100 Years Later
THE once-thriving ecosystem and cities had gone since fallen silent, traded by the resilient yet weary community within the fortified walls of Mt. Apo's government camp called Sentinel Peak. It had been a century since the world was permanently changed by nuclear devastation, and the memories of those who first faced the apocalypse had become the legends that guided their descendants.
Lahat ng bata sa Sentinel Peak ay nasa loob ng isang silid kung saan sila ay nag-aaral tungkol sa lahat ng dapat nilang matutunan, na kagaya lamang noong panahon kung kailan hindi pa nangyaring pagsabog. Iilan lamang ang nagawang makaligtas mula sa Davao del Sur, ayon sa nalalamang impormasyon ng kampo. Simula noong nangyaring insidente nang iniligtas ng Sentinel ang grupo ng survivors mula sa Haven's Refuge, ay hindi kailanman na ulit lumabas ang sinuman sa Sentinel dahil sa natuklasan nilang mga kakaibang mutation na nangyayari sa mga hayop. Inaasahan nila ang iba pang posibleng nangyari sa ibang hayop at kung ano ang epekto nito sa tao. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang mga teyoryang nabubuo sa loob lamang ng mga mautak na survivors mula sa Sentinel Peak.
Professor Amado Torres, a direct descendant of one of the original heroes, stood before the entire class. He was the only teacher left alive, though he had not received any academic recognition due to the absence of institutions to award him one. In Sentinel, he earned his title not through formal education, but because of his vast knowledge and his passion for reading, making him the sole bearer of the books he had devoured. However, it was an intelligent and kind-hearted doctor, Dr. Len Mae Santos, who had taught him everything he needed to know.
"Professor?" A young student raised his hand.
Professor Amado pointed to the student. "Yes, Justine?"
"What happened to her?" the student asked, curiosity evident in his voice.
"She passed away a long time ago," the professor's voice took on a somber tone, but then he shifted smoothly as he made an announcement. "As many of you already know, we will be celebrating the one-hundredth anniversary of the Sentinel Peak Camp tonight!"
Lahat ng bata ay nagsigawan sa saya at kasabikan. Nakapagdesisyon siya na itigil na ang klase sapagkat malapit na rin naman ang oras.
"Okay, little sentinels. Let's end our class early for today, so you can all prepare yourselves for the party later." He bitterly smiled, trying to hide the ache of the past.
Habang palabas na ang ma estudyante niya, niligpit niya muna ang kaniyang mga gamit bago siya lumabas ng silid-aralan. Sa kaniyang paglalakad sa pasilyo, makikita ang tila isang moderno at maayos na pasilidad na nasa ilalim ng lupa. Ang mga pader ay pininturahan ng makintab na kulay pilak, nagbibigay ng malinis at maaliwalas na hitsura. Ang sahig ay tinakpan ng mapuputing tiles na nagdaragdag sa kalinisan ng lugar, habang ang mga fluorescent light sa kisame ay naglalaan ng maliwanag at pantay-pantay na ilaw.
Sa magkabilang gilid ng pasilyo, makikita ang mga silid na may makakapal na salamin, nagbibigay ng malinaw na tanawin sa loob ng bawat kuwarto. Ang mga pintuan ng bawat silid ay may mga electronic lock, na nagbibigay-diin sa seguridad at modernidad ng pasilidad.
Ang bawat hakbang sa pasilyo ay tila nagpapatunay ng maingat na pag-aalaga at regular na pagpapanatili ng lugar. Ang hangin ay sariwa, pinanatiling malinis ng isang advanced na ventilation system. Ang kabuuan ng pasilyo ay nagpapakita ng organized system and high level of technology, isang simbolo ng katatagan at kahusayan ng mga tao sa loob ng Sentinel Peak Camp.
Napahinto si Professor Amado sa tapat ng silid at napatingin siya sa projection sa harap ng klase. Ito ay ang outside and inside structure ng Sentinel Peak Camp. Pinag-aaralan ng mga aspiring soldiers and security ang tungkol sa estruktura ng camp sapagkat ito ay may malaking ambag sa kanilang kaalaman upang mas maging maalam sila sa pasikot-sikot kaysa sa mga sibilyan.
The Sentinel Peak Camp is an impressive and formidable structure designed to ensure the survival and safety of its inhabitants. The camp is strategically located on the slopes of Mt. Apo, utilizing the natural terrain for both defense and camouflage. The outer perimeter is secured with high, reinforced concrete walls topped with barbed wire and surveillance cameras. Guard towers are positioned at regular intervals, manned by armed personnel wearing complete personal protective equipment who have passed a rigorous training period and are granted access to specific assigned areas. These guards maintain a vigilant watch over the surroundings. The entrance is a massive steel gate, fortified and controlled by a sophisticated access system to prevent unauthorized entry.
Upon entering the camp, one is greeted by a bustling community that has adapted to life underground. The main hallway is richly designed, with walls painted in a sleek silver color that reflects the ambient light, giving the area a bright and modern sense. The floor is covered in pristine white tiles, meticulously maintained to ensure cleanliness. Fluorescent lights on the ceiling illuminate the hallways uniformly, creating a well-lit environment that contrasts with the harshness outside.
Thick glass windows line the walls of various rooms, providing a glimpse into the different activities within the camp. These rooms serve multiple purposes, including living quarters, laboratories, classrooms, and recreational areas. The glass is not just for transparency but is reinforced to provide additional security and soundproofing.
Each section of the camp is interconnected by a series of wide corridors that allow for easy movement of people and supplies. The infrastructure is designed to be self-sustaining, with areas dedicated to agriculture, water purification, and energy generation. Advanced filtration systems ensure that the air remains clean and free from any residual radiation or contaminants from the outside world— "It is very important for us soldiers to learn the structure of the camp, dahil tayo ang mangunguna sa lahat ng bagay upang mapanatiling maayos ang loob at labas ng camp," sabi ng isang matikas at mapanlikhang lalaki.
Sergeant Marco Reyes, nakalagay na pangalan sa kaniyang uniporme, tactical leader of every rescue mission. Matapang at matalino, siya ay isang lider na handang protektahan ang kaniyang koponan sa lahat ng oras, ngunit palaging may bakas ng pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata, dala ng mga personal na suliranin na kaniyang dinadala. Siya ay kilala sa kaniyang matatag na paninindigan at hindi natitinag na dedikasyon sa kaniyang tungkulin. Sa bawat hakbang, ipinapakita niya ang kaniyang pagiging mapagkakatiwalaan, laging handang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba.
"Hey, Professor!" Hindi namalayan ni Professor Amado ang paglabas ni Seargeant Reyes, kung kaya'y muntikan na siyang matumba nang bigla siya nitong tinapik sa kanang balikat.
"Uy, Marco!" tugon ni Professor Amado habang inaayos ang kaniyang suot na salamin. "Hindi ko namalayan na nandiyan ka na pala."
"Bakit parang malalim yata 'yang iniisip mo, ha?"
"Ah, wala. May iniisip lang ako," pagdadahilan ni Professor Amado, kahit kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagsisinungaling.
"I know you since we were kids, Am, kaya hindi mo maitatago sa akin iyang iniisip mo."
Hindi nagsalita si Professor Amado at nanatiling tahimik lang habang nakayuko.
"Alam ko na… Iniisip mo na hindi mabuti ang gagawing selebrasyon mamayang gabi. Hindi ba sinabi ko na sa 'yo… Ang sabi ni Commander…" Inakbayan ni Seargeant Reyes si Professor Amado. "Ayos lang daw na gumamit ng ilang baterya at kuyente para sa ika-one-hundredth year ng Sentinel Peak." At sinimulan nila ang paglalakad. "At saka—"
Hindi natapos ni Seargeant Reyes ang kaniyang pagsasalita nang biglang nawalan ng kuryente sa buong Sentinel, subalit agad din naman itong bumalik segundo lamang ang itinagal.
"We are losing power, Marc. Four times. Apat na beses na itong nangyari sa loob lamang ng dalawang araw." Inalis ni Professor Amado ang kamay ni Seargeant Reyes mula sa pagkakaakbay nito sa kaniya. "At kung itutuloy ni Commander Reyes ang celebration mamaya, tiyak na hindi aabutin na matapos ang buwan na ito," seryosong sabi nito.
Nagkatitigan lang sila hanggang sa nagpasya si Seargeant Reyes na makipag-usap sa commander upang maiwasan ang posibleng krisis na sinasabi ni Professor Amado.
PUMUNTA si Professor Amado sa kanilang quarter upang iwan ang kaniyang mga gamit at nagmamadaling nagpapalit ng damit. Dumating din ang kaniyang asawa, na nagtatakang nakatingin sa kaniya.
"May nangyari ba, sweetheart?" malumanay na tanong ng babae habang dahan-dahang lumapit mula sa likuran ni Professor Amado.
"Oh, umuwi ka na pala," tugon ni Professor Amado habang nagbibihis ng kaniyang pantaas na damit.
Nang hawakan ng babae ang kaniyang likuran, natapos si Professor Amado sa pagbibihis. Maingat niyang niyakap ang leeg ng kaniyang asawa at hinalikan siya sa labi. "I need to go now."
"Hindi ka aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang nangyayari," sabi ng babae na may maamong mukha.
"Dr. Aileen Santos, I promise I'll tell you everything soon," sagot ni Professor Amado habang pinipilit niyang mapanatili ang kaniyang kapanatagan. "But right now, I need you to focus on the project you're working. The human race is depending on you."
May pag-aalala sa kaniyang mga mata si Dr. Aileen nang hindi siya agad nakatanggap ng sagot. "Amado, please, don't keep me in the dark. If there's something serious, we should face it together."
Napansin ni Professor Amado ang pagkabahala sa mukha ng kaniyang asawa. Naramdaman niyang kailangan niyang maging tapat. "Okay, Aileen. The Sentinel is losing its power. Hindi kakayanin nito na paganahin ang lahat kapag naubusan na tayo ng electrical power. Kung mawawalan tayo ng power to control everything here… it will be the end of us."
Dr. Aileen's eyes widened. "Huh? Imposible ba 'yon? I mean, the last report I received from the engineering department, the power will last until ten years from now. Bakit biglang nagkaroon ng problema?"
"That is what I have to find out," sagot ni Professor Amado habang nag-aalala. "Pupuntahan ko si Raphael. Susubukan ko kung may makukuha akong sagot mula sa kaniya. It could be related to the radiation levels or something even more dangerous. We have to find out and ensure the safety of everyone here."
"Okay, but you have to promise me you'll be careful there," nagmamasid na sabi ni Dr. Aileen habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang asawa. "I don't want to lose you."
Niyakap ni Professor Amado ang kaniyang asawa nang mahigpit. "I promise you, Aileen. Nothing will happen to us."
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, dumiretso si Professor Amado sa elevator at pinindot ang button papunta sa pinakababa na floor level ng Sentinel—Thermal Power Plant. Pagdating niya rito, may dalawang security personnel ang nagbabantay sa labas ng pintuan.
"Good day, fine soldiers," bati ni Professor Amado habang lumalapit.
"Good day, Professor," sagot ng isa sa mga guwardiya. "May kailangan po ba kayo rito?"
"Oo mayro'n, kailangan kong makausap si Engineer Raphael. May mahalaga akong sasabihin sa kaniya," sagot ni Professor Amado.
"Naiintindihan po, Professor. Maaari na po kayong pumasok," sabi ng guwardiya habang binubuksan ang pinto.
Sa pagkakaroon ng magandang reputasyon ni Professor Amado at ng kaniyang asawa, may grant access sila sa lahat ng pribadong pasilidad sa Sentinel. Pumasok si Professor Amado at tinahak ang mahabang pasilyo patungo sa control room ng Thermal Power Plant. Pagdating niya roon, nakita niya si Engineer Raphael na abalang-abala sa pagmo-monitor ng mga makina.
"Engineer Raph," tawag ni Professor Amado.
Lumingon si Engineer Raphael at agad na lumapit. "Professor Amado, ano'ng maipaglilingkod ko sa inyo?"
"There is something I need to know about the status of the thermal power plant. Kung sasabihin mo na wala… you better not lie, Raph," sabi ni Professor Amado habang inaabot ang ilang dokumento.
"Matagal ko na ring gustong sabihin sa inyo ito, Amado. May problema tayo sa thermal power plant. Napansin namin ang pagtaas ng temperatura at hindi normal na galaw ng lupa. Mukhang may tectonic movement na nagaganap sa ilalim natin," paliwanag ni Engineer Raphael habang pinapakita ang mga graph at data.
"Kung gano'n, where not safe here anymore. Kailangan nating gumawa ng aksyon agad," sagot ni Professor Amado na puno ng pag-aalala. "Kailangan kong magpatawag ng board meeting para talakayin ito sa mga opisyal. May plano akong maglunsad ng ekspedisyon para humanap ng paraan upang makabalik tayo sa ibabaw at muling mamuhay."
"Susuportahan kita, Amado. Sabihin niyo lang kung ano ang kailangan," sagot ni Engineer Raphael.
"Salamat, Raph. Kailangan natin ng lahat ng tulong na makakayanan natin. I need you to be there and explain to them about what is happening here," sagot ni Professor Amado habang nagmamadaling lumabas ng control room upang ihanda ang lahat para sa board meeting.
Pagbalik niya sa itaas, agad niyang tinawag ang mga opisyal, kabilang na rito sina Commander Reyes, Dr. Aileen, at Engineer Raphael. At agad niyang inilatag ang kaniyang plano pagkadating nila.
"Thank you, leaders of the Sentinel, for coming with a short notice. May mahalagang bagay tayong kailangang pag-usapan." Tiningnan niya si Engineer Raphael, hudyat upang ibigay sa kaniya ang tsansa na magsalita. Tumayo muna siya sa gilid.
Pumunta sa gitna si Engineer Raphael, at saka nagsalita. "Ang ating thermal power plant ay nasa panganib dahil sa sudden tectonic movement sa ilalim natin. Dahil dito ay naaapektuhan ang geothermal reservoir na nagbibigay ng init sa power plant. Binago nito ang daloy ng geothermal fluids, nagbago ang pamamahagi ng init sa ilalim ng lupa, o nagdudulot ng pagbaba sa presyon ng reservoir, na nagreresulta sa pagbawas ng efficiency and output ng power plant," paliwanag ni Engineer Raphael sa harap ng mga lider ng Sentinel.
"Thank you, Raph." Bumalik si Professor Amado sa gitna at bumalik sa kaniyang upuan si Engineer Raphael. Tumango lamang si Engineer Raphael bilang pagtugon sa kaniya.
"So, I presume you have already a plan to offer—right, Professor?" sabi ni Commander Reyes, bilang pagsabat mula sa inilahad na paliwanag ni Engineer Raphael.
"Yes, Commander, I have. Kailangan nating maglunsad ng ekspedisyon upang makahanap ng paraan na makabalik tayo sa ibabaw at makapamuhay muli nang ligtas."
Nagsimulang mag-usap ang mga opisyal at pinag-aralan ang plano ni Professor Amado. Sa huli, nagkasundo silang lahat na suportahan ang kaniyang plano at maghanda para sa nalalapit na ekspedisyon.
"I will give you all the support for this expedition, Professor," sabi ni Commander Reyes, "under one condition."
Lumingon si Professor Amado sa opisyal, ang kanyang mga mata puno ng tanong. "Ano po ang kondisyon?"
"Kailangan nating siguraduhin na ang ekspedisyon na ito ay hindi magdudulot ng dagdag na panganib sa Sentinel Peak Camp," paliwanag ni Commander Reyes. "Dapat nating i-verify na ang ruta at mga hakbang na gagawin ninyo ay makakaapekto lamang sa labas at hindi sa ating mga kasalukuyang operasyon. Kailangan nating maglaan ng oras upang tiyakin na ang bawat hakbang ng ekspedisyon ay maayos na naiplano at nasuri."
"Naiintindihan ko po," sagot ni Professor Amado, "at gagawin natin ang lahat ng makakaya upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. Salamat po sa inyong suporta."
Nagpatuloy ang pag-uusap at pagpaplano upang mapanatili ang seguridad ng kampo habang sinisigurado ang tagumpay ng ekspedisyon. Ang mga opisyal ay nagbigay ng kanilang mga suhestiyon at pag-aalala, at si Professor Amado ay naglaan ng oras upang ayusin ang mga detalye ng plano.
Sa huli, handa na ang lahat para sa ekspedisyon. Ang bawat isa ay nagbigay ng kanilang pagsuporta at naglaan ng mga kinakailangang resources para sa misyon. Ang oras ay dumating para sa malaking hakbang na magdadala sa kanila sa isang bagong yugto ng kanilang pakikisalamuha sa ibabaw ng lupa.
In the end, everything was ready for the expedition. Everyone provided their support and allocated the necessary resources for the mission. The time had come for the significant step that would take them into a new phase of their interaction with the surface world.