Chapter 27 : Pregnant
"Scarlette!."
Shit! Parang bumabaliktad ulit ang tiyan ko kahit ilang minuto na akong nagsusuka.
"Hoy!." Nasulyapan ko si Troy sa gilid ko.
"Aww." napadaing ako ng sapakin niya ako. "Bakit ba?." Pinunasan ko ang aking labi. Ang sama ng pakiramdam ko. Parang kahit anong oras ay masusuka ako.
"Why the shit are you vomiting?!." taas kilay niyang tanong.
Nasusuka ako e. Napahawak ako sa tiyan ko dahil parang susuka na naman ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang nandidiri na ang hirap ipaliwanag.
"Iniisip mo bang may ginawa kami ni Caden?." tanong niya na nagpatigil sa akin.
Naalala ko ang hitsura nilang dalawa at nasuka na naman ako.
"Scarlette!." galit na sigaw niya.
"What?." taas kilay kong baling sa kaniya nang mahimasmasan.
"You're wrong."
Hindi ko alam pero bigla akong natawa.
"Are you a gay—Aww!." sinapak niya ulit ako.
"Stop hitting me , idiot!." Pinanlakihan naman niya ako ng mata.
"Ba't ka kasi suka ng suka?."
Naiisip ko kasing may nangyari sa kanila. I mean the thought is utterly gruesome. Hindi naman sa hindi ako pabor sa mga LGBTQ community. Ang sakin lang , lintek na , si Caden talaga! Hindi ko kayang isipin. Nasusuka ulit ako.
Damn.
"Hindi ako bakla!." giit niya. "Fvck you." bulong niya. Kita mo , minura pa ako.
"E ba't kasi ganiyang ang mukha niyong dalawa? Saka ba't kayo magkasama?." sunod sunod na tanong ko rito.
"Ano kasi?." nagkakamot ito ng ulo.
Nasulyapan ko sa may pinto si Caden. May kadiliman sa kaniyang gawi kaya hindi ko malinaw makita ang kaniyang mukha.
"Scar?." napatingin ulit ako kay Troy.
"You don't have to explain. Uuwi na rin ako."
Sinulyapan ko ulit si Caden bago tinungo ang kotse ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni Troy sa akin.
"Uuwi ka na?." tipid akong ngumiti.
"Ayos ka lang ba? You're pale."
Nakumpirma kong tama ito ng makita ang sarili ko sa rearview mirror. Namumutla nga ako.
"Y-Yeah. I'm okay." pagsisinunggaling ko kahit nahihilo na naman ako gaya kanina.
"You sure? You don't look good."
"A-Ayos lang—
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mahilo na naman ako.
"Caden?!." rinig kong tawag niya rito.
Pipigilan ko sana siya pero huli na dahil papunta na rito si Caden. I tried turning on the engine pero hindi ko kinaya. Kaunting galaw ko ay nahihilo agad.
"She's not okay. Ikaw ng bahala sa kaniya."
"No. I can handle myself."
Huminga ako ng malalim. Medyo nabawasan na ang pagkahilo ko.
"Kaya ko."
"Ihahatid kita."
Tuluyang nawala ang hilo ko nang magsalita si Caden. Gusto kong lumingon parang tingnan siya pero naging isang tuod ako sa aking kinauupuan.
"I'm fine. Thank you na lang."
Hahawakan ko na sana ang manibela ng hawakan niya ang kamay ko. My heart skip a beat as I felt his warmth against my skin. Tumingin ako sa kaniya. At sa kabila ng dilim ay nakita ko ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. Humigpit ang kapit niya sa aking kamay at ganoon na lang kalakas ang kalabog ng puso ko.
Nanatili siyang nakatitig sa akin. Kaunti na lang ang kulang at tutulo na ang luha ko. Wala naman akong ginawang mali maliban sa saktan siya diba? Kailangan ba ganito kasakit ang karma na matatanggap ko.
"Please move. I'll drive. Ihahatid lang kita sa inyo. No less. No more."
I felt a pang in my chest. Sa sinabi niya ay parang hanggang doon na lang kami. No special attachment involve.
Gusto ko mang magreklamo pero wala na akong magawa. Lumipat ako ng kabilang upuan at hinayaan itong magmaneho. My dizziness faded and yet I can't feel my own self.
Katahimikan. Iyon ang namamagitan sa amin. Pinili kong ipokus ang mga mata ko sa labas sa halip na sa kaniya. I don't want to stare at him and realize how near he is from me yet I can't still able to reach him. Magkatabi nga kami pero sobrang layo parin. Mas lalo akong nasasaktan.
Hindi ko mapigilan ang iilang butil ng luha na tumulo. Bahagya akong tumagilid para hindi niya makita iyon. I forced myself to sleep instead pero hindi ko talaga mapilit ang sarili ko.
When Daniel betrayed me , sleep become my escape route away from pain. And now , it is again.
A phone ring. Hindi sa akin iyon. Nasulyapan ko si Caden na naglalagay ng earphone sa kaniyang tainga. Muli kong itinutok ang mga mata ko sa labas at ipinikit ang mga mata ko habang nakikinig sa kaniyang boses. Napangiti ako. I miss his voice.
"What?." rinig kong tanong niya sa kausap.
Iilang salita lang ang narinig ko mula sa kaniya. It give me comfort. Magaling rin siyang kumanta. He's voice is like a lullaby , putting me to the comfort of sleep. Marahan kong hinaplos ang aking tiyan. It help me ease the pain. Mommy , loves you baby. At kapag nandito ka na , I promise not to make you feel any pain. Promise. Kahit tayo lang dalawa.
Nakatigil na ang sasakyan ng maalimpungatan ako. Sumikdo ang sakit sa puso ko nang matagpuang mag-isa na lang ako roon. I stared at the empty seat , hoping he's image will appear again. But it won't happen , right? He's gone now. Baka ay huling pagkikita na namin kanina.
I smiled bitterly. Nanghihina akong lumabas ng sasakyan. But it faded immediately. Pagkalabas ko ay nakita ko si Caden na nakasandal sa may likuran ng kotse habang nakapamulsa.
"S-Salamat." Hindi ito umimik. I get that he get it. I slowly turn my step away from him. It hurts walking away from him but it's the only way I know to avoid hurting me more. Ayaw rin naman niya akong makita diba?
"Sayo ba to?."
Napalingon ako sa kaniya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang hawak niya. Ang tatlong pregnancy test na binili ko.
"Bakit nasa sayo to?." mabilis kong binawi iyon sa kaniya.
"Sayo ba to?." ulit niya sa tanong niya kanina lang.
"Salamat sa paghatid. Makaka-uwi ka na." pag-iiba ko sa usapan.
Hindi niya ako hinayaang umalis dahil palakad pa lang ako ay mabilis na niyang hinawakan ang braso ko.
"Are you really pregnant?."
I sigh. "Sinong nagsabi sayo?."
"Maxine."
"Nag-uusap parin kayong dalawa?." sandali siyang natahimik.
"Sagutin mo muna ako. Buntis ka ba talaga?."
Umiling ako. "Hindi."
Tinuro niya ang hawak ko.
"It's positive."
Paano niya nalamang positive iyon? What did he know about this kind of thing?
"It's not mine."
"Don't try to fool me."
Muli akong nagbutunghininga.
"Okay. Yes. I'm pregnant." I notice how he falter.
"But you're not the father." tumaas ang kaniyang kilay.
"Mauuna na ako sa loob. Thank you ulit sa paghatid."
"Avery.." Hinila niya ulit ang braso ko. Napadaing ako ng mahawakan niya ang pasa ko roon.
Binawi ko iyon mula sa kaniya pero hinigpitan niya lamang ang hawak sa akin. Napapikit ako sa sakit.
"Ayos ka lang?." He loosen his grip.
"I-I'm fine. Mas mabuting umuwi ka na. Malalim na ang gabi. You can take my car. Ipakukuha ko lang kay Troy bukas."
Muli niya akong pinigilan sa pag-alis.
"I've been in therapy for months to keep my semen healthy and normal and it's quite successful. Pwede akong makabuntis? And Xine told me that you're not someone that would flirt with another guy. Now , tell me. If it wasn't me. Sino?."
Hindi ko siya sinagot. I know that my silence is an answer to him.
"Ako , hindi ba?."
I stare at his shirt.
"Ako , hindi ba?." ulit niya.
"I'm going to ask you one last time. Ako ba—
"Yes." Hindi ko na siya pinatapos. "Papanhik na ako sa loob."
Napapikit ako nang pigilan niya ulit ako.
"Caden. Bitawan mo na ako." Hindi niya iyon ginawa. Mariin akong pumikit para pigilan ang pag-iyak. Bumibigat lalo ang dibdib ko.
"I have to go inside. Malamig rito sa labas." Wala na akong mahanap na dahilan.
Nanatili siyang walang imik. Hinihintay na sumuko ako. I surrender then. Hinayaan ko ang mga luha ko na tumulo. Hindi ako nag-abalang punasan iyon.
"I'm sorry."
I took the courage and hug him. Inaasahan kong itulak niya ako palayo pero hindi niya iyon ginawa. Hinayaan lang din niya akong yakapin siya. His scent. I miss it. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.
"Payakap kahit ngayon lang."
This kind of time should be all happy right? Pero ayos na to.
I tighten my hug around him. Habang nauubos ang oras ko ay ayaw ko ng bumitaw pa. Kung pwede lang sana.
Mariin akong pumikit nang tanggalin niya ang kamay ko na nakaakap sa kaniya. Sunod sunod akong lumunok at pinahiran ang pisngi kong basa sa luha.
"U-umuwi ka na. Malalim na ang gabi."
Panapahiran ko ang aking luha nang hawakan niya ang aking kamay. I feel a soothing air blown against my skin as I felt his hand against my own skin.
Tahimik siyang nakatingin sa akin. I stare back at him , silent as he is. The eyes remain teary-eyed. Hindi ako nag-abalang punasan iyon dahil nawawala ako sa kaniyang titig. I don't know how long we stood there , doing nothing but staring at each other. Bahagya akong napukaw mula sa tila walang katapusang pananahimik nang maramdaman ang malamig ng patak ng ulan sa aking balikat.
I can hear the roaring thunder somewhere. Madilim ang kalangitan. Walang makikitang bituin at buwan. Kanina pa masama ang panahon at masyado lang akong abala para hindi iyon mapansin. Lumalakas ang ulan , unti-unting nababasa ang suot naming dalawa pero hindi siya umimik o gumalaw man lang.
"I-It's raining—
Naputol ang salita ko nang pisilin niya ang aking kamay na parang pinipigilan ako.
We stayed their for few minutes until we're soaking wet. Hindi ako nakaramdam ng lamig sa kabila ng pagkabasa. Nanatili ang atensyon ko sa kamay nitong nakahawak sa akin and I am silently hoping that he will never let them go anymore.
Pero nagkakamali ako dahil binitawan niya ang aking kamay sa mismong pagkakataon na pinagdasal kong hindi siya bibitaw.
"Let's go."
Hinila niya ako papasok sa bahay. Nanatiling tahimik ang loob. Wala paring tao.
"You should take a shower and get change."
Sinunod ko ang kaniyang sinabi nang walang imik at wala parin sa sarili. Nang makaligo ako ay saka lamang ako nahimasmasan at nabalik sa reyalidad. Nagbihis ako at muling bumaba para tingnan ito.
Dismayado agad ako ng makitang wala na ito sa salas. Marahil , umalis na. But I didn't hear any sound of the car. Baka dahil ay nasa shower ako.
"Coffee?." Nag-aaway ang loob ko nang magsalita ito mula sa aking likod. Dala niya ang isang tasa ng mainit na kape. Basa parin ang kaniyang suot.
"You should get change too."
Inilapag niya ang tasa sa center table.
"I'll get change when I get home." saad niya.
Nawalan ako ng ibang sasabihin. Katahimikan na naman ang namayani sa pagitan naming dalawa. Mailap ang mga mata ko sa kaniyan. Hindi makatingin nang deretso sa kaniya. Bunahing ito dahilan para saglit akong mapasulyap sa kaniya.
"You'll catch cold. H-hanapan na lang kita nang damit pampalit."
Hindi ko na siya hinintay na makasagot at bumalik sa taas para kumuha ng masusuot nito. I have no particular clothes for him. Naghanap na lang ako ng mga damit ni dad na magagamit niya. Nagdala na rin ako ng towel para rito. He was shivering in cold when I get back.
Inilahad ko sa kaniya ang damit at towel pero hindi niya iyin natanggap. Nanginginig parin ito habang nakaupo sa sofa.
Nagdadalawang isip man ay ako na mismo ang nag-akap ng tuwalya sa kaniya.
"Magbihis ka na."
Bagaman nag-aalala talaga ako , pinalabas kong guilty lang ako kapag may mangyaring masama sa kaniya. After all , we're back to no personal feelings involve right?
Iiwan ko na sana ito ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako palapit sa kaniya. Napaupo ako sa kaniyang harapan habang nasa likuran ko ito. Nakayakap sa aking baywang ang kaniyang mga kamay. Nakahilig naman sa aking likod ang kaniyang noo. Nararamdaman ko ang basang damit nito.
Bagama't malamig ang gabi ay hindi ako nilalamig. I'm warm in his arm. Pakiramdam ko ay bumaliktad na naman ang sikmura ko ng marahan niya iyong haplusin.
"Come back to me." Napalunok ako sa kaniyang sinabi.
"Please." pansin ko ang pagkabasag ng kaniyang boses. Hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.
"Wag mo na akong iwan. Please. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Even if I am not. I'll try to become your ideal man."
I can't open my lips to speak. Masakit ang puso ko. Nasasaktan ako para sa kaniya.
"I won't force you to love me back. I just want to be your husband and the father of your child. I-I won't ask to be the love of your life." tuluyang nabasag ang kaniyang boses. Ramdam ko ang mainit na luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata. Mas lalong pinipiga sa sakit ang puso ko.
"You can set rules. I'll follow them. I won't ask for more. I just wish you could give less. Just less."
Humugot ito ng malalim na hininga. Nahihirapanag maghanap ng susunod na sasabihin.
"Kahit kaunting pag-asa lang—
"Caden—
"Please."
Sandali akong pumikit bago siya harapin at mariing halikan. Nagulat ito sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako.
"Sorry , Caden."
Naiiyak ko siyang yinakap. Hindi na inalintana kong muli akong mababasa. I hug him tighter than I ever did. Just so he will realize that I won't let go ever again.
"Sorry kong nasaktan kita. Sorry if I rejected you because you're imperfect. Nagkamali ako ng desisyon at pinagsisihan ko na iyon. You don't know how bad I want to come back. I'm just scared that you'll push me away."
Sinapo ko ang kaniyang mukha at muli itong hinalikan. Parehong luhaan ang mga mata naming dalawa. I kiss his eyes , his cheek , his nose , his forehead and his hair wishing that my kisses would take away the pain I give to him
"I'm sorry , baby.."
Pumungay ang kaniyang mga mata. Ngumiti ito at hinigit akong muling payakap sa kaniya.
I felt all sort of comfort while Caden is beside me. Hindi pa tumila ang ulan at mas lalo lamang lumalakas ang buhos. Caden insist to stay. Kaya naman magkatabi kami sa kama. Kanina pa ito nakatulog. He seem really tired. I haven't ask him about why I saw him back at Troy's bar. Ang mahalaga ngayon ay nasa tabi ko na ulit siya.
Kinabukasan ay nagsuka na naman ako. Normal naman iyon sa isang buntis kaya hindi na ako nag-aalala. Si Caden lang ang masyadong paranoid. Nang magising ito habang nagsusuka ako ay halos bumangga na siya sa dingding sa pagkakataranta.
"Should I call the doctor? H-how do you feel? Are you okay? Is the baby okay?." He hysterical ask. Bahagya akong natawa. He was never been this scared.
"Hey. Calm down. I'm fine. It's normal for pregnant women."
"Fvck! Your pale! There's nothing normal with that!." giit niya. Hinayaan ko na lang. First time maging ama e.
Tumawag na ito ng doctor. He want us to go to a hospital but I resist. I felt tired. Gusto ko na lang magmukmok rito sa kwarto kasama siya.
Kumalma lang ito ng makausap ang doktor na tinawagan niya.
"See? I'm fine."
Bumunsangot siya at sumampa sa kama at siniksik ako sa kaniyang yakap.
"I just want to make sure you're fine. I don't want anything bad to happen to you and the baby."
"We're completely fine. But sure we aren't if you continue being that panic. Baka atakihin ka sa puso sa pag-aalala sa amin."
"Wala naman akong sakit sa puso."
Sandali siyang natahimik kaya nilingon ko ito.
"Avery.."
"Hmmm."
Tiningnan niya ako saglit bago nag-iwas ng tingin.
"Bakit?."
"What if..." he sigh.
"What if I can't give you another baby?."
I held his hand. "Two is enough."
"Pero paano nga kung hindi na mangyayari?."
"I already have two babies."
Mabilis na kumunot ang kaniyang noo at tinaasan ako ng kilay.
"What do you mean?."
I smiled at him sweetly.
"This baby." I caress my belly. "And you."
He bit his lip. Alam kong kinikilig siya pero ayaw lang niyang ipahalata sa akin. I reach out his cheek and pinch it.
"Ang cute mo."
"Ganda mo." Gumanti siya ng pagpisil sa pisngi ko. Mahina akong napadaing dahil medyo masakit iyon.
"Sorry." mabilis niyang pinatakan ng halik pinsgi ko na kaniyang kinurot. I buried my face in his chest.
"Caden?."
"Hmm."
"Bati na ba tayo?."
"Yes , we are." aniya at hinalikan ang noo ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Can I have the ring back?." I give him a puppy eyes. But it quickly disappear when he shake his head.
"Bakit?."
"Tinapon ko na."
"Ano?! Bakit?."
Umiling ulit ito. "Hindi ka na muna sasabihin kung bakit."
"Ang sama mo. Akala ko na ba bati na tayo?." nagtatampo ko siyang hinampas.
"I'm actually planning to buy you a new one. Kung papayag ka naman."
Nagtataka ko siyang tiningnan.
"What do you mean?."
He was about to say a word when we heard a knock.
"Avery?." boses ni mommy. "Nandiyan ka ba?."
"Y-you need to hide.." natataranta akong tumayo. Kinunutan lamang ako ng noo ni Caden.
"Caden. You need to hide."
"Why?." taas kilay niyang tanong.
"Paano kapag nakita ka niya rito?."
"Ano naman? Why? Are you ashamed of me?." nagtatampo niyang tanong.
"H-hindi naman." mabilis kong iling.
"Kung ayaw mo naman. Sige. Ayos lang " Tumayo siya mula sa pagkakahiga. "Saan ba ako magtatago? Sa banyo na lang?."
He made his way toward the bathroom door. Mabilis ko siyang hinigit pabalik. I noticed how his eyes sparkle at what I did.
"Stay."
"Are you sure—
Hindi na natapos ang kaniyang sasabihin nang bumukas ang pintuan. Pumasok si mommy mula roon.
"Avery—
Naputol ang kaniyang sasabihin. Her eyes stuck like glue on Caden. Naglipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa.
"W-what are you doing in here?." tanong niya kay Caden.
"Bakit nandito siya , Avery?." baling naman niya sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay. Lumipat rin ang tingin ni mommy roon.
"What's going on?."
Sinulyapan ko si Caden bago muling bumaling kay mommy.
"Mom... I'm pregnant." Sa mga salita pa lang na iyon ay halos mamutla na ito.
"And Caden is the father."