webnovel

Chapter 53

Nangingislap ang mga mata ni Mira habang nakatingin kay Sebastian. She never had imagine that Sebastian was so awesome. Mas lalong tumaas ang paghanga niya rito at napapatulala na lamang siya rito. It was not until she felt his soft lips on her that she returns to her consciousness.

"Don't you know, you look so inviting?" Bulong ni Sebastian at biglang tumayo ang maliliit niyang balahibo sa leeg, lalo pa nang dumampi ang maiinit nitong labi sa ibaba ng tenga niya.

"Bastian, kaya ba hindi ko mabasa ang isip mo ay dahil higit na mas malakas ang kakayahan mo sa akin?" tanong ni Mira at natawa naman si Sebastian.

"Silly, wala ako ng kakayahang katulad sa inyo ni Dylan. What I have is artificial, naalala mo ang kwento ko na nanggaling kami sa Orion? Doon iba't -ibang gamot ang itinurok sa amin na para kaming mga dagang pinag-e-eksperimentuhan. Dahil doon, higit na mas mabilis ng triple ang healing process ko kesa sa normal na tao." paliwanag naman ni Sebastian.

"At higit ding mas malakas ng sampong ulit ang katawan ko sa normal na tao." pabulong na wika nito na tila ba nang-aakit ito. Napalunok naman si Mira dahil kitang-kita niya sa mata ng binata ang pagnanasa nito sa kaniya. Alanganing napangiti naman si Mira at marahang hinampas si Sebastian sa dibdib na ikinatawa naman nito.

"Bumaba na tayo, baka hanapin tayo nila Daddy." Suhestiyon ni Mira at agaran din siyang ninakawan ng halik ni Sebastian bago ito dire-diretsong lumabas ng kanilang kwarto habang tumatawa.

Napangiti si Mira at napahawak sa pisngi niyang hinalikan nito at namula ng husto ang kaniyang pisngi. Pakiramdam niya ay isa siyang teenager na naiinlove sa bawat araw na magkasama sila ni Sebastian. Agaran din siyang sumunod dito at saktong naabutan nilang nagkakape si Liam at Gunther sa hapagkainan.

"Good morning Dad!" Masayang bati ni Mira at yumakap sa kaniyang ama. Umupo siya sa tabi nito at umambresete sa braso ni Liam.

"Mukhang maganda ang gising mo ah. Anong plano niyo ngayong araw?" tanong ni Liam.

"Wala naman Dad, bakit po?" Sagot ni Mira at ngumiti si Liam.

"That's good, pupunta tayo sa party ng isa kong kaibigan. Kaarawan ngayon ng kaniyang anak na babae. We will be attending as a family. At kasama kayo ni Veronica, kaya maghanda na kayo. Doon na kayo mag-ayos sa hotel para hindi kayo gaanong mahirapan." Wika ni Liam at napangiti naman si Mira at nagkatitigan sila ni Veronica. Matapos kumain ay sabik ang dalawa na nag-ayos ng kanilang mga gamit. Para silang mga batang pupunta sa amusement park.

Pagdating nila sa naturang hotel ay agad na tumungo ang dalawa sa kanilang kwarto para mag-ayos.

"Mira magpa-spa muna tayo para naman relax ang katawan natin para mamaya. Marami pa namang oras eh." Aya ni Veronica at kumindat ito sa kaibigan. Humagikgik naman si Mira at agad na sumang-ayon sa suhestiyon nito.

Dahil nasa lungsod sila ay hindi na naging mahirap sa kanila ang paghahanap ng Spa.

"Good morning Ma'am, magpapa-spa po kayo? May facial din po kami at iba pa na siguradong mas magpapatingkad ng inyong ganda." Nakangiting wika ng isang babae sa kanila. Napangiti sila pareho at nagtuloy-tuloy na silang pumasok sa loob.

"Ma'am ano po ang gusto niyong unahin natin? Magpapamasahe po ba kayo?" Tanong ulit ng babae at umiling naman si Veronica.

"Footspa at pedicure, magpapa facial na din kami." wika ni Veronica at sinimulan na nga silang asikasuhin ng mga ito. Halos dalawang oras din ang ginugol nila sa lugar na iyon at nang pabalik na sila sa kanilang hotel room ay nakasalubong nila si Lorra kasama si Denise at mukhang nakagayak din ang mga ito.

Napahinto si Lorra at napaismid naman si Denise nang makita ng mga ito si Mira.

"Hanggang dito ba naman pakalat-kalat ka? Hindi ka nababagay sa lugar na ito." Singhal ni Lorra at nagtinginan ang mga taong nakarinig sa kanila. Napakunot-noo naman si Veronica at agad na nagsalubong ang dalawa niyang kilay.

"Hindi kami na-inform na ang lugar na ito ay para lang sa mga kabit. Mira, hindi nga tayo nababagay dito. Bakit ba kasi dito tayo dinala ng Daddy Liam?" Maarteng wika ni Veronica at napangiti naman si Mira.

"Ano ka ba Vee, baka mali ang pagkaintindi nila. Alam kong hindi tayo dadalhin ni Daddy sa lugar na hindi tayo pwede. Minsan talaga may mga taong mahihina umintindi." Wika naman ni Mira at nagtawanan ang mga nakikiusyoso sa kanila.

Mabilis na nagpakawala ng sampal si Lorra kay Mira na agad din naman nitong nasalo. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya papayag na masampal ulit.

"Mawalang-galang na po, pero hindi naman yata tama na basta-basta na lamang kayong mananampal gayong wala naman kaming ginagawang masama sa inyo. At isa pa kayo ang humarang sa aming daraanan at nagdeklara na hindi kami nararapat sa lugar na ito?"

"Bakit, karapat-dapat ka ba rito? Isa ka lang namang hampas-lupa na nakapag-asawa ng mayaman. Akala mo kung sino ka na." Galit na bulyaw ni Lorra. Nanggagalaiti ito sa galit na halos manginig ang buo niting katawan.

"Nakapag-asawa. Legal at walang sabit. Naayon naman sa batas ng tao at sa batas ng Diyos ang moralidad ko. Ayokong husgahan kayo pero matanong kita, ang moralidad mo nasaan?" Walang kaemo-emosyong tanong ni Mira at iwinaksi ang kamay ni Lorra.

"Wala kang respeto sa nakakatanda sayo." paasik na wika ni Lorra na ikinatawa naman ni Mira.

"Paano ko rerespetuhin ang isang taong nambubugaw pa ng iba sa taong alam niyang may asawa na?" sarkastikong tanong ni Mira at napangisi kay Denise.

"Alam niyong may asawa na si Sebastian pero umaaligid pa rin kayo na parang mga langaw sa hapagkainan. Nagkakaubusan na ba ng lalaki at kahit ang may mga asawa ay pilit niyo pa rin inaakit?" Tanong ulit niya. Sa pagkakataong ito ay umiiyak na tumakbo si Denise dahil sa sobrang kahihiyan.

"Hindi pa tayo tapos." Banta ni Lorra at agad na sinundan si Denise.

Nagkatinginan naman si Mira at Veronica bago sila natawa.

"Ang galing mo dun ah. Ganyan dapat, huwag kang papaapi. Kailangan magung palaban ang isang Mrs. Saavedra." masayang bati ni Veronica at inakbayan si Mira.

Pagdating nila sa kwarto ay agad din silang nagbihis ng kanilang susuutin. Tulad ng kanilang napag-usapan ay nagsuot sila ng magkaparehong kulay ng damit at tanging desinyo lamang ang naiiba.

Veronica's is crafted from peach-colored chiffon, exhibiting an ethereal and delicate appearance. It is backless, showcasing a graceful and alluring silhouette. Nagmistulang isang modelo si Veronica dahil sa ayos at tindig nito. Tuwang-tuwang umiikot-ikot pa siya sa salamin dahil sa napakagandang kinalabasan ng itsura niya.

"I love this dress, don't you think its suits me really well, Mira?" masayang pambibida nito na ikinatawa naman ni Mira.

"Sobrang bagay sayo. Siguradong matutulala si Kuya sayo mamaya." tugon ni Mira at napaismid naman si Veronica.

"Naku mas mahirap pang makakuha ng papuri galing sa kuya mo kisa ang magloan ng pera sa banko." sambit naman ni Veronica at natawa lnag si Mira. Maya-maya pa ay siya naman ang nagbihis matapos ayusin ng hairstylist nag kaniyang buhok.

Matapos magbihis ay napasinghap naman si Veronica nang makita ang dress na suot ni Mira.

The dress has a charming peach color with with delicate ruffles adorning the spaghetti straps. It features a playful and feminine vibe with a fited bodice and flared skirt. Simple ngunit elegante and mga salitang maiisip nang sino mang makakita rito. The straps added a tiuch of elegance while the ruffles provide a whimsical and romantic feel. Bagay na bagay ito kay Mira dahil sa mala-anghel nitong mukha at magaang presensya nito.

Agad na pumalakpak sa tuwa si Veronica nang makita si Mira. Napatili ito nang malakas at excited na yumakap sa kaibigan.

"Nababading na yata ako sayo Mira, bakit kasi hindi na lang ikaw nag pinakasalan ko. Bakit ang kuya mo pa." madramang wika nito at nagtawanan ang mga kasama nila na siyang nag-ayos sa kanilang dalawa.

"Vee, ano ka ba, nakakahiya sa kanila."

"Hayaan mo sila, ayaw mo nun, may witness ang pagkahumaling ko sa ganda mo." nangingislap nag matang wika pa ni Veronica at nasapo ni Mira ang kaniynag noo dahil sa inaasal ng kaibigan.

"Pareho kayong maganda Ma'am, siguradong matutuwa si Sir Sebastian at Sir Gunther kapag nakita kayo." sambit ng hairdresser at napangisi naman si Veronica.