising ng dalawa ay agad din silang nag-almusal.
"Bastian, dadalhin ba natin itong mga folders sa table mo?"
"Oo, Mira, pakilagay naman sa bag ko." Wika ni Sebastian habang isinusuot ang sapatos. Mabilis namang isinilid ni Mira ang mga ito sa bag ni Sebastian at dinala na niya iyon sa baba. Matiyagang naghihintay si Aya habang nakayakap sa mga aso ni Dylan.
"Mama, sabi ni kuya Dylan buntis daw itong si Mimi. Mama, kailan ka po magbubunyis para may kapatid na po ako " tanong nito na ikinatawa naman ni Mira. Hinaplos niya ang buhok nito saka humalik aa pisngi ng bata.
"Bakut gusto mo ba ng kapatid?"
"Oo naman po, gusto ko ng kapatid. Sana po babae din para may kalaro na po ako."bibimg wika nito at muling natawa si Mira.
Nang makababa na si Sebastian ay agad na din silang umalis patungo sa opisina. Lumipas ang oras at walang ginawa si Mira at Aya kundi ang manatili sa tabi ni Sebastian habang ito ay nagtatranaho.
Habang naghihintay sila sa opisina ay nagkaroon mg hindi inaasahang bisita si Sebastian. Isang lalaking nasa mid forties ang pumasok sa kaniyang opisina kasa ang isang babae.
"Sir, narito na po si Mr. Bernardo. " Untag ng kaniyang sekretarya.
"Good afternoon, Mr. Saavedra, I'm Alejandro Bermardo from K-world Charity. Narinig mo naman siguro ang tungkol sa amin."
"Yes of course, you may sit down, Mr. Bermardo," tugon ni Sebastian at itinuro rito ang silya sa harap ng kamiyang mesa. Napatingin naman ito agad kay Mira at Aya, ngunit mas nagtagal ang titig noto sa dalaga.
"And this is?" Tanong nito habang nakatingin kay Mira.
"This is my wife Mira, and our daughter Aya. "
"Nice to meet you Sir." Nakangiting bati ni Mira at kinamayan ang lalaki. Ngunit napalis ang ngiti sa labi ni Mira nang maglapat na ang kanilang mga balat.