Chapter 3 - That mysterious Woman
THIRD PERSON
SA loob ng Dungeon sa pinaka itaas na palapag ay may matatagpuan kakaibang lugar. Napakadilim sa loob kahit umaga naman sa labas. Palibhasa ay hindi sila sanay sa liwanag kung kaya't nagtatago sila sa madilim na lugar na iyon. "Magaling ang ginawa mo." Isang ngisi ang gumuhit sa labi ng isang lalaki na may malaking pangangatawan at ang buhok niya ay napaka haba na umabot sa kaniyang bewang. Kulay puti iyon at ang katawan nya ay nababalot ng itim na tatoo. Meron itong napakalaking sungay na kayang makapatay ng kahit sinong nilalang. S'ya ang Demon Lord na s'yang hari ng lahat ng halimaw sa buong Dungeon.
"Nag-uumpisa pa lang ako, sa susunod ay makikita na natin ang tunay na lakas niya." Napatingin ang pinuno nila sa babaeng na sa harap niya ngayon na siyang nagpasimula ng kaguluhan sa Main Square.
"Magkapareho talaga sila, kainis!" Sambit ng Demon Lord at may diin sa huling salita na kaniyang binigkas. May pagka-irita sa kaniyang mukha dahil naalala niya na naman ang lalaki na kamuntikan ng maputol ang kaniyang sungay.
Hindi tanggap ng Demon Lord na may kapantay siya sa kapangyarihan pero wala siyang magagawa dahil ang lalaking tinutukoy niya ay mas malakas sa kaniya.
Sumilay ang ngisi sa labi ng babae at handa na upang pumatay. "Papatayin ko siya para sa iny—" Naputol ang kaniyang sasabihin ng magsalita ang kaniyang pinuno. "'Wag mo siyang pakialaman," Galit niyang nilingon ang babae. "Sa akin ang anak ni... Zeron." May alinlangan pa sa boses niya ng sabihin niya ang pangalang 'Zeron'
Sa loob ng palasiyo ay naroon si Ziro na hindi pa rin makapaniwala sa rebelasiyong nalaman niya mula kay Sandro. Hindi niya tuloy maisip ang rason kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Sora ng makita ang lalaking kaniyang ginabayan noon. Hindi niya lubos maisip kung bakit hindi ito sinabi sa kaniya ni Sora.
Nakalabas na si Sora sa lugar kung na saan si Sandro pero nasa dibdib pa rin niya ang kakaibang kaba. Hindi niya inakala na sa tagal ng panahon niyang hindi nakasama ang kaniyang dating ginagabayan ay makikita pa rin niya pala ito. Bumalik sa kaniyang ala-ala ang mga sandaling nakasama niya si Sandro.
Para siyang alipin kung ituring ng lalaki. Inabuso ni Sandro ang kapangyarihan na binibigay ni Sora sa kaniya. Hindi man lang niya naramdaman na isa siyang diyosa sa mga araw na 'yon dahil sa mga ginagawa ng binata sa kaniya at dahil doon napilitan ang itaas na hindi na magkakaroon pa ng familliar si Sandro.
At sa pag-alis ni Sora sa buhay ni Sandro ay doon din nabuo ang grupo ng mga Arc Knight, dahil sa sila ang pinakamataas na level ay sila lamang ang mga miyembro sa grupong iyon. Si Riku ay mayroon ding familliar na si Yuri. Si Yuri ay mahilig sa babae at hindi sa lalaki kaya paminsan minsan ay lagi siyang nakadikit kay Riku pero si Yuki ay kinulong muna ni Riku pansamantala para hindi makaabala. Ngunit kahit ganoon ang trato sa kaniya ni Riku ay hindi pa rin siya sumuko para lang magustuhan ng babae bilang familliar. Si Frey ay hindi nagkaroon dahil tumanggi ito sa alok. Si Miya naman ay mayroon, si Antoneth na itinuring na rin niyang ina at ito din ang nagtuturo sa kaniya ng mga mahika. Kaya gano'n na lamang ang kaniyang level at napasama sa Arc Knight
"Ayos ka na ba?" Biglaan ang pagsulpot ni Yuri sa loob ng silid kung saan nakaratay si Riku. "Bakit ka nandito?" Malamig nitong tanong. Kahit ganoon ang turing sa kaniya ng babae ay sobrang nag-alala pa rin siya sa kalagayan ng dalaga.
"Gusto lang kitang kumustahin." Umupo ito sa tabi ni Sora na kanina pa tahimik. Agad naman itong napansin ni Yuri. Kilala niya si Sora at alam niya ang nakaraan ng babae. Kahit labag sa loob niyang pakisamahan si Sandro sa loob ng palasyo ay ginawa niya pa rin para walang mangyaring away. Galit rin siya sa ginawa ni Sandro kay Sora pero pinilit niyang pigilan ang sarili.
"Ayos ka lang ba Sora?" Napaangat ang malungkot na mukha ni Sora kaya agad niya itong hinawakan sa kamay para kahit papaano ay hindi niya maisip na mag-isa lamang siya. "'Wag mo muna siyang isipin makakasama 'yan sa'yo."
"Salamat."
"Alam kong masakit ang mga ginawa sayo ni Sandro noon pero sana wag mona isipin yon dahil isa nalamang iyong Nakaraan" Muli nanamang naalala ni Sora ang nakaraan niya kasama si Sandro:
Walang tigil si Sandro sa pakikipaglaban habang si Sora ay nahihirapan dahil magkasabay ang pakikipaglaban at pagpapagaling kay Sandro sa tuwing nasusugatan ito ng mga halimaw. "Bilisan mo ngang babae ka!!" Galit na sabi ni Sandro sa Diyosa. Walang nagawa si Sora kundi ang sabayan ang bilis ni Sandro. Mahirap man ngunit tinitiis niya, nagbabakasakaling sa pagtulong niya ay bumalik ang dating Sandro.
Gabi na nang makabalik sila sa bayan ng Andoria, puno sila ng galos dahil sa mga nasagupang halimaw. Naubos nadin ang lakas ni Sora kung kaya't hindi na niya nagamot ang galos ni Sandro. Dumiretso sila sa Inn na tinutuluyan nila, may Bar sa unang palapag noon, sa ikalawang palapag naman ay doon makikita ang mga kwarto.
Pagpasok nila sa Inn ay tumambad agad sa harap nila ang mga nag-iinumang mga Adventurer. Lumapit si Sandro sa babaeng may dilaw na buhok at nakiinom sa kaniya "Ohh may babae ka nanamang kasama?" Bungad na tanong ni Riku.
"Si Sora lang yan." Nilagok ni Sandro ang malaking baso ng beer at nakihingi pa kay Yuri na ang iniinom ay isang galon na ata.
"Wooh! Mag-inom lang tayo WHAHAHA!" Lasing na si Yuri ngunit inom parin ito ng inom. Gusto mang umuwi ni Riku ay hindi niya maiwan ang Familliar niya. Lumapit ito kay Sora habang pa gewang-gewang pa "Hoy! Sora! Pahingi naman nung... ano mo" May kung ano syang hinuhulma sa hangin na parang malambotna bola.
"Tumahimik ka ngang Flat ka!"
Napatingin si Sandro kay Sora at tiningnan mula ulo hanggang paa. Ang damit nya ay marumi na at may mga konti pa itong punot. Napakunot si Sandro at sinigawan si Sora "Hoy Sora!! Tumaas kana nga! Kailangan pa nating magpunta sa Dangeon bukas!" Napayuko na lamang si Sora at sinunod ang binata.
Araw-araw ganon ang senaryo, Parang wala na siyang karapatang magsaya katulad ng mga adventurer na nasa Bar o kaya naman ay magpahinga ng buong araw at walang aalalahaning problema. Kaso dahil sa gustong mas lumakas ni Sandro ay hindi na niya nagagawa pa iyon.
Bigla nalamang siya napunta sa harap ng konseho sa isang iglap lang. Hindi nya alam ang dahilan kung bakit dahil wala naman sya g ginawang masama "Sora, matagal mo na din siyang kasama kaya siguro panahon na upang lisanin mo na siya"
"Kailangan kopa ng ilang araw, pakiusap."
"Pasensiya na, Alam mo naman ata ang sitwasyon mo sa lalaking yon. Hindi ka nya tinuring na Diyosa, para kang alilin nya. Hindi paba sapat na dahilan yon?" Umiling-iling si Sora. Ayaw nya pang iwan ang binata dahil hindi pa nya tapos ang misyon nya, hindi pa nya natutulungan ang binata na magbago muli.
"Ipagpatawad mo sana Mahal na Diyosa"
Wala nang nagawa pa si Sora kundi ang sumunod sa konseho at lisanin si Sandro. Hindi na niya nagawa pang magpaalam sa binata kung kaya't hindi nya alam kung ano ang mararamdaman nito.
ZIRO
Nakauwi na kami sa simbahan pero hindi pa rin nagsasalita si Sora. Kahit naman kausapin ko siya ay tanging iling at tango lang ang sagot niya kaya mas makakabuti siguro ay hayaan ko muna siyang makapag-isip-isip. Siguro ay dinaramdam pa rin niya ang dati niyang ginagabayan na si Sandro. Sinabi na sa akin lahat ng lalaking 'yon kung bakit gano'n na lang ang reaksiyon ni Sora ng makita siya ay dahil sa ginawa niya noon.
Pati ako ay hindi nagustuhan ang sinabi niya kaya matinding pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi siya masuntok at saktan ng paulit-ulit. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko dahil parang nasasaktan at nagagalit ako 'pag nasasaktan din si Sora pero dahil na siguro ito sa pagtanggap ko sa kaniya ng buong buo at sa pagturing ko sa kaniyang parang kapatid.
Naupo ako sa labas at pinakiramdaman ang paligid. Mahangin at matiwasay pero kakaiba ang atmospera. Nagpapasalamat na lang ako na hindi dito napunta ang mga halimaw na 'yon kung hindi ay wala na sana kaming matutuluyan at kahit pa naging level 17 na ako dahil sa pagpatay ko doon sa dragon ay hindi ko pa rin magawang sumaya.
Hindi ko alam kung paano napunta ang mga halimaw na 'yon sa sentro na dapat ay nasa dungeon lang kung saan sila kinukulong o baka naman ay nagalit sila dahil sa challenge na ginawa ni Felisha na puntahan ng pasikreto ang dungeon na 'yon na hindi malalaman ng mga kawal na nagbabantay.
Pinagmasdan ko ang kamay ko, naiisip ko pa din iyong kakaibang kapangyarihang dumaloy sa katawan ko. Para akong lumiksi sa kapangyarihang binigay ni Sora noong nasaksak siya ng Minatour. Ang alam ko ay ipinagbabawal 'yon sa itaas, 'yan ang sabi sa akin ni Sora no'ng mga araw na dito na siya tumira at kaya pala pinagbabawal na 'yon dahil baka maulit na naman ang nangyari noon kina Sandro.
Habang tahimik na nakamasid sa ulap ay biglang may babaeng sumulpot sa harap ko. Naningkit ang mata ko nang umupo ito ng walang pahintulot sa inuupuan ko.
"Iniisip mo siguro ang nangyari kanina," Mas lalong napakunot ang noo ko. Napaka hinhin niyang babae na para bang anghel "Ako nga pala si Freya." Halos pabulong na saad nito. Maitim ang kaniyang bilog na bilog na mata, pati na din ang buhok niyang hindi ko malaman ang istilo. Matangos ang kaniyang ilong at may mamula-mulang pisngi. Napaiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa'yo o masasayahan dahil may nagpakilalang babae sa akin."
"Bakit? Ngayon mo lang naranasang may nagpakilala sa'yo?" bahagya niyang itinabingi ang ulo niya at inilapat ang isang daliri niya sa kanyang labi. Bahagya kong iniling ang ulo ko. "Hindi naman, nagtataka lang ako. Hindi naman kita nakitang dumadaan dito." Umusod ako konti dahil medyo malapit ito saakin.
"Taga-sentro kasi ako at kasama ako sa lumaban kanina sa mga halimaw. Nakita ko kayong pumunta sa palasyo kung na saan nakatira ang mga Arc Knight kaya sinundan ko kayo papunta dito."
Bahagya ako napatawa. "Hindi ka pupunta dito kung wala kang kailangan sa akin." tiningnan ko siya ulit at hindi ko inakalang ngumiti siya kaya nakita ko ang maliliit n'yang pangil. "Tama ka, hindi ako pupunta dito kung wala akong kailangan. Mabuti man o," nawala ang ngiti niya. "Masama."
Huminga ako ng malalin at tumayo. "Umalis ka na." Umiling siya at tumayo rin. "Nasira na ang bahay ko dahil sa mga kagagawan ng mga halimaw kaya dito na muna ako."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Ano?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Hindi kopa sya nakikita sa bayan o baka sadyang misteryoso lang talaga siya.
"Narinig mo ako, dito na muna ako." Nauna siyang pumasok sa simbahan at ako naman ay natatarantang pinigilan siya "Hindi ka pwede dito may kasama ako." Mahina kong sabi sa kaniya dahil baka marinig kami ni Sora. Pwede naman kasi siyang tumira sa Inn pero bakit dito?
"Ang asawa mo?" Lumingon siya pagkatapos sabihin no'n. Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi.
"Mukha ba akong may asawa na?"
"Hindi naman, pero kung sino man ang kasama mo dito. Wala akong paki-alam." Dare-daretso itong pumasok na para bang siya ang may pagmamay-ari ng lugar na ito.
"Pakiusap umalis kana!" Hinarangan ko sya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "P-pasensiya kana pero kapag nalaman ng kasama ko na nandito ka baka mapatay ako nun" hindi nya ako pinansin at akmang lalampasan na ako ng muli ko siyang pigilan. Para kaming nagpapatintero sa pinaggagawa namin.
"Sige ganito nalang, kahit hanggang isang gabi lang" naaawa man ako ngunit hindi talaga pwede. Ayokong mabugbog ni Sora dahil nagdadala ako ng babae dito sa simbahan.
Nasa kwarto lang si Sora kaya sigurado ako na maririnig niya kami kapag nagpatuloy ito.