webnovel

Freeing from the Chains

Author: deebeeoh
General
Completed · 42.6K Views
  • 10 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Faye Andrada is the black sheep of the family. She came from a well-known rich family. But her own parents never treated her like their own. Now that she wants to free herself from the perfect life she has, Will she ever survive the horror of being independent? Or Will she just swallow every bit of pride she has?

Chapter 1Chapter 1: Escaped

"Faye! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Tinampal ni Mama ang braso ko.

"Y-Yes, Ma. Pupunta po ako sa ball."

"Mabuti at naintindihan mo. Sige, Pumunta ka ngayon kay Rhea at magpagawa ka ng damit mo."

"Opo." Sagot ko na lang.

Matagal na akong pinipilit ni Mama na pumunta sa party na yun. Isang salu-salong puno ng mayayamang tao na puro utak-talangka naman. Mga taong naghahatakan pababa para lang maka-akyat sa itaas.

Gaya ng utos ni Mama ay hindi ko na siya sinuway pa at pumunta na lang sa designer ko. Lagi namang ganito. Tuwing may okasyon ay kailangan bago ang sinusuot.

Isang kulay silver na evening gown ang ginawa ni Rhea para sa akin. Maganda ito at elegante kung tignan.

Pagkatapos ng fitting ay umuwi na agad ako dahil baka sabunin na naman ako ni Mama ng sermon.

"Ate! Buti naka-uwi ka na. Can I see your dress?" Sinalubong ako ng aking nakababatang kapatid.

"Sure, Layah! Let's go upstairs?"

Niyaya ko na siyang umakyat sa aking kwarto at nag-simula na rin akong mag-ayos para sa event mamaya.

"Ate, Why do you always say yes to Mama and Papa?" Tanong ng kapatid ko habang naglalagay ako ng kolorete sa aking mukha.

"Layah, It's because I love them." I smiled at her.

"Magiging katulad din kita, Ate. I will do as what you do."

"Don't be like me, Layah. Lead your own destiny. It's your story to write. It depends on you on how it will go."

"Got it, Ate!"

Tinapos ko na ang pag-aayos at sinuot ko na rin ang gown ko. Handa na rin sina Mama at Papa na nag-hihintay sa akin sa salas.

"Faye, Siguraduhin mong kakausapin mo ng maayos si Robert. Naiintindihan mo ba?" Madiing sinabi ni Papa habang nasa sasakyan kami.

"P-Pero, Pa. H-Hindi ko po talaga siya gusto."

"Wala akong pakialam kung hindi mo siya gusto! Ang importante siya ay ang magiging sagot sa problema natin!" Sinigawan na naman ako ni Papa.

"O-Opo." Nanginginig kong sinagot si Papa.

Pagkababa ko ng sasakyan ay puro malalakas na ilaw mula sa mga camera na kumukuha ng litrato.

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng venue at agad kong nakita ang mga mukha ng mga kilalang tao dito sa Maynila.

"Faye! You came!" Robert came to me and grabbed my waist.

"H-Hi..." Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking baywang.

"What's wrong? I have the right to hold you. Hindi ka pwedeng kumawala sa akin." Then he placed his hands on my waist again.

"Nasaan si Tito Aris?" Tanong niya muli.

"N-Nasa lamesa kasama ang mga business partners niya."

"Then, Let's go there? May mahalaga akong sasabihin." Inakbayan niya ako sabay lakad.

Nang makaupo na kami sa aming lamesa kasama ang aking magulang ay biglang kinabog ang dibdib ko.

"Ladies and Gentlemen, May I please have your attention?" Tumayo si Robert mula sa kanyang pagkakaupo.

"This night is a special night for all of us. Hindi lang ito para sa ating organisasyon na makatutulong sa mga bahay-ampunan na susuportahan natin but also for me and my beautiful date." He looked at me.

"Faye, You smile." Yun ang nabasa ko sa mga mata ni Mama na naglilisik sa akin.

"I want to share to all of you that Me and Faye Andrada is getting married soon!"

"What?" Kumunot ang noo ko.

"I'm sorry, What? Who told you I'm getting married?" Hinarap ko siya.

"Faye! You shut up!" Nilapitan ako ni Mama at hinigpitan ang hawak sa braso habang sinasabi niya yun sakin.

"Napag-usapan na namin ni Tito and you said yes."

"No! I never said yes! Papa, Ano ito?!" Hinarap ko ang aking ama.

"Let's talk outside, Come!" Hinatak ako ni Papa kasama si Mama.

Dinala nila ako sa madilim na parte ng venue kung saan sinigurado nila na walang makakakita sa aming aalis na.

Tahimik lang sila sa buong biyahe pero lumala nang nakarating na kami sa gate ng aming bahay.

"Papa! Masakit!" Hinatak ni Papa ang buhok ko at kinaladkad papasok sa aming bahay.

"Pinahiya mo kami! Didn't we talk about it? Ang sabi ko lahat ng sasabihin namin gagawin mo!"

"Pero mali na kayo, Papa! Personal kong buhay eh pinapakialaman mo! Wala na ba akong kalayaang mag desisyon para sa sarili ko?"

"Sarili mo? Sarili mo lang iniisip mo! Kapag nawala si Robert ay mawawala na rin ang kumpanya natin! Ang lahat ng pinaghirapan namin ay mawawala!" Sinigawan ako ni Mama.

"Kaya gagawin niyong bayad sa mga utang niyo sa pamilya ni Robert? Bakit niyo ko pinipilit gawin ito? Bakit maka-sarili kayo?!"

"Ang tapang mo na ah! Ano? Gusto mong maging malaya? Halika doon sa kwarto mo!" Kinaladkad uli ako ni Papa paakyat sa kwarto ko at kinandado ang pinto.

Bakit ba ganito sila? Bakit hindi nila ako tinuturing na parang anak nila bagkus ay para akong bagay na madali lang ibigay.

Nagmukmok ako sa kama ko at umiyak ng umiyak. Hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses na galing sa labas.

"Layah! Paano ka nakapasok dito?"

"Kinuha ko ang mga susi sa bahay, Ate. Go pack your things! Go!"

"W-What do you mean?" Naguguluhan ako.

"You have to leave! Ipapadala ka nila Papa sa Inglatera! Leave now, Ate!"

Kinuha ko ang maliit na backpack ko at nilagay ang ilan sa mga damit ko at nagpalit din ako ng pantalon at t-shirt.

"Layah, Paano kung pagalitan ka ni Papa? Baka saktan ka nila."

"Don't worry about me, Ate. It's time for you to start writing your own story." She held my hands tighter.

"Layah, Tandaan mo na hindi sa lahat ng oras kailangan mong sumang-ayon sa lahat ng bagay na sinasabi ni Mama at Papa. Stand up for what you believe in, okay? I'll come back for you, Layah." Binigay ko sa kanya ang cellphone number ko at email ko para hindi kami mawalan ng komunikasyon.

"Leave now, Ate! Take care! I love you and I will wait for you." She hugged me tighter.

As I gently parted from her hug, I ran fast so that I can escape. Now that I have freed from the chains I had, how will I start with the freedom I have now?

You May Also Like

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT