webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

emi_san · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
39 Chs

Chapter 31: Face

We're now in a very awkward situation. Sobrang dilim ng paligid ang tanging ang liwanag lang ng kandila mula sa first floor ang ilaw at nagbibigay liwanag sa paligid. Aksidenteng nadulas si Dice sa floormat, ang then...

We fell together on the bed. Saktong pahiga ang pagbagsak ko at siya naman ay sa ibabaw ko...

At sakto pa ang mukha niya sa dibdib ko!

I know my boobies ain't that big pero... this is so awkward and embarassing! Hindi ako makagalaw!

Para namang kinuryente ang buong katawan ko nang bigla niyang igalaw ang mukha niya.

Did just freaking rubbed his face on my boobs?!

"P-pervert old man!!" Mahinang sigaw ko.

Saka lang niya iniangat ang ulo niya pagkatapos ko magsalita. Kumidlat ng malakas kaya lumiwanag ang paligid. I saw his face for a second, and I can see how his eyes widened...

"Dice, nagdala kami ng—" narinig namin ang boses ni Aling Sonya.

Bago pa man namin maitulak ang isa't isa palayo ay biglang na namang kumidlat ng malakas. Kaya napatingin kami sa direksyon na pinagmulan ng boses. Nakita namin si Aling Sonya na nakatayo sa tapat ng hagdan, looking at us.

She saw us in a very awkward situation anyone would misunderstand. They freaking saw Dice on top of me so what do we expect?!

"... hapunan." She stuttered while continuing what she was saying. "Iiwan ko na lang sa mesa ha, Halika na Zenin..."

"Bakit po Lola? Tulog po ba sila?" Ani Zenin, I guess nasa baba pa siya.

"Iwan mo na lang sa mesa apo, bilis... ho ho~"

Tumahimik na ang paligid, nakaalis na siguro sila. Base sa tono ng boses ni Aling Sonya, parang masaya pa yata siya.

Nagkatinginan kami ni Dice, nasa parehong pwesto pa rin kami kagaya ng kanina. Halos mapatalon kami palayo sa isa't isa nang magsink in sa amin ang nangyari.

"I'm sorry... I didn't know it was your... argh. Im sorry." He said. Hindi ako makapagsalita. Nahihiya pa rin ako sa nangyari. Mukhang nakalimutan na niya ang tungkol sa picture dahil nagmamadali siyang bumaba ng attic.

Hindi ko alam kung anong iaakto ko... what should I do in this type of situation?

That was freaking embarrassing!

Ilang sandali pa ay tinawag ako ni Dice, "Aren't you going to eat?"

"Y-yeah..."

Bumaba na ako. Then, we ate dinner. Hindi ako nagsalita the whole time at ganoon din naman siya.

Malakas pa rin ang ulan matapos naming kumain at tahimik kami ngayong nakaupo sa salas habang pinakikinggan ang pagpatak ng tubig sa bubungan. Hindi nagtagal ay hindi na rin ako nakatiis at pumanik na ako sa kwarto kahit na hindi pa ako inaantok. Hindi ko na talaga matagalan ang atmosphere sa ibaba. Matagal-tagal din akong nakatulala sa ceiling. I was wondering where Dice would sleep, ang lamig kasi ngayon at wala akong dalang blanket. Pero at least nasa bed ako and it's a bit cozy in here compared sa salas.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga footsteps mula sa baba. Sa tingin ko ay paakyat si dice dito ngayon kaya nagmadali akong umayos ng higa at nagpanggap ulit na tulog. Sana hindi ako mabisto, otherwise, I have to deal with the awkwardness again. Isa pa, hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niya kanina no!

I heard the sound of zippers slowly opening as is he's trying real hard not to wake me up. Natetempt akong buksan ang mga mata ko para alamin kung anong zipper ba yung binubuksan niya. I don't know what to think at this point at inaamin ko, may kung anong bahid ng karumihan ang bumalot sa isipan ko in a brief moment. Dumilat ako ng slight para makita kung anong ginagawa niya. I saw him getting something in his luggage. Dali dali kong ipinikit muli ang mga mata ko bago pa man dumapo ang tingin niya sa akin. Hindi ko na nakita kung ano yung kinuha niya.

A moment passed and I suddenly felt warm. Hinintay ko muna siyang bumaba bago idilat muli ang mga mata ko. He wrapped me into a blanket that smells exactly like him. I can feel my heart race. Sino ba namang hindi kikiligin sa mga gesture niya? Kung ipagpapatuloy pa niya ang mga ganitong bagay, baka mahirapan akong kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya gaya ng gusto niya. I want to give up pero nagiging marupok na naman ako.

Naisip ko tuloy, paano naman siya? Gusto ba niyang mangisay sa lamig? Ano bang magagawa ko sa sitwasyon na 'to? What should I do?

"Dice?" pagtawag ko sa kaniya.

"Why? Ya' still awake?" he immediately answered.

"Aren't t you cold?" tanong ko.

"... No." the pause in the beginning of his answer seems likes he hesitated a bit.

"Why don't you come he-"

"I'd rather stay here." He cut me off.

"Sigurado ka?" tanong ko ulit.

"Yeah. Go sleep."

"Okay..."

I can't help but worry... but that's what he wants.

The morning came pretty fast. I woke up early and saw Dice sleeping soundly on the sofa. I immediately went outside and saw Aling Sonya nearby. Winawalisan niya ang paligid ng kanilang bahay.

"Good morning Aling Sonya." Pagbati ko.

"Gud morning, Shihandra." Sagot naman niya.

"Saan po ba ang pinakamalapit na grocery store dito? Magluluto po sana ako ng breakfast eh." I said.

"Ay hija, ako nang bahala sa umagahan ninyo."

"Naku po, nakakahiya naman po a inyo..."

"Okey lang hija, kumakain naman kayo ng gulay 'di ba?"

"Opo..."

"O siya't ipadadala ko na lamang kay Zenin."

"Salamat po Aling Sonya... tulungan ko na po kayo dyan."

"Patapos naman na rin ako... heto, walisan mo na lang ang paligid ng bahay ni daisy..."

"Sige po... Salamat po ulit."

Inabot ko mula kaya Aling sonya and walis tingting na hawak niya. Bumalik na ako saka nagsimulang magwalis sa paligid. Mostly ay mga basing dahon ang nawawalis ko dahil sa malakas na ulan kagabi. Medyo nahihirapan tuloy ako dahil hindi ko naman ginagawa ito dati.

Maaliwalas na ang langit ngayon sa kabila ng sama ng panahon na nagdaan kagabi. Napakasariwa ng hangin sa lugar na ito at maaaliwalas ring pangmasdan ang paligid. Nakakamanghang titigan ang mga bundok na nakapaligid sa kinaroroonan ko dahil sa tayog at kulay nitong berdeng berde dahil sa mga puno. Sumasabay naman sa pag-ihip ng hangin ang mga bulaklak... daisy, kapangalan ng ina ni Dice. Nagyon ko lang ito napagmasdan dahil puno ang isip ko kahapon.

Ipinagpatuloy ko na ang pagwawalis dahil baka tanghaliin pa ako sa kakamasid sa scenery. Medyo Malaki rin kasi ang yard, buti na lamang ay hindi masyadong mapuno sa area na ito, kung nagkataon ay paniguradong hindi ako makakatapos dahil sa dami ng dahon na kailangang walisin.

Di nagtagal ay natapos na rin ako masasabi kong magandang exercise ito sa umaga. Dumating na rin sa Aling Sonya at labis akong nagpasalamat sa kaniya dahil sa pag-aabala niyang ipagluto kami ng pagkain. Kasama niya rin si Zenin, at nang magtama ang mga mata naming ay naalala ko na nakita niya akong umiiyak kahapon.

Habang naglalakad kami sa papasok sa bahay ay pabulong na nagsalita si Zenin. "Ayos ka na ba?"

I immediately answered in a whispering voice. "Oo, I was just being overdramatic."

Tumingin naman siya sakin na parang hindi naniniwala. I just shrugged.

"Natutulog pa pala si Dice." Ani Aling Sonya. "Ano bang ginawa niyo kagabi at mukang napuyat ata."

Zenin once again looked at me but with a confused expression. Napalunok ako. Bakit hindi siya nagagalit or nagulat man lang?

"Aling Sonya, I think namisunderstood niyo po yung kagabi and... we all know he's–"

"Alam ko na ang totoo hija..."

I was dumbfounded.

"Paano mo nalaman, Lola?" Naunahan na ako magtanong ni Zenin.

"Napansin ko lang 'nak at kinompirma naman na din ni Dice sa akin." Sagot ni Aling Sonya. "Ikaw naman 'nak pano mo nalaman?"

"S-sinabi po sa akin ni Shihandra."

"Kaya Shihandra 'nak, wag mo na itago. Hindi ko rin maintindihan kung bakit di ninyo na lang sinabi ang totoo." Dagdag pa ni Aling Sonya.

"Pasensya nap o Aling Sonya... mahirap po kasing ipaliwanag ang sitwasyon namin." Sagot ko.

"Hayaan na nga't alam ko na ang lahat ngayon... alam mo Shihandra, naaalala ko sayo si Daisy. Habang nagwawalis ka kanina, akala ko ay namamalikmata ako dahil nakita ko si Daisy sa iyo. Magkaparehong magkapareho kayo ng awra." Saad ni Aling Sonya.

Sandali akong napatigil. Is what she said really true?

"Napakagandang bata... kaya hindi napigilan nitong si Zenin na kunan ka ng litrato." Bahagyan siyang napatawa.

Tumingin naman ako kay Zenin pero kaagad siyang nag-iwas ng tingin. "Mahilig lang talaga akong kumuha ng litrato Lola!" Dahilan nito.

"Sabagay, kaya nga't nagtrabaho ka ng walang tigil para lang mabili ang camera mo imbes na gamitin ang pera para sa kolehiyo." Aling Sonya said with sadness in her face. "Ewan ko ba sayong bat ka, pasensya na rin at hindi ka naming kayang pag aralin sa kolehiyo."

"Ayos lang ho, 'la." Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Zenin. It seems like he really wants to go to college.

"Shihandra 'nak gisingin mo na si Dice at sabay na kayong kumain. Sya't uuwi na kami." Pagpapaalam ni Aling Sonya.

"Salamat po ulit." Sabi ko.

Umalis na sina Aling Sonya. Hindi ko muna inihain ang pagkain dahil gusto kong hintayin muna Dice na magising. He rarely gets a good night sleep kaya hinayaan ko muna siyang magpahinga.

Lumapit ako kay Dice at saka pinagmasdan siya habang natutulog. I sat on the floor to look at his face properly.

How can someone look like this even when sleeping? This is illegal!

I bet he would be grossed out if he caught me staring at him like this. Sinusulit ko lang naman ang mga panahong kasama ko pa siya and my goal is... to not feel anything when I'm looking at him.

Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa kaniya. Tila kusang gumagalaw ang katawan ko para gawin ang hindi ko naman kayang gawin.

I was an a few inches close to kissing him pero unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata at nagtama ang aming mga paningin.

Parang nawala ako sa sarili at nagmalfuntion kaya...

I slapped him.

"Kid, why did you—"

"M-may lamok kasi!" Dahilan ko.

"Gimme your hand." Aniya. "Nasaan yung lamok?" Nakangiti siya pero halatang warning iyon.

"Nakalipad na kasi! Hindi ko nahuli..." Pagsisinungaling ko.

Binitawan na niya ang kamay ko at ako naman ay dali daling tumayo para lumayo sa kaniya.

"Ayusin mo na ang gamit mo, we'll go home today." He said.

Nagtungo naman ako sa mesa para maghain ng pagkain. "Let's eat... gutom na ako ang tagal mo kasing gumising."

"Well, you threw a tantrum last night so..."

"HUH? Why is it my fault when you clearly overslept?"

"Coz you didn't wake me up?" Sagot niya habang nakangisi.

"Argh. Whatever."

Matapos kong maghain ay kumain na kami.

"You see... pinag isipan ko yung sinabi mo." Panimula ko.

"Which one?"

"That we should forget that day." Paglilinaw ko.

"What about it?" Tanong niya.

"From this day onwards...  susubukan kong kalimutan 'yon, so you don't need to worry." I said.

"Good for you..." He answered while smiling.

Sa tingin ko ay nakahinga na siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. 

"Just treat me as you like and forget that I said those words to you." Dagdag ko pa.

"Got it. "

Aaminin ko na nasaktan ako dahil parang hindi big deal sa kaniya ang mga sinabi ko. Gusto kong umiyak pero alam ko na magmumukha lang akong tanga o kaya baka isipin na naman niya na mukha akong bata.

Pagkatapos naming kumain ay mabilis kong hinugasan ang mga plato at nagtungo sa attic saka inayos ang mga gamit namin. Inayos ka na rin pati yung sa kaniya while he was showering. Itinago ko sa luggage ko yung picture na nakita ko kagabi, i took a photo of it before ko itago para kung makita man niya 'to ay may kopya pa ako. When  finished packing our things, inayos ko naman ang mga bagay bagay sa attic at sa baba then I took a quick shower afer him.

Nang magawa na namin ang lahat ng dapat naming gawin at ayusin ay nagtungo kami kina Aling Sonya para magpaalam. Wala si Zenin dahil may raket daw ito kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya. 

Sumakay na kami sa kotse at nagsimula nang bumyahe. Everything went to normal. Hindi na kasing awkward katulad nitong mga nakaraang araw. May kirot pa rin akong nararamdaman sa dibdib ko pero mabuti na rin ito para sa amin.

BAGO kami umuwi sa condo ay dumaan muna kami sa mansion ng parents ni Dice.

Nang makarating kami sa mansion ay sinabihan ako ni Dice na maupo muna sa sala. Sakto naman na kalalabas ng kwarto ni Mommy at nang nakita niya ako ay kaagad niya akong sinunggaban ng yakap.

"OMG, bakit naparito kayo, Shihandra? Hindi tuloy ako nakapaghanda, hindi nagsabi sa akin si Dice na ngayon ang uwi niyo." Aniya.

"Okay lang po Mommy, how are you po?" I asked.

"I'm okay na, now that you're here!" Aniya. It seems like she still doesn't know what happened to me. I'm glad.

"Whoa. Your son is here Mom." Sabat naman ni Dice.

"Ho ho. Nandiyan ka pala Dice hindi kita napansin pasesya na..." todo ngiting sabi ni Mommy saka patuloy na nakipagusap sa akin. I looked at Dice and saw that he's sulking. Bahagya akong napatawa.

"So, you've arrived." Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. It was Dice's Dad. I kindly greeted him. Medyo napansin ko na he's scanning me kaya medyo nailang ako. Pagkatapos ng batian ay sinabihan ni Daddy si Dice na sumunod sa kaniya. Naiwan naman kami ni Mommy sa sala.

"Excuse me lang po Mommy, I need to go to the cr." Pagpapaalam ko kay Mommy.

"Okay hija... you know where it is naman." She answered.

Patungo na sana  ako sa cr nang marinig ko ang boses ni Daddy. Sinundan ko ang pinagmumulan ng boses para marinig nang maayos ang sinasabi nito hanggang makarating ako sa study. Hindi nakasara ng maaayos ang pinto kaya sumilip ako sa maliit na siwang upang makita ang ginagawa nila.

"How could you let her get lost? How am I gonna face her parents now?" Maawtoridad na sabi ni Daddy.

"I apologize for my carelessness, Dad..." Sagot ni Dice. It's my first time hearing his voice like that.

"Ano bang ginawa mo sa lugar na iyon at pinabayaan mo si Shihandra?" Tanong pa ni Daddy.

"We just toured around the area..." Dice answered.

I gasped in shock nang bigla na lang ilabas ni Daddy ang ilang pahinang papel at ilapag ito nang pahampas sa ibabaw ng table. Buti na lang ay napigilan kong gumawa ng ano mang ingay.

"How will explain this then?!" Sigaw ni Daddy. Tiningnan ko nanh mabuti si Dice. He's still standing with pride.

"Is it wrong to take back what I  and my mother owned?" Dice talked back.

Daddy grabbed him on his collar and  said.  "What if someone found out? Same me some face and stop your bullshit, Son."

"I will try, Dad." He answered. Daddy finally let go  of his collar.

Akala ko okay na ang lahat but he suddenly punched Dice in the face, dahilan para mapabalikwas ang mukha ni Dice sa direksyon ng suntok ni Daddy. I covered my mouth to stop myself from screaming.

What did I just witness?