webnovel

Chapter 9: Hear

"Baby, I love you so much. Please come back to me." I never stopped telling him that.

"Ate Faye, Kailangan mo ng umuwi." Nilapitan ako ni Layah.

"Ayoko... Dito lang ako, Layah."

"Pero, Ate, Dalawang araw ka ng hindi umuuwi. You don't eat, Ate. You only bath here but don't eat."

"Kaya ko, Layah. Okay lang ako."

"Ate, Please! Go home, rest, and eat!

"Layah! Ayaw ko nga eh! Let me be alone here!"

Nakita ko sa mukha ni Layah na talagang nagulat siya. Ngayon, naguguilty ako para sa kanya.

"I-I'm sorry, Layah. I-It's just I'm so worried."

"I understand you, Ate."

"Okay, I will go home. Tatawagin ko lang ang Daddy ni Hugo."

Naroon lang sa labas ng kwarto ang magulang ni Hugo. As much as I want to stay, Kailangan kong alagaan rin ang sarili ko.

Simula nang maaksidente si Hugo ay hindi na ako pinayagan na mag-maneho mag-isa. Puyat raw ako at pagod. Nag leave na rin muna ako sa clinic. Kinuhanan ako ng driver ng Mama ni Hugo.

The moment I got inside my house, Napa-upo na lang ako sa sofa sa aking sala. I feel really empty. Gutom ako pero ayaw tanggapin ng sistema ko ang pagkain.

Tomorrow morning, Babalik agad ako sa ospital. I have to check on him. Hindi ko pwedeng sukuan ngayon si Hugo.

Ngayon lang ako naka-ligo ng maayos. I immersed myself in the tub with warm water.

Bakit kailangang mangyari ito sa mahal ko? Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya.

Pinipilit ko ang sarili kong matulog pero napupunta lang sa pagluluha ng mga mata ko. Babalik at babalik ako sa pag-iyak at pag-alala sa mga nangyaring trahedya.

Pakiramdam ko ay parte ng sistema ko ang pag-iyak. Dalawang buwan na akong ganito. Ngayon lang uli ako naka-uwi ng bahay pagkatapos ang dalawang linggo.

Gabi-gabi ay nagdarasal ako kahit sa pag-gising ko. Bawat dasal ko, Wala akong ibang hiling kundi ang magising na si Hugo. Sana maging maayos na siya. Sana bumalik na siya sa akin.

Kinabukasan ay maaga ako nagising. Nagdala muli ako ng damit na isusuot ko. Leggings, puting t-shirt at jacket lang lagi ang suot ko.

"Tita, Kamusta si Hugo?" Tinanong ko kay Tita Cora pagkarating ko.

"Ganoon pa rin, Hija. No response." Mapait siyang ngumiti sa akin.

"Magpahinga po muna kayo. Ako na po muna ang magbabantay kay Hugo."

"Maraming salamat, Hija."

Nang mailapag ko na ang mga gamit ko ay nag-suot na ako ng lab gown at hairnet bago ko lapitan si Hugo. Hinalikan ko ang kanyang noo.

"Good Morning, Baby. Kamusta ka na? Gising ka na, Please. Sana hawakan mo na uli ang kamay ko. Alam mo, Napag-aralan ko dati na may mga pagkakataon na ang comatose patients ay mayroon pa rin brain activity. Nakakarinig at nakakaramdam sila kahit na hindi sila makapag-salita o maka-galaw. Sana pisilin mo ang kamay ko, Hugo. Mahal na mahal kita eh." Hindi ko na naman mapigilang lumuha.

"Baby, Lumaban ka ah. Dahil kaming lahat ay lumalaban din para sayo. Hindi ka namin susukuan. Mahal na mahal ka namin."

Yumuko ako at dinamdam ang kanyang kamay. The warmth of his hands are still there, still soft like before, and still his hands.

"Faye..." A familiar voice came to my ears.

"P-Pa? Ma?" Bigla na lang kong tumakbo at niyakap sila ng mahigpit.

"I'm sorry ngayon lang kami nakarating."

"It's okay... You are only what I needed to be okay just for a moment."

"I'm sorry if this happened to you. Sana mapatawad mo kami sa nagawa namin sayo noon. It's okay if you can't forgive me, We will still stay beside you." Niyakap ako ni Mama.

"I'm not angry, Mama. I forgive you." Mas hinigpitan ko ang yakap ko.

I felt a little relieved when I saw them. They comforted me and gave me so much just to ease the pain even for a short amount of time.

"Baby?" Naramdaman kong pinisil ni Hugo ang aking kamay.

"Call the nurses."

Ginamit ko ang stethoscope na dala ko at pinakinggan ang heartbeat niya. It's a miracle that his heartbeat is not as slow as it was before. His pulse are slowly getting better.

"Baby... If you hear this, I am here. Keep doing that, Hugo. You're getting better." I kissed the back of his hand.

"Faye, Anong nangyayari kay Hugo?" Lumapit si Tito Mike at Tita Cora.

"Pinisil po ni Hugo ang kamay ko. His heartbeat and pulse rate is getting better too. Which means, He is getting better." Niyakap ko silang dalawa.

"Thank You, God! Uhmmm, Faye? Pwede ba na pumasok si Wilson? Gusto niyang bisitahin ang kuya niya."

"Of course, Tita."

Inalalayan na pumasok si Wilson sa kwarto ni Hugo. Wilson and Hugo are really close. Ang isa't isa ang takbuhan nilang dalawa.

I can hear Wilson talking to Hugo. He's been crying silently every time he visits Hugo.

"Wilson..." Niyakap ko siya mula sa likod.

"He's gonna be okay, Di ba? Magiging maayos si Kuya." He looked at me with sincerity.

"Of course he will. We're all praying for that. Just continue talking to him, I know he can hear us."

"Kuya, Si Wilson ito. Ex ako ng babaeng mahal mo. Sana magising ka na. Mahal na mahal ka ni Faye at sana naramdaman mo iyon kahit nandyan ka. Laban lang, Kuya."

We were all crying that moment but the machines were blinking and making a sound just like how it was in the operating room.

"Baby... Keep breathing, please." Hinalikan ko ang kanyang kamay.

"Doctor Faye, Please step out of the room."

It's a protocol. Hindi nila ako pinayagan na gamutin si Hugo. Pero hindi ko magawang panoorin lang siya. I couldn't stand seeing him.

"My son, Faye! Hugo!" Tita Cora was sobbing.

"Faye! Anong ginagawa nila kay Hugo?" Tinuro nila si Hugo.

"No! Why are you removing the ventilator? Hugo! Doctor! No!" Pinipilit kong makapasok sa loob pero ikinandado nila ito.

"Faye! Ang anak ko!"

"Doctor! No! Don't remove the ventilator! Lalaban si Hugo! He has to live!" I was hitting the door the whole time.

"Faye..." Pinigilan ako ni Wilson at niyakap ng mahigpit.

"No! S-Si Hugo... Hindi siya pwedeng mawala, Wilson. Doctor ako! Alam ko ang gagawin sa kanya!"

Ilang minuto ang lumipas bago may Doktor na lumabas. I don't understand the look on his face.

"Doc..."

"Doctor Andrada, You have to see the patient, just you."

Sinunod ko ang utos ng doktot na ako lang ang papasok sa loob. I saw Hugo without the tubes from the ventilator that was giving him the oxygen supply.

Pinakiramdaman ko ang pulsuhan niya and it is beating. Tinanggal na nila ang ventilator. Ibig sabihin ay nakaka-hinga na ng maayos ang pasyente. Instead, he was wearing the nasal cannula.

"Hugo, Baby... This is Faye. I hope you're doing well. Keep fighting, Baby. Malalagpasan mo ito, malalagpasan natin ito. Can you feel my hand on yours? Can you hear me? Mahal na mahal kita, Hugo." Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. Niyakap ko siya.

"Hugo?" Naramdaman ko na humihigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Keep doing that, Hugo! Can you hear me? Please hold my hand if you do.."

"O-Of course, I can... hear you." I saw his eyes slowly opened. His brown eyes looks exhausted but the color is still lively.

"Oh my God! Doctor! Nurse!" Tinawag ko sila.

"Hang on, Baby." Hinalikan ko ang kamay niya.

"J-just so you know... M-mahal... din kita.... I-I can... hear... you..."

"Shhh.... Don't speak too much. Don't force yourself, Hugo. You'll be better now."

"I hear every.... thing you... say. And I love.... you.... very much... Faye. M-Mahal na ..... mahal.... kita."