webnovel

Freedom [MR Series#6] (Completed/Taglish)

MysteryTeen#6 Krishiana Marie Lorenzo is a girl who have the ability of a silent shooter. She's the one of the six girls archer in the world. And she's observer and have an active senses of the people she only met. But when in the middle of the situation, Lexord noticed that Krisha wanted to find the solution of her unresolve problem and pretending to help her but truely will trapped her and abonded. When Krishiana will find her own life without being inside of the Jail? Is there will come into her life and find her freedom of her own without him?

ItsMeJulie · Historia
Sin suficientes valoraciones
55 Chs

Chapter 10

Weeks passed by at naging busy na naman ako gaya nga nang sinabi ko. Naging maayos naman ang samahan namin ni Lex noong huli. Halos magkasama pa rin kami dahil nga nagkikita kami sa school. We're not on the same level, but at least we update each other.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko habang nag dadaldalan ang dalawang katabi ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa nang palda ko at tinignan ang message nya.

From: Lex.

'Can you eat lunch with me?'

Napangiti naman ako bago sya replyan

To: Lex

'Sure.'

Natigilan ako bigla nang magsimulang asarin ako ng dalawa. Saktong lunch time na nang mag message sya. Hindi na ako tinigilan at inasar asar pa ako hanggang sa makalabas kami! Hindi ko nga alam kung bakit binibigyan nila nang malisya ang lahat.

"Tumigil nga kayo, friendly lang sya." Sabi ko sa dalawa.

"Sus, friendly pero palaging nag u update sa isa't isa! Wag nga ako Krisha! Yang ngiting ganyan, in love na yan eh." Pang aasar ni Irish kaya natigilan ako saglit.

In love? Posible kaya iyon sakin? Nandoon naba talaga ako?

"Gaga!" Pag defend ko sa sarili ko at inirapan sya. Naka ngiti lang si Chloe samin at binigyan ako ng makahulugang ngiti.

Nagpa alam na ako sa dalawa pa matigilan na nila ako mula sa pang aasar nila. Napangiti ako nang matanaw si Lex mula malapit sa glass window at nakita kong nginitian nya ako at tumayo para abangan ako.

"Kanina kapa?" Tanong ko sa kanya at nakitang may pagkain na doon at magka parehas pa.

Umiling naman sya. "Just a few minutes, take a seat." Sumunod naman ako sa sinabi nya at umupo na sa harap nya.

Tinignan ko ang mga pagkain. It was just an adobo for two and a plain rice. Mayroon din na dalawang oreo biscuits at dalawang iced tea apple na nasa tabi nang plate namin. Mas hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ang effort naman nya.

"Bakit pala hindi mo ako hinintay bago ka umorder?" Tanong ko. Gusto malaman ang kasagutan mula sa kanya.

Mukhang natigilan sya doon. "Ayaw mo ba? ikaw na nga pinag e effort-an." Natawa naman ako sa sinabi nya at hinampasan sya nang tissue.

"Para namang nagtatanong lang." Irap ko. Pinakapaborito ko sa lahat ay ang Adobo.

"Just eat." Sagot nya bago magsimulang kumain.

We just talked about some little things while we're eating. Ang saya at sarap pala sa pakiramdam iyong ganito. Unang beses ko pa lang kasi ang ganito dahil wala naman akong naging ex o hindi kaya sumabay kumain na lalaki.

Sa kanya lang. Sa kanya ko lang naranasan lahat. Habang kumakain ay pinapakinggan ko lang ang bawat kwento nya sa buhay.

"You know, my cousin likes the man from college. And she's still a senior high so I didn't know what I'll do for her." Pagku kwento nya. Iyong tinutukoy ay iyong nakita ko last time na kausap nyang nagmumukmok doon.

"How's your parents?" Tanong ko para hindi naman halatang wala akong masabi!

"They're good somehow. It depends on the people they met. Malakas ang pakiramdam nila sa tao at base sa makakasalamuha nila kung mapagkakatiwalaan o hindi."

"What do you mean?" I asked.

"They will observe you at first, if you're trusted or not. Based on the experience of my family. Some traumatic past..." Sabi nya habang malalim ang iniisip.

"It's fine, kahit hindi kana lang mag open about doon." Sabi ko ka agad para hindi sya mailang. Dapat pala hindi na lang ako nag tanong about doon!

Tinignan nya ako bago ako ngitian! Gosh! Mukhang delikado na yata ako sa nararamdaman ko. Kailan paba to nagsimula? Nararamdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko kapag nginingitian nya ako. Epekto ba to nang pagkakaroon ko nang crush sa kanya?

"Thanks for respecting my privacy, Krishianna." He sincerely said and smiled at me.

Napaiwas ako ng tingin doon nang maramdaman kong napaso ako sa tingin na iyon. I should let myself focus sa goal. Hindi iyong tina traydor ako mismo nang nararamdaman ko sa kanya. Dapat bang layuan ko sya?

What if lumala lang ako at umasa sa kanya? As if naman may oras pa syang pagtuonan nang pansin ang nararamdaman ko dahil sa sobrang busy nya eh. Halata naman, dahil nakikita ko sya madalas na nasa phone, seryoso palagi ang usapan pero minsan natatawa.

Pagbalik tuloy namin nang room ay parang wala ako sa sarili nang i kwento ko sa kanila about sa amin ni Lex. Halos hindi sila makapaniwala kahit inaasar naman nila ako sa kanya! Akala yata nila nagbibiro lang daw talaga ako!

"Gaga! May pa deny kapa eh gusto mo rin pala yung tao!" Sigaw ni Irish kaya tinakpan ko ang bibig nya. Hindi naman kailangan ipagsigawan!

"As if naman kasi magugustuhan sya noon. Eh ang sabi nga palaging may kausap sa phone." Pagtatanggol naman ni Chloe.

Mukhang napaisip naman si Irish bago ako tingnan. "Sa bagay, baka naman may girlfriend bhie. Alam mo na, mahirap nang mag assume sa panahon ngayon."

"Totoo." Dagdag pa ni Chloe. "Wag ka pakampante. Iyang mga yan, bait baitan, bibigyan ka ng motibo pero kapag umamin ka, papaasahin ka lang at sasabihin na ganoon naman pala sa lahat."

Napakunot naman ang noo ko. "Sigurado ka bang hindi para sayo yang sinasabi mo? Diba may crush ka doon kay France?"

"Past is past." Irap nya sa akin na ikinatawa ko.

Hindi naman yata sila seryoso sa mga sinabi nila. Natakot tuloy ako, ganoon ba ang mangyayari sa akin? Kailangan ko naba talaga tanggapin iyong nararamdaman ko sa kanya?

Kung sa bagay, wala namang mangyayari kung puro kwestyon lang nasa isip ko. Why won't giving a try? Baka naman pwede, at least hindi gaano ka sakit sa akin kapag lumalim iyong nararamdaman ko para sa kanya. Pati, kailangan ko mag focus sa plano ko! Hindi pwede iyong titigil ako dahil lang nahuhulog ako sa kanya at sa paraan nang pinapakita nya. Nagsisimula pa nga lang kami sa getting to know each other stage pero ako itong nahuhulog na ka agad?! Maling mali.

Noong kinahapunan tuloy ay lumabas na ako dahil may practice pa kami nang sayaw ni Lexord. Nauna ako sa likod nang school kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Paano ko ba aaminin sa kanya to? Pati sasabihin ko bang crush ko sya?! Pang high school naman!

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nakaka distract ang mga bagay na naiisip ko. Habang naghihintay ay iwinaksi ko tuloy muna iyon at pinaractice ko mag isa ang sayaw namin. Kina kailangan ko pa maka attend mamaya sa music club dahil kakailanganin din ako doon.

Bigla akong nag panic nang malingunan ko na sya. Muntikan pa akong magulat dahil ang lapit pa nya sakin kaya napalayo ako ng kaonti. Kumunot tuloy ang noo nya, nagtataka sa mga ikinikilos ko. 'Ano ba Krisha, umayos ka nga!' Sabi ko sa sarili ko at ngumiti nang normal sa kanya.

"Ano, sisimulan naba natin?" Pinilit ko maging maayos ang boses ko sa harap nya.

"Let me take a rest first." Tumango ako pero hindi ko naman inaasahang lalapitan nya ako at pinatong ang ulo nya sa balikat ko! Sinong may sabi na gawin nya iyon?!

Halos hindi ako makagalaw dahil sa ginawa nya. Mali yatang hindi ako umangal dahil alam ko sa sarili ko na mas lalo akong mahihirapan. Aminin ko na lang kaya nang deretsuhan ano? Para hindi na lumalim pa iyong nararamdaman ko?

"Sige." Sabi ko bigla at hindi magawang tignan sya sa mata. Dama ko ang titig nya sa akin habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Kung aamin man ako sa kanya, ito na yung pagkakataon pero hindi kaya sya mailang sa akin? Paano kung maghanap sya nang bagong kapareha nya at ipagpalit ako?! Pati iyong sinimulan namin, paano kung mawala iyon?

Iniisip ko pa lang iyong mga bagay na posibleng mangyari ay parang gusto ko nang umatras. Bakit ba ang hirap umamin? Straight forward akong tao pero pag dating sa kanya ay hindi ko magawang sabihin. Normal lang naman to diba?

"While I'm resting. Let's have a Q&A question. It's that okay?" Natauhan ako bigla nang magsalita sya kaya tumango naman ako.

"Alright, what's your first impression?" Unang tanong nya sa akin.

"Mayabang, mahangin-"

"Wait, iyon talaga ang first impression mo sa akin?" He seemed offended by my answer. Tinawanan ko sya.

"Oo bakit?" Pinag taasan ko sya nang kilay. "Ayaw mo ba nang katotohanan?"

"Not really."

Ako na ang sunod na magtatanong. 'Kaya mo to Krisha'. Out of curiosity, ilang linggo din akong nag tiis para dito kaya tatanungin ko na.

"Sino iyong palagi mong kausap sa phone? If it's okay to you." Dinagdagan ko na para naman hindi mag mukhang nangingielam ako. Minsan kasi ay kahit nasa kalagitnaan kami nang usapan ay palaging may tumatawag sa kanya. Napaka busy nito e.

"I'll consider that a last question." Ngisi nya sa akin kaya napasimangot ako dahil huli pa pala iyon.

"O sige, may balak paba kayo umalis dito pagkatapos ng semester?" Tanong ko since graduating na kami. Baka umalis na din sila dahil matatapos na noon ang balak nila dito.

"Yes. We are a busy person. Hindi lang dito umiikot ang mundo namin. If a love would lead to death, matagal nang patay ang kaibigan namin. So as you can see. We are from different world, but we stick together because that's a loyalty friendship for us. Kahit may mali, nandyaan lang kami para pagtakpan si Israel. Because he knew that is not always about love. But having a possible tragic it is." Mahabang paliwanag nya na mas naintindihan ko.

One question and all the answers are there. I don't know if he notice na pasimple ko syang inoobserbahan o baka nag o open up sya sa akin dahil nasa getting to know stage kami? Whatever it is, dapat ay maging alarma ako dito.

Tumango naman ako sa kanya at hindi nagsalita. Less talk, less mistakes.

"And the last question before we proceed to dance. Yes, it's Eyah. My girlfriend." He smiled reached at his eyes before turning his back against me.

To be continued..