webnovel

Chapter 55

"Are you alright, Mira?" Tanong ni Sebastian habang pinupunasan ang pawis na namumuo sa noo nito.

"Ayos lang." Pwede na ba tayong umuwi mamaya? Gusto kong makita si Aya, hindi ko maintindihan pero nag-aalala ako sa kaniya. " Humihingal na wika ni Mira habang sapo nag dibdib.

Tumango naman si Sebastian bilang pagsang-ayon saka niyakap ang asawa. Napabuntong-hininga si Mira at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Sebastian. Kahit papaano ay kumakalma ang kabog ng dibdib niya kapag niyayakap siya nito.

Kinaumagahan ay maaga pa lamang ay bumalik na sila sa mansion ng mga Vonkreist, nag-iwan na lamang sila ng mensahe kay Lian na mauuna na ang mga itong umuwi. Pagdating nila sa mansion ay naabutang nilang natataranta ang mga katulong at pabalik-balik ang mga ito sa kwarto sa taas.

Dumoble naman ang kaba ni Mira nang makita ito at halos patakbo siyang pumasok at hinarang ang isang katulong.

"Ma'am Mira, buti nakauwi kayo agad. Si Aya po, ang taas ng lagnat kagabi pa, hindi ko po kayo makontak. Nagpatawag na din kami ng doktor pero wala din silang magawa. Ma'am ano po ang gagawin natin?" Paiyak na wika ng katulong at walang sabi-sabi ay tumakbo siya paakyat sa hagdan patungo sa kwarto ni Aya.

Pagpasok niya sa kwarto nito ay nakita niya itong nakahiga sa kama at halos mamula ang mukha nito dahil sa lagnat. Nang damahin niya ang noo nito ay nagulat siya dahil sa sobrang init nito. Agad niyang nilingon si Sebastian at may kinakausap na ito sa telepono.

"Don't worry Mira, pinatawag ko na si Jacob." Sambit ni Sebastian. Tumango naman si Mira at kumuha ito ng maliit na palanggana at nagpakuha ng yelo sa mga katulong.

"Ano ba ang nangyari dito kahapon habang wala kami?"

"Maayos naman po kahapon si Aya, naglaro pa mga po kami sa garden, pero nang sumpait ang gabi habang kumakain siya ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay, tapos inaapoy na siya ng lagnat. Kahit anong punas namin sa kaniya at painom ng gamot, ayaw pa ding bumaba mg lagnat niya Sir. Tinawag na din namin si Doktor Mendez pero kahit siya ay walang nagawa."

"Ma'am, Sir, hindi po talaga namin alam bakit nagkaganyan si Aya." Kinakabahang wika nito habang nakayuko ang ulo.

"Magpahinga na kayo. Alam kong wala pa kayong tulog, salamat sa pagbabantay kay Aya, kami na ang bahala sa kaniya. " Malumanay namang wika ni Mira para hindi na matakot ang mga ito. Isa-isa naman lumabas ang mga ito sa kwarto at muli nang binalingan ni Mira si Aya.

"Bastian yung panaginip ko kagabi, nakita ko ang lalaking nakilala namin sa Party, Rimo Bernardo ang pangalan niya. May hawak-hawak siya sa panaginip ko, parang si Aya. Hindi kaya may kinalaman sita sa Orion? Hindi ako siguradong si Aya iyon pero si Aya ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko 'yun." Nanlulumong wika ni Mira habang hinahaplos ang pisngi ng walang malay na bata. Hindi man niya ito tunay na anak ay napalapit na ito ng husto sa kaniya na kapag nasasaktan o nahihirapan ito at tila doble rin ang sakit na kaniyang nadarama.

"Magiging okay din si Aya, mayamaya nandito na si Jacob." Hindi naman alam ni Sebastian kung paano pagagaanin ang loob ni Mira. Marahan niyang niyakap ito at matamang pinagmasdan si Aya.

Nang dumating si Jacob ay agad din niyang nilapatan ng paunang gamot si Aya. Bumaba ang lagnat nito ngunit wala pa din itong malay.

"Normal lang itong nangyayari sa katawan mg mga taong injected ng serum. Tulad din ito sa sintomas natin dati Sebastian. Don't worry Mira, we can fix Aya. Matagal na naming napatunayan nag gamot na ito dahil ito rin ang nagpagaling sa amin." Ani Jacob habang tinuturukan si Aya sa braso nito. Halos nakalimang turok ito bago niya nakitang bumalik na sa normal na kulay ang mukha ni Aya.

"Bakit ba siya nagkakaganito?" naguguluhan tanong ni Mira.

"Withdrawal syndrome sa drogang tinuturok sa kaniya. Halos ilang buwan na din ang naklilipas nang makuha niyo siya at wala nang drogang pumapasok sa sistema niya. Asahan niyong sa mga susunod na buwan ay lagi pa siyang makararanas ng ganitong sitwasyon. Medyo malala lamang sa parte ni Aya dahil napakabata pa niya." Paliwanag naman ni Jacob.

Hindi pa rin maintindihan ni Mira kung bakit may mga taong kayang sikmurain ang pahirapan ang mga kabataang katulad ni Aya. Musmos pa lamang ito at nagsisimula pa lamang magkaisip. Ngunit dahil sa mga taong ito ay napuwersa ang katawan ng bata na magmature. Maging ang pananalita at pag-iisip ni Aya ay tila sa isang batang nasa eskwelahan na kahit hindi pa ito naglilimang taong gulang. She felt bad for her. She felt sorry for her life.

"Nakakaawa si Aya. Sebastian, alam kong hinahanap natin ang mga magulang ni Aya, pero maari bang akin na lang siya? Hindi ako mapapalagay kung malalayo siya sa akin. " Naluluhang wika ni Mira at marahang tumango si Sebastian.

"Alright, from now on, Aya will be ours. Hindi na natin siya pakakawalna, okay. " Wika naman ni Sebastian at ngumiti si Mira.

Nang dumating sa mansiyon si Liam ay agad ding dinalaw nito si Aya. Nang malaman nilang okay na ito ay nagpahinga na rin sila.

Kinaumagahan ay nagising si Aya na tila ba hindi ito nagkasakit. Patalon-talon pa ito habang nakikipaghabulan sa katulong na nais siyang bihisan. Natuwa naman si Mira nang makitang masigla na ulit si Aya. Agad niyang pinaghanda ito ng masarap na pagkain para na din makabawi ito ng lakas. Ilang araw pa silang nanatili sa bahay ni Liam bago sila nagdesisyon na umuwi sa kanilang mansyon. Doon ay masaya silang sinalubong ni Dylan habang nakasunod naman dito ang tatlong siberian husky na ikinakislap ng mata ni Aya.

Hindi naman sila nabahala dahil alam nilang maamo at matatalino ang mga alaga ni Dylan

"Kuya Bastian, may iniwang envelope ni Kuya Leo, tingnan mo daw pagnakabalik ka na dito. Inilagay ko sa study room mo." Bungad ni Dylan sa kanila. Tumango naman si Sebastian bago ito pumanhik sa taas. Naiwan naman naglalaro si Aya at Mira kasama ang mga aso ni Dylan sa sala.

Pagbalik nito sa baba ay nakabihis na ito at agad din nagpaalam kay Mira na aalis muna.

"Bakit ka aalis?" Tanong ni Mira.

" Pupuntahan ko lang si Leo, may mahalaga kaming pag-uusapaan. Sa ngayon, dito na muna kayo. Nandito naman si Sylan at Jacob." Wika niya at tumango si Mira.

Nang makasakay na si Sebastian sa kotse ay agad niyang tinawagan si Leo.

"Is Carlos there?"

"Yes bro, kanina pa kami naghihintay dito. We caught a big fish this time at mukhang malapit na tayo sa Orion." Gigil na sagot ni Leo sa kabilang linya.

Batid niya ang matinding pagnanasa ng mga kapatid niya para pabagsakin ang Orion. They experienced h*ll sa lugar na iyon. It's a terrible nightmare for the four of them. Ever aince they escaped they vow to strive hard and destroy Orion. Hindi para sa mga sarili nila kun'di para na din sa mga batang magiging biktima at naging biktima ng sindikatong iyon. They were practically treating humans as animals.

"Are you sure?"

"Hundred percent sure bro, and guess what, nalaman ko na ang naging Mama ni Mira ay dating nagtatarabaho sa Orion facility bilang tagalinis. Siya din ang naglabas kay Mira sa lugar na iyon at inilayo niya ito at itinago. " Wika ni Leo.

"Mira toold me a certain Rimo Bernardo, find his details. I'll be there in thirty minutes. Siguraduhin mong hindi makakatakas iyang isdang nahuli niyo."paalala ni Sebastian bago pinatay ang linya.

Makalipas ang eksaktong tatlongpung minuto ay narating din niya ang gambling den na pagmamay-ari ni Leo. Agad siyang sinalubong ng mga tauhan nito at dinala sa basement. Doon ay nakita niya ang tatlong persona na hindi niya inaasahan.

"Why are they here?" Taning agad ni Sebastian. Lumapit siya sa mga ito at agad na napahagulhol ng iyak si Christy.

"They are the big fish. Sino nag magaakalang informant pala ng Orion ang pamilyang ito . Nanahimik lang sila nang ilang taon at nnag mahigpit muli silnag bumalik sa kanilang katungkulan." Paliwanag ni Leo at naningkit ang mata ni Sebastian.

Marahas niyang inalis ang busal sa bunganga ni Christy at pumalahaw ito.

"Wala ako kinalaman dito. Pakawalan na ninyo ako. Wala akong kaalam-alam sa Orion na yan." Umiiyak na wika ni Christy, bakas sa mukha nito ang takot at pagtataka, samantalang nanatiling tahimik ang mga magulang at kapatid nitong lalaki.