webnovel

IKALABING-TATLONG KABANATA:

Kinabukasan, habang hindi pa mainit ang sikat ng araw ay nagpaalam ang kanilang tita Lara na pupunta siya ng palengke.Pero bago siya umalis ay hinabilan niya ang lahat na sama-sama silang maglinis ng bahay dahil may darating na bisita.

"Who will come?"matamlay na tanong ni Zyra, na agad namang napansin ng tita.

"Oh may lagnat ka nanaman ba?"nag-alala na tanong niya sa pamangkin, at saka siya nilapitan para hawakan ang noo.

"Hindi po siya nilakagnat,"sabat ni Raphael. "Nag-away po sila ni mommy kaya ganyan siya ngayon."

"Huh...bakit naman, tungkol saan?"mas lalong nag-alalang tanong ng tita.

Ipapaliwanag na sana ni Raphael kung anong nangyari nang biglang may tumawag sa kaniya.Aalis na pala sila kasama ang kapitbahay nila.Kaya nagpaalam na muna siya at mamayang pag-uwi niya na lang sila kakausapin.Bago siya umalis ay pinaalala niya ulit na maglinis sila.

"Ako na bahala sa kanila nay,"sagot naman ni Diego sa kaniyang ina, tumango ito at saka na umalis."Narinig niyo naman siguro yung sinabi ni nanay kaya tara na."

Napabuntong-hinanga na lang si Zyra dahil may gagawin nanaman sila.Habang itong si Ethan ay naalala niya si Zyra kahapon at napagtanto nito kung bakit siya umiiyak.

"Kaya pala nandon ka kahapon,"sabi nito sa kaniya.

"Tumahimik ka nga diyan,"naiinis na sabi ni Zyra na wala ulit sa mood, pero sabagay lagi naman.

"Chill ka lang,"sabi naman ni Ethan habang naka-stop sign."Ang sungit mo nanaman ha."

Pinatigil naman sila ni Diego dahil baka ang simple nilang biruan ay mapunta nanaman sa away.At isa pa ay madami pa silang dapat linisin bago dumating ang bisita.

A few hours later...

Habang naka-upo silang lahat sa balkonahe nagpapahinga pagkatapos maglinis ng kubo ay nakita nila ang isang tricycle na huminto sa harap.

Napatayo naman si Diego sa kinauupuan, "Oh si lola pala ang bisita natin ehh."

Agad siyang bumababa sa balkonahe at mabilis na lumapit sa kanilang lola para tulungan ito na magbuhat sa mga dala nito. Inalalayan din niya ito sa pag-akyat sa kubo at saka naman sumalubong sina Ethan at Raphael para magman.

Dahil sa ilang taon din na hindi nagkita sina Raphael at kaniyang lola ay natanong niya ito kung kilala pa ba siya nito.Tinignan siya ng lola na pilit inaalala kung sino ito.

"Sino ka ba?"tanong ng matanda."Apo ba kita?"

Napasimangot naman si Raphael nang marinig iyon at inisip niyang nag-uulyanin na ang kanilang lola.Ikukuwento na dapat niya noong bata pa siya pero hindi pa siya nakakapagsimula ay inunahan na siya ng lola.

"Alam ko, ikaw yung batang iyakin,"biglang natawang sabi sa kaniya."Joke lang yun ha, pero ang laki mo na din ngayon no."

"Lola naman ehh,"parang bata na sabi ni Raphael dahil akala talaga ay nakalimutan na siya nito.

Habang si Zyra naman ay nasa loob ng kwarto ay narinig niya ang ingay mula sa labas kaya lumabas muna ito.Paglabas niya niya ay nagulat ang mga nandoon ng makita ang mukha niya.

"Susmaryosep!"napasigaw na sabi ng kanilang lola."Bakit may multo dito umagang-umaga?"napa-sign of the cross na sabi pa niya.

Hindi naman naintindihan ni Zyra kung sino ang sinasabing aswang ng lola kaya natakot siya at nagpalingon-lingon.Nagsalita naman si Raphael at pinakilala niya ito na kapatid niya si Zyra.

"Yan ba si Zyra?"nagulat na tanong ng lola. "Eh bakit nagmukhang naman multo?"

"Anong klasing mukha 'yan?"sabi naman ni Ethan na nang-aasar.

"Wow ha, yung sayo ba is that even a face?" buwelta niya kay Ethan.

"Ate tanggalin mo kasi 'yan,"utos ni Raphael saka lang naalala ni Zyra na naglagay pala siya ng facial mask sa kaniyang mukha.

Inalis naman niya ang nakalagay sa mukha. Pagkaalis niya ay agad na siyang nakilala ng lola.

"Ikaw nga,"sabi ng lola."Ang laki mo na pala, ilang taon ka na nga ba?" Huli kasi siyang nakita nito ay bata pa siya.

"I'm 19,"maikli at mataray sagot niya.

"Anong masasabi mo lola?"tanong ni Ethan. "Masungit siya no, alam mo la laging akong inaaway niyan tapos sobrang arte pa."

Tinarayan lang siya ni Zyra,"Shut up!" sabi ni niya."Bata ka pa ba to report me,"dugtong pa niya kasabay ng nang-iinsulto mukha.

"Tignan mo oh lola inaaway nanaman ako," sumbong pa niya sa lola.

"Tigilan mo na kasi ang pang-aasar mo," pagbawal naman ng lola sa kaniya."Walang magandang mangyayari diyan."

Nang marinig 'yon ni Zyra ay pinagtaasan niya lang ito ng kilay dahil pati ang lola nila ay hindi naniniwala sa kaniya.

"Kawawa ka naman,"insulto ni Zyra."Ah walang naniniwala sa'yo."

"Ay talaga ba?"tanong ni Ethan habang naka-puppy eyes.

"Yak! What kind of face is that?"sabi ni Zyra sabay alis papasok sa kwarto para gawin ang kaniyang beuty routine

Pagsapit ng hapon ay lumabas si Zyra at nadatnan niya ang lola na umiinom nang kape sa balkonahe.

"Oh Zyra nandiyan ka pala,"sabi sa kaniya nito at saka siya inalok na uminom ng kape pero tumanggi siya kasabay na pilit na ngiti. Umupo naman siya sa silya katabi ng lola.

"Ano kamusta ang buhay?"tanong ng lola niya dahil narinig nito na nagkaroon sila ng hindi pagkaka-unawaan ng mommy nila.

"Okay naman po,"sabi niya na medyo nahihiya pang magsalita.

Natanong naman ng lola kung kamusta na din ang mommy nila.Pinipilit nitong idala ang usapan doon para malaman nito kung anong dahilan ng away nila.

"Alam mo apo lahat naman ng ginagawa ng mommy ehh para sa inyo din,"sabi niya kay Zyra."Ang dapat na gawin mo ay alisin mo yang galit dahil paano mo makikita ang pagmamahal ng mommy kung ikaw mismo ang humaharang?"payo sa kaniya ng lola.

Sandaling natahimik si Zyra sa sinabi ng kaniyang lola.Pagkatapos ay bigla siyang humarap sa lola at saka ngumiti.

Kinagabihan, pumunta muna siya sa bintana at napatingin siya sa kalangitan habang naiisip ang mga sinabi ng lola niya sa kaniya kanina.

Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulala na pala.Natauhan lang siya bigla nang marinig niya ang boses ng kapatid niya.

"Oh ate why are you still awake?"tanong sa kaniya nito habang kinukusot ang mga mata."May problem ka ba or what?"

"Huh?"nagulat na sabi nito."Ah wala naman nagpapahangin lang ako."

Dahan-dahan siyang tumayo para hindi magising ang katabi niyang si James at saka siya lumapit sa kaniyang ate.Pareho na silang nakadungaw ngayon sa bintana at tinitignan ang mga bituin sa langit.

"Ate tignan mo oh, may wishing star,"sabi niya."Mag-wish tayo dali."

Magkasabay nilang pinikit ang mga mata nila at binulong ang mga wish nila.

Pabulong na humiling si Zyra,"I wish that someday we will be okay."

Pagkatapos ay inaya na ni Zyra na matulog ang kapatid."Good night ate,"sabi niya bago bumalik sa kaniyang higaan, ganoon naman din ang sinagot ng ate at saka na kinuha nito ang kumot niya.