webnovel

Chapter 10

CHAPTER 10 : Something Different

"Caden!."

Tumigil siya sa pagmamaneho ng may lalaking pumara sa amin. Binuksan nito ang bintan at dumungaw naman ang lalaki.

"Naglalaro kayo?."

Tumango ang lalaki at yinaya rin si Caden. Nagtagal ito ng seatbelt at bumaba. Sinilip ko ang labas. It was a basketball court. May mga naglalaro sa loob. Bumaba na rin ako at pumasok sa loob. Marami ang sumalubong kay Caden at nakipag-fist bump sa kaniya. Naroon rin si Zach na pawisan na.  They all look close to him. Mga kaibigan niya siguro. Malawak ang court. It was a closed one at may mga hagdan sa bawat gilid para mauupuan.

My eyes stop at a guy. He was with Caden pero nasa sa akin ang titig. Nang mapansin siya ni Zach ay siniko ito at may ibinulong. Their attention turned to me. Another flash of discomfort wash through me. Ayokong nasa sa akin ang lahat ng atensyon ng mga tao na para bang kahit na anong galaw ko ay naroon ang mga mata nila para tingnan ako.

"She's my wife , Avery." anunsyo ni Caden sa kanila. Halata ang gulat sa kanilang mgamukha.

"Talaga? Kailan ka pa kinasal?." sabay na tanong ng mga ito sa kaniya.

"Wala nga kaming nabalitaang may girlfriend ka na."

"It was private." paliwanag niya sa mga ito.

Bumalik sa akin ang atensyon ng mga kaibigan nito.

"Sigurado ka bang asawa mo to?." tanong ng isa sa kanila.

"Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?."

"Parang hindi naman siya iyong tipo ng babaeng tipo ka." nagkatinginan kami ni Caden.

"Nagbibiro ka lang e. Bagay kaya sila." ani naman ng isa pa sa kanila.

"Akala ko magkakatuluyan kayo ni M—

Natigil ito sa susunod na sabihin ng siniko ulit siya ni Zach. Magkakatuluyan nino?

"Anyway. You should watch him play. He's good." ani Zach at niyaya na ang mga kasamahan na simulan ang laro.

I never been athletic before nor a fan of sports. Hindi ako sumasali sa mga sports event sa school kahit na pagtakbo ay hindi ko sinubukan. Though I've once played volleyball with my friends but that was a damn hell of an experience. I had my ankle bruised because of that. Ever since I never like playing anymore. At saka abala ako sa pag-aaral , sa kompaniya at kay Daniel. Hindi siya adventurous na tao kaya naman hilig niya ang lakad lakad lang , beach o tambay sa bahay at nanonood ng mga palabas at movie. Ngayon ko lang rin napagtantong , ang boring ng naging relasyon naming dalawa. Walang thrill.

The game started. Noong una , wala akong interes na panoorin iyon at nangalumbaba lang sa hagdan. But the game went intense ng hawak na ni Caden ang bola. Pilit namang gumagawa ng paraan si Zach na nasa kabilang team na makuha ito. Habang mas lalong gumaganda ang laban ng mga ito , dumadami rin ang mga taong nanonood. May mga naghihiyawan at sumusuporta na sa kanila. Breaktime came.

Kahit medyo magaling si Caden , sablay naman ito sa pagpasok ng bola sa ring. Nasa lead ang team ni Zach , twenty points ang lamang nito sa kanila.

"You don't gain points. You can hardly make a shot."

Tumaas ang kaniyang kilay sa aking sinabi. "Instead of mocking me. Why don't you give support?."

May lumapit sa kaniyang isang babae na may dalang towel at pinahiran ang pawis nito. Alam kong hindi simpleng punas ng pawis lamang ang ginagawa nito kung hindi nanglalandi rin. Napahilot ako ng sentido. Bawat pagkakataon ata na mayroon ang mga babae rito ay ginagamit nila para landiin si Caden.

"Here." umangat ang tingin ko sa kaniya ng i-abot nito ang towel sa akin. Papa-alis naman ang babaeng nagpunas sa kaniya kanina lang.

Siya na mismo ang naglagay ng towel sa kamay ko ng hindi ko iyon agad abutin. Umupo ito ng mababa sa kinauupuan ko.

"Zach is good at basketball. I never beat him."

Tumingin ako sa paligid. Marami ang nakikipag-usap kay Zach at pinupuri siya sa pagiging magaling. May ibang nagsasabing makakapasok daw siya sa PBA. Hindi maitatangging kung mayaman rin ito ay maikukumpara talaga sila ni Caden. Halos nasa kay Zach ang atensyon ng lahat. May iilang nasa amin ang atensyon but on Caden kung hindi ay nasa akin. Sumulyap rin sa amin si Zach.

Nag-iwas ako ng tingin at pinunasan ang pawis ni Caden.

"Magka-rival ba kayo ni Zach?."

Umiling ito. "No. It's just like sometimes he's way better than me."

"I thought you're perfect." napasulyap sa akin.

"You thought?."

Tumango ako. I always thought he is. Hindi lamang sa panlabas na anyo but as well as the other aspects.

"I'm sure you can beat him."

"Sinabi ko na sayo. Hindi pa kami nanalo laban sa kaniya." aniya at sumulyap sa kabilang team.

"This time. It's something different."

"What makes the different?."

"Wala pa ako."

"So what if you're here?."

"Baka ma-inspired ka."

Tumaas ang kaniyang kilay bago bahagyang natawa. Ang totoo ang cute niya kapag nakangiti. Sobrang striktong kasi ng mukha niya kapag seryoso.

"Okay. I'll try."

Tumayo na ito ng matapos ang break time.

"Wish me luck." aniya at hinalikan ako sa noo.

The game restart. Sa bawat pagkakataon na napapatingin sa akin si Caden I give him a thumbs up. Pero hindi parin maganda ang laro nila. Lamang parin sina Zach. Kunot na kunot na rin ang noo ko dahil sa inis at hindi man lang sila makahabol. Sa tuwing nakakalamang sila , nakakapuntos rin naman sina Zach.

"Oh ghad.." napangiwi ako ng matamaan si Caden ng siko ng kalaban nito.

His nose started to bleed but it didn't stop him from getting a two points. Napapalakpak ako. This is really getting fun. I should watch them more. Habang nalalapit ang pagwawakas ng laro , mas marami ang nakuhang puntos ni Caden dahilan para lamang na sila. But Zach is good too. Hindi niya basta bastang hinahayaan ito na makapuntos. May isang sandali pa na muntikan na namang matamaan si Caden. Nakakabawi rin sina Zach kaya naman pantay ang score nila ngayon.

Ten seconds remaining. Tumatakbo si Caden habang hawak ang bola para makakuha ng pagkakataon na makatira. The seconds are closing to zero when he make a shot. Malayo pa ang distansya niya mula sa ring at hindi malinas kung kaya niyang makakuha ng tama. We we're all silent , waiting for what will happen. Sobrang intense sa loob na para bang isang NBA game ang pinapanood namin. Nang makapasok ang bola sa ring ay naubos rin ang oras. Dagdag puntos pa iyon kina Caden kaya naman lamang na sila kina Zach. Ibig sabihin , sila ang panalo.

I suddenly felt a rush of something different excitement and amusement right now. Something different I never been felt dahilan para makasabay ako sa tili at hiyaw ng mga tao rito sa loob. Kumpulan ang lumapit kina Caden.

"I never seen him play that rough." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Zach sa gilid ko. "Inspired?."

Sulyap lang ang gawad ko sa kaniya. Papalapit sa amin si Caden kaya agad akong bumaba at sinalubong ito. Nakangiti ito.

"See?." bungad ko sa kaniya.

Sinalubong naman niya ako ng yakap at halik sa aking sentido.

"Sinabi ko naman siya diba. You will win."

Hanggang ngayon ay bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Hindi niya rin inaasahang manalo. Hindi naman malaking laro iyon pero batid kung malaki iyon para sa kaniya.

We stayed inside for awhile. Naunang umuwi si Zach. Kaunti na lang rin ang tao rito sa loob. Pinapahiran nito ang dugo sa kaniyang ilong.

"Ayos ka lang?." Tipid na ngiti ang kaniyang sinagot.

"Basketball is fun. You should watch more."

"You mean. I should watch you play more." Tumango siyang bilang pagsang-ayon.

"Let's go." nagyaya na rin siyang umalis ng tumigil sa pagdurugo ang kaniyang ilong.

Paglabas  namin ay napakataas na ng araw. Magtatanghali na rin pala ng sulyapan ko ang aking relo. Dahil nasa gilid ng highway ang court , paglabas ay sumalubong sa akin ang abalang kalsada. Marami rami  na rin ang tao sa paligid at abala sa mga ginagawa.

"Gutom ka na?."

"Medyo." Maliit lang ang kinain ko sa umagahan at nagsimula na ring kumalam ang sikmura ko.

"Do you eat in the carenderia?." tanong niya.

"Ano?."

"Karenderya. It's the same with restaurants pero hindi masyadong sosyal. Iyong nakikita mo sa tabi ng kalsada o sa mga public market."

"I'm not sure. But I kind of heard about it before."

"Never been tried?."

Umiling ako. Kapag kumakain kami kung hindi sa bahay at luto ng aming cook ,  sa labas naman sa mamahaling Italian o Spanish restuarant.

"Saan ba kayo nagde-date ni Daniel noon?." I glared at him.

Nagkibit balikat lang din naman siya.

"Hindi ba iyon madumi?." pag-iiba ko . Hindi naman siguro kailangan isali niya rito si Daniel.

"It's worth a try. Something different. Let's go."

Mabilis kung binawi ang kamay ko ng hawakan niya iyon.

"You don't have to do that."

"You'll get lost."

"Hindi na ako bata."

"Bahala ka."

Sa halip na pumasok sa sasakyan ay naglakad ito. Mabilis akong humabol sa kaniya.

"Where are you going?."

"Karenderya." tipid niyang sagot.

"Kumakain ka roon?."

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tumigil siya sa gilid ng kalsada. May mga taong nakatayo rin sa kasama niya. May ibang lumilingon sa kaliwa at kanan at saka tatawid. Wala bang pedestrian rito o kaya traffic light. Mabibilis ang takbo ng mga sasakyan and just the thought of crossing with the all the cars approaching made me shiver already.

Nagulat pa ako ng makitang nakatawid na si Caden sa kabila. Mapag-hamon niya akong tiningnan. Mahina akong napamura. Sa kabila ng kaba tiningnan ko ang bawat gilid para i-check kung may dadating na sasakyan. Ilang minuto pa akong nakatayo roon bago makahanap ng pagkakataon na makatawid. Nanginginig ang tuhod ko ng makatawid.

"That's illegal. Its jaywalking." reklamo ko rito.

"You're not in the city anymore." aniya at tumalikod na. Mabilis ko itong pinigilan.

"Let me breath for awhile."

"Nagugutom na ako." reklamo niya.

"Please. " Nakakawala ng kaluluwa iyong ginagawa nila.

Pinagbigyan niya ako at binigyan ng ilang segundo. Lalakad na rin sana ito ng pigilan ko ulit.

"What again?."

Humawak ako sa braso nito. "You can't possibly leave me like that."

Pinasok namin ang public market nitong lugar. Masikip , maraming tao at hindi ko gusto ang amoy.

"Come on." inirapan ko ito na walang ka-hassle hassle na lumusot. Habang naiwan naman akong naipit sa dami ng taong dumadaan. Kailangan ko pang maghintay na mawala ang mga taong iyon para makasunod kay Caden.

"You won't survive in here."

Hindi na ako nagreklamo dahil tama naman siya. Ibang iba ito sa nakagawian ko.

"Caden." napatigil ito sa akmang paglalakad ng tawagin ko.

I sigh. "I won't survive in here.. Alone. I want this place to become my healing. I dont want to be more miserable na sa halip na maka-move on ako , maghihirap pa ako lalo dahil sa bagong mundong ito."

Seryoso niya akong tiningnan.

"I don't want to be miserable while I am here."

"That's why you should learn to accept the hand offered to you kahit sa tingin mo hindi mo kailangan." Napatingin ako sa inilahad niyang kamay.

"The first step you need in order to move on , is to put your trust to the right people. Para sa susunod , alam mo na kung sino ang sasaktan ka lang sa huli. It's hard to tell the difference , its humans nature to lie and manipulate. It won't be easy to determine who is a liar and a pretender among any others. But if you try to know them better beyond what your mind knows, it will be much easier. Hindi ko sinasabing magtiwala ka sa akin. It's up to you. But to know whom to trust , you should try to know them better first. Hindi iyong basta basta mo na lang ini-ignore kahit hindi mo alam ang totoong motibo niya. You give judgement too early."

"Kung galit ka dahil hindi ko hinawakan ang kamay ko kanina , pwede mo namang sabihin. Hindi iyong papangaralan mo pa ako."

I held his hand. Ako na ang naunang naglakad at hinila ito.

"Saan ba ang karenderya rito?."

Kahit saan ko hagilapin ay wala akong makitang kainan.

"Excuse me kuya." napatingin sa akin iyong lalaki na nakatayo at mukhang bantay sa isang tindahan roon. Ba't ngayon nga lang ba ako nakapunta sa isang public market?

"Ano po iyong ma'am?."

"Saan po pa ang kainan rito?."

"Nasa taas po. Akyatin niyo lang po iyong hagdan." turo niya sa hagdan sa gilid.

"Thank you kuya."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Caden sa likod ko pero hindi ko na siya pinansin at tinungo ang hagdan. Umabot kami sa taas pero hindi rin madaling hanapin dahil may kung ano anong naroon pa sa taas. Sa huli si Caden na ang nauna at tinunton ang tamang daan. Mabilis nitong nahanap ang kainan , parang sanay na sanay siya sa lugar na ito. I can't even imagine he'll be on this kind of place.

Halos puno ang bawat kainan dahil tanghali na rin. Nang dumating si Caden roon ay panay ang yaya sa kaniya ng mga iba't ibang kainan upang doon kumain. 

"Dito tayo."

Pinili nito ang unahang kainan na agad rin siyang inasikaso ng makalapit. Unlike in restaurants. They dont have any menu. Nakadisplay lamang ang mga pagkain nila sa mga lalagyan of course habang may takip at namimili ang mga kakain sa gusto nila.

"What do you want?." Sinilip ko ang mga putahe na naroon.

Most of them are unfamiliar to me. Ang kilala ko lang ay iyong mga fried.

"What is this?."

Nanunuyang tumingin sa akin si Caden. Nahiya naman ako dahil katabi ko rin pala iyong isa sa mga salesgirl rito.

"Pasensya ka na. She's new here."

Si Caden na ang pumili ng order namin.

"Ano to?." turo ko sa nilapag ng waiter na naghatid ng unang order namin.

"Pinakbet."

"Pinakbet?."

Alam kung gustong niyang tumawa pero pinipigilan niya lang.

"Whatever."

Tinikman ko iyon. Hindi naman masama. But a new taste it is. Halos lahat ng inorder nito ay bago sa akin. I don't even know this food exist. Nang tingnan ko si Caden ay normal lang siyang kumakain habang nalilito pa ako kung ano ang nakahain sa harap ko. I am an adventuruous one kaya naman minsan ko na ring sinubukang mag-explore beyond the world I grow up pero not to the extent like this. Lalo pa at magkasabay kaming lumaki ni Daniel pero hindi niya hilig ang mga ganito.

Marami ang nakain ko. I can see how Camden look so amused of it. Ayaw ko siyang pansinin dahil naiinsulto lang ako.

"Do you like the food?."

"Yeah."

Kinakabisa ko naman ang mga nadadaanan namin pauwi. Gusto kong masanay sa lugar at nang makagala rin ako ng mag-isa. Kung kaya ko.

Pagka-uwi namin sa bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Troy. Nagpaalam muna ako kay Caden at tumambay sa gilid ng pool bago sinagot ang tawag.

"Scarlette Avery Young!." bungad niya.

"What?."

"Kumusta ka na?." pangangamusta niya.

"I'm fine."

I laid  down at the hammock beside the pool. Kahit mataas ng araw dahil sa mga matataas na puno sa paliligid ay nanatiling may kalamigan. Hindi rin tuluyang nakakapasok ang mainit na sinag ng araw.

"Enjoying your new life?."

"Trying."

"How was it so far?."

"Better. You know , we eat pinakbet kanina." Excited kung kwento sa kaniya.

"Pinakbet?." sa tuno nito ay mahahalatang wala rin siyang alam sa pagkain na iyon.

"Yeah. It's actually delicious." I end up telling him about all the new foods I eat. 

"At saka sobrang ibang iba ang lugar na ito. But it's beautiful and really relaxing.The farm is big and wide. I think you will like it here yourself. And I  found basketball a real fun. Sobrang galing maglaro ni Caden. The game was so intense. Na-excite ako grabe."

Sunod sunod na kwento ko sa kaniya.

"Woahh—Wait.. Your really enjoying. Baka naman nakalimutan mo na kami. Baka hindi ka babalik rito. Remember what I said." kumunot ang aking noo.

"What are you talking about?."

"It's quite dangerous to get used to things Scar."

"What?." Hindi ko siya naiintindihan.

"Ang sabi ko delikado kapag nasasanay ka na riyan. Baka mamaya , ayaw mo ng umalis sa huli. Gusto mo ng manatili riyan. Nasasanay ka riyan o kaya kay Caden. Be aware dahil baka gustuhin mo na lang na manatili kung nasaan ka."

"Well. Sa tingin ko mas mabuti naman rito. Caden's nice."

"Caden's nice?." nanunuya ang kaniyang boses.

"Sa totoo lang , kinakabahan ako sa nangyayari sayo ngayon."

"There's nothing you need to worry. I can handle myself."

"Well. It's up to you. Anyway , wala naman talaga akong balak na tawagan ka. May nangulit lang."

"May nangulit?."

"Scar.."

Hindi ko inaasahan ang susunod na tinig na aking maririnig.

"Daniel?."

"H-Hi.."

Napalingon ako sa aking gilid ng sumulpot si Caden. Sa kaniyang tingin ay batid kung narinig niya ang huling pangalang binanggit ko.

"Scar.." rinig kung muling pagsasalita ni Daniel sa kabila.

Hindi ko alam kung sasagot ba ako.

"You can talk to him." ani Caden at bumaba patungo sa palaisdaan.

"Scar—

Agad kung pinutol ang tawag at sumunod kay Caden. Naabutan ko siyang pinagmamasdan ang mga isda.

"Done talking to him?." tanong niya kahit nasa likuran pa niya ako.

Nagbutunghininga ako. "I won't talk to him."

"Why?."

"Mas mabuti iyon." sagot ko at naupo sa gilid at matamang pinagmasdan ang mga isda na lumalangoy sa tubig.

Umangat ang tingin ko sa kaniya nang mapansin ang titig nito sa akin. Iniwas niya ang tingin sa akin at pinukos sa palaisdaan. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay nasisinagan ang kaniyang mukha sa mumunting sinag ng araw na pumapasok sa kabila ng mga malabong na dahon ng mga puno.

It can't be denied how charming yet mysterious he is. As if like he was shining and glistening. I remember , sa tuwing nakikita ko si Daniel noon I always think he is the most handsome man. Ganoon siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao , nabubulag ka sa katotohanan. Umiiba ang mga pananaw mo na kahit mali , nagmumukhang tama.

"Do I need to come closer?." napakurap ako ng magsalita si Caden. Bahagya pa akong nagulat ng nakaupo na rin ito sa gilid ko at magkapantay ang mga mukha namin.

"You're staring at me."

"I don't." iling ko agad. He raise his eyebrows at me.

"I really don't. I'm just thinking about the fish." palusot ko at kunwari nalilibang sa panonood sa mga isda

"I look like fish now?." he asked mocking.

"Wala akong sinabi."

"You're weird."

"You're mysterious." bato ko naman sa kaniya.

"Did you charm Daniel like that?."  Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Excuse me? Hindi ah. He fall by himself. Kahit minsan hindi ako nagbigay ng motibo para magkagusto siya sakin."

"Hmm. He fall out of love on his own?."

Gusto ko mang iwasang pag-usapan iyon. Wala akong magagawa.

"He said he still love me."

"Do you think so—

"Can we just stop talking about him?." putol ko sa kaniya.

He shrug and ended up putting the topic off.

"Kapag ba nangyari sayo ang nangyari sakin. Anong gagawin mo? Would you leave her? Would you marry another woman to move on? Would you hate her or love her still?." Muli ko siyang nilingon.

Nakapamulsa itong nakatayo habang seryosong nilingon ako.

"It will depend. If she want to stay , I'll let her. Pero kung sa iba na siya masaya , I have no right to keep her."

"When she reasoned out that it was mistake and she was drunk. Would you believe her? Despite of what happened , will you forgive her?."

"Why are you asking stuff like that?."

I shrug. "Gusto ko lang malaman."

"Kung ako ang nasa kalagayan mo , iyon ang gagawin ko. But it will not happened."

"Paano ka nakakasiguro?." tanong ko.

He met my gaze full with certainty.

"I'm possessive Avery. My woman is mine and mine only. Once she fall for me. I won't let her fall for another guy." It sound like a threat to me.

Lucky for me I'm not his. Am I?