Chapter 1926: Ning Xiao Xi, Manyak Ka!
Bigla, halos lahat ng fans at audience ay nakatitig kay Ning Xi. Mabilis tumaas ang mga votes ni Ning Xi.
Hindi na kailangan banggitin ang viewer ratings.
Nang makita ng channel director na tumataas ang viewer ratings, sobrang saya niya at ang bilis ng tibok ng puso niya.
Hindi niya pinagalitan ang mga cameramen na pinutol ang shot sa gitna para bigyan ng close up si Ning Xi, at pinuri pa niya sila. Nagbago agad ang isip niya mula sa sinabi niya kanina.
"Not bad, not bad… Ahem… Actually, okay lang kung medyo halata!"
Nag-aalala noong una ang mga cameramen. Wala silang lakas ng loob para gawing halata ang shot, pero ngayon na pumayag na ang channel director, agad silang nagdagdag ng screentime para sa kanya.
Pag nakatutok ang camera number 10 kay Han Zixuan, halos palaging kasama si Ning Xi sa frame.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com