webnovel

Chapter 54

Paisa-isa ng pumapasok ang mga bisita sa ballroom halk ng hotel at ang buong lugar ay nababalot ng masayang ambiance at magarabong handaan. Hindi maipagkakailang ang naturang pagdiriwang ay naayon lamang sa mga taong nakakaangat sa buhay.

"Auntie Lorra, paano po natin mapapasunod si Sebastian? Kung kahit si Uncle Logan ay hindi noya sinunod?" Nag-aalalang tanong ni Denise. Bata pa lamang ay palagi na niyang nakikita si Sebastian, noon pana ay gusto na niya ito. Hanggang sa magdalaga siya ay dala-dala pa rin niya ang pag-asang magiging asawa niya ang binata.

Subalit lahat ng iyon ay tila papel na tinupok ng apoy nang malaman nito amg pagpapakasal ni Sebastian sa isang mahirap na babae. Oo at maganda ito ngunit wala pa rin ito sa kalingkingan niya kung pagbabasehan ang antas ng kanilang buhay.

"Don't worry hija, sa ganda mong iyan, siguradong mapapalingon mo mamaya si Sebastian. Nakasuot ng pulang halter dress si Denise na hapit na hapit sa kaniyang katawan. She looks like a typical seductress dahil na din sa nakalabas nitong cleavage at mapuputing mga binti. Halos lahat ng lalaking napapadaan sa kanila ay napaplingon sa kaniya. She was already used to this pero isa lang naman ang atensyon na nais niyang kunin sa pagdadamit ng ganito, ang kay Sebastian.

Lumukso naman ang puso niya nang makitang pumasok si Sebastian sa ballroom hall. Napakatikas nito sa suot nitong americana. Halos lahat ng kababaihan ay nag-uunahang lumapit sa gawi nito para mapagmasdan ito ng malapitan. Hindi naman siya nagpahuli at agaran din hinatak si Lorra patungo roon. Nakipagsiksikan siya sa mga babaeng iyon hanggang sa marating niya ang tabi ng binata.

"Sebastian, mabuti at nakarating ka." Wika ni Denise at napasimangot ito nang hindi siya magawang pansinin ng binata kahit pa nasa harapan na siya nito. Narinig niya ang pagtatawanan at bulungan ng mga babaeng naroroon.

"Who doesn't know that Sebastian Saavedra is already a married man. Meron pa rin talagang makakapal ang mukha na makikipaglapit sa isang tao kahit alam nilang may sabit na ito." Wika ng isang babaeng nakasuot ng pulang dress. Her hair was pulled in a bun with a few strands framing her baby face. Magaganda rin ang mata nitong tila kumikislap habang tinatamaan ng ilaw.

"Who are you again? Ah, I remember you. Denise Mondragon, right? Anak ni General Mondragon." Anunsyo nito at lalong lumakas ang bulung-bulongan sa paligid. Napahiya naman ng husto si Denise at nangingilid amg luhang tumitig kay Sebastian. Nagbabaka-sakali na maantig nito ang puso ng binata. Ngunit bigo pa rin siya. Walang ibang ginawa si Sebastian kundi ang makipagkamustahan sa mga bisitang naroroon. Mabilis naman siyang hinatak ni Lorra at nanatili sila sa mesa nila para makaiwas sa gulo.

"Claude, nasaan na ba ang asawa mo? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ng babae at nilingon ito ni Sebastian at ngumiti.

"She will be here soon, Lyra." Kaswal niyang sagot at nakarinig sila ng mga pagsinghap mula sa harapan. "Here they are." Sambit ng binata at agad na tinanaw ng babae ang gawing pintuan. Doon nakita niya ang dalawang babaeng papasok ng pinto na nakasuot ng parehong peach colored dress, ang isa ay parang mapang-akit na dyosa dahil sa suot nitong backless chiffon dress habang ang isa naman ay tila isang diwatang lumulutang sa alapaap. Napadabog naman ang babae sa sahig at agad na inismiran si Sebastian.

"Why didn't you tell me they are wearing peach? I should have wore the same hue. Nakakainis ka naman Claude." Maktol na wika nito at nagkatawanan ang mga naroroong bisita. Iyon kasi ang anak ng kaibigan ng Papa ni Mira na siya namang malapit na kaibigan ni Sebastian. Kanina pa lamang ay excited na itong makilala ang asawa ni Sebastian dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ito ng babae sa buhay nito. A lover kumbaga.

"Hi, I'm Lyra Cruz, I'm Sebastian Claude's younger sister in name. Nice meeting you two." Nangingislap ang matang pakilala nito sa sarili habang tila sabik na kinakamayan si Mira at Veronica.

"You are Gunther's wife? Totoo nga ang balita napakaganda mo. And you are Mira, Claude is really lucky." Sunod-sunod na wika nito na ikinatangan nila pareho.

"Mira, Pagpasensiyahan mo na yang si Lyra, she's too excited. Kanina pa niya ako kinukulit, at siya rin pala ang nagsi-celebrate ng birthday ngayon. Anak siya ni Uncle Gideon Cruz, kaibigan ng Daddy mo." Wika ni Sebastian at hinapit ang beywang ni Mira bago siya hinalikan sa noo. "You're beautiful, by the way. I like it." Bulong niya at pinamulahan si Mira. Napatili naman si Lyra habang kumikislap ang matang nakamasid sa kanilang dalawa.

"What are you wearing?" Matalim ang matang tanong ni Gunther nang makita ang likurang bahagi ng damit ni Veronica. Lalo pa nang mapansin niyang titig na titig ang ibang mga lalaki rito.

"Don't tell me napapangitan ka pa sa ayos ko? Ang ganda-ganda ko kaya, ikaw lang itong walang taste sa fashion. Hirap sayo masyado kang old-fashioned. Para kang mas matanda pa kay Daddy Liam." Nakasimangot na wika ni Veronica.

"I didn't say it's ugly. It's just too revealing." Mahinang wika ng binata. "Can you not stand there." Utos pa nito bago hinatak si Veronica at pinatayo ito sa harapan niya.

"Alam niyo kayong dalawa para kayong mga ewan. Hihiramin ko muna mga asawa niyo, doon lang kami sa center table. Sumunod na lang kayo kapag trip niyo na." Wika ni Lyra at hinatak na si Mira at Veronica. Nagpatianod naman ang dalawa rito at saktong napadaan sila sa harap ng mesang kinaroroonan ni Denise at Lorra.

"Don't mind them, hindi ko alam bakit nainvite yan ni Dad. By the way, gusto niyo ba munang mag dessert, masarap ang eclairs nila rito. Do you like chocolates?" Tanong nito at napangiti naman si Mira.

"We both like eating kaya wala kang magiging problema sa amin." Si Veronica ang sumagot. They were about to reach the center table when a man approaches them with a smile.

"Happy birthday Lyra." Bati ng lalaki. Matangkad ito na halos kasingtangkad lang ni Sebastian. Matangos ang ilong at maganda din ang hubog ng katawan nito. Ngunit ang mga mata nito ay animo'y sa agila na tila ba hindi gagawa ng mabuti. Maging si Mira ay naging alerto sa presensya nito.

"Thank you Rimo. Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ng dalaga habang kinukuha ang inaabot nitong regalo.

Aino

"Kahapon lang. Ipakilala mo naman ako sa mga kasama mo." Sambit nito habang kinikilatis si Mira at Veronica.

"This is Mira Saavedra and Veronica Vonkreist. Hindi ko na siguro kailangan sabihin sayo na itong mga kasama ko ay puro na taken, at wala ka din mapapala sa akin dahil kilala mo na ang fiancé ko. And by the way thank you sa regalo." Nakangiting wika ni Lyra at saka tinalikuran ito. Nagtuloy-tuloy na sila sa pagtungo sa center table at doon muna tumambay.

"Sino ba yun Lyra?" Tanong ni Veronica habang kumukuha sila ng pagkain.

"That's Rimo Bernardo. Anak siya ni Leandro Bernardo na isang Scientist and philantropist. Well, they are into charity pero ang sabi sa akin ng Daddy ko, we have to be more vigilant to people especially those who appear kind and generous on the outside." Kibit-balikat na sagot ni Lyra.

"May point naman ang Dad mo. Mas mabuti pa rin kilalanin mo muna ng personal ang mga taong nakikihalubilo sayo bago ka magtiwala. I feel weird kanina nang nakikipag-usap siya sa atin. Parang napaka-uncomfortable ng paligid. Hindi ko maexplain." Wika ni Mira habang nakatitig sa kaniyang mga kamay.

"Hayaan mo na, huwag na lang tayong lalapit sa kaniya." Suhestiyon naman ni Lyra habang kumakain. Naging masaya naman ang pag-uusap nila ngunit panaka-nakang nakakaramdam ng hindi maganda si Mira sa kaniyang paligid. Nawala lamang ito nang sumama na rin sila Sebastian at Gunther sa table nila at formal ng nagsimula ang party.

Matapos amg party ay doon na din sila nanatili sa hotel dahil malalim na din ang gabi para bumiyahe pa sila. Sa kalagitnaan ng pamamahinga ni Mira ay napanaginipan niya ang lalaking kaninang nakilala nila. Noong una ay malabo ang mukha nito ngunit kalaunan ay naging malinaw ito sa kaniya. Nakangisi ito at hawak-hawak nito ang isang bagay na pamilyar sa kaniya. Malabo iyon ngunit pakiramdam niya ay pamilyar ito sa kaniya. Sumisigaw daw siya ngunit hindi niya maintindihan kung ano ba ang sinisigaw niya. Mayamaya pa ay naramdaman na lamang niyang may yumuyugyog sa kaniya at agaran din siyang nagising. Pawis na pawis at humihingal pa siya nang maimulat niya ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniyang ang nag-aalalang mukha ni Sebastian.