Chapter 1414: Papatayin Ako Ng Tatay Ko
Matiyagang tinuturuan ni Ning Xi ang little bun, at masaya sila habang ginagawa nila ito. Minsan sumasabat si Zhuang Rongguang na nasa gilid.
"Baby, ready ka na?"
"Kaya ko na ngayon, mommy." Tumango si Little Treasure.
"Okay, subukan natin! Ikontrol mo ang paghinga mo. Tumutok ka sa three points sa isang linya…" sabi ni Ning Xi sa tabi niya.
Hawak ni Little Treasure ang baril sa kamay niya, at tuwid siya tumayo. Dahil sa height niya, kinailangan niyang ayusin ang anggulo niya pataas habang nakatutok sa target.
Sina Zhuang Liaoyuan, Zhuang Zongren, at Lu Tingxiao, na kaninang nag-uusap, ay ngayon nakatutok na sa bata.
Kuminang ang mga mata nina Zhuang Liaoyuan at Zhuang Zongren nang makita nila ang pustura ni Little Treasure at ang paghawak nito sa baril.
Nagulat si Zhuang Zongren. "Yung batang 'to…'Di ko inaasahang ganito kalakas ang wrist niya…"
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com