Chapter 681: Simula Ngayon, Tita Na Ang Tawag Mo Sa'kin
Sa oras na iyon, pinakita ng mga fans ni Jiang Muye ang kanilang lakas.
Dahil ilan sa mga tagahanga ni Ning Xueluo ay dinadamay si Jiang Muye sa gulo, hindi na ito natiis ng mga fans niya.
[Bulag ka ba? Di hamak na mas maganda si Ning Xi kesa kay Ning Xueluo!]
[Tigilan niyo na nga ang pagpaparinig! 'Wag niyong damay ang mga inosente! Si Muye ang pinakasikat dito, kaya natural lang na mas matagal ang screen time niya. Hindi tanga ang crew!]
[Second preview na ito. 'Yung unang preview mas nagfocus sa mga bida at ito naman mas pinakita ang mga secondary protagonists. Anong masama doon? Ang oa naman ng ibang fans diyan!]
...
Parehong ginalit ng mga fans nina Ning Xueluo at Zhao Sizhou ang mga tagahanga ni Jiang Muye kaya mas uminit ang sagutan. Kakaiba ang keyboard warrior abilities ng mga sumusuporta kay Jiang Muye at wala silang pinakitang awa.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com