webnovel

DUNGEON ZERO [Tagalog]

The boy named Ziro Ifrich, A boy who destined to save there world from the demon lord. His father disappear because of unknown reason but, because of what happen his journey started and the truth has been revealed.

ZaiPenworld · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
22 Chs

Chapter 2

Chapter 2 - The Familliar

ZIRO

HINDI ako makapaniwala nang makita si Sora na bumagsak ang katawan dahil sa natamong sugat mula sa isang Minatour "Sora!!!" Napatakbo ako papalapit sakaniya ngunit agad ding napahinto ng makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa aking katawan. Binabalot ako ng asul na liwanag at para bang iyon ang nagbibigay saakin ng lakas. Napatingin ako kay Sora na nakangiti saakin, sakaniya nang-gagaling ang kapangyarihan na dumadaloy saakin.

"Ako ang dyosa mo kaya ako ang poprotekta sayo!" Mas namuo ang galit ko ng maalala ang mga sinabi ni Dyosa nung una kaming magkakilala "Sa susunod isama moko" Tama, buong buhay niya ay iniisip niya ako at ayaw mapahamak pero ako itong si Tanga na hindi inisip ang bagay naiyon. Ang iniisip ko lang naman ay ang sarili ko at hindi ang ibang tao.

Pinilit kong tumayo at inequip agad ang Dagger ko. Mula sa itaas ay nakita ko ang isang malaking dragon na papunta sa kinaroroonan ko. Mas hinigpitan ko ang hawak sa dagger ko at hinintay na makababa ang halimaw na papatayin ko. Sa unang pagkakataon ay makakalaban ako ng tulad niya.

Nayanig ang lupain ng makababa ang malaking dragon na nasa harapan ko ngayon. Halos mabiyak ang lupa na kinatatayuan ko dahil sa lakas ng halimaw na ito.

Nasa Lvl. 100 ito ngunit wala akong pake dahil ang nasa isip ko lang ay ang patayin siya upang makaganti. Tumakbo ako pasulong upang atakihin ito ngunit sinabayan ako nito kung kaya't napilitan akong iwasan ang bawat atake niya saakin.

Sa bawat atake ko sa halimaw at sa bawat sugat na natatamo niya ay hindi man lang ito natinag. Parang wala lang sa kaniya ang atake na aking ginagawa at patuloy lang sa pag-atake din saakin.

Ang tulad niyang halimaw ay may kahinaan kung kaya't hinanap ko ito hanggang sa madako ang tingin ko sa kaniyang puso na nagliliwanag. Napakagat ako sa labi at halos magdugo iyon. Bum'welo ako at tumakbo ng mabilis upang atakihin ang puso niya ngunit ginamit niya ang kaniyang dambuhalang pakpak upang patalsikin ako papalayo.

Halos mapunit ang damit ko dahil sa ginawa niya ngunit nagpatuloy parin ako sa pag-atake ng walang humpay. Kahit hindi ko mapuntirya ang puso niya ay patuloy lang ako sa pag-atake at pagiwas.

Nakahanap ako ng tiyempo na wala siyang depensa at iyon ay sa itaas. patakbo akong pumunta sa kaniyang likuran at dumaan sa kaniyang malaking buntot papunta sa kaniyang ulo. Itinusok ko ang aking dagger sa kaniyang dalawang mata at dahil sa ginawa ko ay gumawa ito ng ingay dahil sa sakit.

Pagkakataon ko na ang bagay na iyon at itinusok ang dagger ko sa kaniyang puso. Paulit-ulit ko iyong ginawa na para bang hindi iyon sapat saakin at gusto ko pa siyang patayin ng paulit-ulit. Bumagsak ito at wala ng buhay, Ngunit ang galit ay namumuo parin saaking puso.

Hindi ko namalayan na yakap-yakap na ako ng kung sino na para bang pinapatigil ako.

"Tama na yan" Naglaho ang galit ko nang marinig ang boses niya. "Sapat na ang ginawa mo para saakin" muli nanamang tumulo ang luha ko dahil sa saya. Hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit si Sora. Sa isang buwan na kami ay magkasama, napalapit na din ang loob ko sa kaniya. Siya nalamang ang natitira kong pamilya kaya ayokong mawala pa siya katulad ng pagkawala ng aking ama:

Nasa 10 taon palang ako ng iwan ako ng aking Ama dahil gusto niyang puntahan ang iba pang lugar na hindi pa napupuntahan ng iba. Umalis siya at iniwan ako sa simbahan, namuhay ako ng mag-isa hanggang sa anim na taon na ang lumipas ngunit hindi man lang niya ako binalikan. Napagdesisyunan kong maging Adventurer upang hanapin siya ngunit hindi kona talaga siya makita pa.

Pabalik na ako sa simbahan ng matanaw ko ang isang babae na papasok sa simbahan na tinutuluyan ko. Nagliliwanag siya na parang bituin at ang mahaba nyang buhok ay tinatangay ng malakas na hangin.

Dahil sa kuryusidad ay sinundan ko ito hanggang sa makita ko ito na nakatingin sa isang malaking istatwa na nasa loob ng simbahan. Nakatingala siya doon hanggang sa mapadako ang tingin niya saakin ng maramdaman niya ang presensya ko.

"S-sino ka? bakit ka nandito?" nanginginig ang boses ko dahil sa itsura niya ay para siyang ispirito. Nginitian lang niya ako at kinawayan.

"Kamusta?! ako ngapala si Sora, Isang Diyosa. Kinagagalak kitang makilala!" masigla ito at masiyahin kung kaya't hindi kona namalayang napangiti narin ako sa kaniyang ngiti.

"Ako ngapala si Ziro Ifrich, kinagagalak din kitang makilala" Gumaan ang loob ko dahil sa mga ngiti niya. Lumapit ito saakin at Inilagay ang kamay niya saaking dibdib. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya. Ilang minuto lang ay biglang may isang nakakasilaw na liwanag ang nilikha niya. Ilang sandali lang din ay nawala rin ang liwanag na iyon.

Kinapa ko ang sarili ko upang makasiguro na kumpleto pa ang katawan ko at buti nalang at walang nangyare saaking kakaiba. "Ano bang ginawa mo?! nanghahawak ka ng walang pahintulot!" napasimangot naman siya at nagpamewang.

"Tayong dalawa ay magkakonekta, ako ang yong Familliar na gagabay at poprotekta sayo" Pagmamalaki nito. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng puting dress na lampas tuhod at ang buhok niya ay naka pony tail masasabi kong maganda siya.

"Ako ang lalaki dito kaya dapat ako ang poprotekta sa babaeng tulad mo" Pinagtaasan niya ako ng Kilay at ako naman ang inusisa niyang mabuti at mahina na natawa.

"ako ang Dyosa mo kaya ako ang poprotekta sayo!" inilapit niya ang mukha niya at inusisa ang mukha ko "mukha kang lampa kaya ako ang magbabantay at gagabay sayo"

Nakakainsulto man ang sinabi niya ngunit nginitian ko nalang siya. Ewan koba sa sarili ko kung bakit nginitian ko lang siya basta ang alam ko masaya ako.

"Hindi ka lang pala Lampa, baliw ka din" napakamot nalang ako sa ulo at marahang natawa sa sinabi niya. Kakaiba ang babaeng ito dahil parang may dalawa siyang katauhan. Ang isa ay ang masayahin at palakaibigan, At ang isa naman ay Masungit at mataray.

Sobrang saya ko nang dumating siya sa buhay ko dahil siya ang nakasama ko nung mga araw na nahihirapan at masaya ako. Wala ng iba kundi siya lang. Magkasama kami sa paghahanap sa aking ama ngunit sadiyang hindi namin siya mahanap, Hinanap namin siya sa Dungeon pero wala talaga. Isang katanungan ang matagal ng bumabagabag saakin, Ano yung sinasabi ni Ama na lugar na hindi pa napupuntahan ng iba?

---

mahigpit ko siyang niyakap habang patuloy parin sa pag-iyak "Sorry talaga Dyosa!!" yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa kanuya. Wala akong pake kung nagmumuka akong bakla basta masaya ako. Akala ko talaga patay na siya pero maling akala lang pala.

"Z-ziro!" Kumalas ako sa pagkakayakap ko ng mapagtanto na nasasakal napala si Sora sa ginagawa ko "PAPATAYIN MO TALAGA AKO 'NOH?!!" Napakamot ako sa ulo at humingi ng humingi ng tawad sa kaniya.

"Teka! ayos kalang ba?!" Nataranta ako ng maalala ang kalagayan niya. Inusisa ko siya kung may sugat ito ngunit bigla nalamang iyong nawala na parang wala lang. "Huh? anong nangyari sa sugat mo? hala! hala!" hinanap ko yung sugat niya kaso wala naman akong nakita. Dahil sa pinag-gagawa ko ay nakatanggap ako ng batok mula sa kaniya.

"Sira na talaga ang ulo mo! Diyosa kaya ako!" Nagpamewang ito at pinagmalaki na isa siyang Diyosa. Natawa nalang ako sa inaasal niya na parang bata. Nakalimutan kong isa siyang Immortal kung kaya't mabilis na naghihilom ang sugat niya. "Marami din akong nagamit na kapangyarihan kaya ilang araw kong hindi magagamit yon, lalo na't pinahiram pa kita ng natitirang kapangyarihan ko.

"Pano mo nagawang matalo ang dragong iyon?" napadako ang atensiyon namin sa isang babae na may Dilaw na buhok, siya yung nagligtas saakin sa Dungeon.

hirap itong makatayo pero pinipilit niya, ginagamot na din siya nung bata.

"A-anong ibig mong sabihin?" napapikit ito at nawalan nalang bigla ng malay. Bago paman ito bumagsak ay nasalo ko ito agad. "H-hoy! gumising ka!"pinipilit ko siyang gisingin ngunit walang epekto.

"Masiyado niyang inabuso ang katawan niya kaya tuloy nawalan siya ng malay" Sabi nung Bata na gumagamot sa kaniya "Hindi umeepekto ang Mahika kung kaya't pahinga lang ang kailangan niya" tiningan niya ako at nginitian. Ang cute nya! "Ako ngapala si Miya Everhart, ikaw naman si...?"

"Ziro, Ako si Ziro Ifrich at siya naman si Sora ang Familliar ko" Kinawayan niya si Sora pero nginitian lamang siya nito. Tipid naman nito.

"Kung ganon katulad ka din ni Antoneth!"

Napakunot ang noo ni Sora, kahit ako ay ganon din "Si Antoneth ang Familliar mo?" tumungo-tungo lang si Miya sa tanong ni Sora "Swerte mo dahil isa sIyang magaling na BlackSmith"

"Blacksmith? Baka pwede tayong magpagawa sa kaniya ng Dagger Dyosa, Pleaseee" Nagmakaawa ako kay Sora pero Nakatanggap lang ako ng batok mula sa kaniya. Sira nadin ang Dagger ko at isang atake nalang ay masisira na ito.

"H-hmmmm" Napatingin kami sa babaeng nasa bisig ko ngayon na mukhang magigising na. Sa paghihintay sa pag-gising niya ay biglang kaming nakarinig ng tunog ng bakal.

Napadako ang atensiyon namin sa grupo na nagsidatingan at base sa kanilang kasuotan ay sila ang Arc knight at kasama pa nila ang mga kawal ng palasyo.

"Tch! laking gulo naman itong nangyare" sabi ng isang lalake na may dark blue na buhok at mukhang mas matangkad pa ito saakin. Meron itong buhat-buhat na napakalaking espada na kasing laki lang niya. May isa pa itong kasama na isang babae na may itim na buhok at ang iba ay mga Kawal na. Bakit ba kung kailan tapos na ang lahat ay dun naman sila dadating?!

Napatingin ako kay Sora na nakakuyom ang kamay at nakatingin sa mga taong dumadating. Nagkatinginan sila Sora at yung lalaki na may Dark blue na buhok na para bang magkakilala sila. "Diyosa? may problema ba?" Hindi ako nito sinagot na para bang wala itong naririnig. Ano kayang nangyayari kay Dyosa? Binuhat ng mga kawal ang babaeng nasa bisig ko at Dinala sa loob ng palasiyo. Hindi kona naitanong ang pangalan niya dahil nadin sa bilis ng pangyayari.

"Halika na." Hinila na ako papaalis ni Sora at ramdam ko na wala siya sa mood kaya hindi ko na muna ito tinanong sa koneksiyon niya sa

lalaking iyon. "Sandali!!" napatigil kami nang tawagin kami nung lalaking may dark blue na buhok. "Sumama muna kayo saamin"

Nakatungo lang si Sora kaya ako nalang ang humila sa kanIya papunta sa Palasiyo. Ngayon palang ako makakapasok sa palasiyo dahil hindi pinapahintulutan ng mga kawal na pumasok ang kahit sino lalo na't maraming masasamang loob pero ngayon ay naka pasok na ako.

Napakalaki ng lugar na ito na para bang maliligaw ka kapag naengganyo ka sa pagtingin. Napatigil kami sa isang malaking pinto na gawa sa ginto at ilang saglit lang ay may mga kawal na nagbukas non para saamin. Halos bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang makita ang hari sa aming harapan. Nakaupo ito sa kaniyang malaking trono at sa Red carpet naman ay may nakapalibot na mga kawal.

"Nabalitaan kona isang Rookie ang nakatalo sa isang Dragon" Nakakakilabot ang boses niya na parang ano mang oras ay mapapatay ka niya. Tumayo ito at tinitigan akong mabuti at inusisa "Malamang ay ikaw iyon, tama ba?" nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang tinutukoy niya at nang mapagtanto na ako pala iyon ay nataranta ako at nagbigay galang sa hari.

"A-ako nga po! M-mahal na hari"

"Kamukha mo sya..." Napatingin ako sa hari habang may pagtataka sa kaniyang sinabi. "Kalimutan mona, Sandro dalhin mo nalang sila sa meeting room niyo" Lumuhod si Sandro upang magbigay galang at hinatid na kami sa Meeting room 'daw'.

May kakaiba sa tingin ng hari, hindi ko masabi kung ano iyon pero may kakaiba akong naramdaman. Ano kaya yung sinasabi niyang 'sya'?

Tahimik lang kami ni Sora habang nakaupo sa isang Long table kasama ang Arc knight. Nagpakilala sila saamin isa-isa at ganon din ang ginawa namin. Ilang oras nading tahimik si diyosa kaya hindi ko mapigilan na mag-alala sa kinikilos niya dahil simula nung makita niya si Sandro ay hindi na ito umiimik.

Lagi siyang tulala at kung may gusto namang sabihin ay napapatigil at tinitikom nalamang ang bibig. Meron ba akong hindi alam?

"Dyosa," nang tawagin ko ang pangalan niya ay dun lang siya tumingin saakin. "Ayos kalang ba?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Ngumiti ito saakin at tumungo bilang sagot, alam kong hindi siya ayos pero wala naman akong karapatang pakialaman siya sa pinoproblema niya. "Wag kana mag-alala, may iniisip lang ako" muli itong yumuko at tumitig lang sa kamay niya. Napadako ang tingin ko kay Sandro na titig na titig kay Sora na para bang tinutunaw siya non gamit ang tingin.

Isang kawal ang dumating at hingal na hingal itong pumasok. " Si Binibining Riku ay Gising na!" Napatayo ang Arc Knight dahil sa gulat sa balita ng Kawal, lahat sila tumayo bukod kay Sandro na malagkit parin ang tingin kay Sora.

"Ziro, pupuntahan moba si Riku?" Napailing nalang ako sa tanong ni Frey. May kailangan pa akong gawin sa oras na ito.

"Dyosa, kung dalawin mo muna si Riku para malibang ka" Tumungo nalang si Sora at naglakad kasabay ng iba. Tanging kami nalang dalawa ni Sandro ang natitira dito sa loob ng kwarto at ngayon ay magkatitigan na kami. "Angas mong makatingin ah! gusto mo bang mamatay?!" banta nito saakin ngunit hindi ko iyon pinansin. Alam kong pangingialam na ang ginagawa ko pero sa oras na ito ay si Sora ang iniisip ko, ayokong makitang malungkot siya sa bagay na hindi ko alam ang dahilan.

"Anong koneksyon nyo ni Sora?!" Napangisi ito ng itanong ko ang tungkol kay Sora. Wala akong pake sa pusiyon niya o sa Lebel niya, ang gusto kong malaman ay kung ano ang meron sa kanila ni Sora.

"Hindi paba nasasabi ng babaeng yon?" Napakuyom ang kamay ko dahil nakakaloko ang ngiti niya. Susuntukin ko talaga siya pag ginago niya ako. "Kung gusto mo malaman, labanan mo muna ako" sa bawat pagbigkas niya ng salita ay may pang-aasar sa kaniyang boses na naging dahilan ng pagkainis ko. Hindi na ako nakapagtimpi pa at sinuntok siya ngunit nasalo naman niya ito. "WHAHAHAH! Wag masyadong mainit ang ulo mo"

"Wag mokong Ginagago! Sabihin mona ang gusto kong malaman! Anong koneksiyon niyo ni Sora?!" Gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi na parang nang-aasar pa ulit ito saakin.

"Si Sora lang naman ang," hinintay ko ang isasagot niya at parang may malalaman akong hindi ko magugustuhan. Mukang mali ata na itinanong ko pa ang koneksiyon nila dahil iyon ang gumimbal saakin.

"Familliar ko."